Home / All / Wave and Fire / Chapter 1

Share

Chapter 1

Author: stoutnovelist
last update Last Updated: 2021-02-06 14:08:54

Chapter 1

Philippines 1930

NAPANGANGA SILANG apat sa kagandahan ng Time Gold Resort at sa kagandahan ng dagat rito sa El Nido Palawan. Ang bascuit archipelago ng bansang Pilipinas. Blue na blue iyon na siyang paboritong kulay ni Asula. Ngayon lang siya nakapunta sa ganitong lugar at nakakita ng ganitong tanawin.

“Omygash! Ang ganda dito!” sigaw ng mga kasama niya. Akala mo first time na makaapak sa buhangin, maski siya rin ay ganoon ang reaksyon.

Ingat na ingat siyang lumakad sa buhanginan na akala mo ay parang may mangyayari sa kanya kapag bibilisan niya ang paglakad.

Manghang-mangha siya maging sa tanawin. Parang kay sarap maligo sa maasul na dagat na iyon sa hindi kalayuan.

“Asula! Maliligo tayo mamaya kapag pinayagan tayo ni boss! Ano? Game ka?” Biglang sumulpot sa kanyang tabi si Casy saka nito iyon tinanong sa kanya.

Nagningning ang mga mata niya nang marinig ang sinabi nito. “Talaga? Papayagan ba tayo ni boss maligo?”

Bigla ring sumulpot sina Lena at Mona. Si Mona ang sumagot sa tanong niya na iyon. “Sa pagkakarinig ko kanina. Oo, bibigyan niya raw tayo ng oras para mag-relax. Akalain mo iyon, naisipan ni boss naiparelax tayo. Sa hinaba-habang panahon na kasama natin siya.”

Napatawa siya saka tumango. “Oo nga, ano? Ano kaya nakain niya?”

Kumibit balikat ang tatlo. “Baka may nakaing maganda,” ani Lena saka sinundan ng tawa.

Nakitawa na lang rin siya sa kanilang tatlo. Sumunod sila sa mga kasamahan nila na papunta na rin sa loob ng resort.

Binigyan na silang lahat ng susi. Sa isang kwarto ay apat pa rin silang magkakasama nila Lena, Casy at Mona. Akala pa nilang apat ay tag-iisang kwarto sila Ayon pala, kuripot pa rin ang boss nila. Hindi na aasa pa si Asula.

Napakasosyal ng Time Gold Resort. Ang mga ilaw sa kisame na mamahalin. Mga paintings sa bawat dingding na nakasabit sa tuwing dadaan ka sa hallway. Ang mga pinto na pinag-ukitan ng disenyo. Mga numero ang nakaukit roon at iyong parang sa orasan.

“Ang galing naman ng architect na dumsenyo ng resort na ito. Nakakarelax ang mga nakaukit na disenyo sa dingding at pinto,” komento niya na agad namang sinang-ayonan ng tatlo na nasa tabi niya.

Pagkarating na pagkarating nila sa kanilang silid ay napanganga agad sila sa sobrang ganda. Mga mamahaling ilaw sa kisame. Mga mamahaling banga sa gilid na may kaaama pang nga halaman. Ang malaking apat na kama. Apat na closet para sa kanilang mga gamit. At sa sobra nitong laki na kasya na para maging isang buong bahay.

“Omg! Ang ganda rito! Kitang-kita pa ang view ng El Nido!” tili ni Lena.

Magsilapag sila ng kanilang mga gamit saka nagtakbuhan papalapit sa bintana. Kitang-kita kasi roon ang asul na asul na dagat. Napangiti siya. Sobrang ganda. Isama pa ang preskong hangin na dumadampi sa kanyang pisngi. At ang mabangong amoy ng lugar na parang sinabuyan ng mga iba’t ibang klase ng bulaklak.

“Hihilingin ko na kay boss na habang buhay na tayong mamalagi rito,” hagikhik ni Casy. Napailing na lamang sila sa sinabi nito.

Umismid siya, “Kung papayag siya. Dalawang linggo lang tayo rito.”

Huminga nang malalim ang mga kasama ni Asula. “Kung sa bagay,” sabay wika ng tatlo sabay talikod sa bintana at bumalik na sa kanilang mga gamit.

Si Asula naman ay nanatili lang sa kanyang kinatatayuan. Sumandig sa sliding window at pinakatitigan ang dagat. “Ang ganda mo. Sobrang napakaganda ng asul. No wonder kung bakit iyon ang pangalan ko.”

Ngiting-ngiti pa siya nang mapansin niya ang isang lalaking nakasuot ng itim na jacket na nakatayo sa may buhanginan malapit sa dalampasigan. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Malayo rin naman ito sa kanya kaya hindi na rin siya nito makikita mula sa kaniyang kinatatayuan.

Pinagmasdan niya nang mabuti ang lalaki. Nakatayo lang ito roon at wala namang ginagawa. Siguro tinitingnan rin nito ang kagandahan ng dagat. Huminga siya nang malalim saka hindi na pinansin pa ang lalaki.

Sumariwa sa kaniyang isipan kung paano siya iwan ng kaniyang mga magulang noong labing-anim na taon pa lamang siya. Namatay ang mga ito sa malubhang sakit na tuberculosis at appendicitis. Ang Mama niya na may tuberculosis at ang Papa niya na may appendicitis.

Sa mga oras na iyon ay walang-wala siyang pera. Kaya noong dumating si Mister Marco Deguzman— ang boss nilang bakla ay hindi na niya pinalagpas pa ang pagkakataon na tanggapin ang trabahong nirekomenda nito sa kaniya. Noong una akala niya'y waiter lang ang trabaho sa bar ng boss pero iyon pala ay pagagamitin rin siya nito sa mga lalaki.

Iyak siya nang iyak noong unang gabi niya. Para siyang binababoy sa tuwing gagamitin. Sigaw siya nang sigaw pero walang nakakarinig, walang lumiligtas sa kaniya. Nanatiling pipi at bingi ang lahat na nakarinig. Hanggang sa unti-unting natanggap niya na rin kung ano ang kapalaran niya. Na hanggang dito na lang ang kapalaran niya, ang maging isang bayarang babae.

Nakapag-aral naman siya pero hanggang second year college lang at hindi na nakapagtapos. Hindi na rin siya pinayagang mag-aral ng kanyang boss.

Hindi niya na napansin na umiiyak na pala siya habang sinasariwa ang mga alaala ng kaniyang nakaraan.

“A saddest part of my life,” bulong niya sa kawalan.

Tumingin siya sa kinatatayuan ng lalaki kanina. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang matagpuan niyang nakatingala na ito sa kaniyang kinaroroonan. Hindi niya alam kung sa kaniya talaga ito nakatingin. . . pero iyon ang pakiramdam niya.

Sa hindi malaman na dahilan bigla siyang napaatras at lumayo sa bintana. Napahawak siya sa kaniyang dibdib, natagpuan niya ang puso na ang lakas ng tibok.

“Okay ka lang ba, Asula?” tanong sa kaniya ni Mona.

Tumango siya sabay pulot ng kanyang mga gamit sa sahig. “Okay lang ako.”

Bumalik naman ang tatlo sa kanilang ginagawa. Siya naman ay napatingin sa may bintana saka ipinilig ang sariling ulo. Baka imahinasyon niya lang na nakatingin ito sa kaniya. Baka iba naman ang tinitingnan nito at hindi siya. Asumera lang talaga ako.

Binuksan niya ang kabinet saka inayos na ang niya ang kanyang mga gamit. Pero mayamaya ay napangiti siya na parang timang. Hindi mawala sa kaniyang isip ang lalaking nakaitim.

“Pakiramdam ko ang gwapo niya,” naibulong niya.


Related chapters

  • Wave and Fire   Chapter 2

    Philippines 1930ANG PAGHAMPAS NG dagat sa dalampasigan at ang ingay nito ay parang musika sa pandinig ni Asula. Ang sigawan ng mga tao sa paligid dahil nagkakasiyahan sa pagligo sa dalampasigan. Hindi maipaliwanag ni Asula kung gaano siya kasaya sa mga oras na ito. Hindi siya makapaniwalang ang matagal na niyang pinapangarap noong mapunta sa lugar na ganitong kaganda ay nagkatotoo na. Minsan talaga may maganda ring nangyayari sa poder ng amo niyang bakla. Para siyang nasa paraiso. At kung pwede lang hilingin sa dagat na ayaw na niyang bumalik sa syudad kung saan siya nanggaling ay matagal na niya sanang ginawa. Pero hanggang ilusyon lamang ang bagay na iyon. At sigurado rin siyang pagkatapos ng serbisyo nila sa lugar na ito'y babalik rin siya sa lugar kung saan siya nanggaling. "Ang lalim na naman ng iniisip mo, Asula." Biglang sumulpot sa kaniyang tabi

    Last Updated : 2021-02-06
  • Wave and Fire   Chapter 3

    Philippines 1930 MAAGA SILANG PINATAWAG ni Marco kinaumagahan. Kahit kulang ang tulog niya'y pinilit pa rin niyang magising at pumunta sa lobby. Nandoon na silang lahat at kasalukuyang hinihintay ang kanilang boss. Siniko siya ni Lena sa kaniyang tagiliran. "Saan ka galing kagabi? Hinanap ka pa namin. Pero nandoon ka na pala sa silid natin nang bumalik kami. Hindi ka na lang namin tinanong dahil pagod na rin kami at maging ikaw rin." Huminga siya nang malalim. Noong inihatid siya ng misteryosong lalaking iyon ay wala doon sa loob ang tatlo niyang kaibigan. Sakto namang papalabas na siya ng silid para kumain ay siya ring pagdating ng mga ito. Hindi naman niya aakalaing hahanapin siya ng mga ito. "Pasensya na sa inyo, hindi ko sinasadyang mag-alala kayo sa akin. Hindi na mauulit. Naglibot-libot lang ako kagabi."Hanggang maaari'y hindi niya ikwe-kwento sa

    Last Updated : 2021-02-06
  • Wave and Fire   Chapter 4

    Philippines 1930BUMABABA SILA ASULA at Wave sa ibabaw ng rooftop ng resort. Hindi niya alam kung bakit siya dinala rito ng misteryosong lalaki pero wala na siyang pakialam. Gusto niya ngayong makapag-isip nang maayos. At mukhang alam iyon ng lalaki dahil dinala siya rito.Ano bang klaseng nilalang itong nasa tabi niya? Kailangan nga ba niya itong pagkatiwalaan? Paano pala kung isa itong nakakatakot na nilalang? Kukunin ang kaluluwa niya? Paano na?O kayà isa itong mga may kapangyarihang itim gaya ng mga nababasa niya sa mga libro o napapanood niya sa telebisyon.Ipinilig niya ang ulo. Hindi naman siguro ganoon ang lalaki. Hindi naman siya nakakaramdam ng takot rito. Isa pa ang gaan ng loob niya rito agad, sa hindi niya malamang dahilan. Bagama't may agam-agam pa rin sa kaniyang isipan. Hindi niya muna dapat ibigay nang buo ang tiwala rito.“Bakit tayo nandito?&

    Last Updated : 2021-02-06
  • Wave and Fire   Chapter 5

    Philippines 1930PILIT NA PINAPAKALMA ni Asula ang sarili habang kumakain. Nagluto siya kanina at pinakailaman niya ang kusina ni Wave. Kabadong-kabado siya at tensyunadong-tensyunado. Kahit ilang beses na siyang nakakita ng isang hubad na katawan ng lalaki'y iba pa rin ang epekto sa kaniya ni Wave. Lalo na ngayon at nakahubad ng t-shirt habang nakaupong nakaharap sa kaniya. Pinipilit niyang huwag mapatingin sa matipunong dibdib nito pero sadya sigurong makasalanan ang mga mata niya. Dahil sa tuwing sumusubo siya'y sa dibdib ng lalaki siya tumitingin. Bibilisan na lang niya ang pagkain nang sa gayon ay makaiwas siya sa tukso. Umiiral na naman ang pagkaharot niya. “Paanong naging misyon mo ako?” biglang tanong niya rito. Gusto niya lang may pag-usapan sila ni Wave. Saka isa pa, kanina pa siya hindi mapakali na itanong iyon sa lalaki. Nagtataka talaga siya kung bakit siya

    Last Updated : 2021-02-06
  • Wave and Fire   Chapter 6

    Philippines 1970KANINA PA SILA NAGTATAGO ni Wave at Asula sa isang pasilyo habang lihim nilang sinusundan na dalawa ang matandang kanina nilang nakasalubong sa loob ng simbahan. Hindi alam ni Asula kung paanong ito natagpuan ni Wave samantalang kanina pa nila ito nakasalubong at hindi nasusundan. Nakalimutan niya palang may mahika ang kasama niya at nakikita kung ano ang gustuhin nitong makita. Nanatili siya sa likod ni Wave at mataman na nakamasid sa paligid at nagmamatyag. Hindi niya alam pero mukhang kailangan nito ang tulong niya. Papasok ang matandang lalaki sa loob ng hindi kalakihang bahay. Sa isip-isip ni Asula ay bahay iyon ng matanda. Hindi maiwasan ni Wave ang maging matalas ng kaniyang paningin at pakiramdam. Lalo na at nasa likuran niya si Asula. Kailangan niya itong bantayan at ilayo sa kapahamakan. Iyon ang misyon niya bago siya pinadala sa mundo ulit ng

    Last Updated : 2021-02-06
  • Wave and Fire   Chapter 7

    Philippines 1970SA PAGALAKAD NI WAVE sa buhanginan kung saan si Asula Cerulean na ang babaeng kaniyang misyon naroroon ay hindi na sinayang pa niya ang pagkakataong magpakita rito.Gumamit siya ng kaniyang abilidad na lumitaw sa ibabaw ng tubig para mas maagaw ang atensyon nito mula sa malalim na pag-iisip. Alam ni Wave na ang iniisip nito ay ang kalayaan pero malaki ang takot ng babae sa kaniyang dibdib kayà hindi magawa nito ang nais na gawin. Kung ganoon mas mapapadali ang misyon niya dahil hindi siya mahihirapang palayuin sa kasalanan si Asula.Pero ang problema ay ang mga hadlang na gagawin ng isa sa mga uutusan ni Sun na hadlangan siya sa paggawa ng kaniyang misyon. Salamat sa ibinigay na orasan sa kaniya ng matandang lalaking iyon mula sa taon Pilipinas 2050. Dahil roon ay madali siyang nakapunta agad sa kinroroonan ng babaeng si Asul

    Last Updated : 2021-02-06
  • Wave and Fire   Chapter 8

    Chapter 8 HINDI MAPIGILAN NI ASULA ANG kabahan kaya't mahigpit ang pagkakapit niya kay Wave. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla na lamang sumusulong sa isang labanan si Wave na hindi handa. Hindi kayà delikado ang pagsulong nito na wala sa oras?Nasa harap na sila ng malaking pinto ng bahay ni Geoban. Nagsimula na ring kumatok si Wave para pagbuksan sila ng pinto. Pigil na pigil ni Asula ang hininga habang hinihintay na bumukas iyon. Ngunit bago pa muling kumatok sa pinto si Wave ay may isang nagbabagang apoy ang humarang sa kanilang harapan. Hindi niya napigilan ang mapasigaw. “Damn!” Rinig niyang sigaw ni Wave habang pinapapunta siya sa likuran nito. “Inaasahan ko nang hindi malinis ang kanilang paghadlang sa paggawa ng misyon ko,” usal ni Wave habang nakakuyom ang mga kamay. Sino ang tinutukoy ni Wave

    Last Updated : 2021-02-06
  • Wave and Fire   Chapter 9

    “SINO SI APOLO?” tanong bigla ni Asula kay Wave.Kagabi pa bumabagabag sa isipan ni Asula ang lalaking nakaharap nila ni Wave. Gusto niyang malaman kung ano ito ng lalaki nang sa ganoon ay magiging handa siya sa mangyayari. At sa planong pagtulong niya kay Wave.Pinagmamasdan niya si Wave na nakaupo sa sofa habang abala sa ginagawa nito. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito sa pendant na orasan nitong hawak. Kanina pa roon nakatitig si Wave at hindi man lang ito namamansin sa kaniya mula pa kanina.Pero ngayon ay nakuha niya ang atensyon nito nang itanong niya rito kung sino si Apolo.“Isang matalik na kaibigan at hindi ko inaa sahan na siya ang makakalaban ko sa misyong ito. Sadya talagang mapaglaro ang tadhana,” sagot nito sabay tayo.Kinuha nito ang itim na cloak saka sinuot.“Kayà ka naguguluhan kung kakalabanin mo siya o hindi?” tanong niyang muli.Lumingon ito sa

    Last Updated : 2021-02-18

Latest chapter

  • Wave and Fire   Epilogue

    EpiloguePhilippines 3000“ASULA! ANO BA naman iyang kwento mo? Bakit ganyan? Ang bitter mo naman. Pangit na nga ng kwento mo, mas pinapangit mo pa sa ending.” Reklamo ng kaibigan niyang si Angelie nang matapos nitong basahin ang manuscript niya sa kaniyang laptop.Masugid niya itong tagapagbasa. Kung kaya't ito lang ang nakakaalam na may talento siya sa pagsusulat. At iyon lang rin ang rason kung bakit nanatili lamang na mga files ang mga akda niya sa halip na pwede naman niyang ibalandra sa mga writing flatforms.Huminga siya nang malalim. Hindi niya pwedeng baguhin ang katapusan ng akda niyang 'The Big Wave' dahil inuusig siya ng konsensya niya. Laman iyon palagi ng kaniyang panaginip simula pa noong bata siya. Hindi niya alam kung ano ang koneksyon niya sa panaginip na iyon pero nang maisulat niya iyon ay gumaan ang loob niya.“Hindi ko pwedeng baguhin ang en

  • Wave and Fire   Chapter 20

    Chapter 20“PAKAWALAN MO si Asula,” walang tabil na wika ni Wave.Ngunit sa halip na bitawan ni Sun si Asula ay tumawa ito nang pagak saka matalim na tinitigan ang kalaban. Kahit na ano ang mangyari sa mga oras na ito ay hindi niya papakawalan si Asula. Itong babae lang ang tangi niyang magagamit laban kay Wave. Alam niya kung gaano kapangyarihan si Wave. Dahil hindi ito pipiliin ng Diyos at ng kaniyang Ama kung hindi ito mas makapangyarihan sa kaniya.Isa sa ang pinakapangyarihang elemento sa lupa ay ang tubig. Ito ang siyang pinakakailangan ng mga tao. Kaya ni Wave na wasakin ang nagbobola niyang mga apoy. Tubig ang siyang kahinaan ng lahat.“Siya lang ang tanging kailangan ko, Wave. . . laban sa iyo. Alam kong hindi mo ako magagalaw kapag andito lang si Asula sa tabi ko. Alam kong importante 'tong babae sa buhay mo.”Naisip ni Sun na kung ang apoy ang gagamitn niya bil

  • Wave and Fire   Chapter 19

    Chapter 19TUMAYO SI HARING ARAW na ang sunod nang hahatulan ay ang anak niyang si Sun. Pero hindi pa siya nakakalapit ay agad na nagpaulan ng mga bolang apoy sa kinaroroonan nito.“Hindi ako makakapayag na hahatulan mo ako, Ama. At lalong hindi ako makakapayag na ang Wave na iyan ang kukuha ng trono mo! Hindi siya karapat-dapat! Ako ang mas bagay sa trono!”Dahil sa biglaang pagpapaulan ni Sun ng bolang apoy. Natamaan ang Haring Araw sa dibdib kung kaya't nalapnos iyon. Kitang-kita ang laman nito habang dumudugo.Napaupo ito sa sahig at napatukod ng sariling kamay. Nahahapo dahil sa hindi inaasahang gagawin iyon ng anak sa kaniya. Hindi na niya ito kilala ngayon. Tuluyan na nga itong nilamon ng kasakiman.Hindi napigilan ni Wave ang sarili at pilit niyang winawasak ang kulungang pinasukan sa kanila ni Apolo. Maging ang kaibigan ay walang tigil sa pagsira ng kulungan. Ngunit ka

  • Wave and Fire   Chapter 18

    Chapter 18MAIGING TINITIGAN ni Haring Araw sina Wave, Apolo at Sun. Nagsalita ang Hari sa pangunguna ng paghahatol."Kabilin-bilinan ng kaharian na kung ano ang inyong misyon ay inyong marapat na gagawin. Ngunit hindi ko aakalaing ito ang mangyayari at kahahantungan ng misyong ibinigay ko sa inyo."Gumawi ang paningin nito sa anak na lalaking si Sun."At ikaw Sun, hindi ko aakalaing iyo itong gagawin. Isa itong kahihiyan sa akin bilang hari. Gumagawa ka ng hakbang na wala sa misyon mo. Ang masama pa'y sinugod mo si Wave na walang kalaban-laban at kaalam-alam. Hindi lang iyon. . . sumali ka sa misyon na wala ka namang kinalaman. Nakikita ko ang poot at inggit sa iyong puso. . . naghahangad ka sa isang kapangyarihan. Hindi ko ito mapapalagpas kahit na anak pa kita. Marapat lamang na harapin mo ang kaparusahang katumbas ng iyong mga kalapastangan na ginawa."Kanina pa gustong-gus

  • Wave and Fire   Chapter 17

    Chapter 17NANLALAKI ANG mga mata ni Wave habang pinalipad sa kaniya ni Sun ang nagbobolang apoy nito na pagkalaki-laki! Kung tatakbo siya'y huli na iyon. . . maaabutan at maaabutan siya ng malaking bilog na apoy na likha ng lalaki!He must think quickly! He must do a plan how to avoid his near death! Hindi pa niya gustong mamatay! Hindi pa niya naaamin kay Asula ang totoong nararamdaman. Hindi pa niya sigurado kung magiging ligtas ang kaluluwa nito.Inipon niya ang kalahating lakas niya para sa mabilisang paglikha ng isang malaking bilog na alon. Paniguradong iyon ang panlaban niya sa apoy ng kalaban. Bago pa sa kaniya umabot ang apoy ay mamatay na ito sa tubig na likha niya.Malapit na sa kaniya ang malaking bola na apoy at nawala ito nang tumama sa kaniyang bilog na along ginawa. Kitang-kita niya kung paano umigting ang panga ni Sun.Sunud-sunod ang pagpapaulan na naman nito

  • Wave and Fire   Chapter 16

    Chapter 16 NAGTATAGISAN ng paningin sina Wave at Sun. Ramdam na ramdam ang intesidad sa buong paligid.Nanunuyang ngisi ang ginawad ni Sun sa kalaban. “Hindi mo ako matatalo, Wave. You are nothing but a failure. Hindi ka magtatagumpay sa misyon mong ito. Sa pamamagitan non, hindi mo na maagaw sa akin ang tronong dapat ay sa akin.”Umiling si Wave. Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng isang ito. Isa pa nagagalit si Wave dahil hindi niya inaasahan na ito ang sisira sa misyon niya. Hindi niya matanggap na ang lubos na taong ginagalang at hinahangaan niya'y gagawin ito sa kaniya.“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, Sun. Pero iisa lang ang dapat ko ngayong gawin. . . hinding-hindi kita hahayaang sirain ang misyon ko.”Humalakhak ito. “Wala rin sa misyon mo ang mahulog ang loob mo, Wave. Wala sa misyon ang ibigin si Asula.

  • Wave and Fire   Chapter 15

    Chapter 15 MATAPOS MAGPASALAMAT nila Wave at Apolo kay Geoban ay agad silang dumiretso na dalawa sa simbahan na pinuntahan ni Asula. Ngunit pagdating nila doon ay wala na ang babae.Hinanap na nila sa buong paligid ng simbahan pero hidni nila ito natagpuan. Biglang nabahala si Wave saka tinanong na si Apolo kung pwede nitong malaman kung saan naroroon si Asula.“She is not here, Wave. Nasa kamay na siya ni Sun. . . mukhang natunugan na nila tayo. Nasa panganib si Asula. Kailangan nating bilisan.”Napakuyom ang dalawang kamay ni Wave pagkatapos marinig ang sinabi ni Apolo. Hindi sana niya iniwang mag-isa ang babae sa simbahan at sinamahan na lamang niya ito. Ngayo'y nasa panganib ang buhay nito dahil sa kaniya. Naging tanga siya at naging pabaya.Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyayaring masama kay Asula.Agad na lu

  • Wave and Fire   Chapter 14

    Chapter 14 KINALADKAD SI ASULA papasok sa isang lagusan na apoy. Hindi siya makapalag dahil may apoy na nakagapos sa kaniyang dalawang pulsuhan. Kahit anong gawin niya'y alam niyang hindi siya makakawala mula roon.Gusto niyang humingi ng tulong kay Wave. Dahil sabi sa kaniya ng lalaki kapag kailangan niya ng tulong bigkasin niya lang ang pangalan nito.Pero ayaw niyang maisturbo ang lalaki sa misyon nito. Inaasikaso pa nito ang hustisya na kailangan niya. Kung sino man ang lalaking ito ngayon ay handa siya kung ano man ang gawin sa kaniya nitong masama.Hinila siya nito saka sapilitan siyang ipasok sa lagusan. Napunta silang dalawa sa loob ng silid ni Wave. Nanlaki ang mga mata niya. Nakakunot ang mga noo. Paanong. . .“Kilala ko sina Wave at Apolo. . . Asula. At ako si Sun ang nagbigay sa kanila ng hindi naman mapanganib na misyong ito.”

  • Wave and Fire   Chapter 13

    Chapter 13 LUMIKHA NG LAGUSAN si Wave pabalik sa Pilipinas 1970 kung saan dadalhin nila si Geoban at bibigyan nito ng hustisya ang pagkamatay ni Asula. Kahit wala pa si Asula sa kasalukuyan ay nasisiyahan siya dahil kahit papaano'y mabibigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay niya. Hindi lang dahil sa maililigtas ang kaluluwa kundi ay maiiwasan na rin niya ang paggawa ng kasalanan.Pinakiusapan niya sina Apolo at Wave na kapag matapos nilang pumunta sa presento ay gusto niya munang dumaan ng simbahan. Gusto niyang magkumpisal at humingi ng kapatawaran sa Diyos.Hindi niya ito ginagawa para sa misyon nila Wave at Apolo at sa kaligtasan ng kaluluwa niya sa impyerno. Kundi bukal sa kaniyang kalooban na magbabagong buhay na siya at hindi na muling babalik sa kasalanang nagawa niya.Masinsinan nilang nakausap si Geoban. Napatawad niya ito. . . nadala

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status