Philippines 1930
ANG PAGHAMPAS NG dagat sa dalampasigan at ang ingay nito ay parang musika sa pandinig ni Asula. Ang sigawan ng mga tao sa paligid dahil nagkakasiyahan sa pagligo sa dalampasigan.
Hindi maipaliwanag ni Asula kung gaano siya kasaya sa mga oras na ito. Hindi siya makapaniwalang ang matagal na niyang pinapangarap noong mapunta sa lugar na ganitong kaganda ay nagkatotoo na. Minsan talaga may maganda ring nangyayari sa poder ng amo niyang bakla.
Para siyang nasa paraiso. At kung pwede lang hilingin sa dagat na ayaw na niyang bumalik sa syudad kung saan siya nanggaling ay matagal na niya sanang ginawa.
Pero hanggang ilusyon lamang ang bagay na iyon. At sigurado rin siyang pagkatapos ng serbisyo nila sa lugar na ito'y babalik rin siya sa lugar kung saan siya nanggaling.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo, Asula." Biglang sumulpot sa kaniyang tabi ang tatlo niyang kaibigan na sina Lena, Casy at Mona. Si Lena ang pumuna sa kaniyang malalim na pag-iisip.
Huminga siya nang malalim. Nakilala niya si Lena noong unang araw niyang serbisyo sa baklang kumuha sa kaniya. Sina Casy at Mona ay matagal nang kaibigan ni Lena na s'ya ring kalaunan ay naging kaibigan niya rin ang mga ito.
Halos tatlong taon na rin silang magkasama sa isang mapait na pagsubok ng buhay na ibinigay sa kanila.
"Sus, Lena. Mukhang hindi ka na sanay sa kaibigan nating 'to. Palagi naman talaga itong nasa malalim na pag-iisip," sabi naman ni Mona na nasa kaliwa niyang tagiliran.
Sa kanan naman niya'y si Casy. At katabi ni Casy si Lena. Pareho silang nakatingin sa papalubog na araw sa kanluran. Napakaganda ng araw. Ang ganda ng kulay ng araw kulay kahel iyon na hinaluan ng pula.
"Ang ganda. . ." sabay nilang wikang apat.
Ang sinag ng araw ay nagkalat sa buong dagat dahilan upang kuminang ang ibabaw no'n. Nagningning ang kanilang mga mata habang nakatanaw roon.
Ang ilang mga turista at mga naliligo ay kanya-kanya nang kumuha ng mga litrato. Samantalang silang apat ay nanatili lang nakatayo at nakatanaw sa magandang tanawing iyon.
Para kay Asula hindi na niya kailangan pang kunan iyon ng litrato. Dahil ang napakagandang tanawing itong nasaksihan niya sa buong tanang-buhay niya'y mananatili sa kaniyang isipan at puso.
She will never forget this moment. This memories will be stay with her forever and no matter what she surely sure that it will be with her wherever she go.
"Nakakahiya naman. Tayo yata ang hindi kumukuha ng litrato. Paano ba naman wala naman tayong mga mamahaling cell phone tulad nila."
Natawa silang tatlo sa sinabing iyon ni Mona.
"Iyong 3210 ko nga nagbibisyo na," reklamo naman ni Lena.
Totoo naman ang sinabi ng mga kaibigan niya. Wala silang cell phone na tulad ng ibang kumukuha ng litrato. Kontento na rin sila sa nakikita nila ngayon. Iyon lang ay masaya na sila.
“Maligo na nga lang tayo,” anyaya sa kanila ni Casy.
Hinubad na nito ang malaking suot na t-shirt. Bumungad sa kanila ang magandang hubog ng katawan nito.
Kanina pa pala ito handang-handang maligo. Naka-swim suit na ang mga kaibigan niya. Masasabi ni Asula na may maipagmamayabang na pangangatawan ang kaniyang tatlong kaibigan. Nag-gagandahan ang mga ito sa suot na swim suit.
Napatingin siya sa sariling katawan at bigla na lamang siyang nahiya. Hindi naman kasi ganoon kagandahan ang pangangatawan niya. Kayà iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi siya nakakatanggap ng mga papuri mula sa mga nakasiping at nakaserbisyo niyang mga lalaki. Well, hindi naman iyon importante sa kaniya.
Napabuga siya nang malalim nang pumasok sa isip niya ang pambababoy na ginagawa palagi sa kaniya. Nandidiri siya sa kaniyang sarili at sa perang naiipon niya. Mula iyon sa maduming gawain at sa mga madudumi ring taong tulad niya.
Lumusob na ang tatlo niyang kaibigan sa dalampasigan at nag-umpisa nang magbasaan. Samantalang siya ay nanatili pa ring nakatayo sa kaniyang kinaroroonan at pinagmasdang matapos ang paglubog ng araw sa kanluran, kung paano iyon kainin ng dagat.
“Asula! Halika na!” tawag sa kaniya ni Mona.
Ngumiti siya saka hinubad na rin ang t-shirt na suot saka walang pag-alinlangang lumusob sa tubig.
Sobrang lamig no'n para sa kaniya. Pero ibayong kaginhawaan ang nagdala sa kaniya nang umapak siya sa tubig. Dumaloy ang lamig sa buong katawan niya.
Parang nakalaya siya sa isang mainit na sitwasyong lumukob sa kaniya.
Nagsabuyan silang apat at nagtampisaw sa ibabaw ng tubig.
Hindi maipinta ang mga ngiti sa kanilang mukha ng mga oras na iyon. Sobrang saya ang naramdaman nila. Sa ganoong sitwasyon para silang pinakawalang mga sirena na ikinulong ng ilang taon.
“UGH! LIGO ULIT tayo bukas!” sigaw ni Mona nang pabalik na sila sa resort.
Hindi napansin ng tatlo na kanina pa siya hindi nakasunod sa mga ito. Hindi niya alam kung anong enerhiya ang humahatak sa kaniyang huwag muna siyang bumalik sa resort.
Parang may nagsasabi sa kaniyang kailangan niyang manatili muna sa labas. Pero makakaya niya kayà ang lamig na nadarama niya ngayon?
Nilingon siya ni Lena. Tinawag siya nito. “Asula? Ayaw mo pa bang pumasok sa loob?”
Umiling siya bilang tugon rito. Tumango naman ito saka binigyan siya ng isang tingin na mag-iingat siya. Mabilis na tumalikod ang babae saka naiwan siyang nakatayo sa buhanginan.
Marami pa namang mga taong naglalakad sa labas. At mukhang tahimik ang gabi sa islang ito. Lalo na at maliwanag ang sinag ng buwan kung kaya't hindi siya mahihirapang hindi makita ang daan pabalik mamaya sa resort.
Lumakad siya sa gilid ng dalampasigan. Hindi niya pinapansin ang mga taong nakakasalubong niya at ang mga nagkakasiyahan na ilan.
Nauwi siya sa isang malalim na pag-iisip kung paano tatakas sa kamay ng kanilang baklang boss na si Marco Deguzman.
Kung gagamitin niya ang pagkakataong ito para tumakas ay sigurado siyang malaki ang tiyantya niyang makakatakas silang apat. Pero kung iisipin ang mga tauhan ni Marco na nagkalat sa paligid para bantayan sila, at hindi nila alam kung sino ang mga iyon ay mukhang mahihirapan nga siya at maging ang mga kaibigan niya.
Hindi na naman sila makatakas sa poder ng baklang 'yon.
“Kainis,” mura niya nang pabulong.
Tumigil siya sa paglalakad nang mapansing medyo malayo na siya sa pinanggalingan niya kanina. Malayo na siya sa resort. Malayo na pala ang narating niya at hindi niya iyon napansin dahil sa malalim niyang pag-iisip.
Tumingala siya sa langit at sumalubong sa kaniya ang kagandahan no'n. Sa kabila ng kadiliman ng kalangitan ay may buwan at mga bituing nagbibigay liwanag para sa kanila.
Napangiti siya. Pakiramdam niya'y malayang-malaya siya sa mga oras na ito. At hiling niya sa itaas na sana totoo na lang iyon at hindi na ito magtatapos.
Ngunit ang ngiting 'yon ay unti-unting nawala nang sumagi na naman sa kaniyang isipan na hindi siya makakawala sa kaniyang boss.
“Mukhang wala na nga akong kawala. Mukhang itinadhana ang buhay ko na ito, ang gawain kong ito habang-buhay.”
Umupo siya sa buhangin at ininda ang panlalamig na nararamdaman. Tumingin siya sa kumikinang na dagat.
“Why you are so deep? Why you keeping wave? Why you still shining even the darkness eat you? You are really something.”
Ganito ang gusto niya. . . tahimik. Walang makakasira sa katahimikang nais niya.
“So peaceful.”
Humiga siya sa buhangin at unti-unting ipinikit ang kaniyang mga mata. Para damhin ang kalauaan sa puso niya kahit saglit lang. Pero agad rin siyang napamulat nang makarinig siya ng tunog ng isang tubig na parang hinampas iyon ng isang napakalaki na bagay.
Diretso siyang napatingin sa kaniyang harapan at ganoon na lamang ang pagkasinghap niya nang makita ang isang lalaking lumulutang sa ibabaw ng tubig habang may liwanag sa ilalim ng paa nito. Tubig iyon na gumagawa ng butas. Sa parteng butas lang lumalabas ang tubig.
Hindi lang rin iyon ang ikinagulat niya. Dahil ang lalaki kaninang nakita niya at ang lalaki ngayong nasa harapan niya'y iisa.
Para siyang natuod sa kinauupuan at hindi maikilos ang kaniyang paa at maging buong katawan.
Unti-unting nawala ang liwanag sa ibabaw ng tubig at maging ang butas nito. Isa pa ay unti-unting lumalapit ang lalaking naka-jacket ng itim hanggang sa paanan nito. Lumapit ito sa hatapan niya.
Nakasombrero ito ng kulay itim kung kaya't hindi niya makita kung ano ang itsura nito. Nanginginig ang kaniyang mga labi habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig rito.
Gusto niyang magsalita at tanungin ito kung sino ito at sigawan itong lumayo sa kaniya pero hindi niya magawa. Parang may komokontrol sa kaniya.
Ang nilalang bang ito ang may gawa kaya't hindi siya makagalaw?
Huminto ang lalaki sa harapan niya. Nakayuko ito na tila nakatitig sa kaniya. “Sino ka? Anong ginagawa mo rito babae?”
Napasinghap siya dahil ang boses nito'y parang musika sa kaniyang pandinig. Malumanay iyon at mahina lamang ang pagkakabigkas.
Sa pagkakataong iyon ay nagagawa na niyang gumalaw. Tumayo siya saka hintakutang lumayo sa lalaki. “Huwag kang lumapit! H-hindi ka isang tao! S-sino ka, h-hindi, a-anong klaseng nilalang ka?!” kandautal niyang tanong na sigaw.
Tumaas ng tingin ang lalaki dahilan para makita na niya ang buong mukha nito. Kitang-kita niya ang nagbabagang mga mata nitong kulay ginto. Ka'y ganda no'n sa kaniyang paningin. Nakangisi ang nilalang.
May matangos itong ilong, perpektong hugis ng mga labing mapupula, kulay puting balat na lumulitaw dahil sa suot nitong itim na jacket hanggang paanan, natural na kulot nitong itim na itim na buhok, at ang mga mata nitong magandang nakatitig sa kaniya.
Sobrang gwapo nito. Kulang ang gwapong salita para sa nilalang na ito.
“What do you think I am, Asula?” tanong nitong balik sa kaniya.
Umiling siya. Unti-unti siyang umatras nang unti-unti rin itong lumalapit sa kaniya.
“What are you doing here woman? Hindi ka ba nilalamig sa suot mong 'yan?”
Sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito at hawak-hawak na siya sa braso.
“Lumayo ka sa akin! Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas siya palayo rito pero hindi siya nito binitawan.
Binuhat siya nito kung kaya't napakapit siya sa leeg nito. Hindi man niya kilala ang lalaking ito at hindi man niya alam kung anong klaseng nillang ito. Iisa lang ang sigurado si Asula sa mga oras na iyon. Na ang lalaking buhat-buhat siya'y hindi masama tulad ng inaakala niya.
“S-saan mo ako dadalhin?” tanong niya rito. Pero hindi man lang siya nito sinagot.
Pakiramdam niya'y nakalutang silang dalawa ng lalaki. At hindi nga nagkakamali si Asula dahil nang tumingin siya sa ibaba'y para na lamang isang munting ilaw ang mga bahay sa ibaba.
Napakapit siya nang mahigpit sa lalaki nang maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin.
Napanganga siya sa sobrang ganda ng buwan. Pakiramdam niya'y sobrang lapit no'n sa kaniya at abot na abot na niya sa mga oras na iyon.
“Sobrang ganda.”
Hindi alam ni Asula kung imahinasyon lang ba niya ang pagtawa nang mahina ng lalaki o hindi.
Napangiti siya. Hindi niya aakalaing mangyayari ito ngayon sa tanang buhay niya. Kung panaginip na lamang itong lahat. Gusto niyang hindi na magising pa. Gusto niyang lumipad na lamang kasama ang lalaking ito na buhat-buhat siya.
“Kung panaginip lang ito. . . please, huwag mo na akong gisingin pa.”
Napatingin sa kaniya ang lalaki at seryoso siyang tinitigan. Huminto sila sa mismong harapan ng buwan. Umiiyak siya sa sobrang tuwa at ganda ng buwan. Napakaganda ng araw na ito para sa kaniya.
“Alam mo bang matagal ko nang pinangarap ang makalaya. Ang ganitong klase ng laya, kayà kung pwede huwag mo na akong ibalik, huwag mo nang bawiin pa ang napakagandang panaginip na ito.”
Ngumisi ang lalaki. Inaakala ni Asula na may nasabi siyang nakakatawa para ngumisi ito ng ganoon.
“You are not dreaming woman. This is real. . . I'm real.”
Biglang kumabog nang malakas ang puso niya. Napatingin siya sa kaniyang paligid, sa ibaba kung saan ang mga tao kanina, at sa lalaki ngayong karga-karga siya.
“T-totoo ka? Pero bakit parang panaginip lamang ito? Saka saan mo ako dadalhin?”
Ang kanina niyang sayang naramdaman at pagkasabik pa sa mga susunod na mangyayari ay bigla na lamang nawala at napalitan ng takot at kaba.
“Takot ka sa akin, Asula. Nakikita ko iyon. Pero dahil nakita mo kung ano akong klaseng nilalang kanina at kung ano ang kakayahan ko'y kailangan mong harapin ang mga pagbabagong takbo ng mga araw mo sa susunod.”
“Anong ibig mong sabihin?” takang-taka niyang tanong rito. Saka paano siya nitong nakilala?
Naramdaman niyang unti-unting bumaba ang lalaki. Nasa bintana na sila ng kaniyang silid. Bigla itong bumukas nang ikumpas ng lalaki ang kamay.
“You will know it soon, woman.”
Pinasok na siya nito sa silid sa pamamagitan ng bintana.
“Wait! P-pa'no mo 'ko nakilala?”
Hindi siya sinagot nito kundi nginisihan lang siya. Mabilis na nawala ang lalaki sa at naiwan siyang nakatayo habang nakatanaw sa kawalan.
Akala niyang panaginip ay totoo nga. Tama nga ang misteryosong lalaki na iyon. Simula nga ng gabing iyon ay nagbago na ang takbo ng mga araw niya.
Philippines 1930 MAAGA SILANG PINATAWAG ni Marco kinaumagahan. Kahit kulang ang tulog niya'y pinilit pa rin niyang magising at pumunta sa lobby. Nandoon na silang lahat at kasalukuyang hinihintay ang kanilang boss. Siniko siya ni Lena sa kaniyang tagiliran. "Saan ka galing kagabi? Hinanap ka pa namin. Pero nandoon ka na pala sa silid natin nang bumalik kami. Hindi ka na lang namin tinanong dahil pagod na rin kami at maging ikaw rin." Huminga siya nang malalim. Noong inihatid siya ng misteryosong lalaking iyon ay wala doon sa loob ang tatlo niyang kaibigan. Sakto namang papalabas na siya ng silid para kumain ay siya ring pagdating ng mga ito. Hindi naman niya aakalaing hahanapin siya ng mga ito. "Pasensya na sa inyo, hindi ko sinasadyang mag-alala kayo sa akin. Hindi na mauulit. Naglibot-libot lang ako kagabi."Hanggang maaari'y hindi niya ikwe-kwento sa
Philippines 1930BUMABABA SILA ASULA at Wave sa ibabaw ng rooftop ng resort. Hindi niya alam kung bakit siya dinala rito ng misteryosong lalaki pero wala na siyang pakialam. Gusto niya ngayong makapag-isip nang maayos. At mukhang alam iyon ng lalaki dahil dinala siya rito.Ano bang klaseng nilalang itong nasa tabi niya? Kailangan nga ba niya itong pagkatiwalaan? Paano pala kung isa itong nakakatakot na nilalang? Kukunin ang kaluluwa niya? Paano na?O kayà isa itong mga may kapangyarihang itim gaya ng mga nababasa niya sa mga libro o napapanood niya sa telebisyon.Ipinilig niya ang ulo. Hindi naman siguro ganoon ang lalaki. Hindi naman siya nakakaramdam ng takot rito. Isa pa ang gaan ng loob niya rito agad, sa hindi niya malamang dahilan. Bagama't may agam-agam pa rin sa kaniyang isipan. Hindi niya muna dapat ibigay nang buo ang tiwala rito.“Bakit tayo nandito?&
Philippines 1930PILIT NA PINAPAKALMA ni Asula ang sarili habang kumakain. Nagluto siya kanina at pinakailaman niya ang kusina ni Wave. Kabadong-kabado siya at tensyunadong-tensyunado. Kahit ilang beses na siyang nakakita ng isang hubad na katawan ng lalaki'y iba pa rin ang epekto sa kaniya ni Wave. Lalo na ngayon at nakahubad ng t-shirt habang nakaupong nakaharap sa kaniya. Pinipilit niyang huwag mapatingin sa matipunong dibdib nito pero sadya sigurong makasalanan ang mga mata niya. Dahil sa tuwing sumusubo siya'y sa dibdib ng lalaki siya tumitingin. Bibilisan na lang niya ang pagkain nang sa gayon ay makaiwas siya sa tukso. Umiiral na naman ang pagkaharot niya. “Paanong naging misyon mo ako?” biglang tanong niya rito. Gusto niya lang may pag-usapan sila ni Wave. Saka isa pa, kanina pa siya hindi mapakali na itanong iyon sa lalaki. Nagtataka talaga siya kung bakit siya
Philippines 1970KANINA PA SILA NAGTATAGO ni Wave at Asula sa isang pasilyo habang lihim nilang sinusundan na dalawa ang matandang kanina nilang nakasalubong sa loob ng simbahan. Hindi alam ni Asula kung paanong ito natagpuan ni Wave samantalang kanina pa nila ito nakasalubong at hindi nasusundan. Nakalimutan niya palang may mahika ang kasama niya at nakikita kung ano ang gustuhin nitong makita. Nanatili siya sa likod ni Wave at mataman na nakamasid sa paligid at nagmamatyag. Hindi niya alam pero mukhang kailangan nito ang tulong niya. Papasok ang matandang lalaki sa loob ng hindi kalakihang bahay. Sa isip-isip ni Asula ay bahay iyon ng matanda. Hindi maiwasan ni Wave ang maging matalas ng kaniyang paningin at pakiramdam. Lalo na at nasa likuran niya si Asula. Kailangan niya itong bantayan at ilayo sa kapahamakan. Iyon ang misyon niya bago siya pinadala sa mundo ulit ng
Philippines 1970SA PAGALAKAD NI WAVE sa buhanginan kung saan si Asula Cerulean na ang babaeng kaniyang misyon naroroon ay hindi na sinayang pa niya ang pagkakataong magpakita rito.Gumamit siya ng kaniyang abilidad na lumitaw sa ibabaw ng tubig para mas maagaw ang atensyon nito mula sa malalim na pag-iisip. Alam ni Wave na ang iniisip nito ay ang kalayaan pero malaki ang takot ng babae sa kaniyang dibdib kayà hindi magawa nito ang nais na gawin. Kung ganoon mas mapapadali ang misyon niya dahil hindi siya mahihirapang palayuin sa kasalanan si Asula.Pero ang problema ay ang mga hadlang na gagawin ng isa sa mga uutusan ni Sun na hadlangan siya sa paggawa ng kaniyang misyon. Salamat sa ibinigay na orasan sa kaniya ng matandang lalaking iyon mula sa taon Pilipinas 2050. Dahil roon ay madali siyang nakapunta agad sa kinroroonan ng babaeng si Asul
Chapter 8 HINDI MAPIGILAN NI ASULA ANG kabahan kaya't mahigpit ang pagkakapit niya kay Wave. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla na lamang sumusulong sa isang labanan si Wave na hindi handa. Hindi kayà delikado ang pagsulong nito na wala sa oras?Nasa harap na sila ng malaking pinto ng bahay ni Geoban. Nagsimula na ring kumatok si Wave para pagbuksan sila ng pinto. Pigil na pigil ni Asula ang hininga habang hinihintay na bumukas iyon. Ngunit bago pa muling kumatok sa pinto si Wave ay may isang nagbabagang apoy ang humarang sa kanilang harapan. Hindi niya napigilan ang mapasigaw. “Damn!” Rinig niyang sigaw ni Wave habang pinapapunta siya sa likuran nito. “Inaasahan ko nang hindi malinis ang kanilang paghadlang sa paggawa ng misyon ko,” usal ni Wave habang nakakuyom ang mga kamay. Sino ang tinutukoy ni Wave
“SINO SI APOLO?” tanong bigla ni Asula kay Wave.Kagabi pa bumabagabag sa isipan ni Asula ang lalaking nakaharap nila ni Wave. Gusto niyang malaman kung ano ito ng lalaki nang sa ganoon ay magiging handa siya sa mangyayari. At sa planong pagtulong niya kay Wave.Pinagmamasdan niya si Wave na nakaupo sa sofa habang abala sa ginagawa nito. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito sa pendant na orasan nitong hawak. Kanina pa roon nakatitig si Wave at hindi man lang ito namamansin sa kaniya mula pa kanina.Pero ngayon ay nakuha niya ang atensyon nito nang itanong niya rito kung sino si Apolo.“Isang matalik na kaibigan at hindi ko inaa sahan na siya ang makakalaban ko sa misyong ito. Sadya talagang mapaglaro ang tadhana,” sagot nito sabay tayo.Kinuha nito ang itim na cloak saka sinuot.“Kayà ka naguguluhan kung kakalabanin mo siya o hindi?” tanong niyang muli.Lumingon ito sa
Chapter 10IKINUMPAS NI WAVE ANG kamay saka lumikha iyon ng isang butas papunta sa ibang panahon. Hindi siya pwedeng magsayang ng oras. Kailangan niyang matapos ang lahat bago magdalawang buwan. Ilang araw na ang nakalipas at nasasayang iyon dahil sa wala siyang napapala.Iniwan niya muna si Asula sa room niya para masigurado niya ang kaligtasan nito. Alam niyang hindi magiging madali ang paghahanap niya kay Geoban.Agad siyang luminga-linga sa paligid nang makarating na siya sa Pilipinas 1970. Tinalasan niya ang paningin sa paligid.Hindi niya makakalimutan ang kaniyang nakaraan noong tao pa lamang siya bago siya namatay at napunta sa mundo ng mga time traveler. Kapag hindi ka pa handang mamatay at hindi mo pa gustong mawala sa mundo ay bibigyan ka ng Diyos ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. Pero iyon ay sa iba ng pamamaraan, hindi na ikaw isang tao kundi isa ng kakaibang tao. At napunt
EpiloguePhilippines 3000“ASULA! ANO BA naman iyang kwento mo? Bakit ganyan? Ang bitter mo naman. Pangit na nga ng kwento mo, mas pinapangit mo pa sa ending.” Reklamo ng kaibigan niyang si Angelie nang matapos nitong basahin ang manuscript niya sa kaniyang laptop.Masugid niya itong tagapagbasa. Kung kaya't ito lang ang nakakaalam na may talento siya sa pagsusulat. At iyon lang rin ang rason kung bakit nanatili lamang na mga files ang mga akda niya sa halip na pwede naman niyang ibalandra sa mga writing flatforms.Huminga siya nang malalim. Hindi niya pwedeng baguhin ang katapusan ng akda niyang 'The Big Wave' dahil inuusig siya ng konsensya niya. Laman iyon palagi ng kaniyang panaginip simula pa noong bata siya. Hindi niya alam kung ano ang koneksyon niya sa panaginip na iyon pero nang maisulat niya iyon ay gumaan ang loob niya.“Hindi ko pwedeng baguhin ang en
Chapter 20“PAKAWALAN MO si Asula,” walang tabil na wika ni Wave.Ngunit sa halip na bitawan ni Sun si Asula ay tumawa ito nang pagak saka matalim na tinitigan ang kalaban. Kahit na ano ang mangyari sa mga oras na ito ay hindi niya papakawalan si Asula. Itong babae lang ang tangi niyang magagamit laban kay Wave. Alam niya kung gaano kapangyarihan si Wave. Dahil hindi ito pipiliin ng Diyos at ng kaniyang Ama kung hindi ito mas makapangyarihan sa kaniya.Isa sa ang pinakapangyarihang elemento sa lupa ay ang tubig. Ito ang siyang pinakakailangan ng mga tao. Kaya ni Wave na wasakin ang nagbobola niyang mga apoy. Tubig ang siyang kahinaan ng lahat.“Siya lang ang tanging kailangan ko, Wave. . . laban sa iyo. Alam kong hindi mo ako magagalaw kapag andito lang si Asula sa tabi ko. Alam kong importante 'tong babae sa buhay mo.”Naisip ni Sun na kung ang apoy ang gagamitn niya bil
Chapter 19TUMAYO SI HARING ARAW na ang sunod nang hahatulan ay ang anak niyang si Sun. Pero hindi pa siya nakakalapit ay agad na nagpaulan ng mga bolang apoy sa kinaroroonan nito.“Hindi ako makakapayag na hahatulan mo ako, Ama. At lalong hindi ako makakapayag na ang Wave na iyan ang kukuha ng trono mo! Hindi siya karapat-dapat! Ako ang mas bagay sa trono!”Dahil sa biglaang pagpapaulan ni Sun ng bolang apoy. Natamaan ang Haring Araw sa dibdib kung kaya't nalapnos iyon. Kitang-kita ang laman nito habang dumudugo.Napaupo ito sa sahig at napatukod ng sariling kamay. Nahahapo dahil sa hindi inaasahang gagawin iyon ng anak sa kaniya. Hindi na niya ito kilala ngayon. Tuluyan na nga itong nilamon ng kasakiman.Hindi napigilan ni Wave ang sarili at pilit niyang winawasak ang kulungang pinasukan sa kanila ni Apolo. Maging ang kaibigan ay walang tigil sa pagsira ng kulungan. Ngunit ka
Chapter 18MAIGING TINITIGAN ni Haring Araw sina Wave, Apolo at Sun. Nagsalita ang Hari sa pangunguna ng paghahatol."Kabilin-bilinan ng kaharian na kung ano ang inyong misyon ay inyong marapat na gagawin. Ngunit hindi ko aakalaing ito ang mangyayari at kahahantungan ng misyong ibinigay ko sa inyo."Gumawi ang paningin nito sa anak na lalaking si Sun."At ikaw Sun, hindi ko aakalaing iyo itong gagawin. Isa itong kahihiyan sa akin bilang hari. Gumagawa ka ng hakbang na wala sa misyon mo. Ang masama pa'y sinugod mo si Wave na walang kalaban-laban at kaalam-alam. Hindi lang iyon. . . sumali ka sa misyon na wala ka namang kinalaman. Nakikita ko ang poot at inggit sa iyong puso. . . naghahangad ka sa isang kapangyarihan. Hindi ko ito mapapalagpas kahit na anak pa kita. Marapat lamang na harapin mo ang kaparusahang katumbas ng iyong mga kalapastangan na ginawa."Kanina pa gustong-gus
Chapter 17NANLALAKI ANG mga mata ni Wave habang pinalipad sa kaniya ni Sun ang nagbobolang apoy nito na pagkalaki-laki! Kung tatakbo siya'y huli na iyon. . . maaabutan at maaabutan siya ng malaking bilog na apoy na likha ng lalaki!He must think quickly! He must do a plan how to avoid his near death! Hindi pa niya gustong mamatay! Hindi pa niya naaamin kay Asula ang totoong nararamdaman. Hindi pa niya sigurado kung magiging ligtas ang kaluluwa nito.Inipon niya ang kalahating lakas niya para sa mabilisang paglikha ng isang malaking bilog na alon. Paniguradong iyon ang panlaban niya sa apoy ng kalaban. Bago pa sa kaniya umabot ang apoy ay mamatay na ito sa tubig na likha niya.Malapit na sa kaniya ang malaking bola na apoy at nawala ito nang tumama sa kaniyang bilog na along ginawa. Kitang-kita niya kung paano umigting ang panga ni Sun.Sunud-sunod ang pagpapaulan na naman nito
Chapter 16 NAGTATAGISAN ng paningin sina Wave at Sun. Ramdam na ramdam ang intesidad sa buong paligid.Nanunuyang ngisi ang ginawad ni Sun sa kalaban. “Hindi mo ako matatalo, Wave. You are nothing but a failure. Hindi ka magtatagumpay sa misyon mong ito. Sa pamamagitan non, hindi mo na maagaw sa akin ang tronong dapat ay sa akin.”Umiling si Wave. Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng isang ito. Isa pa nagagalit si Wave dahil hindi niya inaasahan na ito ang sisira sa misyon niya. Hindi niya matanggap na ang lubos na taong ginagalang at hinahangaan niya'y gagawin ito sa kaniya.“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, Sun. Pero iisa lang ang dapat ko ngayong gawin. . . hinding-hindi kita hahayaang sirain ang misyon ko.”Humalakhak ito. “Wala rin sa misyon mo ang mahulog ang loob mo, Wave. Wala sa misyon ang ibigin si Asula.
Chapter 15 MATAPOS MAGPASALAMAT nila Wave at Apolo kay Geoban ay agad silang dumiretso na dalawa sa simbahan na pinuntahan ni Asula. Ngunit pagdating nila doon ay wala na ang babae.Hinanap na nila sa buong paligid ng simbahan pero hidni nila ito natagpuan. Biglang nabahala si Wave saka tinanong na si Apolo kung pwede nitong malaman kung saan naroroon si Asula.“She is not here, Wave. Nasa kamay na siya ni Sun. . . mukhang natunugan na nila tayo. Nasa panganib si Asula. Kailangan nating bilisan.”Napakuyom ang dalawang kamay ni Wave pagkatapos marinig ang sinabi ni Apolo. Hindi sana niya iniwang mag-isa ang babae sa simbahan at sinamahan na lamang niya ito. Ngayo'y nasa panganib ang buhay nito dahil sa kaniya. Naging tanga siya at naging pabaya.Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyayaring masama kay Asula.Agad na lu
Chapter 14 KINALADKAD SI ASULA papasok sa isang lagusan na apoy. Hindi siya makapalag dahil may apoy na nakagapos sa kaniyang dalawang pulsuhan. Kahit anong gawin niya'y alam niyang hindi siya makakawala mula roon.Gusto niyang humingi ng tulong kay Wave. Dahil sabi sa kaniya ng lalaki kapag kailangan niya ng tulong bigkasin niya lang ang pangalan nito.Pero ayaw niyang maisturbo ang lalaki sa misyon nito. Inaasikaso pa nito ang hustisya na kailangan niya. Kung sino man ang lalaking ito ngayon ay handa siya kung ano man ang gawin sa kaniya nitong masama.Hinila siya nito saka sapilitan siyang ipasok sa lagusan. Napunta silang dalawa sa loob ng silid ni Wave. Nanlaki ang mga mata niya. Nakakunot ang mga noo. Paanong. . .“Kilala ko sina Wave at Apolo. . . Asula. At ako si Sun ang nagbigay sa kanila ng hindi naman mapanganib na misyong ito.”
Chapter 13 LUMIKHA NG LAGUSAN si Wave pabalik sa Pilipinas 1970 kung saan dadalhin nila si Geoban at bibigyan nito ng hustisya ang pagkamatay ni Asula. Kahit wala pa si Asula sa kasalukuyan ay nasisiyahan siya dahil kahit papaano'y mabibigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay niya. Hindi lang dahil sa maililigtas ang kaluluwa kundi ay maiiwasan na rin niya ang paggawa ng kasalanan.Pinakiusapan niya sina Apolo at Wave na kapag matapos nilang pumunta sa presento ay gusto niya munang dumaan ng simbahan. Gusto niyang magkumpisal at humingi ng kapatawaran sa Diyos.Hindi niya ito ginagawa para sa misyon nila Wave at Apolo at sa kaligtasan ng kaluluwa niya sa impyerno. Kundi bukal sa kaniyang kalooban na magbabagong buhay na siya at hindi na muling babalik sa kasalanang nagawa niya.Masinsinan nilang nakausap si Geoban. Napatawad niya ito. . . nadala