FOLLOW ME ON EFBI PAGE: Oatkuforever12 Copypaste niyo lang po yang name na yan sa efbi para mahanap ninyo ang page. and if you like this chapters and still make you curious about their story. please give this a gem and a like. your comments and opinions are welcome to the comment section below. Thank you. Need to wait for the view na tumaas upang makita ko kung worth it pa ba ituloy sa GN :) any song for wt,wk,ws?
“Naiintindihan mo na ba Ma?” Tanong niyang muli sa kanyang ina pagkatapos ng mahaba-habang paliwanagan. Maging si Liam ay pinilit na padaliin ang sitwasyon na kinasasadlakan nito ng mabuti. Masusi nitong inungkat ang tungkol lamang sa kwestiyon ng kanyang ina.“Ibig mong sabihin, binata ka? Pero sa papel hindi?” Muling tanong ng kanyang ina kay Liam.“We are already divorced in the other country and we didn’t register our marriage here in the Philippines, so by law, I am still unmarried. ““Nagsasama lang kayo dahil sa sakit ng asawa mo-este ng ex-wife mo? ““Uhm.” Napalingon siya ng mapatigil ito sa pagsagot sa kanyang ina. May point ang tanong ng kanyang ina. Dalawang taon ang pagsasama nil ani Tiffany at hindi naman ito kaagad na diagnose na may sakit ang pagkakaalam niya.“No, ma’am. It isn’t very easy. It’s a family matter. Our clan has this tradition that we have to marry into another wealthy family to extend our wealth- ““Alam mo naman palang may kumplikasyon pero bakit kailan
[RING! RING! RING!]Halos hindi maimulat ni Xia ang kanyang mga mata ngunit dahil sa tuloy-tuloy na tunog ng kanyang telepono ay napabalikwas siya upang kunin iyon sa kanyang maliit na lamesita sa tabi ng kanyang kama.Ala-sais pa lang ng umaga at hindi pa ras para gumising siya. Sa totoo lang ay napuyat siya kagabi dahil halos hanggan alas tres yata sila magkausap sa text ni Liam.Nag-enjoy siyang kausap ito kahit text lang iyon. Liam showed her how Liam was different now. They just talked about theirselves. Mga paborito at hindi paborito ng isa’t isa. Sa sobrang dami ay natulog siyang may ngiti sa mga labi dahil napakadaldal nito sa texts.“Si Liam?” Napabalikwas si Xia ng pagbangon sa kama ng makita ang ID caller ng tumatawag. “L”. Agad niyang hinawakan ang lalamunin at bahagyang umubo ng kaunti upang ayusin ang boses bago sinagot ang tumatawag.[“H-Hello?” -Xia.][“Good morning, Princess.” – Liam.]Napapikit siya na may halong kilig na nararamdaman dahil sa ganda ng boses nito ay t
2 YEARS AGO..Nilagyan ni Xia ang kanyang kulay na rosas na mga labi ng mapulang kulay nang lipsticks habang sinisipat kung may lagpas ba iyon. Habang nakatingin sa malaking salamin ng banyo kung saan siya ang event ng party kung saan ay isa siya sa guest. Sinipat niya ang sariling katawan kung maayos ang kanyang pagkakalagay ng black stocking at kung nababagay ba ito sa suot niyang cat woman costume na kulay itim at inayos niya ang maliliit na strands ng kanyang buhok sa upang iipit sa likod ng kanyang punong-taynga. She was a 5'6 ft. tall and had a fair skin, Hindi maputi hindi rin gaanong morena, tama lang. Nagagandahan siya sa kanyang ayos ngayong gabi dahil litaw na litaw ang hubong ng kanyang katawan. Balingkinitan at lumilitaw ang kanyang katamtaman na malusog na dibdib. Ang kanyang buhok na may natural na kulay na Amber ay mas pinangtingkad dahil sa pinatungan niya ito ng kulay medium champagne. Ang kanyang mga labi na natural ng makapal ang ibabang labi ay mas lumitaw ng l
DUMAAN pa ang ilang minuto ay nakarinig siya ng mahinang kalabog at kaunting hiyawan ng mga boses ng mga kalalakihan. Marahan niyang nilapat ang tenga niya. Nang unti-unti niyang marinig na humina na ang ingay at kaluskos kasabay ng pagsisimula ng isang slowed version ng musika ay agad na niyang pinatay ang ilaw sa loob ng banyo. Kinuha niya ang latigong nakapatong sa sink counter na kasama talaga sa kanyang costume dahil isa nga siyang "CAT WOMAN" . "Did you really think, I'd just forgive and forget, noAfter catching you with herYour blood should run cold, so coldYou, you two-timing, cheap-lying, wannabeYou're a fool, if you thought that I'd just let this go" ....Nang magsimula ang musika ay agad siyang naglakad ng pasilyo palabas kung saan nakalokasyon ang maliit na event na inihanda ng mga ito para sa groom. Isang madilim na may may mga patay sinding iba't ibang ilaw ang sumalubong sa kanyang mga mata habang tinutungo ang malawak na lanai ng villa na iyon, Nakita niya agad ang
BIGLANG itinulak si Xia ng lalaking nag-ngangalan na Blake sa loob ng silid na iyon. Nang muli siyang humarap dito ay nakita na niya itong inilapat ng pasara ang pintuan at sumandal pa ito upang hindi siguro siya makalabas. Sinalubong siya ng mainit na tingin nito at nakita niya ang pagmasid ng mga mata nito sa kanya mula ulo hanggang paa. Muli siyang nailang ng makita niya kung paano siya pasadahan ng tingin nito na tila nagkakamali yata ito ng impresyon kung ano ang trabaho niya. Isa lamang siyang mananayaw para sa gabing ito at wala siyang balak na magpa-kama sa kahit na kaninong lalaki na nandito. "W-wait, Blake d'ba?" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay tapat ng kanyang dibdib upang pigilan ito ng makita niyang nagsimula itong i-unbotton ang pangalawang butones nito. "Hindi ako ano dito-" Napaatras siya ng makita itong humakbang habang kasunod na in-unbutton ang pangatlong butones. Sa nakikita niya sa kanyang harapan ay isang mala-Anghel ngunit mapanganib na nilalang dahi
"T-TEKA," Hinabol niya ang binatang lumabas sa kwarto at dumiretso muli sa lanai kung saan ginanap ang party. Napatigil siya ng makitang wala na nga ang mga lalaking kaibigan nito. Tanging ang bakas ng okasyon na lang ang makikita doon. Hindi naman ito natinag at tuloy-tuloy lang ito naglakad sa may mahabang buffet table kung saan nandun ang champagne tower na puro champagne glasses at kumuha ng isa ang binata. Hinanap nito ang coat at isinampay sa kanyang balikat gamit ang isang kamay. Nagsimula itong lumabas ng lanai at pumunta sa direksyon ng beach sand. (shit...) Palihim na mura niya habang nagmamadaling bumalik sa banyo kung saan siya nag-ayos at kinuha ang kanyang malaking tote bag kung nasaan ang kanyang damit pampalit. Kailangan niyang mahabol ito dahil wala na siyang kasama doon at sa tingin niya ay nag-uwian na ang mga ito ng biglaan. Hindi naman siya pwedeng mag-stay doon dahil wala naman yun sa kanilang kontrata at saka isa pa ay bangka lang ang pwedeng niyang sakyan
SUMANDAL ito sa railing sa kanyang tabi at tinitigan siya. "Oh ba't ka nakatingin?" Hindi niya mapigilang umiwas ng tingin dahil sa ilang oras pa lang niya kasama ito ay hIndi na siya mapakali kapag tumititig ito sa kanya. "Aren't you gonna remove you head mask? it's awkward." Nakangising tanong nito sa kanya. Hinawakan niya ang sariling headmask at kumunot ang kanyang noo dahil sa pagngisi nito na tila natatawa sa kanya. "Tatanggalin ko lang 'to kapag dumiretso na ulit yang dila mo, English ka ng english." balik-asar niya dito. Lalo lang itong tumawa at umiling sa kanyang harapan. "Okay, You can keep it that way, Im not even interested to see how you look," balik-asar nito. (Aba!) Gusto niyang magtaray ngunit alam naman niyang nang-aasar lang ito. Humalikipkip na lang siya ng umalis ito at tumingin sa kawalan. "Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" Muli na namang tanong niya dito. Hindi pa siya nakakaharap ng muli itong bumalik sa dati nitong pwesto sa tabi niya at i
MARAHAN niyang idinilat ni Xia ang kanyang mga mata ng marinig ang mga ibon na naghuhunian sa kanyang paligid. "Hah?!" Biglaan siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa deck at tinanggal ang headmask na nakatulugan na niya kagabi. "Gago, Umaga na?" May araw na nang magising siya at nasa tapat ng init ng araw. Agad niyang inayos ang pagkakaupo at inalis ang nakatakip na coat na nagsilbing kanyang kumot. " Ay palaka!" Napasigaw siya ng mahagip ng gilid ng kanyang paningin ang isang hindi katandaan na lalaki na nasa tabi niya at nakatayo. Hinagod ng kanyang mata ang nakatayong maanda na nakaformal coat din at waring kanina pa siya pinagmamasdan. "Good Morning Miss," Magalang na bati nito ng magtama ang kanilang mga mata. Bahagya itong ngumiti sa kanya at inilahad ang isang kamay upang tulungan siyang makatayo. "G-good morning ho," Pinilit niyangngumiti Kahit na nagtataka siya kung bakit may matandang nakapormal ang nakatayo sa harapan niya. "Nakita niyo yung kasama ko kagabi?" Agad s