EDNALYN “Sure ka ba rito sa nakalap mong impormasyon ha, Calvin?” naniniguro kong urirat sa kaniya.“Oo naman Jade. Ako pa ba?” aniya niliyad bahagya ang dibdib animo nagyayabang sa akin.“Ednalyn! Jade, ka ng Jade. Wala na si Jade,” wika ko sa kaniya.He smirk. “Para sa akin ikaw pa rin si Jade na una kong nakapalagayan ng loob, ng bago akong pasok sa training camp.”“Ehem!” tumingin ako sa katabi kong si Everette. Masama ang tingin kay Calvin nanatiling madilim ang mukha simula pa kanina pagkakita sa binata.Guwapo naman kasi si Calvin. Hindi nga lang kasing-pogi ni sir Everette ko. “Seloso naman ni sir Everette, kinakausap lang naman si Jade,” parinig ni Calvin, na siyang kina bungisngis ko.Sanay si Calvin, na tawagin akong Jade, magpa hanggang ngayon. Sinabihan kong tigilan na kakatawag na Jade, at ‘Ednalyn’ na lang, kasi wala na rin naman ako sa Eagle Eye. Wala na rin akong balak bumalik doon kasi mas priority ko ang mga anak ko.Delikado rin kasi kung ‘yon ang trabaho ko. Hin
Everette“Totoo ba ito apo, ko?” napasinghap si Lolo Emilio, sabay hawak sa dibdib niya habang binabasa ang laman ng folder. Tila hindi pa ito makapaniwala dahil paulit-ulit niyang pinasadahan ng tingin ang laman ng folder.Panay tingin ko kasi malalim ang paghinga nito.“Lolo ayos ka lang ba?” hindi nakatiis na tanong ko rito.“Oo apo,” aniya patuloy nakatitig sa folder pero ako hindi ko maialis ang titig kay Lolo, kasi naghahabol ito ng paghinga.“Lo!” ulit ko ngunit binigyan ako ng magaan na ngiti kaya nakampante ako.“Lolo, kailangan natin malaman kung saan itinago ni Maryjane ang kapatid ko,” saad ko nakatingin pa rin sa kaniya. “May lihim na akong taong pinasusundan si Maryjane, apo. Pero itong balita na ito ang kailangan natin malaman. Sa lalong madaling panahon.”“Opo ‘lo bago mahuli ang lahat. Hindi natin alam kung anong kalagayan ng kambal ko ngayon. Maaring pinahihirapan ‘yon ngayon ni Maryjane," nasa boses ko ang pag-aalala.Napahawak si Lolo Emilio, sa kaniyang dibdib. N
EveretteKasama ko si Calvin at boss Chinito sinunsundan namin si Maryjane, ngayon hapon. Tinawagan kasi ako kanina bago mag-alas-d'yes ng umaga ni boss Chinito, na may pupuntahan si Maryjane, ayon sa tao nitong lihim nakasunod kay Maryjane. Baka raw ito na ang sagot sa akin problema.Agad niya akong kinontak at nagkita kami at ito na nga may kasama pa si boss si Calvin.Ewan sa babaeng ‘to kung saan papunta basta hindi namin inaalis ang tingin dito. Bawal itong makawala sa paningin namin, baka ito na ang pinaka aantay kong pagkakataon na makita ang kapatid ko.“Ibang daan na ito ah. Patungong Rizal?” wala sa sarili saad ko na kinalingon ni boss Chinito na nakaupo sa unahan. Katabi ni boss ang driver nito sa unahan. Kami ni Calvin dito sa passenger seat.“Yeah, patungo nga roon ang tinatahak ni Maryjane. We have no choice kun'di sumunod bago pa makawala sa ating paningin ang iyong madrasta,” wika nito sa akin.Hindi kami masyadong dumikit baka mahalata ni Maryjane na mula Maynila. May
EveretteNang mag-umpisang lumakad sila Maryjane, patungo sa looban, naging alerto kaming tatlo at bumaba rin ng kotse.Walang kaalam-alam si Maryjane nakasunod kami dahil abala itong makipag tawanan sa kalaguyo. Kaswal lang kaming kumilos. Nangiti pa nga kami sa nagtataka sa amin ang ilang mga tambay dahil nga naman bago kaming salta sa lugar na iyon magtataka nga ang karamihan.Ang daming mga batang naglalaro nagtatakbuhan sa looban. Makipot ang kalsada kaya mas sumikip pa dahil sa mga batang naglalaro. Ang iba pa walang pantaas na damit at tila hindi pa naligo. May iilan din nag-umpukan na mga babaeng chismosa.Tumigil kami sa nadaanang tindahan. Kahit ayaw namin bumili napilitan kaming mag soft drink. Dahil tinagayan ng alak, ang driver ni Maryjane ng mga tambay na nadaanan. Hindi ito kalayuan sa amin kaya kailangan namin mag-ingat.Hindi malinaw ngunit naunawaan namin ang sinabi ng hubad barong lalaki na nagbigay ng basong may laman alak sa kalaguyo ni Maryjane.“Aba Tenyo. Talaga
Ednalyn“Chairman!? Dahan-dahan lang po sa pagbaba,” saway ko rito ng makita kong halos dalawang hakbang ang lakad sa engrandeng nilang hagdan.Sa sobrang taas noon panigurado mababaliin kung sino man ang mahuhulog sa baba. Kaya agad kong sinabihan si Chairman na mag dahan-dahan at ilang baitang pa siya upang makarating sa baba.“Sorry hija, nagmamadali talaga ako nasa ospital daw si Everette,” malakas ang boses niya, marahil sinadya upang marinig ko.Napamulagat ako at pinuntahan ko na upang salubungin at pagdating nito sa dulo ng hagdan inalalayan ko siyang bumaba.“Anong nangyari sa kaniya, Chairman? Bakit po nasa ospital si Everette? Katawagan ko pa siya kanina ‘lo,” usisa ko sa kaniya.“Hindi siya hija, ang kapatid niya dinala sa ospital nakita na ni Everette,”“Wow! Talaga po? Maganda balita ito ‘lo. Sandali maari po ba akong sumama, ‘lo?” natuwa kong paalam sa kaniya.“Sure” wika ni Chairman sa akin. Naalala ko ang dalawang bata kaya nga pala ako bumaba kasi sila ang sadya ko u
Ednalyn“Everette, kumusta?” humahangos na tanong ko rito pagdating namin ni chairman ng ospital.Sa sasakyan pa lang panay na tawag ni chairman dito. Kung hindi lang ako kasama baka mag-breakdown ang Lolo ni Everette. Kasi paglabas ko ng bahay nang inaantay niya ako. Napansin kong panay nito punas sa pisngi. Umiiyak pala si chairman.Sinisisi kasi nito ang sarili kaya ganito ang sinapit ng kapatid ni Everette, dahil sa pangingialam niya sa relasyon ni Nanay Erna at sir Lucio. Mabuti nga huminahon ng dumating ako iyon nga lang maya't maya ang check sa phone nito.Nasa labas pa si sir Lucio. Kanina kasi hindi sumabay sa amin sa kotse ni chairman. Nagmaneho ng kaniya at nasa labas lang ito ng ospital ayaw pumasok.“Apo, ang kapatid mo,” namumula ang mata at pinipigilan na iyak ni chairman.“Magiging ayos siya ‘lo, ‘wag po kayo mag-alala,”“Salamat apo, makakasama na natin ang kapatid mo,” wika ni chairman.Sabi ni Everette, baka mga apat na araw lang lumabas na ng ospital ang kapatid ni
EdnalynUmabot ng gabi ang pag-uusap namin ni chairman. Hindi mo talaga akalain na mabait ito kasi sa EA group seryoso ito lalo na kapag mga employee ang kaharap. Kaya nga labis na nangingilag dito si Lucinda at Maryjane dahil sa feature ng mukha nito na puno ng awtoridad kung hindi mo kilala si chairman. Titig pa lang nito titiklop ka agad hindi pa man 'to nagsasalita.“Sir Lucio?”Nakita ko siya sa pinto paglingon ko. Tila ba nahihiyang pumasok ang ama ni Everette. Nagpaalam ako kay chairman na pupuntahan ko sumang-ayon naman agad ito.Pagtayo ko sa sofa tumayo rin si chairman upang magtungo sa bed ng kambal ni Everette. Umupo roon hinawakan ang palad nito habang nanatili lang ito walang imik nakaupo mataman pinagmamasdan ang apo.“Sir Lucio,” bati ko at sumenyas na pumasok kahit hindi pa ako nakarating sa pinto.Nginitian ko ito ng dumating ako ng pinto. Tila alanganin pa ito nanatili lang nakasilip sa loob ng nakaratay niyang anak na kambal ni Everette.“Sir pasok po,” wika ko nil
Chairman Emilio PovPaglabas ni Ednalyn nagkahiyaan pa kami ng anak kong si Emilio, mag-usap. Wala 'tong imik gano'n din naman ako na para bang bago lang kami magkakilala sa aming kinikilos.Hindi ako nakatiis ako ang unang bumasag sa katahimikan dahil tingin ko wala itong balak magsalita nanatili ang tingin sa apo ko na hanggang ngayon ay mahimbing ang tulog.“Anak dito ka,” kapagkuwan wika ko.Unti-unti napunta ang tingin nito sa akin. Lihim akong napangiti ng tumayo ito at humakbang lumapit sa akin.Pagdating nito sa tabi ko mabilis ko itong hinila sa balikat at inakbayan ng parang payakap.“Sorry, I'm really sorry son,” I whispered. I have not noticed nag-stammer na pala ang boses ko.“Alam mo aminado akong naging makasarili noon kaya ito ang naging resulta muntik ng mawala ang isa ko pang apo,”Walang sagot galing kay Lucio kaya ipinagpatuloy ko ang paliwanag sa kaniya.“Hindi pala talaga sa lahat ng oras pera ang nagpapasaya,”“Bakit nga ba Dad? Hindi pa ba kayo kuntento noon sa
Four years later Nasa harapan ako ng kalan at tinikman ko ang luto kong pinakbet na paboritong ulam ng mga bata nang maulinigan ko ang tawag ni Siobeh sa akin tila galing sa pag-iyak. Kumunot ang noo. Tsk may bata na naman sigurong makulit or sumira ng gamit or ng laruan kaya may magsusumbong sa akin. See, tama nga ang aking hula. Dahil pumasok si Siobeh dito sa kitchen, bitbit ang shuttlecock nito na sira na. Yuping yupi na ito. Napailing ako. Tuwing linggo na lang kami bumibili ng shuttlecock kasi palaging niyayari ni Lou Renz. Hindi kasi p-pwede walang shuttlecock si Siobeh, kasi tuwing Saturday may training ito ng badminton. Mahilig kasi si Siobeh sa badminton sports grade two na sila ni Tobias. Player ng school nila si Siobeh, samantalang si Tobias, hindi active sa sports ngunit sa academic ito sobrang nage-excel. Sa mga quiz bee ito nilalabanan. Bagamat si Siobeh kasali sa sport. Hindi naman ito pahuhuli sa academic grades niya dahil with honors pa rin ito. “Mommy…sinir
Ednalyn After five months…. The wedding ‘Cherish the treasure’ I cherish the treasure The treasure of you Life long companion I give myself to you God has enabled me To walk with you faithfully And cherish the treasure The treasure of you “I never imagined this day would come that I would fulfill my long-held desire to marry you, baby. Mahal na mahal kita noon pa man. Hindi ka na kailanman mag-iisa because I'm always beside you and our children are with us in every trial we face. I promise to cherish and honor you. I promise to be your faithful husband and a good father to our children. I promise to grow old with you and love you all the days of our lives.” Humugot ako ng hangin pagkatapos pinaloob ko sa bibig ko ang buong labi ko dahil nanginginig iyon. Hindi ko kasi mapigilang umiyak habang sinasambit ng guwapo kong groom ang mga pangako niya sa akin. May vows o wala kasal man kami at hindi. Palagi niyang ipinadarama sa amin ng mga anak niya kung gaano niya
Ednalyn “Ito na ang babies n'yo Misis,” anang ng OB ko, na si Dra. Acosta, nang dalhin na ang kambal sa room ko rito sa ospital. Hindi rin nagtagal si Doktora Acosta. Nagbilin lang kay Everette, ng mga kailangan ko at nagbigay ng prescription sa mga gamot ko pagkatapos ay nagpaalam na sa amin aalis na. Galing din dito kanina sila Lolo Emilio at Emil. Kakauwi lang pero sabi mamaya ay darating ang Nanay Erna. Si Daddy Lucio kasi, nasa ibang bansa. Ewan kailan ito babalik magbabakasyon lang daw ngunit walang petsa ang uwi nito. Now ko lang din nasilayan ang kambal, kaya naman hindi ko maialis-alis ang aking tingin sa cute kong mga anak. Dinala ako dito sa k'warto ng makarecover after ng C-section. My babies… I whispered. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha sa aking pisngi, kung hindi ko pa naramdaman na meron gumapang na mainit na tubig galing sa mata ko. Luha na pala iyon. Luha ng kaligayahan dahil ligtas kong isinilang ang pangalawa kong kambal ng walang aberya at nas
Ednalyn “Woah! Dumating na sila Mommy!” tuwang-tuwa naka palakpak pa ang anak kong si Siobeh, pag-uwi namin ni Everette ngayong hapon. Nginitian ko sila pareho ni Tobias, umalis sa upuan. Galing kami sa main office ng EA group of companies. Isinama ako ni Everette, dahil may executive meeting ang kumpanya. Ipinakilala rin kasi niya ako sa lahat ng mga employees. Ayaw ko nga sana dahil hindi naman na iyon kailangan ngunit hindi ako tinantanan ayain kaya nagpahila na lamang ako. Ang lawak pala ng kumpanya nila halos kalahati lang ang dating Tañala enterprises na nabili nila at ginawang AE extension office. Namamangha ako't kaya pala ng dati kong superior humawak ng gano'n kalaki kumpanya. Napaka energetic talaga nitong anak kong si Siobeh. Walang kapaguran sa kalalaro. Kasama nila si Ate Diday at Happy sa sala. Mabuti ngayon naabutan namin movie ang pinanood ng apat. Kanina kasi iniwanan namin ni Everette, na busy sa bago niyang bike na binili ni Daddy Lucio. Same sila ni Tobias. M
Ednalyn After one month… People from the Philippines vs. Maryjane Altamerano and Juanito Aldo, alyas Tenyo. Accused of kidnapping, and after considering the testimonies of witnesses from both parties and examining the facts and circumstances, The court's pertinent laws were defined in Section 267 of RA 1084, kidnapping and serious illegal detention—any private individual who shall kidnap or detain another, or in any other manner deprive him of his liberty. For the purpose of money, and also the accused forces the victim to get the authorized signature of the victim so that the accused shall have access to all of the assets and money of the victim. The accused found guilty—” “Hindi ako papayag. Lucio, wala ka bang gagawin?” maagap na sumagot si Maryjane, gustong lumapit sa Dad Lucio. Naging maagap lang ang pulis na mga nakabantay rito. Twenty one years na pagkabilanggo ang parusang pinataw kay Maryjane maging sa karelasyon nitong si Tenyo. Doon na ito a-abutan ng senior citizen
Ednalyn Paglipas ng tatlong araw nagpasya kami ni Everette, magpunta ng presinto. Ngayon araw din lalabas si Lucinda na lingid sa kaalaman ng mommy nito dahil si Everette ang nagayos ng papel ng dalaga. “Siobeh, may lalakarin lang kami ni Daddy, mo. Super mabilis lang iyan anak,” I explained to her. Kanina pa ito nilalambing ako gusto talagang lakwatsa ng bata. Samantalang ang kakambal nitong si Tobias, tahimik lang nanood ng TV si Siobeh ang maingay sinusubok kung oobra sa akin ang paglalambing nito. “Mommy, hindi po ba kami p'wedeng sumama ni Kuya Tobias?” muli niyang tanong habang kandatulis ang ngusong lambing nito sa akin. Kumalong pa sa akin pagkatapos ay yumakap sa leeg ko. “Siobeh makulit ka. Kasasabi lang ni Mommy, you are not allowed to come, but you are still insisting,” iiling-iling ang kambal nito kaya hindi ko maiwasang bumungisngis sa pagsaway nito sa kakambal niya. “Bawal po ba talaga, Mommy?” ulit ni Siobeh. I softly chuckled. Naaaliw ako’t pinupog ko siya ng ha
Ednalyn "Pasok po kayo Ma'am," Yaya ko sa Ginang at tipid akong ngumiti sa kaniya pagdating niya sa aking harapan. "Ayos lang ba sa iyo, hija?" alanganin nitong sagot. Halata sa boses ng Ginang, na kabado kasi nanginginig iyon. Napunta ang tingin ko sa palad nito pinipisil iyon ng Ginang. Lihim tuloy akong nangiti kasi kinabahan nga ito makiharap sa akin. "Tara po sa loob tayo mainit po rito sa labas at tirik na tirik pa ang araw," Hindi ko na inantay na sumagot si Mrs. Roces nagpatiuna na akong lumakad upang wala itong magawa kun'di sundan ako. Ganun nga nakasunod ito sa akin paglingon ko. Tumikhim ito. "Sure ka ba hija, maari akong pumasok sa loob?" aniya tila hindi pa rin makapaniwala inaanyayahan ko siyang pumasok sa bahay. "Opo naman po. Wala ka naman po ginagawang masama para hindi ko kayo pakiharapan ng maayos Ma'am," wika ko pa. "Dito po tayo Ma'am. Uhm maupo ka po. Drinks? Anong gusto mo, Ma'am?" anang ko pagdating namin sa sofa. Maagap itong tumanggi gusto lang
Ednalyn “Uncle Emil, do you have a girlfriend?” tanong ni Siobeh, sa kambal ni Everette, kung kailan ng seryoso na kaming kumakain. Kaya naman si Everette at si Emil, parehong nasamid dali-dali uminom ng tubig. “Tsk! Ang dami mong alam, Siobeh,” supladong saad ni Tobias hindi naman pinansin ni Siobeh, ang pagsusungit ng Kuya niya nakangiti lang halata nga gusto lang mang-asar sa uncle nila. Pero mga team oldies natutuwa lang sa apo nilang ubod ng daldal. Susmaryosep talagang hindi ito mauubusan ng tanong hangga't may kausap at sasakyan ang kadaldalan nito patuloy ito maraming kwento. “Uncle?” ulit pa nito talagang gustong makakuha ng sagot galing kay Emil. “Wala nga po, baby Siobeh,” saad nito sa anak ko kinamaang nito. Timing lumapit si Happy, naku po itong anak ko talaga naman saan nito pinagkukuha ang mga salitang crush, boyfriend at girlfriend thingy. Mas nagulat ako sa muling panunukso kay Emil. Kasi si Happy naman ang pinagtripan. “Uncle, si Ate Happy na lang po ang i-cr
Ednalyn “Daddy!” sigaw ni Siobeh, pagpasok ni Everette sa main door na alalay ang kakambal nito. Pareho kami ni Tobias lumingon. Nakangiti kaming nagkatinginan ni Everette sa isa't-isa. Sumunod na pumasok si Chairman at Daddy Lucio, bahagya akong nangingiti kasi nakayuko si Nanay Erna nasa likuran ni Daddy Lucio, ngunit napansin ko ang patingin-tingin ni Dad Lucio sa kaniya. Na-focus ang mata ko sa Nanay Erna. Same pa rin kaya sila ng damdamin ni Dad Lucio? Kasi nakikita ko ang ilangan nilang dalawa. Gayunpaman hindi na sila p'wedeng magkagustuhan. Dahil may asawa na si Nanay Erna, at si Dad Lucio naman ay kasal pa rin kay Maryjane. “Lolo!” muling sigaw ni Siobeh natawa pa kasi pareho si Chairman at Daddy Lucio ngumiti sa anak ko. “Hehe…Lolo Chairman po pala dapat para alam kung sino ang tinatawag ko,” wika ng anak ko ng walang preno-prenong bibig, sinabi iyon sa dalawang Lolo niya. Nag-alala lang naman ako baka iba ang dating sa ama ni Everette. “Naku pasensya na po Dad, madald