EDNALYN
Bago ko silipin si boss sa office niya. Naglinis muna ako ng alikabok sa office table ko pagdating sa p'westo ko. Nang matapos ko ‘yon nagpasya na akong katukin si boss. Si Mr. Luisito Tañala upang ipaalam na narito na ako sa labas.“Knock!”“Sino ‘yan?” sagot nito sa loob.“Ako po Sir, si Ednalyn,” sagot ko sa may-edad ko rito. Nag-antay ako kung papasukin ako upang kunin kung anong ipag-uutos nito sa akin na gagawin.Singkwenta na ang edad ni Mr. Tañala at sa ibang bansa na maninirahan kasama ng may bahay nito. Naroon kasi ang mga anak nito ayaw ng umuwi ng Pinas. Mas gusto sa Australia dahil may business din naman doon na minamanage.Kaya nga ito benenta ng lamang ng boss ko Tañala Enterprises. Dahil matanda na raw siya kailangan din magpahinga sa tagal nitong ginugol ang panahon sa pagpapalaki ng negosyo na hindi naman nagka-interest angga anak nito.Mukhang nakalimutan ako ni boss a, inulit ko ang pagkain ‘tsaka lang ito sumagot.“Ikaw pala hija. Pasok ka muna, Hija,” wika pa nito. Hindi naman naglo-lock ng pinto ang boss namin dangan nga need pang kumatok at kung hindi ito nagsasabi na p'wede kang pumasok ay mananatili ka sa labas.Nasanay kami roon dahil mabait ito kaya nga lang pagdating sa trabaho super strict talaga ito na ganun naman yata lahat ng mga negosyante.“Pasok ka hija. Meron akong magandang balita sa'yo,” nasa boses nito na mukhang excited. Hmmm sana ay good news ang hatid ni boss dahil ayaw ko ‘ata mawalan ng trabaho maging ang ibang kasamahan ko.Haka-haka kasi ng karamihan ay suplado at mas estrkto ang papalit na may-ari. Baka raw maraming tatanggalin sa trabaho. I'm scared because I've been absent a lot these past few months dahil sunod-sunod na event sa school ng kambal.Bilang Inam Ay supportive ako sa kambal ko. Talagang nag-aabsent ako sa office kapag ganun. Napatampal ako sa aking noo. Sobra ko naman mag overthink baka naman hindi mangyayari ang pinangambahan ko dahil sabi-sabi lang nga mga marites na mga kasamahan ko s trabaho.Tumikhim ako bago ko pihitin ang door knob ng office ni Sir Tañala. Napalunok pa ako. Shit bakit ba ako mag-iisip e, sabi naman ni Mr. Tañala gagawin daw niya ang makakaya para sa mga employee na manatili sa kanila trabaho. Kung kailangan daw niyang ulit uliting kumbinsihin ang new management para walang maalis na employee ay gagawin nito. So dapat maging kampante kami. Maniwala kami sa kakayahan ni Boss.Nagbaling ng tingin si Sir Tañala sa pinto ng makapasok ako. Nakangiti ito.“Come Ednalyn. Upo ka muna mabilis ko lang itong pipiramahan at ng madala mo rin sa accounting department paglabas mo rito,”Tumango akong nakangiti kay Sir. Lumakad akong patungo sa visitors chair. Totoo nga ang sinabi nito na sandali lang dahil wala pang seven minutes tapos na lahat pirmahan ang basa harap nitong papeles.“Thanks God at tapos na rin. Simula pa kahapon puro pirma ang ginawa ko,” sabi nito na mahina tumatawa.“Natambakan po kayo Sir, dahil sa pag turnover ng ownership,” wika ko sa kaniya.“Bueno ito ang good news ko, Hija. Sabi ni Mr. Altamerano ay wala raw tatanggalin na employees. Lahat daw ay malayang manatili kung gusto nila ang bagong management.” Masayang balita niya sa akin sabay inabot din ang sinasabi n'tong dadalhin kong mga papers sa accounting department.“Wow! Talaga po Sir. Nakakatuwa naman po salamat kung ganun. Hehehe Isa pa naman ako sa labis na kabado,” tipid kong ngiti rito.“Ngayon ay mapapangiti ka na, Hija, dahil sa good news ni Mr. Altamerano,”“Salamat Sir. Malaking tulong po ito sa amin mahirap din po kasi makahanap ng trabaho ngayon lalo na sa katulad ko na matagal ng nag-graduate. Mahigpit po kasi ang kompetisyon ngayon sa mga office work. Mostly ay fresh graduate ang hanap,” mahaba kong litanya kay boss Tañala.“Paano Sir, lalabas na po ako upang dalhin na ito papers sa accounting,” paalam ko pagkatapos namin mag-usap.“Sige Hija. Sandali a-attend ka naman siguro sa Saturday diba?”Nagbiro ako. “Pwede po ba hindi na, Sir?” ani ko sa kanya. Para naman nag-isip si Sir bago sumagot sa akin.“Bawal kailangan, Hija. Lahat a-attend. Tsaka ‘balato n'yo na sa akin ‘to at last ko na, rito sa kumpanya.” Aniya. Napangiti ako. Attend naman talaga ako katunayan ay may damit na ako dahil kay Merlyn na excited. Nabudol ako ng kaibigan ko.Aba'y last week pa ako hinila patungo sa mall upang bumili ng damit na susuotin. Sa Baclaran sana ako bibili dahil 1000 lang ang budget ko tapos marami naman mapilian na gown doon hindi pa pricey. Magaganda rin naman kaso nga lang na-scam ako sabi lang daw ng ayain niya ako upang mag-window shopping dahil naiinip sa apartment niya.Aba'y bumili nga ang kaibigan ko ng gown ten thousand ang gown ng beshy ko. Once in a lifetime lang naman daw magpapalit ng owner sa kumpanya so, bakit daw hindi itudo na.Napilitan pa ako sa bruhildang ‘yon nalagasan kasi ako ng 4500 sa gown ko lang. Sayang half sa tuition fee na ng Isang kambal ko iyon.“Mabuti naman hija dahil sure daw na darating si Mr. Altamerano hindi lang assistant ang ipapadala. Personal na mag-attend ang new boss n'yo,” napa ‘ah’ na lamang ako sa sinabi niya sa akin.“Psst…besh!” tawag ko sa seryosong si Merlyn na nakatutok ang mata nakatingin sa harapan ng computer. Naibigay ko na sa head accountant nito ang papers na pinadala ni Sir Tañala at naisip ko daanan siya bago ako bumalik sa office ko.“Anong ginagawa mo rito?” saglit lamang akong sinilip pagkatapos ay muling tinutok ang mata nito sa desktop. Ngunit maya-maya ay humarap na sa akin.“Galing ako roon sa head dinala ang pinirmahan ni Boss. Marami kang ginagawa?” usisa ko pa sa kanya.“Medyo. Maraming deadline hanggang bukas,” aniya.“Okays mamaya na lang sa lunchtime. Bye besh,” paalam ko.“Kita mo nga ikaw na babae ka,” maktol pa nito. Natawa pa ako dahil nagreklamo ito na iistorbohin ko siya, tapos lalayasan ko din agad na hindi ko sinasabi rito ang tsismis.Kailangan ko rin umalis doon baka masita ako ng head nila na hindi nag tra-trabaho, pagala gala lang. Okay sana kung hindi mga busy ang lahat ng mga tao ngayon dahil pwede naman sandali kaming magkwentuhan basta hindi tipong hihinto sa trabaho para sa tsismis. Pero ngayon ay mga abala sa gawain nila nakakahiya baka mapagalitan kaming pareho.Nang mag-umpisa akong magtrabaho hindi ko na namalayan ang oras. Hindi na ako nag fifteen minutes break sa umaga. Hindi naman kami bawal kumain kung nagugutom. Itinuloy ko ang mga gawain ko.Umangat lang ako sa harapan ng monitor ng lumabas si Mr. Tañala sa office ko. Nagulat pa ako na tanghalian na pala.“Lunchtime na Ednalyn, hindi ka kakain?” aniya.“Ay oo nga Sir. Salamat po,” wika ko pa. Shutdown ko na ang desk computer ko bago ayusin ang sarili ko.“Una na ako sa'yo, Hija at kikitain ko pa si Mrs. Tañala, sa Asian Chef Restaurant. Doon ang aming pananghalian,” aniya paalam sa akin. Kinilig ako sa dalawa lalo nasilip ko ang pag kislap ng mata ni Sir pagbanggit sa Misis niya.Gusto ko magsabi ng sana all na lang sa extra sweet na si Mr. Tañala. Bukod sa mabait na boss malambing din na asawa.“Ingat po kayo Sir,” paalam ko. Nakahabol lang ako ng tingin sa papalayo may edad na lalaki habang nakangiti. Kung hindi pa nag-ring ang cellphone ko sa bag ay hindi ako kukurap.Nakangiwi akong ng makita kong si Merlyn ang tumatawag.“Ednalyn Del Socorro, saan lupalop ka naro'n at kanina pa ako nag-aantay rito sa baba!”Humagikhik ako dahil nakikita ko na kung kaharap ko ito ay sobrang nito simangot.“Ito na beshyup papunta na,”“Tse! Pagdali oi gutom na me,” mataray na sabi nito.Gutom na nga dahil nag Bisaya na ang bestfriend ko.EDNALYN“Hoi pag-sure dihai Inday Merlyn. Ten minutes lang naman ang lampas ko. Matagal na iyon sa'yo?”“Sayang oras,” angal pa nito.Hindi na ako sumagot na end call ko na habang nagsasalita. Napa halakhak pa ako at panigurado mamaya tatalakan ako nito.Nang masiguro wala ng akong nakaligtaan nakasaksak. Dinampot ko ang bag ko at tumungo kung saan ang elevator. Dito sa office floor ni Sir Tañala ay wala akong kasabay na sumakay pagdating sa sumunod na floor ay siksikan na.Sabay-sabay kasi ang lunch break kaya daming taong nag-aabang sa elevator. Sa dulo ako at kahit ganun, ay nasiksik pa rin ako sa mga bagong sakay.Sana pala sa hagdan na ako sumakay kung alam ko lang ganito ka-crowded. Hirap pa naman bumaba nasa dulo ako. Late naman marami pang tao. Bulong ko.Tahimik ang loob ng elevator ng mag-usap ang nasa unahan ko. Tungkol sa gaganaping party ang pinag-uusapan ng dalawa kong ka-trabaho.“Venus may damit ka na bang susuotin sa Sabado?” naulinigan kong tanong ni Jelly sa kasama.
EDNALYN “Paano besh, b-bye na…kita-kits tayo mamaya. Ay mali, kita tayo mamaya dahil patungo naman ako sa bahay mo,” paalam ko rito pagbaba ng taxi sinakyan namin. “Okays besh. Matutulog din muna ako at mukhang sumakit ang ulo ko sa tirik na araw,” aniya habang hinihilot ang sentido nito. “Ikaw kasi ang arte-arte mo. Nag-alok na si Sir Rennier, na isakay tayo kanina masyadong pakipot. Sayang ang g'wapo pa naman ng kotse ni Sir Rennier,” wika ko pa. Nakita ko ang reaction nito. Kaya pinigil kong tumawa at nagtaas pa ako ng kamay tila ako sumusuko nang masama agad ang tabas ng mukha nito. “Ayan ka naman Ednalyn! Ayaw ko nga roon sa lalaking ‘yon. Ang babaero kaya noon hindi mo lang alam,” laban niya sa akin. Napa awang pa ang bibig ko sa sagot nito sa akin. “Ows? Pero mukhang wala naman akong nabalitaan na pinormahan ni Sir, simula ng magtrabaho ako sa kumpanya,” giit ko pa sa kaibigan ko. “Naku besh, tigil-tigilan mo na nga ako r’yan sa kaka match sa pangit na iyon! Akala mo lang
EDNALYNSabay kami ni Merlyn nagtungo sa party. Sakto lang ang oras ng kami ay dumating. Marami ng tao pagdating namin. Mga kasamahan namin sa trabaho at mangilan ngilan na mga bisita ni Sir Tañala. Sa rooftop lang din naman ang venue kaya ang ibang ka-officemate ko alam ko hindi na umuwi dito na sila nagbihis.Ako kasi umuwi pa ng bahay dahil sa mga bata. Binilinan ko kasi si Ate Diday baka gabi na ako makakauwi dahil sa gaganaping party. Ganun din ang kaibigan ko sabay kami pumarito. Sa table nila Merlyn ako sasama dahil wala naman akong ka-department. Si Sir Tañala kasi ay sa unahan ang table nila kasama ng mga executive at Misis niya.“Besh doon tayo,” panguso ni Merlyn sa nakatalaga table ng department nila.“Sige susunod ako sa ‘yo besh,” sagot ko lang sa kanya. I looked around. Hmmm pagandahan pala ang iba sa kanila mga gown halata mga pinaghandaan ang party na ito.Dahil sa pagka-busy ko sa pagtingin sa paligid nakalayo na pala si Merlyn sa akin.Binilisan ko ang aking paghakb
EDNALYNHindi ba niya ako nakilala? Anong nangyari? Hindi ako maaaring magkamali siya iyon eh. Siya si Everette De Ocampo not Altamerano.Lumipas man ang apat na taon ay walang nagbago sa itsura niya. Mas lamang nga lang ang pagka suplado nito ngayon kaysa noon pero kilala ko si Sir Everette. Kilala s'ya ng puso ko kahit nakapikit man ako.Nakagat ko ang loob ng pisngi ko upang maiwasan ang galit para sa binata. Baka may dahilan lang ito kaya ayaw akong kilalanin. Pero paano kung ayaw na talaga niya sa akin? Nang maisip ko iyon hindi ko maiwasan ang masaktan.Dammit! Kailangan ko siyang makausap upang Ipaalala na dati na kaming magkakilala. Dati ko siyang kasamahan sa trabaho. Kapag ipaalala ko iyon sa kaniya siguro naman hindi niya iyon nakalimutan dahil ang Eagle Eye, ang sentro ng buhay niya noon. Nakita ko kung gaano n'yang minahal ang trabaho. Tama hindi ako maaaring sumuko. Magiging boss ko siya kaya may chance na makilala ko siya.Hindi muna ako bumalik sa table ng kaibigan ko.
EDNALYN“Ingat kayo guys. Salamat sa pagtanggap n'yo sa akin sa table n'yo,” ani ko sa kanila. Nakilala ko na lahat ang kasama ni Merlyn sa accounting team. Hindi nga ako nagkamali sa pagkilatis sa kanila na madali silang pakisamahan.Natapos ang party ng 11:30 ng gabi. Sabay ulit kami magkaibigan na uuwi. Nag-aabang na kami ng taxi ng tumigil sa harapan namin si ang kotse Sir Rennier. In order to have a clear view of us, he rolled down the window.“Girls sa akin na kayo sumabay,” saad ni Sir Rennier sa amin ni Merlyn habang kami ay nag-aabang ng taxi.“Wala ho kayo kasabay Sir?” ani ko.“Kayo lang kung sakali,” biro na sagot niya sa akin. Hinila ako sa daliri ko ni Merlyn. Tumingin ako rito.“Hindi na magtaxi na lang tayo,” bulong nito.“Ano ka ba Beshy?! Si Sir Rennier, na nga ang nag-aalok sa atin pakipot pa tayo. Hello, boss mo po ‘yan beshy kaya gora na tayo,” pamimilit ko pa sa kaniya.She narrowed her eyes at me, but I chose to ignore her. I turned to face Sir Rennier and told
EDNALYNHindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Pero alam kong nakatingin ito sa akin kaya tumikhim muna ako upang magka lakas loob na masabi ko sa kaniya ang kagabi pang bumabagabag sa akin. Ipaalam ko na siya si Sir Everette Ocampo. Hindi si Everette Altamerano. Pero shitty napaka sungit nito hindi nakalimot sa late ko ngayon."Ganoon ba kayo kalapit ng dating boss, para payagan ang ganitong tardiness sa opisina?!""Sorry Sir Altamerano. Meron lang po ako importante inasikaso kaya late akong pumasok,""Nevermind! Next time ayaw ko sa lahat ang may attitude na secretary lalo na kung palaging late," "Yes Sir. Hindi na po mauulit–""Talagang hindi na!" mabilis niyang sagot sa akin. Sungit naman nito hindi ako pinatapos magsalita letse siya parang babaeng may dalaw napaka higblood. Kahit nanginginig ang magkabilang kong tuhod. sa nanonoot niyang tingin ay dedma sa akin. Pinilit kong tumingin ng diretso sa mga mata niya. Malalim itong nakatitig sa akin ngunit nanaig ang kagustuhan
EDNALYNAng bilis lumipas ng mga araw. Hindi ko lubos akalain na tatlong buwan na rin pala simula ng mabili ang, Tañala Enterprises na ngayon ay pinalitan ng name ang, EA group of companies bale extension itong dating Tañala Enterprises ngayon ng EA group, ngunit nag mukha ito ang main office ng kumag kong amo dahil dito nga ito naglalagi mula umaga hanggang mag-out sa hapon. Hindi lang talaga iyon pumapasok dito kung sa AE extension kung may mga importante meeting sa main office.Ang EA ay hindi pala sa pangalan ni Sir Everette kinuha. Galing pa pala sa Lolo nito na si, Emilio Altamerano. Ang chairman at soon si Sir Everette ang papalit kapag daw naikasal na.Hindi ko maintindihan kung anong nasa isip nito basta alam ko lang tatlong buwan ko na rin siyang kinumbunsi na siya ang dati namin superior na si Sir Everette Ocampo. But sad to say hindi ako pinaniniwalaan nito. Ano pa nga ba ang gagawin ko. Edi mag-move on na lang at kalimutan ang feelings ko sa kanya kahit na nga hindi ko s
EDNALYN Nang binabagtas na namin ang patungo sa Savemore badtrip pa rin ako dahil sa nangyari sa office kanina. Hindi na rin kasi bumalik si sir Everette ng umalis na magkasama si impaktang Lucinda. Tatawagan ko sana bago ako mag-out subalit nadadaig ako ng hiya at inis, kaya hindi nito alam na pagdating ng 5 o'clock ng hapon ay mabilis akong nag-out. Tama lang din naman at hindi rin nag overtime si Merlyn. At si Sir Rennier naman ay nasabihan din pala nitong pakipot kung kaibigan na hindi mag-overtime after namin mag-usap. Ang ending, hindi rin ito nag-overtime dinala sa bahay nito ang hindi natapos na trabaho upang mahatid lang kami ni Merlyn at sakto raw dahil kailangan nito maagang umuwi. Dala ko pala ang aking pagsimangot sa loob ng kotse ni Sir Rennier kaya pala patingin-tingin silang pareho ni Beshy sa akin. Kasalanan talaga ng Altamerano iyon nagiging bitter ako dahil sa kanya. Argh! Nakakapagod ang ganito. “Anong nangyari sa'yo parang dinaanan ka ng delubyo?” ani pa ni
Ednalyn “Ate Diday! P'wede po pakikuha ng salad natin?” Utos ko rito siya kasi ang malapit sa ref, kami naman isa pang kasambahay nag-aayos ng dining table. Malapit na rin matapos. Iyon na lang salad na pinakukuha ko sa Ate Diday ang kulang. “Sige, hija,” ani nito lumakad sa fridge. Hindi umuwi ng province nila kaya naging mabilis ang paghahanda ko kasi katuwang ko ito. Dalawa lang kasi sila naiwan hindi umuwi ng province. Kaya may katuwang ako magluto kanina. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakahain na pagkain sa parihaba dining table namin. May isang lechon pa sa gitna. Binili ni Everette. Kung ako kasi wala akong balak dahil marami na kami iniluto ng Ate Diday. Hindi rin ito mauubos. Mabuti si Nanay Erna. Masipag mag-sharon pinamimigay sa kapitbahay nito. Sa kabila ng kagustuhan namin ni Everette dito na si Nany Erna tumira at asawa nito sa ‘min. Ayaw talaga iwanan ang bahay ng asawa nito. Sarili kasi nila iyon bahay. Pina renovate na lang iyon ni Everette. Ngayon
Ednalyn “Mommy, kong sexy where are you? Woohoo…” pasingsong na tinatawag ako ni Siobeh, habang naririnig ko ito papalapit ito sa kitchen kung saan naroon ako. Napangiti ako habang nakikinig lang kay Siobeh. Ito ang maingay sa kanilang apat na magkakapatid. Palibhasa nag-iisang babae kaya ito ang madaldal. Madalas din siya ang tampulan ng pang-aasar ng tatlong niyang barakong mga kaparid. Ang bilis ng panahon. Sila Siobeh at Tobias ay nasa huling taon na ng senior high school. Samantala ang kambal naman na si Lou Renz at Jai Ruz. Grade seven at parehong iisang school silang apat. Ibang building lang kasi ang senior high school dahil kasama sa building ng college. While the grade seven hanggang grade ten ibang building kasama naman ang mga elementary. Fourteen years na kaming kasal ni Everette, ngunit parang kahapon lang iyon nangyari. Hanggang ngayon para lang kaming mag-boyfriend ng asawa ko. Walang nagbago tingin ko nga mas minahal pa nga namin ang isa't isa ni Everette. Marami
Four years later Nasa harapan ako ng kalan at tinikman ko ang luto kong pinakbet na paboritong ulam ng mga bata nang maulinigan ko ang tawag ni Siobeh sa akin tila galing sa pag-iyak. Kumunot ang noo. Tsk may bata na naman sigurong makulit or sumira ng gamit or ng laruan kaya may magsusumbong sa akin. See, tama nga ang aking hula. Dahil pumasok si Siobeh dito sa kitchen, bitbit ang shuttlecock nito na sira na. Yuping yupi na ito. Napailing ako. Tuwing linggo na lang kami bumibili ng shuttlecock kasi palaging niyayari ni Lou Renz. Hindi kasi p-pwede walang shuttlecock si Siobeh, kasi tuwing Saturday may training ito ng badminton. Mahilig kasi si Siobeh sa badminton sports grade two na sila ni Tobias. Player ng school nila si Siobeh, samantalang si Tobias, hindi active sa sports ngunit sa academic ito sobrang nage-excel. Sa mga quiz bee ito nilalabanan. Bagamat si Siobeh kasali sa sport. Hindi naman ito pahuhuli sa academic grades niya dahil with honors pa rin ito. “Mommy…sinir
Ednalyn After five months…. The wedding ‘Cherish the treasure’ I cherish the treasure The treasure of you Life long companion I give myself to you God has enabled me To walk with you faithfully And cherish the treasure The treasure of you “I never imagined this day would come that I would fulfill my long-held desire to marry you, baby. Mahal na mahal kita noon pa man. Hindi ka na kailanman mag-iisa because I'm always beside you and our children are with us in every trial we face. I promise to cherish and honor you. I promise to be your faithful husband and a good father to our children. I promise to grow old with you and love you all the days of our lives.” Humugot ako ng hangin pagkatapos pinaloob ko sa bibig ko ang buong labi ko dahil nanginginig iyon. Hindi ko kasi mapigilang umiyak habang sinasambit ng guwapo kong groom ang mga pangako niya sa akin. May vows o wala kasal man kami at hindi. Palagi niyang ipinadarama sa amin ng mga anak niya kung gaano niya
Ednalyn “Ito na ang babies n'yo Misis,” anang ng OB ko, na si Dra. Acosta, nang dalhin na ang kambal sa room ko rito sa ospital. Hindi rin nagtagal si Doktora Acosta. Nagbilin lang kay Everette, ng mga kailangan ko at nagbigay ng prescription sa mga gamot ko pagkatapos ay nagpaalam na sa amin aalis na. Galing din dito kanina sila Lolo Emilio at Emil. Kakauwi lang pero sabi mamaya ay darating ang Nanay Erna. Si Daddy Lucio kasi, nasa ibang bansa. Ewan kailan ito babalik magbabakasyon lang daw ngunit walang petsa ang uwi nito. Now ko lang din nasilayan ang kambal, kaya naman hindi ko maialis-alis ang aking tingin sa cute kong mga anak. Dinala ako dito sa k'warto ng makarecover after ng C-section. My babies… I whispered. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha sa aking pisngi, kung hindi ko pa naramdaman na meron gumapang na mainit na tubig galing sa mata ko. Luha na pala iyon. Luha ng kaligayahan dahil ligtas kong isinilang ang pangalawa kong kambal ng walang aberya at nas
Ednalyn “Woah! Dumating na sila Mommy!” tuwang-tuwa naka palakpak pa ang anak kong si Siobeh, pag-uwi namin ni Everette ngayong hapon. Nginitian ko sila pareho ni Tobias, umalis sa upuan. Galing kami sa main office ng EA group of companies. Isinama ako ni Everette, dahil may executive meeting ang kumpanya. Ipinakilala rin kasi niya ako sa lahat ng mga employees. Ayaw ko nga sana dahil hindi naman na iyon kailangan ngunit hindi ako tinantanan ayain kaya nagpahila na lamang ako. Ang lawak pala ng kumpanya nila halos kalahati lang ang dating Tañala enterprises na nabili nila at ginawang AE extension office. Namamangha ako't kaya pala ng dati kong superior humawak ng gano'n kalaki kumpanya. Napaka energetic talaga nitong anak kong si Siobeh. Walang kapaguran sa kalalaro. Kasama nila si Ate Diday at Happy sa sala. Mabuti ngayon naabutan namin movie ang pinanood ng apat. Kanina kasi iniwanan namin ni Everette, na busy sa bago niyang bike na binili ni Daddy Lucio. Same sila ni Tobias. M
Ednalyn After one month… People from the Philippines vs. Maryjane Altamerano and Juanito Aldo, alyas Tenyo. Accused of kidnapping, and after considering the testimonies of witnesses from both parties and examining the facts and circumstances, The court's pertinent laws were defined in Section 267 of RA 1084, kidnapping and serious illegal detention—any private individual who shall kidnap or detain another, or in any other manner deprive him of his liberty. For the purpose of money, and also the accused forces the victim to get the authorized signature of the victim so that the accused shall have access to all of the assets and money of the victim. The accused found guilty—” “Hindi ako papayag. Lucio, wala ka bang gagawin?” maagap na sumagot si Maryjane, gustong lumapit sa Dad Lucio. Naging maagap lang ang pulis na mga nakabantay rito. Twenty one years na pagkabilanggo ang parusang pinataw kay Maryjane maging sa karelasyon nitong si Tenyo. Doon na ito a-abutan ng senior citizen
Ednalyn Paglipas ng tatlong araw nagpasya kami ni Everette, magpunta ng presinto. Ngayon araw din lalabas si Lucinda na lingid sa kaalaman ng mommy nito dahil si Everette ang nagayos ng papel ng dalaga. “Siobeh, may lalakarin lang kami ni Daddy, mo. Super mabilis lang iyan anak,” I explained to her. Kanina pa ito nilalambing ako gusto talagang lakwatsa ng bata. Samantalang ang kakambal nitong si Tobias, tahimik lang nanood ng TV si Siobeh ang maingay sinusubok kung oobra sa akin ang paglalambing nito. “Mommy, hindi po ba kami p'wedeng sumama ni Kuya Tobias?” muli niyang tanong habang kandatulis ang ngusong lambing nito sa akin. Kumalong pa sa akin pagkatapos ay yumakap sa leeg ko. “Siobeh makulit ka. Kasasabi lang ni Mommy, you are not allowed to come, but you are still insisting,” iiling-iling ang kambal nito kaya hindi ko maiwasang bumungisngis sa pagsaway nito sa kakambal niya. “Bawal po ba talaga, Mommy?” ulit ni Siobeh. I softly chuckled. Naaaliw ako’t pinupog ko siya ng ha
Ednalyn "Pasok po kayo Ma'am," Yaya ko sa Ginang at tipid akong ngumiti sa kaniya pagdating niya sa aking harapan. "Ayos lang ba sa iyo, hija?" alanganin nitong sagot. Halata sa boses ng Ginang, na kabado kasi nanginginig iyon. Napunta ang tingin ko sa palad nito pinipisil iyon ng Ginang. Lihim tuloy akong nangiti kasi kinabahan nga ito makiharap sa akin. "Tara po sa loob tayo mainit po rito sa labas at tirik na tirik pa ang araw," Hindi ko na inantay na sumagot si Mrs. Roces nagpatiuna na akong lumakad upang wala itong magawa kun'di sundan ako. Ganun nga nakasunod ito sa akin paglingon ko. Tumikhim ito. "Sure ka ba hija, maari akong pumasok sa loob?" aniya tila hindi pa rin makapaniwala inaanyayahan ko siyang pumasok sa bahay. "Opo naman po. Wala ka naman po ginagawang masama para hindi ko kayo pakiharapan ng maayos Ma'am," wika ko pa. "Dito po tayo Ma'am. Uhm maupo ka po. Drinks? Anong gusto mo, Ma'am?" anang ko pagdating namin sa sofa. Maagap itong tumanggi gusto lang