EDNALYN
Pagkatapos kong magbihis ay hindi ko na pinagkaabalahan pasadahan ang sarili ko sa salamin at basta na lamang akong nagsuklay sa lampas balikat kong buhok, ‘tsaka dinampot ang favorite kong bag na palaging dala-dala kung papasok ako sa office.Kailangan ko kasi ngayon ay maagang makarating sa office dahil maraming trabaho kailangan tapusin bago mag Sabado at doon ang turnover ng company na pinapasukan ko sa new owner.Sa katunayan ay mayroong party sa sabado at sa susunod na araw na iyon dahil Huwebes na ngayon. Isa ko pang tingin sa loob ng shoulder bag ko upang i-check kung meron akong naiwan na gamit. Nang masiguro ko na kumpleto naman ay dali-dali akong lumabas patungo sa hagdan upang bumaba.Diretso ako sa kusina kung saan naroon na rin lahat ang aming dining table. Malayo pa ako ay tumili na si Siobeh dahil nakita na nito ako naglalakad palapit sa lamesa. Sumunod din si Tobias at Ate Diday na tumingin sa akin.“Yahoo…nandito na si Mommy,” pa singsong na sabi ni Siobeh. Napangiti ako sa energetic kong anak na babae.“Ate Diday! Kayo na po ang bahala sa kambal ha?” bilin ko rito pagdating ko sa lamesa.“Ito naman si Ednalyn parang other's. S'yempre akong bahala rito sa pogi at pretty kong mga alaga,” nakangiti sagot ni Ate Diday sa akin.“Mommy, don't worry po ako ang bahala kay Siobeh,” saad naman ni Tobias sa akin.“Aww! So sweet na naman ng Kuya Tobias namin,” masaya kong sabi at pinupog ko pa ng halik sa pisngi ni Tobias. Kaagad lang nito pinunasan kaya natawa na lamang kami ni Ate Diday. Ayaw kasi nitong magpapahalik siya na lang daw ang hahalik at big boy na raw siya.Kumakain pa ang kambal sa kusina dahil nauna na ako kanina. Ngunit inayos ko na ang uniform nilang dalawa. Ibinaba ko na rin naroon sa sala ayos na lahat maging ang gamit nila sa eskwelahan. Pinaliguan ko na rin bago ako nagpasya magbihis kanina.“Mga anak hindi ko muna kayo maihahatid sa school ngayon ha? Super busy lang si Mommy. Pagkatapos lang ng turnover sa office ni Mommy, ay balik ulit tayo sa dating gawi, na ako ang maghatid sa inyo. Ok ba mga babies?” nakangiti ko pang sabi sa kanila.“At si Ate Diday po ang magsusundo sa amin. HEHEHE…memorize ko na po 'yon Mommy,” dugtong pa ni Siobeh, sa sinabi ko na siyang kina halakhak namin ni Ate Diday.“Naku talaga naman ang alaga ko napaka cute talaga,” ani pa ni Ate Diday.“Yes po because I inherited it from my mommy,” sagot nito kay Ate Diday. Napangiti ako. Totoo naman iyon kamukha ko si Soibeh, walang nakuha sa ama nito dahil napunta lahat kay Tobias. Batang version ni Sir Everette. Bayolente akong napalunok at naalala ko ulit siya. Nagpasya na lamang akong magpaalam bago pa ako malungkot ng bongga.“So paano, Ate Diday tuloy na po ako at kayong dalawa na love ni Mommy ay magbabait sa teacher at kay Ate Diday, ha?” ani ko at nilapitan silang pareho upang halikan.“Ok po Mommy. Ingat po I love you three,” sabi ni Soibeh. Kaya ganun ang sabi niya na I love you three para sa amin daw na tatlo. Kuya niya at ako isinama ang sarili niya.“Mommy ingat po, I love you,” si Tobias na nagpahabol bago ako lumayo sa kanila.“I love you mga anak ko,” sagot ko pagkatapos ay tuluyan silang iniwan palabas ng bahay.Ako kasi talaga ang naghahatid kahit na minsan ay ito ang nagiging dahilan upang ma-late ako sa pagpasok sa office ko. Thankful ako sa boss ko dahil nakakaunawa ito sa sitwasyon ko bilang isang single Mom.Two and half hours lang naman din kasi ang pasok ng magkapatid sa learning center. At malapit lang din dito sa apartment namin. Tricycle hanggang sa school ng kambal.Ako lang ang naglalakad hanggang sa sakayan ng Jeep patungo sa office ko. Two rides ako same jeep pero mas gusto ko ito dahil minimum lang ang pamasahe ay office ko na.Hindi rin lihim sa office ang pagiging single mom ko. Ang iba ay humanga at ang iba naman ay tinataasan ako ng kilay dahil doon. Dahil nagbuntis daw ako ng walang ama ang dinadala ko. Ayaw ko kasing magkwento about sa nakaraan namin noon ni Sir Everette, dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin na wala na siya sa akin. Na tuluyan n’ya na ako kinalimutan. Hindi rin naman din mahalaga sa akin kung anong opinyon ng ibang tao laban sa akin. Kung ano ang sa tingin nila sa akin so be it dahil ayaw kong baguhin. Kung ano na lang ang good comment ayon ang tiningnan ko. Wala naman silang ambag sa buhay ko para intindihin ang sinasabi tungkol sa akin.Basta masaya ako dahil meron akong kambal at mga totoo kung kaibigan katulad sa bestfriend ko ngayon na si Merlyn, na malaking naitulong sa akin noon upang muli akong makapag simula sa bagong buhay ko ngayon.Nang maghanap kasi ako noon ng tirahan pagka-alis ko noon ng training camp dahil hindi na ako masaya roon kaya nagpaalam ako kay big boss na hahanapin ko muna ang sarili ko sa labas bilang si Ednalyn Del Socorro, ay pansamantala ko munang iniwan si agent Jade. Dahil kapag nakikita ko ang buong sulok ng Eagle Eye training camp naalala ko ang minamahal kong superior. Si Sir Everette.Pinagbigyan naman ako ni boss Chinito at kung kailangan ko raw ng tulong ay ‘wag daw ako mahiyang lumapit sa kanilang mag-asawa lalo na sa Misis niya na kaibigan ko rin noon bilang agent pa ako.Dito ako napadpad sa Arnaiz Ave sa Pasay. Coincidence nga ang nangyari dahil dito pala sa Arnaiz avenue nangungupahn si Merlyn. Ang balak ko lang noon ay hanapin ang pinsan ng Tatay namin ni Ate dahil dati nag punta na kami rito noon buhay pa ang ama ko. Ayaw ko rin naman din bumalik sa dati namin bahay dahil sobrang magulo roon. Hindi ko alam si Merlyn ang makikita ko rito sa Arnaiz, na dating nakilala ko noon last namin magkasama ni Sir Everette.Siya rin ang kumupkop sa akin ng Isang buwan habang naghahanap pa ako ng affordable rental apartment. At siya rin ang nagpasok sa office ko ngayon dahil doon din nagtra-trabaho si Merlyn. bilang accountant.Buti na lang kahit agent kami noon sa Eagle Eye p'wede kaming mag-aral kung gusto namin. Laking pasasalamat ko dahil naisip kong bumalik sa pag-aaral noon iyon pala magagamit ko ngayon. Nakatapos ako ng computer secretarial subalit two years course lang iyon. Hindi ko kasi kinuha ang 4 years upang mabilis akong makatapos para lang masabing meron akong diploma.Kung tutuusin hindi sapat na graduate ako ng two years course dahil ang mga kasama ko sa work ay tapos ng apat na taon kaysa sa akin. Nagbakasakali lang talaga ako noon kung tatanggapin ng kumpanya.Pumasa ako sa interview kaya ako natanggap. Sakto rin ilang buwan lang natuklasan kong nagdadalang-tao ako kaya nag pursige akong makahanap ng mauupahan. Hindi rin ako tinanggal ng boss ko ng malaman na buntis ako. Basta raw maayos lang ako magtrabaho.Timing lang dahil hindi rin ako napalayo sa kaibigan ko sa apartment na inuupahan niya. 10 minutes lang mula sa apartment ko hanggang sa bahay ni Merlyn.Maliit lang din ang nakuha kong up and down apartment. Sa baba ay naroon na ang sala at hati ang kusina. Naroon na rin ang lutuan. Sa second floor ay meron dalawang katamtamang ang laki ng kwarto. Ang Isa ay kay Ate Deday at amin ang Isa.Kasama kong matulog ang dalawang bata. Queen size bed lang kami. Ganun lang hindi ko kasi afford ng malaki at magarbong apartment dahil kailangan kong magtipid para sa future ng mga anak ko.Ang naipon ko noon bilang agent pa ako ay nakalagak lang sa bagko para sa pag-college ng dalawa kong anak. Kaya ang araw-araw namin na gastusin ay budget ko lang sa natatanggap kong sweldo galing sa trabaho ko.Mahirap maging single mom subalit kailangan maging matatag. Worth it naman ang hirap ko dahil binigyan ako dalawang cute na anak bilang inspirasyon ko sa laban ng buhay.Paglabas ko sa maliit naming gate. Maraming tao na sa kalsada. Mga batang naglalaro sa daan. Ang iba mga Nanay ay nag tsismisan. Ganito ang ginagawa ng mga kapitbahay ko. Hindi naman ito isang squatter area ang lugar namin sadya lang talaga dikit-dikit ang mga bahay. Pader lang ng dingding sa bawat nakatayo bahay ang mga nakapagitan kaya ako, kung walang trabaho ay narito lang ako sa loob ng bahay. Ganun din ang mga bata. Minsan din nag pupunta kami sa apartment ni Merlyn.Mabuti nga hindi pa nagtaas ng renta kasi sa kabilang kanto paupahan ng landlady ko ay tumaas daw ng 500 sabi ng kilala ko. Sayang din ‘yon pambayad na namin ng tubig monthly. Nakahilira itong apartment pare-pareho ang laki at pagkakagawa. Hindi ito matatawag na townhouse dahil ang ibang kapitbahay ay mga k'warto lang.Maganda lang dito dahil hindi magulo sa lugar namin kahit maraming taong tambay palagi sa kalsada. Walang away kahit mga pala inom ang ibang matanda rito.Bago ako tuluyan maglakad patungo sa labasan ay nag-text muna ako kay Merlyn kung nakaalis na. Dahil kung hindi sabay na lamang kami.Ako:Besh, nasa apartment ka pa ba?Besh Merlyn:Nasa biyahe na. Why? Absent ka ba?Napa hagikhik ako. Kapag ba ganito ang text ko absent agad? Nag-reply ako hindi maalis ang tawa ko.Ako:Hindi ah! Akala ko lang ay hindi ka pa nakakaalis sabay na lang sana ako malibre ng pamasahe.Napangiti pa ako dahil nilagyan ko iyon ng laugh emoji bago send sa kaniya. Hindi na ko nag-reply. Mamaya ko na lang chikahin pagdating ko sa office.Nagpasya na akong lumakad patungo sa daanan ng Jeep. Inabot ko ang bayad at nag-antay na lang hanggang makababa. Kapag walang traffic, wala pang 8am naroon na ako ng office. Seven pa lang naman ngayon hindi ako mangambang late.“Manong diyan lang po ako sa tabi,” pagpara ko sa jeepney driver.Pagbaba ko sasakay pa ako ng isa pang jeep iyon na. Dadaan sa office namin. Wala pa ako five minutes mabilis din ako nakasakay patungo na sa office.“Para Kuya,” ani ko. Marami rin ako kasabayan sa pagbaba. May mga kalapit din kasi kaming mga office company.“Morning Kuya guard,” bati ko pagpasok sa dalawang guwardiya.“Morning din po Ms. Ednalyn, mas maganda pa po kayo sa umaga,” balik nilang pagbati sa akin. Napangiti ako roon.Pagpasok ko sa loob damning nag bulong bulongan sa ground floor. Hindi ko maiwasang hindi kumunot ang noo ko.“Anong meron?” bulong ko pa.May nakasabay pa ako tatlong officemate sumakay sa elevator. Sa HR ang isa at sa accounting department ang dalawa. Simple tango lang ako hindi naman mga namansin kaya hinayaan ko na.Nakikinig lang ako sa tatlo habang kinikilig hanggang talampakan nila sa pagkwe-kwento sa isat Isa.“Alam n'yo girl excited na ako sa Saturday,”“Ikaw lang ba? Me too..hays grabe ang hot niya girl,” aniya ng tatlo mga kinikilig.“Alam n'yo? Omg...habang nag-iikot 'yon kahapon sa buong department at ng doon na sa amin nagpunta ay grabe girl….My God bakla naiihi ako sa sobrang yumminess. At girl…tumingin pa sa akin grabe makalaglag panty sa tingin palang,”Kahapon? Ah okay half day lang pala ako dahil may meeting ang kambal ko sa school. Kaya hindi ako relate sa pinag-uusapan nila.Tumunog na ang elevator sa floor office ko kaya naiwan ang tatlo sa loob na hindi nawawala ang kilig sa mga tinggil nila. Kibit balikat na lang ako lumakad patungo sa office ko. Mas g'wapo pa rin si Everette ko kung sakali kasama ko pa.EDNALYNBago ko silipin si boss sa office niya. Naglinis muna ako ng alikabok sa office table ko pagdating sa p'westo ko. Nang matapos ko ‘yon nagpasya na akong katukin si boss. Si Mr. Luisito Tañala upang ipaalam na narito na ako sa labas.“Knock!”“Sino ‘yan?” sagot nito sa loob.“Ako po Sir, si Ednalyn,” sagot ko sa may-edad ko rito. Nag-antay ako kung papasukin ako upang kunin kung anong ipag-uutos nito sa akin na gagawin.Singkwenta na ang edad ni Mr. Tañala at sa ibang bansa na maninirahan kasama ng may bahay nito. Naroon kasi ang mga anak nito ayaw ng umuwi ng Pinas. Mas gusto sa Australia dahil may business din naman doon na minamanage.Kaya nga ito benenta ng lamang ng boss ko Tañala Enterprises. Dahil matanda na raw siya kailangan din magpahinga sa tagal nitong ginugol ang panahon sa pagpapalaki ng negosyo na hindi naman nagka-interest angga anak nito.Mukhang nakalimutan ako ni boss a, inulit ko ang pagkain ‘tsaka lang ito sumagot.“Ikaw pala hija. Pasok ka muna, Hija,” wika
EDNALYN“Hoi pag-sure dihai Inday Merlyn. Ten minutes lang naman ang lampas ko. Matagal na iyon sa'yo?”“Sayang oras,” angal pa nito.Hindi na ako sumagot na end call ko na habang nagsasalita. Napa halakhak pa ako at panigurado mamaya tatalakan ako nito.Nang masiguro wala ng akong nakaligtaan nakasaksak. Dinampot ko ang bag ko at tumungo kung saan ang elevator. Dito sa office floor ni Sir Tañala ay wala akong kasabay na sumakay pagdating sa sumunod na floor ay siksikan na.Sabay-sabay kasi ang lunch break kaya daming taong nag-aabang sa elevator. Sa dulo ako at kahit ganun, ay nasiksik pa rin ako sa mga bagong sakay.Sana pala sa hagdan na ako sumakay kung alam ko lang ganito ka-crowded. Hirap pa naman bumaba nasa dulo ako. Late naman marami pang tao. Bulong ko.Tahimik ang loob ng elevator ng mag-usap ang nasa unahan ko. Tungkol sa gaganaping party ang pinag-uusapan ng dalawa kong ka-trabaho.“Venus may damit ka na bang susuotin sa Sabado?” naulinigan kong tanong ni Jelly sa kasama.
EDNALYN “Paano besh, b-bye na…kita-kits tayo mamaya. Ay mali, kita tayo mamaya dahil patungo naman ako sa bahay mo,” paalam ko rito pagbaba ng taxi sinakyan namin. “Okays besh. Matutulog din muna ako at mukhang sumakit ang ulo ko sa tirik na araw,” aniya habang hinihilot ang sentido nito. “Ikaw kasi ang arte-arte mo. Nag-alok na si Sir Rennier, na isakay tayo kanina masyadong pakipot. Sayang ang g'wapo pa naman ng kotse ni Sir Rennier,” wika ko pa. Nakita ko ang reaction nito. Kaya pinigil kong tumawa at nagtaas pa ako ng kamay tila ako sumusuko nang masama agad ang tabas ng mukha nito. “Ayan ka naman Ednalyn! Ayaw ko nga roon sa lalaking ‘yon. Ang babaero kaya noon hindi mo lang alam,” laban niya sa akin. Napa awang pa ang bibig ko sa sagot nito sa akin. “Ows? Pero mukhang wala naman akong nabalitaan na pinormahan ni Sir, simula ng magtrabaho ako sa kumpanya,” giit ko pa sa kaibigan ko. “Naku besh, tigil-tigilan mo na nga ako r’yan sa kaka match sa pangit na iyon! Akala mo lang
EDNALYNSabay kami ni Merlyn nagtungo sa party. Sakto lang ang oras ng kami ay dumating. Marami ng tao pagdating namin. Mga kasamahan namin sa trabaho at mangilan ngilan na mga bisita ni Sir Tañala. Sa rooftop lang din naman ang venue kaya ang ibang ka-officemate ko alam ko hindi na umuwi dito na sila nagbihis.Ako kasi umuwi pa ng bahay dahil sa mga bata. Binilinan ko kasi si Ate Diday baka gabi na ako makakauwi dahil sa gaganaping party. Ganun din ang kaibigan ko sabay kami pumarito. Sa table nila Merlyn ako sasama dahil wala naman akong ka-department. Si Sir Tañala kasi ay sa unahan ang table nila kasama ng mga executive at Misis niya.“Besh doon tayo,” panguso ni Merlyn sa nakatalaga table ng department nila.“Sige susunod ako sa ‘yo besh,” sagot ko lang sa kanya. I looked around. Hmmm pagandahan pala ang iba sa kanila mga gown halata mga pinaghandaan ang party na ito.Dahil sa pagka-busy ko sa pagtingin sa paligid nakalayo na pala si Merlyn sa akin.Binilisan ko ang aking paghakb
EDNALYNHindi ba niya ako nakilala? Anong nangyari? Hindi ako maaaring magkamali siya iyon eh. Siya si Everette De Ocampo not Altamerano.Lumipas man ang apat na taon ay walang nagbago sa itsura niya. Mas lamang nga lang ang pagka suplado nito ngayon kaysa noon pero kilala ko si Sir Everette. Kilala s'ya ng puso ko kahit nakapikit man ako.Nakagat ko ang loob ng pisngi ko upang maiwasan ang galit para sa binata. Baka may dahilan lang ito kaya ayaw akong kilalanin. Pero paano kung ayaw na talaga niya sa akin? Nang maisip ko iyon hindi ko maiwasan ang masaktan.Dammit! Kailangan ko siyang makausap upang Ipaalala na dati na kaming magkakilala. Dati ko siyang kasamahan sa trabaho. Kapag ipaalala ko iyon sa kaniya siguro naman hindi niya iyon nakalimutan dahil ang Eagle Eye, ang sentro ng buhay niya noon. Nakita ko kung gaano n'yang minahal ang trabaho. Tama hindi ako maaaring sumuko. Magiging boss ko siya kaya may chance na makilala ko siya.Hindi muna ako bumalik sa table ng kaibigan ko.
EDNALYN“Ingat kayo guys. Salamat sa pagtanggap n'yo sa akin sa table n'yo,” ani ko sa kanila. Nakilala ko na lahat ang kasama ni Merlyn sa accounting team. Hindi nga ako nagkamali sa pagkilatis sa kanila na madali silang pakisamahan.Natapos ang party ng 11:30 ng gabi. Sabay ulit kami magkaibigan na uuwi. Nag-aabang na kami ng taxi ng tumigil sa harapan namin si ang kotse Sir Rennier. In order to have a clear view of us, he rolled down the window.“Girls sa akin na kayo sumabay,” saad ni Sir Rennier sa amin ni Merlyn habang kami ay nag-aabang ng taxi.“Wala ho kayo kasabay Sir?” ani ko.“Kayo lang kung sakali,” biro na sagot niya sa akin. Hinila ako sa daliri ko ni Merlyn. Tumingin ako rito.“Hindi na magtaxi na lang tayo,” bulong nito.“Ano ka ba Beshy?! Si Sir Rennier, na nga ang nag-aalok sa atin pakipot pa tayo. Hello, boss mo po ‘yan beshy kaya gora na tayo,” pamimilit ko pa sa kaniya.She narrowed her eyes at me, but I chose to ignore her. I turned to face Sir Rennier and told
EDNALYNHindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Pero alam kong nakatingin ito sa akin kaya tumikhim muna ako upang magka lakas loob na masabi ko sa kaniya ang kagabi pang bumabagabag sa akin. Ipaalam ko na siya si Sir Everette Ocampo. Hindi si Everette Altamerano. Pero shitty napaka sungit nito hindi nakalimot sa late ko ngayon."Ganoon ba kayo kalapit ng dating boss, para payagan ang ganitong tardiness sa opisina?!""Sorry Sir Altamerano. Meron lang po ako importante inasikaso kaya late akong pumasok,""Nevermind! Next time ayaw ko sa lahat ang may attitude na secretary lalo na kung palaging late," "Yes Sir. Hindi na po mauulit–""Talagang hindi na!" mabilis niyang sagot sa akin. Sungit naman nito hindi ako pinatapos magsalita letse siya parang babaeng may dalaw napaka higblood. Kahit nanginginig ang magkabilang kong tuhod. sa nanonoot niyang tingin ay dedma sa akin. Pinilit kong tumingin ng diretso sa mga mata niya. Malalim itong nakatitig sa akin ngunit nanaig ang kagustuhan
EDNALYNAng bilis lumipas ng mga araw. Hindi ko lubos akalain na tatlong buwan na rin pala simula ng mabili ang, Tañala Enterprises na ngayon ay pinalitan ng name ang, EA group of companies bale extension itong dating Tañala Enterprises ngayon ng EA group, ngunit nag mukha ito ang main office ng kumag kong amo dahil dito nga ito naglalagi mula umaga hanggang mag-out sa hapon. Hindi lang talaga iyon pumapasok dito kung sa AE extension kung may mga importante meeting sa main office.Ang EA ay hindi pala sa pangalan ni Sir Everette kinuha. Galing pa pala sa Lolo nito na si, Emilio Altamerano. Ang chairman at soon si Sir Everette ang papalit kapag daw naikasal na.Hindi ko maintindihan kung anong nasa isip nito basta alam ko lang tatlong buwan ko na rin siyang kinumbunsi na siya ang dati namin superior na si Sir Everette Ocampo. But sad to say hindi ako pinaniniwalaan nito. Ano pa nga ba ang gagawin ko. Edi mag-move on na lang at kalimutan ang feelings ko sa kanya kahit na nga hindi ko s
Ednalyn “Ate Diday! P'wede po pakikuha ng salad natin?” Utos ko rito siya kasi ang malapit sa ref, kami naman isa pang kasambahay nag-aayos ng dining table. Malapit na rin matapos. Iyon na lang salad na pinakukuha ko sa Ate Diday ang kulang. “Sige, hija,” ani nito lumakad sa fridge. Hindi umuwi ng province nila kaya naging mabilis ang paghahanda ko kasi katuwang ko ito. Dalawa lang kasi sila naiwan hindi umuwi ng province. Kaya may katuwang ako magluto kanina. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakahain na pagkain sa parihaba dining table namin. May isang lechon pa sa gitna. Binili ni Everette. Kung ako kasi wala akong balak dahil marami na kami iniluto ng Ate Diday. Hindi rin ito mauubos. Mabuti si Nanay Erna. Masipag mag-sharon pinamimigay sa kapitbahay nito. Sa kabila ng kagustuhan namin ni Everette dito na si Nany Erna tumira at asawa nito sa ‘min. Ayaw talaga iwanan ang bahay ng asawa nito. Sarili kasi nila iyon bahay. Pina renovate na lang iyon ni Everette. Ngayon
Ednalyn “Mommy, kong sexy where are you? Woohoo…” pasingsong na tinatawag ako ni Siobeh, habang naririnig ko ito papalapit ito sa kitchen kung saan naroon ako. Napangiti ako habang nakikinig lang kay Siobeh. Ito ang maingay sa kanilang apat na magkakapatid. Palibhasa nag-iisang babae kaya ito ang madaldal. Madalas din siya ang tampulan ng pang-aasar ng tatlong niyang barakong mga kaparid. Ang bilis ng panahon. Sila Siobeh at Tobias ay nasa huling taon na ng senior high school. Samantala ang kambal naman na si Lou Renz at Jai Ruz. Grade seven at parehong iisang school silang apat. Ibang building lang kasi ang senior high school dahil kasama sa building ng college. While the grade seven hanggang grade ten ibang building kasama naman ang mga elementary. Fourteen years na kaming kasal ni Everette, ngunit parang kahapon lang iyon nangyari. Hanggang ngayon para lang kaming mag-boyfriend ng asawa ko. Walang nagbago tingin ko nga mas minahal pa nga namin ang isa't isa ni Everette. Marami
Four years later Nasa harapan ako ng kalan at tinikman ko ang luto kong pinakbet na paboritong ulam ng mga bata nang maulinigan ko ang tawag ni Siobeh sa akin tila galing sa pag-iyak. Kumunot ang noo. Tsk may bata na naman sigurong makulit or sumira ng gamit or ng laruan kaya may magsusumbong sa akin. See, tama nga ang aking hula. Dahil pumasok si Siobeh dito sa kitchen, bitbit ang shuttlecock nito na sira na. Yuping yupi na ito. Napailing ako. Tuwing linggo na lang kami bumibili ng shuttlecock kasi palaging niyayari ni Lou Renz. Hindi kasi p-pwede walang shuttlecock si Siobeh, kasi tuwing Saturday may training ito ng badminton. Mahilig kasi si Siobeh sa badminton sports grade two na sila ni Tobias. Player ng school nila si Siobeh, samantalang si Tobias, hindi active sa sports ngunit sa academic ito sobrang nage-excel. Sa mga quiz bee ito nilalabanan. Bagamat si Siobeh kasali sa sport. Hindi naman ito pahuhuli sa academic grades niya dahil with honors pa rin ito. “Mommy…sinir
Ednalyn After five months…. The wedding ‘Cherish the treasure’ I cherish the treasure The treasure of you Life long companion I give myself to you God has enabled me To walk with you faithfully And cherish the treasure The treasure of you “I never imagined this day would come that I would fulfill my long-held desire to marry you, baby. Mahal na mahal kita noon pa man. Hindi ka na kailanman mag-iisa because I'm always beside you and our children are with us in every trial we face. I promise to cherish and honor you. I promise to be your faithful husband and a good father to our children. I promise to grow old with you and love you all the days of our lives.” Humugot ako ng hangin pagkatapos pinaloob ko sa bibig ko ang buong labi ko dahil nanginginig iyon. Hindi ko kasi mapigilang umiyak habang sinasambit ng guwapo kong groom ang mga pangako niya sa akin. May vows o wala kasal man kami at hindi. Palagi niyang ipinadarama sa amin ng mga anak niya kung gaano niya
Ednalyn “Ito na ang babies n'yo Misis,” anang ng OB ko, na si Dra. Acosta, nang dalhin na ang kambal sa room ko rito sa ospital. Hindi rin nagtagal si Doktora Acosta. Nagbilin lang kay Everette, ng mga kailangan ko at nagbigay ng prescription sa mga gamot ko pagkatapos ay nagpaalam na sa amin aalis na. Galing din dito kanina sila Lolo Emilio at Emil. Kakauwi lang pero sabi mamaya ay darating ang Nanay Erna. Si Daddy Lucio kasi, nasa ibang bansa. Ewan kailan ito babalik magbabakasyon lang daw ngunit walang petsa ang uwi nito. Now ko lang din nasilayan ang kambal, kaya naman hindi ko maialis-alis ang aking tingin sa cute kong mga anak. Dinala ako dito sa k'warto ng makarecover after ng C-section. My babies… I whispered. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha sa aking pisngi, kung hindi ko pa naramdaman na meron gumapang na mainit na tubig galing sa mata ko. Luha na pala iyon. Luha ng kaligayahan dahil ligtas kong isinilang ang pangalawa kong kambal ng walang aberya at nas
Ednalyn “Woah! Dumating na sila Mommy!” tuwang-tuwa naka palakpak pa ang anak kong si Siobeh, pag-uwi namin ni Everette ngayong hapon. Nginitian ko sila pareho ni Tobias, umalis sa upuan. Galing kami sa main office ng EA group of companies. Isinama ako ni Everette, dahil may executive meeting ang kumpanya. Ipinakilala rin kasi niya ako sa lahat ng mga employees. Ayaw ko nga sana dahil hindi naman na iyon kailangan ngunit hindi ako tinantanan ayain kaya nagpahila na lamang ako. Ang lawak pala ng kumpanya nila halos kalahati lang ang dating Tañala enterprises na nabili nila at ginawang AE extension office. Namamangha ako't kaya pala ng dati kong superior humawak ng gano'n kalaki kumpanya. Napaka energetic talaga nitong anak kong si Siobeh. Walang kapaguran sa kalalaro. Kasama nila si Ate Diday at Happy sa sala. Mabuti ngayon naabutan namin movie ang pinanood ng apat. Kanina kasi iniwanan namin ni Everette, na busy sa bago niyang bike na binili ni Daddy Lucio. Same sila ni Tobias. M
Ednalyn After one month… People from the Philippines vs. Maryjane Altamerano and Juanito Aldo, alyas Tenyo. Accused of kidnapping, and after considering the testimonies of witnesses from both parties and examining the facts and circumstances, The court's pertinent laws were defined in Section 267 of RA 1084, kidnapping and serious illegal detention—any private individual who shall kidnap or detain another, or in any other manner deprive him of his liberty. For the purpose of money, and also the accused forces the victim to get the authorized signature of the victim so that the accused shall have access to all of the assets and money of the victim. The accused found guilty—” “Hindi ako papayag. Lucio, wala ka bang gagawin?” maagap na sumagot si Maryjane, gustong lumapit sa Dad Lucio. Naging maagap lang ang pulis na mga nakabantay rito. Twenty one years na pagkabilanggo ang parusang pinataw kay Maryjane maging sa karelasyon nitong si Tenyo. Doon na ito a-abutan ng senior citizen
Ednalyn Paglipas ng tatlong araw nagpasya kami ni Everette, magpunta ng presinto. Ngayon araw din lalabas si Lucinda na lingid sa kaalaman ng mommy nito dahil si Everette ang nagayos ng papel ng dalaga. “Siobeh, may lalakarin lang kami ni Daddy, mo. Super mabilis lang iyan anak,” I explained to her. Kanina pa ito nilalambing ako gusto talagang lakwatsa ng bata. Samantalang ang kakambal nitong si Tobias, tahimik lang nanood ng TV si Siobeh ang maingay sinusubok kung oobra sa akin ang paglalambing nito. “Mommy, hindi po ba kami p'wedeng sumama ni Kuya Tobias?” muli niyang tanong habang kandatulis ang ngusong lambing nito sa akin. Kumalong pa sa akin pagkatapos ay yumakap sa leeg ko. “Siobeh makulit ka. Kasasabi lang ni Mommy, you are not allowed to come, but you are still insisting,” iiling-iling ang kambal nito kaya hindi ko maiwasang bumungisngis sa pagsaway nito sa kakambal niya. “Bawal po ba talaga, Mommy?” ulit ni Siobeh. I softly chuckled. Naaaliw ako’t pinupog ko siya ng ha
Ednalyn "Pasok po kayo Ma'am," Yaya ko sa Ginang at tipid akong ngumiti sa kaniya pagdating niya sa aking harapan. "Ayos lang ba sa iyo, hija?" alanganin nitong sagot. Halata sa boses ng Ginang, na kabado kasi nanginginig iyon. Napunta ang tingin ko sa palad nito pinipisil iyon ng Ginang. Lihim tuloy akong nangiti kasi kinabahan nga ito makiharap sa akin. "Tara po sa loob tayo mainit po rito sa labas at tirik na tirik pa ang araw," Hindi ko na inantay na sumagot si Mrs. Roces nagpatiuna na akong lumakad upang wala itong magawa kun'di sundan ako. Ganun nga nakasunod ito sa akin paglingon ko. Tumikhim ito. "Sure ka ba hija, maari akong pumasok sa loob?" aniya tila hindi pa rin makapaniwala inaanyayahan ko siyang pumasok sa bahay. "Opo naman po. Wala ka naman po ginagawang masama para hindi ko kayo pakiharapan ng maayos Ma'am," wika ko pa. "Dito po tayo Ma'am. Uhm maupo ka po. Drinks? Anong gusto mo, Ma'am?" anang ko pagdating namin sa sofa. Maagap itong tumanggi gusto lang