Sampung minuto nang naghihintay si Adrian sa ini-arrange na lunch date ng kanyang ina. Sa kauna-unahang pagkakataon na pinahintay siya ng ganito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ina. "Son, how is your date?" bungad nitong tanong sa kanya. "Mom, please don't do this again next time without my consent. Marami akong trabaho sa opisina, para hintayin ang babaeng sinasabi mo. Kung gusto mo talaga akong mag-asawa, let me choose mom, hindi yung kani-kanino mo lang ako niririto para lang magkaapo ka." masama ang loob niyang sagot. "I'm sorry, son. Promise this is the last okay? Hanggang ngayon ba wala ka pa ring natitipuhan?" napaupo siya nang matuwid dahil sa tanong nito sa kanya. "Actually, meron mom, but...hindi pa niya alam ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Kaya please, stop doing this kasi ayaw kong maging bastos sa mga babaeng 'to" paliwanag niya rito. Ngunit nagulat siya sa biglang pagsigaw nito sa kabilang linya, tinatawag nito ang kan
Nagulat si Luna ng may dumating sa kanya na maraming delivery. Kakarating niya lang sa kanyang inuupahang kwarto nang kinatok siya ni Tita Mel sa kwarto. "Iha, may mga delivery para raw sa'yo." saad nito at itinuro pa ang mga dalang bag ng delivery boy. "Po? Naku, hindi po ako nag-order niyan tita baka nagkakamali po ang nag-deliver." naguguluhang sabi niya. Ngunit tumanggi ang lalaki, dahil Luna Marie Salvacion daw ang nakalagay sa card. Binasa ito ni Luna. Pangalan niya nga ang nakalagay sa card. "Paki-receive nalang po maam." napatingin siya kay Tita Mel. "Pirmahan mo nalang iha, para makauwi na rin yang nag-deliver kasi magtakip-silim na." wala siyang nagawa kundi pirmahan ang papel na binigay ng lalaki.Pagka-alis ng delivery boy, napatuwid siya nang tayo habang nakatingin sa maraming bag na nasa kanyang harapan. "Sure ka ba iha na hindi ka um-order online? Baka nakalimutan mo lang." tanong sa kanya ni Melissa. "I'm pretty sure po. Nasa office po ako the whole d
"Good morning sir!" nakayukong bati ni Luna kay Adrian. Hindi niya alam kung paano niya umpisahang tanungin ito tungkol sa mga damit na binigay nito. "Good morning!" sagot nito sa seryosong tono. Dumiretso si Adrian sa loob ng kanyang opisina.Nagkatinginan naman sina Josie at Luna. "Anyare sa kanya?" nagtatakang tanong ni Josie. "Aba'y iwan ko!" sagot niya.Nagtataka si Josie dahil, sumagot itong hindi nakatingin sa kanila, agad-agad din itong pumasok sa opisina nito. Naninibago siya dahil hindi nito ugali ang maging snob. Sa tuwing babatiin niya ito noon, isang maaliwalas na ngiti ang sagot nito sa kanya, kahit wala itong sinasabi, napatingin si Josie kay Luna. Napansin ni Luna na nakatitig sa kanya si Josie. "What?" nakangiting tanong niya rito. "Hmm, tell me, there's something happened yesterday, right? You stay in his office for a long time. At paglabas mo, wala kana sa tamang huwesyo hmm?" pangungulit ni Josie.Naramdaman ni Luna ang biglang pag-init ng kanyang
Halos napapalingon ang karamihan paglabas nina Adrian at Luna mula sa sasakyan niyang gray na Bentley. Halos namangha ang karamihan sa akin niyang kagandahan. She wear, the limited edition silky black, off-shoulder mermaid silhouette gown design by Adrian's cousin Cathy. Bagay rin sa kanya ang lace hair design na ang mga tauhan ni Cathy sa salon ang may gawa. Dahil sa maganda na siya, isang simpleng make-up lang ang inilagay sa kanya ng mga ito. "Sir Adrian, okay lang ba talaga ang hitsura ko?" kinakabahang tanong niya. Ngumiti si Adrian sa kanya. "Don't worry, you are the most beautiful woman tonight." honest na sagot nito sa kanya. Inirapan niya lang ito. "Makapuri ka wagas, alam ko namang dahil sa sinamahan kita ngayong gabi, kaya ka puring-puri sa akin." "Believe me Luna, you're stunning tonight." sagot nito kapagkuwan. "Shall we go?" Tumango siya habang naka-kawit ang kamay niya sa braso nito. Maraming kumuha ng litrato sa kanila na mga media. Binigay naman ni Luna ang
Ten, twenty, thirty minutes na nakatayo si Adrian sa labas ng ladies restroom. Nagdesisyon na siyang pasukin ang restroom, dahil sa pag-alala na baka may nangyari kay Luna sa loob. Bubuksan na sana niya ang pintuan nang makasalubong niya si Luna. Halatang galing ito sa pag-iyak. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Don't worry, I'm fine."Alam ni Adrian na tinatago lang nito ang nararamdaman. Pinulupot niya ang kanyang braso sa baywang nito at giniya pabalik sa kanilang mesa. "Where is she?" tanong nito sa kanya nang hindi nito naabutan si Arianna sa table nila. "She already left, why?"Umiling si Luna. "Nothing," she sat down and breathe a sigh of relief. Kumuha si Adrian nang isang kopita ng wine sa dumaang waiter at iniabot kay Luna, dahil alam niyang kailangan nito iyon. Nakangiti namang tinanggap nito. "Thanks!"Pagkatapos nang speech ni Lucas Saavedra. Nag-umpisa ng dumami ang nagsasayawan sa gitna. Napatingin si A
Habang naglalakad papasok sa main entrance ng building. Walang pakialam si Luna sa mga nakakasabayan n'ya. Pagkatapos niyang itapat ang kanyang ID sa Automated Gate Pass System ng company, dali-dali s'yang tumakbo upang makahabol sa elevator.Sakay ng elevator pataas, nagtataka s'ya sa biglang pagtahimik ng mga kasamahan. Ang isa sumulyap sa gawi n'ya habang sinisiko ang isa. Hindi niya ito pinansin. "Lumalabas na ang tunay na kulay." bulong ng isa na naka-bangs. "Haler! Mukha n'ya papatulan ni Sir Adrian?" sagot naman ng isa. Hindi n'ya lang ito pinansin, dahil hindi s'ya sure kung sino ang tinutukoy ng mga ito. Mayamaya nagsilabasan na ang mga ito, hanggang sa s'ya nalang ang naiwan sa loob ng elevator. Pagdating niya sa taas, nang masilayan siya ni Josie ay agad s'ya nitong nilapitan kahit hindi pa sila nakakaupo sa kanilang upuan. "May problema ba Josie?" nagtatakang tanong n'ya.Tinitigan s'ya ni Josie. "Hindi ka ba nag-open ng social media account mo? Trending ka kasama si
Time flies so fast, they were getting ready for the company retreat na gaganapin sa isang resort na pag-aari nang pamilya ng kaibigan ni Adrian. While packing her important stuff, Luna recall what happened the other day. *** Habang kumakain sila ni Josie sa cafeteria narinig n'ya ang bulungan ng tatlong empleyadong babae na nasa kanyang likuran. "Ambisyosa kasi, kaya tingnan n'yo parang basang-sisiw sa tabi. Wala na s'yang maipagmamalaki ngayon dahil wala na ang ama n'ya maging ang mga kayamanan nila." as usual ang tatlong bruha sa elevator pa rin. Napailing siya habang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. Wish lang niya na hindi s'ya makarinig nang magpapakulo ng kanyang dugo. "You know her?" tanong ng isa. "Of course, ka-batch n'ya ang kapatid ko sa De La Paz University. Hindi naman yan nakatapos mula noong pinalayas yan sa mansion nila, pero bakit tinanggap pa rin siya ni Sir Adrian dito sa company." hindi na n'ya nilingon kung sino ang nagsalita, dahil sa boses palang n
Matagal na natulala si Luna habang nakatitig sa kawalan. Isang katok sa pinto ang pumukaw sa kanyang lumulutang na katinuan. Napatingin siya sa relo na nasa kanyang bisig. Mag-ala-una na pala nang madaling araw. Mabilis s'yang tumayo upang silipin kung sino ang nasa labas ng kwarto n'ya. Muntik pa s'yang nadapa dahil sa pagkasabit ng kanyang paa sa nakalaylay na kumot sa sahig na kanyang naapakan at tuluyan pa s'yang natapilok. "Aruy!" impit n'ya sa sakit, papilay-pilay na nagtungo siya sa pintuan. "Luna, okay kalang?" tawag sa kanya ng tao sa labas. "Yes, I'm fine," sagot n'ya at unti-unting binuksan ang pinto. "You need anythi...?" "Happy birthday!" hindi na n'ya natapos ang sasabihin sana, dahil nasorpresa s'ya sa mga kasamahan sa bahay maging si Tita Mel na may dalang cake. Sobra s'yang na-touch sa ginawa ng mga ito kaya napaiyak siya nang todo. Niyakap naman siya ng mga ito. Kahit ang kanyang ama ay hindi nagagawa ang ganito, kaya ito ang unang pagkakataon na mag-blo
Nagkatinginan ang mag-inang sina Arianna at Mercedes. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Napalingon si Mercedes sa paligid. Marami ng mga taong dumarating papasok sa restaurant. Kung mag-iiskandalo sila ngayon dito ay mas lalong magagalit si Adrian sa kanyang anak. Nanlalambot ang katawan at ramdam n'ya ang pawisang mga palad. Dahan-dahan nilang sinalubong ang matandang lalaki na matalas ang tingin sa kanilang dalawa. Nanggigil si Mercedes dahil ang akala n'ya ay p*t*y na ang matandang ito. Ngunit matikas pa rin ang tindig nito na nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakangisi. "Hayop ka! Ba't buhay ka pa? Ano na naman bang gusto mo?" galit niyang singhal sa lalaki. "Wala kang kasing sama! Alam kong ikaw ang bumaril sa akin! Magmaang-maangan ka pa? Hindi ko akalain na hindi mo tutuparin ang pangako mo sa akin, Mercedes. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ni Sir! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ang
Nakaupo at nakapatong pa sa tuhod ang baba ni Luna habang nakaharap sa mga manok at pato na pinapakain ng kanyang lolo sa kanilang bakuran. Mamasa-masa pa ang paligid dahil sa magdamag na naman na ulan. Tulog pa ang kanyang anak. Samantalang sila ng kanyang lola ay humihigop ng kapeng barako sa kusina. Bukas ang harapan ng kusina kaya makikita ang kanilang bakuran kung nasaan ang kanyang lolo. Nasanay s'ya sa kape na mano-manong ginawa ng kanyang lolo. Masarap kasi inumin sa umaga masyadong aroma. "Apo, hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" nagtatakang tanong ng Lola Sonia niya. Magkaharap silang nakaupo sa upuang yari sa kahoy habang humihigop ng kape. May pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. Naibaling n'ya sa mga manok ang kanyang tingin bago sumagot dito. "Mag-resign na ako sa hotel, La." diretso niyang sagot sa matanda. Naramdaman niya ang malungkot na tingin ng kanyang lola. "La, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Iiyak ako sige ka. Maaga pa." natatawa na maiiyak niyang sa
Biglang tumigil ang mundo ni Luna. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Pinaglalaruan ba s'ya ni Adrian? Bakit kailangan nitong gawin ang mga bagay na ito? Tahimik na ang kanyang mundo kasama ang anak. Mayroon s'yang maayos na trabaho sa hotel na ito para masuportahan ang kanilang anak. Pero bakit ngayon parang lahat ng ito ay unti-unting magbabago dahil lang sa lalaking ito? Naikuyom ni Luna ang kanyang kamao. Pigil-hininga na tinungga n'ya ang halos kalahating baso ng champagne sa lamesa. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa baso. Kulang nalang ay mabasag n'ya iyon sa galit. Hindi na n'ya pinatapos pa ang speech ni Adrian. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan. Nag-aalala namang susundan sana s'ya ni Hazel ngunit pinigilan n'ya ang kaibigan dahil nais n'yang mapag-isa. Dinala s'ya ng kanyang mga paa sa harap ng malaking landscape sa bandang likod ng hotel. Hindi siya masyadong makita ng mga dumadaan dahil may naka
Halos nagdadalawang-isip na pumasok si Luna kinabukasan. Matamlay ang kanyang pakiramdam dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Maingat s'yang tumayo upang hindi magising ang kanyang munting prinsesa. Kinintalan muna n'ya ito ng halik sa noo bago s'ya tumayo mula sa kama upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Inilagay muna n'ya ang susuotin para sa party mamaya sa isang bag saka mabilis na naggayak. Habang sakay ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep. Hindi n'ya mapigilan ang manalangin na sana ay walang mangyayaring katulad kagabi ngayong araw hanggang sa makauwi s'ya sa kanilang bahay mamayang gabi. Ayaw n'yang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang anak. Lalo na kapag si Adrian ang kanyang kaharap. Hindi pa nga dumating ang oras ng party ay kinakabahan na s'ya. Hindi n'ya maiwasang isipin na baka a-attend mamaya sa party ang lalaki. "Hey! Ready kana ba para sa party mamaya?" untag ni Hazel sa kanya habang abala s'ya sa pagtitipa sa kanyang computer.Nagkibit-balika
Biglang nahipnotismo si Luna nang makitang nakatitig si Adrian sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harapan. Hindi n'ya naramdamang iginiya s'ya nito papunta sa sasakyan nito. Ngunit nahimasmasan s'ya bago paman s'ya nakapasok sa loob ng sasakyan. "T-Teka! Mr. De Vera! Anong ginagawa mo?" nabigla n'yang tanong sa lalaki.Ngunit sa halip na sagutin s'ya nito ay bigla s'yang itinulak papasok sa front seat ng sasakyan. Napangangang sinundan n'ya ng tingin ang lalaki na umupo sa driver seat. Kibit-balikat itong tumingin sa kanya ng makita s'yang nakaawang ang bibig. "I told you earlier right? So... here we are. We need to talk, okay? What do you want for dinner?" sunod-sunod nitong saad habang naglalagay ng seatbelt.Saka na n'ya naalala ang sinabi nito kanina. Ang buong akala n'ya ay nakalimutan na nito iyon ngunit ...maling akala lang pala ang lahat. Anong gagawin n'ya? Magsisigaw s'ya upang makakuha ng atens'yon at nang makatakas s'ya sa lalaking ito? No, no, no ! Mali, mali! B
Nagulat si Luna nang may tumapik sa kanyang balikat. Bigla s'yang napalingon sa kanyang likuran. Nakita niya ang nagtatakang mukha ng kaibigang si Hazel. "Anyare saiyo? Bigla ka nalang natulala riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ha? Eh! Naalala ko lang ang nangyari kagabi." palusot niya rito. Napailing ito. "Girl, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon? I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam na magkakilala kayo ng pinsan ko." bahagyang lumungkot ang mukha ni Hazel nang maalala ang ginawa nito sa kanya. "Haist, mamaya na yang pag-e-emote mo riyan. Sayang ang make-up mo. Mukhang may pinaghandaan ka pa naman." nakangisi niyang sagot sa kaibigan. "Oi girl! Alam mo bang sabi ng mga marites dito na kasamahan natin napakagwapo raw ng bisita natin ngayon. At bukod doon, binata pa raw!" excited nitong balita sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Ano naman ngayon kung gwapo. May mapapala ba siya roon? Hiyaw ng kanyang isipan. Pero bakit iba ata
4 years laterMamasa-masa pa ang kapaligiran dahil sa magdamag na ulan. Parang tinatamad na maligo si Luna sa likuran ng bahay. Kung hindi lang dahil sa trabaho siguro makikita mo pa rin siya sa higaan ng mga oras na iyon. Kasabay ang malamig na ihip ng hangin sa bukid ay ang lamig na galing sa makapal na fogs na bumalot sa paligid. Kaya ang inaantok pa na si Luna ay nakaupo pa rin sa harapan ng lumang poso habang nagtatalo ang isip kung maliligo ba o hindi. Kasalanan talaga ng kanyang kaibigan kung bakit s'ya tinatamad bumangon ngayon. Nag-aalburutong sigaw ng kanyang isipan. "Sus maryosep na batang 'to. Alam mong napakalamig pipilitin mong maligo. Hindi naman siguro matsutsuge ang mga makakasalamuha mo kung wala kang ligo ngayong araw. Maghilamos kalang at maghugas para hindi ka ma-late sa trabaho." nagulat s'ya sa maagang sermon sa kanya ng kanyang lola Sonia. Naabutan kasi siya nitong yakap-yakap ang kanyang dalawang tuhod habang nakatitig sa kawalan. "Lola naman, kumukuha la
"C'mon, Adrian! Huwag kang masyadong paapekto riyan. Akala ko ba walang kayo! Bakit mukhang broken hearted ka!" natatawang biro ni Kyle sa kanya.Tinungga niya ang vodka sa kanyang baso. Dahil sa nangyari ngayong araw humantong siya sa bar at inaya ang kanyang tropa. "Ikaw ba ay naniniwala sa mga larawan?" tanong sa kanya ni Zedric. Napatingin siya rito. Naalala niya ang mga nakitang tagpo sa larawan. Ang paghawak ni Nolan sa kamay ni Luna at magkasabay silang naglakad patungo sa sasakyan ng lalaki. Pakiramdam niya umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. "Of course! Sino ba naman ang hindi maniniwala roon? Malamang magkasama sila ngayon. And they are living happily ever after." napipilitan niyang sagot.Biglang tumawa si Kyle sa tinuran niya. "Yun naman pala eh! Bakit parang sinakloban ka ng langit at lupa riyan. Akala ko ba okay lang sayo na makipag-date siya sa iba." tumatawang sabi ni Kyle sa kanya. Palibhasa playboy kaya walang pakialam sa serious relationship. Hindi pa k
Nagtatakang nilapitan siya ng kanyang mga magulang. Napatingin siya sa kanyang ina nang hawakan nito ang kanyang braso. "What's wrong, son?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Hinarap niya ito. Nakita niya ang labis na pag-aalala sa mga mata nito, ang balak niya sanang sisihin ito sa lahat ay naudlot. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinisil ang pagitan nito. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. "Bad news, mom." matipid niyang sagot. Tinapik siya sa balikat ng kanyang ama. "Are you okay, son? Parang may bumabagabag saiyo." "She left, dad. Maybe, I need to leave now. Baka sakaling maabutan ko pa siya. Bye, mom, dad!" dahan-dahan na siyang humakbang sa direksyon ng short cut na daan mula sa garden patungo sa malaking gate ng kanilang bahay. Naiwan sina Jenny at Dennis na walang imikan sa garden. --Balisa si Josie nang maabutan niya ito sa cubicle nito. Nagpalakad-lakad ito sa harap ng mesa. Agad niyang namataan ang papel sa mesa nito