Thanks for waiting more chapters are coming :)
"OKA, sorry na. Uy! pansinin mo naman ako." Yugyog ni Xia sa kanyang kaibigan habang abala ito sa pagkuha ng mga retaso sa baba ng bodega ng building kung saan nakaimbak ang mga gamit nito sa pag-gawa ng mga costume.“Nako! Xia tantanan mo nga ako, Ang dami kong naiwan na trabaho-dun ka nga!” Pagpapataboy pa nito kasabay na itiniaas ang brasong hawak-hawak niya. Sinusundan niya ito hang sa elevator paakyat ng ground floor ng building. Galit kasi ito sa kanya dahil iniwan niya sa gitna ng party ang kaibigang bakla kung kaya’t kanya-kanya silang nakauwi kagabi.“Sabi ko naman kasi sayo h’wag ka ng sumama. Ayan tuloy tambak trabaho mo.” Paninisi niya pa dito habang nakanguso sa tabi nito. Naghihintay silang bumukas ang pinto ng elevator.“Aba, Xia? Talaga ba? Sisihin mo pa ako? Ako na nga itong nagpaka- kaibigan sayo at ako pa talaga ang iniwan mo!” Inis na sumbat nito sa kanya.“Ih! Sorry na kasi Oka. Hindi naman kita iniwan eh.” Iginewang pa niya ang balakang upang bungguin ang balaka
“I’LL get the check ready, magkano ba ang service mo?” Tanong nito na para lang bumibili ng mamahaling Louis Vuitton kung magtanong.“No Mrs. Bieschel, but your offer is the first time I heard it. Hindi kasi siya sakop ng pwede i-offer ng aming mga angels” Pagpapaliwanag pa ng kanyang boss habang siya ay nakatunganga sa harapan nito at pilit na ipinapasok sa utak ang mga sinabi nito.“But you’re not Xia, it depends on Xia’s decision, right?” Narinig niyang banggit mulli nitong sa kanyang pangalan. Napatingin naman ang boss niya sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagsasalita.“Well, yes. Kung papayag naman siya but it will be against on our rules. Kung sakaling papaya si Xia ay wala akong magagawa kung hindi pakawalan siya bialng empleyado ng Z stars Agency. “ Sabi naman nito. Naiintindihan naman niya kung sakaling tanggapin niya ang ganitong klaseng serbisyo ay mawawalan siya ng pwesto sa agency. Ang pagkakaroon kasi ng anak ng isa sa mga angels nito ay mahigpit na pin
“SIGE ate, mamaya pa ako makakauwi.” Ani Arrietta sa telepono habang kausap ang kanyang ate Xia. Nasa tapat siya ng kanyang locker habang inaayos ang unipormeng gagamitin sa pagpaparaktis ng taekwando ng biglang lumapit sa kanyang likuran.[Pak!] Kinalabog nito ng pasara ang locker ni Arrietta kung kaya’t napatingin ang dalagita. Ang nagsarap ng pabalang ay isa sa tatlong nang-bully sa kanya noong competition.“Ang kapal mo ring magpa-victim ano? Not because you won a title; it means you are already one of us Arry.” Mataray na sabi nito sa kanya habang nakataas pa ang kilay.“Ang sabi ni ate, hindi ko kailangan matakot sa mga katulad niyo. Hindi naman kayo ang nagpapa-aral sakin kaya bakit ako matatakot sa inyo?” Muli niyang sagot dito. Lalagpasan sana ito ni Arrietta ng bigla siya nitong hilahin sa buhok. “Uhg, a-aray!” Impit niya dahil sa lakas ng pagkakahigit nito sa kanyang buhok.Takip-silim na ng mga oras na iyon at sarado na ang school kung kaya’t walang makakasaway sa ginagawa
“Xia,” Narinig ni Xia ang tawag ng kaibigan si Oka at Aizu ng makarating ang mga ito sa hospital ng malaman ng mga ito ang sinapit ng kapatid na si Arry.Agad naman siyang niyakap sa likod ni Oka habang siya ay nakatulala ay tahimik na pinagmamasdan ang kapatid na nakaraty sa ICU. Kasama niyang nagbabantay si Aries. Halos isang araw na ang lumipas simula ng maoperahan ang kapatid ay nanatili pa rin itong nasa ICU. Hindi pa rin ito nagkakamalay.“Okay ka lang? Nakapagpahinga ka na ba?” Tanong naman agad ni Oka sa kanya habang marahang hinahagod ang kanyang likuran.“Xia, Kami na kaya muna dito, Umuwi muna kayo ni Aries sa bahay ng makapagahinga.” Sabi naman ni Aizu na nasa gilid niya at hinihimas rin ang kanyang braso.Nanghihina siyang umiling dahil na rin sa pagod, puyat, at walang tulog sa buong maghapon at magdamag na pagbabantay kay Arry. “Hindi pwede, Nang umalis ako para magwithdraw sa banko, Nagsezure si Arry. Kailangan kong bantayan si Arry.” Napapagod na sabi niya sa mga ito.
“SENYORITA,” Naplingon si Tiffany sa katulong naka uniporme na may hawak ng isang maliit na kettle sa kanyang harapan ng hapagp-kainan. Ang isa namang katulong sa likod nito ay mahawak ding isang maliit na kettle. “Would you like some green tea or chamomile tea?”“Green tea please.” Maiksing sagot niya habag itinutuloy ang pagsubo sa nakahandang breakfast na continental breakfast kung tawagin. Naabutan naman ni Liam ang asawa nitong tahimik na nagbe-breakfast sa kanilang malawak na dining area kasama ang halos limang katulong na nagsisilbi sa pagkain nito. Napatigil siya sa harap ng table kung saan napansin niya na nakahain din ang plato na para sa kanya.“Care to join for breakfast?” Tiffany asked Liam while her eyes were still on the table and silently scrolling on her digital tablet. Liam sat at the table to join her wife. He also checked the time on his wristwatch. He still has time to eat before going to his work.“I’ll be glad if you were the one who made those stuff.” Liam m
“I’M glad to see you here, Xia.” Nakangiting bati ni Tiffanny kay Xia ng makarating siya saa napakalaking bahay nito. Mansio na yata ang maituturing niya sa bahay ng mga Bieschel dahil bago pa man siya makapunta sa malaking receiving area ng mga ito ay isa pang mahabang pasilyo ang kanyang dinaanan kasama ang tatlong mga nakaunipormeng uniporme ng katulong.Hindi rin basta-basta ang mga katulong na sumalubong sa kanya dahil English ang pangunahing salitang bati ng mgai ito sa kanya. Naabutan niyang nakaupo si Tiffany sa isang malaking couch ng parte ng bahay na iyon.Pagkatapos nilang magusap sa telepono ni Tiffany ay may ilang oras din ng dumating ang sekretarya nitong babae sa hospital upang sumama sa kanila. Iniimbitahan daw siya ni Tiffany Bieschel sa bahay nito sa Dasmarinas Village.Mabuti na lang at nandoon pa rin sina Oka at Aizu kung kaya’t may maiiwan sa kapatid na si Arry. Ayaw man niyang iwan ang kapatid dahil baka mag seizure muli ito ngunit kailangan niya munang pansaman
“WOW! You look pleasant Xia.” Narinig niyang masayang bati ni Tifanny sa kanyang likuran. Her both hands were in her shoulders. “Red dress actually fits in you…”Tinignan niya ang kanyang kabubuuan sa harap ng malaking salamin sa loob ng malkai at malawak na guest room ng mga Bieschel. She was wearing a sparkly red tube dress na may haba hanggang sa taas ng kanyang tuhod.Hubog na hubog ang kanyang katawan sa suot niyang pulang damtit. Her hair was also fixed. The dresser made her hair looked wet and it was laid back. Nawala ang mga baby hair niyang nakadikit sa kanyang sentido. Inayusan rin ang kanyang mukha sa pamamagitan ng pag-apply ng madilim na kulay ng make-up na lalong nag-compliment skin color. Kumikintab ang kulay Morena niyang balat.“The magenta color is also fit on your lips.” Rinig niyang sabi pa nito. Napaka dark ng kulay nito na along lumitaw ang natural na pouty lips niya. “Wait, there’s more.” Saad pa ni Tiffany.Kinuha ni Tiffany ang isang alahas na kulay silver sa
HINDI napigilang tumayo ni Xia ng marinig ang matinding panlalait sa kanyang pagkatao ni Liam. Hindi niya ubod akalaing ang hinahangaang lalaki sa loob ng dalawang taon ay walang halos pinagkaiba sa kinamumuhian niyang si Enzo Lopez.Marahas siyang tumayo na nakapagpatigil sa pag-aaway ni Liam at Tiffany. Naitukod niya ang kanyang mga kamay sa mahabang lames ana iyon dahilan upang makagawa ng ingay at nmanginig ang mga plato at kubyertos na nasa kanilang harapan.“Pareho lang kayo ni Enzo…” Mahinang bulong niya habang nakatingin ng masama kay Liam. Halos mangilid ang kanyang luha habang tinitignan ang mala-anghel na lalaki sa kanyang harapan ngunit nakatago ang mahabang sungay at buntot na isa palang kampon din ni Satanas.Sobrang katangahan na talaga ang maniwala pa na sa mundong ginagalawan ng mga taong ito ay may isang kakaiba ang ugali. Ang mukha ni Liam sa kanyang paningin at tila nagbabago at napapalitan ng mukha ni Enzo. She was starting to haluccinate na iisang tao lang ang kah