EDNALYN
Kapag sinabi kong takbo ay sundin mo at huwag mo ako alalahanin. Ako na ang bahala sa sarili ko."Mariin na bilin sa kaniya ni Sir Everette, pero iling ang sagot niya at nag-umpisang humikbi."No. Sabi mo tatakas tayo pareho? Bakit ako lang? Hindi ako papayag." Matigas niyang tanggi. At hindi na pinansin ang matiim na titig sa kanya ng binata.Hindi pa sila natatapos magtalo nang sumigaw ang ilang tauhan ng tumunog ang pinto ng kwarto pinag kulungan sa kanila."Boss, nakatakas ang dalawang mag-jowa!" wika nito. Narinig pa nila ang pagkasa ng mga hawak na baril.Sininyasan siya ni Sir Everette na huwag maingay. May hawak silang pareho na baril galing sa bantay nila kanina sa labas ng mapatulog nila ito sa malakas na mga suntok."Sir Everette, paano tayo niyang makakatakas?"Napahilamos sa mukha ang katabi n'yang binata. At tumingin sa kaniya."Like I said kanina. Kapag nag-umpisa magbarilan doon ka tumakas ako na ang bahala sa bawat hahabol sa'yo,""Pero Sir Everette!" hindi sumasang-ayun na saad niya rito."Huwag matigas ang ulo baby! Pareho tayong paglalamayan dito kung magkasama tayong tatapatan ang mga hangal na iyon. Kaya please lang baby, this time making ka sa 'kin. Gusto ko pang mabuhay tayo ng pareho. Kung katabi kita hindi ako makakalaban. Pangko uuwi ako sa'yo,"Hindi na nadugtungan ang pag-uusap nila dahil dumagundong ang boses ng boss ng mga ito."Hanapin n'yo hindi pa nakakalabas ang mga iyon!" Malakas ang boses na utos nito sa mga tauhan."Wag hahayaan makalabas dito ng buhay maliwanag!" ani nito. Muli, sunod nilang narinig mga pagtakbo ng mga tauhan nito tila hinahanap na sila.Mahabang buntong-hininga ang narinig ni Ednalyn sa katabing si Everette. Ramdam niya ang bigat noon.Nagtaka si Ednalyn ng mahigpit siyang pakibigin upang yakapin at mariin na hinalikan sa noo at pagkatapos pinagdikit niyon."Lalantad ako Ikaw naman dahan-dahan na lumakad papalayo at lumabas dito sa kasukalan. Mangako ka na hindi mo ako iintindihin at ang iisipin mo lang ay ang tumakas–""No! Makikipagsabayan tayo–""Huwag nang matigas ang ulo, baby! Hindi natin kaya sa oras na ito lalo na wala tayong dalang armas. Magtiwala ka lang sa sinasabi ko. Para sa 'tin din ang ginagawa kong ito," mahina lang ang pagkakasabi niyon pero alam ni Ednalyn na hindi nagbibiro ang superior niya."One, two, three. Ngayon na baby, move,""Ayaw ko!""Nakita ko na boss," halakhak ng isang tauhan animo ipinagmamalaki nito sa amo."Good! Ano pang inaantay n'yo paulanan ng bala," malakas naman na sagot ng animal na boss nito."Baby, go!" umiigting ang panga na utos sa kaniya ni Sir Everette.Umiling si Ednalyn subalit napatili siya ng ratratin sila ng bala sa kanilang pinagtataguan."Sir Everette..." tanging nasambit ni Ednalyn."Faster Jade!" malakas na sigaw sa kaniya ni Sir Everette. Nakita pa niya ang pag-iwas nito ng tingin pagkatapos siyang sigawan.Napaigtad pa siya sa lakas ng sigaw nito sa kaniya. Nag-unahan ang pagpatak ng luha ni Ednalyn at dahan-dahan na tumalikod at nagmamadali umalis.Ramadam niya habang papaalis ang mainit na titig ni Sir Everette, nakasunod sa kaniya."Boss ang maganda babae tatakas," saad ng Isang hangal na lalaki."Wag hahayaang makalayo," narinig pa ni Ednalyn na sagot nito sa tauhan pero ano ang akala ng mga ito magpapahuli siya sa mga hangal na tauhan nito. No way. Hindi niya hahayaan na mabalewala ang sakripisyo ni Sir Everette.Mahinang ngumisi si Ednalyn at nagkubli habang nakiramdam.Parang mga tanga naman na naghahanap ang humabol sa kaniya dahil hindi siya makita.Gustong humalakhak nang malakas ni Ednalyn ng mapakamot sa buhok ang Isa. Kitang- kita niya sa kaniyang pinagkukublihan ang tuliro nitong paghahanap.'Narito lang iyon," kausap nito sa dalawang kasama."Kapag hindi natin makita malalagot tayo kay Boss. Mabuti pa maghiwa-hiwalay tayo." suggest pa nito sa dalawa at sinang-ayuan agad ng kasama.Nag dahan-dahan ang Isa na sumilip sa mga malalaking dahon. Mabilis ang kilos naman ni Ednalyn at bumago ng p'westo nasa likuran na siya ng lalaki.Kinalabit niya ito at gusto niyang matawa sa reaction nito."Sabi ko maghiwa-hiwalay tayo ano't bumalik kayo," angil pa nito.Pinigilan ni Ednalyn ang paghagikhik at muling kinalabit sa ulo nito. Kaya kinamot nito ang ulo."Ang kulit n'yo ha!" saad pa at humarap pagkatapos ay nanlaki ang mata pagkakita sa kaniya."I-ikaw?" nakangisi na nito sabi pagkatapos mg sandali pagkabigla.Akmang ikakasa nito ang baril subalit maagap na nauunahan yon ni Ednalyn.Sapol sa mukha nito ng suntok galing sa kaniya kamao. Sa sobrang lakas noon nabiling pa ang ulo nito. At hindi pa nahusto si Ednalyn. Pagkatapos sa mukha sa tiyan nito ang sunod-sunod niyang pinatamaan ng suntok at Ang hangal na lalaki mahinang klase dahil tatlo lang iyon ay bagsak na."Mahina pala ang mga tauhan ng hudas," she smirk. Nagpagpag pa siya ng kamay.Muling ipinagpatuloy ni Ednalyn ang pagtakbo subalit sa loob ng warehouse na pinagkulungan sa kanila ay walang tigil ang putukan. Gustong bumalik ni Ednalyn subalit mahigpit na bilin ni Sir Everette, na wag babalik. Bahala na raw ito sa sarili ang isipin niya ay ang kaligtasan.Kahit labag sa loob niya ang gagawin sinunod ni Ednalyn ang utos ng kaniyang superior. Baka nga tama ito makakalaban ito ng sabay na hindi inaalala na kasama siya. Kilala niya ang kaniyang sir Everette, kayang-kaya niyon labanan ang mga kriminal na salot sa lipunan na sumisira sa buhay ng kabataan.Muli niyang binilisan ang tila walang katapusang pagtakbo kahit pagod na siya. Hanggang may mamataan siyang kalsada. Highway? Nakapirining kasi ang mata ni Ednalyn ganoon din si Sir Everette nang dalhin sila roon sa warehouse.Nag-antay si Ednalyn na may dumaan na puwede niyang masakyan. May ilan-ilan mga malalaking truck at kotse ngunit kahit anong pagpara niya ay hindi siya hinihintuan ng mga ito."Para po!" malakas ang loob na hinarang na talaga ni Ednalyn ang isang tricycle. May sakay itong babae sa loob at medyo hindi nalalayo ang edad sa lalaking nasa manibela.Nagtagumpay si Ednalyn na mapahinto. At lumapit siya ng tuluyan upang makipagusap. Tinitigan siya ng babae. Marahil ka edad niya lang ito."Ahm...miss baka puwede n'yo ako maisabay patungo sa mga may bumibiyahe na pang publiko sasakyan," pakiusap dito ni Ednalyn.Mataman siyang pinasadahan ng tingin ng babae. Maganda rin ito simple ganda. Ang cute nga nito dahil may bangs at slim.Well siya naman ay sexy iyon nga lang hindi pang miss universe ang ka-sexy-han. Malaman kasi siya pero hindi mataba hindi rin chubby. Medyo kasya pa naman ang size ng pantalon niyang 27. Hindi talaga siya tumataba hanggang ganito lang talaga ang size niya kahit anong kain. Pero ang kaharap niyang babae, hula niya ay 25 lang ito."Hoy Merlyn! Alis na tayo," wika ng driver ng tricycle.'Aba masungit ang mamang ito,'"Wait lang Kuya, mukha kailangan ng tulong ng babae," sagot nito sa masungit na driver."Naku ayan ka naman sa pagkamatulungin mo baka nakakalimutan mo noong nakaraan buwan may tinulungan kang bata na kunwaring namamalimos ang ending hinablot ang kwentas mo," tila naninirmon ang may reglang lalaki."Eh, Kuya kawawa naman siya," laban ng babae sa tinatawag nitong kuya.Si Ednalyn naman ay bumulong sa pagkabanas sa hambog na tricycle driver.'Akala mo kung sino maka husga. Tss,'"Miss...sakay na," saad ng babae. Umusog ito upang bigyan siya ng espasyo sa tabi nito at nginitian pa siya.Ngumiti rin si Ednalyn. Hindi na siya nagpakipot upang tuluyang makalayo sa lugar na iyon."Salamat miss–" saad niya ng makasakay sa loob."Naku wala iyon. Mukha ka naman mabait eh," wika sa kaniya.Pinaandar na ng driver ang tricycle habang siya ay tahimik lang sa kinauupuan at iniisip si Sir Everette. Sana nga ay ligtas ito, sana nga tuparin nito ang pangako na ligtas at babalik sa kaniya.Sumisikip ang dibdib ni Ednalyn kapag naalala kung anong kalagayan ni Sir Everette, ngayon. Nakalimutan niya na may kasama siya loob, nagtataka ito na may luhang pumatak sa kaniya mata.Napatingin siya rito ng tapikin nito ang kaniyang balikat at ngumiti."Pasensya ka na may naalala lang," ngiti ni Ednalyn sa bagong kakilala."Wala ako sa lugar upang magtanong. Pero para sa ikagagaan ng loob mo. Ibigay mo lang sa taas hindi ka noon bibiguin," saad sa kaniya."Thank you," matipid niyang sagot.Naalala ni Ednalyn ang mga kaibigan niya sa hideout sa bago nakilala na babae. Kumusta na kaya ang mga ito? Si Speed at Queen kasi ay may asawa na at anak. Habang ang iba pa niyang naging mga kaibigan sa hideout ay may sari-sariling misyon sa buhay at iniwan ang pagiging agent.Hindi na kasi s'ya dumadalaw sa mga bruha niyang kaibigan ilang buwan na ang nakaraan.Sa pag-iisip ng kung ano-ano nakalimutan ni Ednalyn na tatawagan pala niya si boss Chinito at ipaalam na kailangan ng tulong ni Sir Everette.Kahit nahihiya naglakas loob si Ednalyn na maghiram ng phone sa babae."Miss, kalabisan man pero maari ba ako makahiram ng cellphone sa'yo may kailangan lang ako tawagan," aniya. Napangiwi pa si Ednalyn baka mapahiya siya at masyado nang demanding."Merlyn na lang miss, Uhm kaya lang wala akong pangtawag ngayon, kung text p'wede pa ito," hingi pa nito ng paumanhin sa kaniya."Sige kung ayos lang din sa'yo. Ako nga pala si Ednalyn," pakilala niya rito."Ito na Ednalyn, pasensya ka na at pang mahirap ang cellphone ko," iniabot ni Merlyn sa kanya."Sus, wala iyon ako rin naman. Katunayan ay di keypad pa cellphone ko," sagot niya pero tila hindi ito naniwala sa kaniya sinabi."Talaga? Mukha ka nga mayaman at ang ganda mo kahit madungis ang iyong mukha. At ito ano ito, pasa? Kahit mayroon ka niyan hindi ipagkakaila na maganda ka," wika sa kaniya.Sasagot na sana si Ednalyn pero huminto na ang sinasakyan tricycle sa Isang may kalumaan na bahay.Nagtipa muna si Ednalyn nang mensahe sa boss Chinito niya at nang masiguro na send na niya ito mabilis na binura bago ibalik ang phone kay Merlyn."Salamat," gusto sana magtanong ni Ednalyn kung dito ba ito nakatira subalit sinarili na lamang niya iyon.Mukha nahulaan nito ang iniisip niya kaya ngumiti at nagsasalita."Hindi ako rito nakatira. Sa Kuya ko ito. Sinamahan ko lang mamili sa palengke at birthday ng anak bukas," kwento sa kaniya ni Merlyn. Inginuso pa nito ang mga pinamili sa likuran upang ipakita sa kaniya.Tumango si Ednalyn at hindi na natanong kung saan talaga ito nakatira at kalabisan na iyon kung gagawin nga niya.Pagkatapos magpaalam ni Ednalyn kay Merlyn tumalikod na siya rito. Subalit nakaka ilang hakbang pa siya ng muli siyang humarap sa bagong kaibigan."Ah, eh...Uhm M-merlyn alam ko nakakahiya na pero lulubusin ko na ang paghingi ng tulong sa'yo. K-kung may cash ka sana?" aniya rito at nahihiya pa siya ngumiti.Napapikit sandali si Ednalyn dahil narinig ulit niya ang pamimintas sa kanya ng Kuya nito.'Sabi ko na nga mapag samantala–'"Kuya!" maagap na saway nito sa kapatid."Pagpasensyahan mo na lang ang Kuya ko ha? Mabait naman iyan takot lang ma loko," wika pa sa kaniya nito."Naku ayos lang iyan. Mahirap nga naman magtiwala at ngayon pa tayo nagkakilala. But I assure you hindi ako masamang tao. Sadyang nalagay lang sa panganib," laban niya rito."Ito," kinuha pa ang kamay niya at inipit ang papel na pera. Tiningnan ito ni Ednalyn, "Ang laki naman kahit sana 200 pesos lang," protesta niya."Ayos lang baka magutom ka sa daan. Kunin mo na," palakaibigan nitong ngiti."Thank you," aniya. Nginitian pa ito ni Ednalyn at pinisil sa kamay.EdnalynLigtas na nakabalik si Ednalyn sa kanilang hideout na puno ng agam-agam sa kaniyang dibdib. The day has passed pero hindi pa bumabalik ang team ni boss Chinito.Ayun sa napagtanungan niyang kapwa agent, hindi kasi niya naabutan pagdating ng hideout, umalis nga raw si boss Chinito, nang makarating ang text niya rito. Kasama ang ibang pa nila kapwa mga agent upang iligtas si Sir Everette.'Shit! What's going on? Bakit sobrang kaba ang namamahay sa dibdib ko?' Hindi mapakali at palakad-lakad siya sa loob ng kaniyang kwarto sa sobrang kaba.Dati ay masaya sila pagkatapos ng matagumpay nilang misyon, minsan pa nga magmi-mini party pa sila pero ngayon tahimik na ang buong apat na sulok ng kaniyang kwarto. Malungkot man kung iisipin, mag-isa na lamang siya, sa limang n'yang kasamahan na naging matalik din niyang kaibigan.Gano'n naman talaga ika nga walang forever sa mundo. May kaniya-kaniya buhay ang mga kaibigan niya na kailangan din yakapin. Kaya ito siya ngayon, naiwan mag-isa.K
EDNALYNPagkatapos kong magbihis ay hindi ko na pinagkaabalahan pasadahan ang sarili ko sa salamin at basta na lamang akong nagsuklay sa lampas balikat kong buhok, ‘tsaka dinampot ang favorite kong bag na palaging dala-dala kung papasok ako sa office.Kailangan ko kasi ngayon ay maagang makarating sa office dahil maraming trabaho kailangan tapusin bago mag Sabado at doon ang turnover ng company na pinapasukan ko sa new owner.Sa katunayan ay mayroong party sa sabado at sa susunod na araw na iyon dahil Huwebes na ngayon. Isa ko pang tingin sa loob ng shoulder bag ko upang i-check kung meron akong naiwan na gamit. Nang masiguro ko na kumpleto naman ay dali-dali akong lumabas patungo sa hagdan upang bumaba.Diretso ako sa kusina kung saan naroon na rin lahat ang aming dining table. Malayo pa ako ay tumili na si Siobeh dahil nakita na nito ako naglalakad palapit sa lamesa. Sumunod din si Tobias at Ate Diday na tumingin sa akin.“Yahoo…nandito na si Mommy,” pa singsong na sabi ni Siobeh. Na
EDNALYNBago ko silipin si boss sa office niya. Naglinis muna ako ng alikabok sa office table ko pagdating sa p'westo ko. Nang matapos ko ‘yon nagpasya na akong katukin si boss. Si Mr. Luisito Tañala upang ipaalam na narito na ako sa labas.“Knock!”“Sino ‘yan?” sagot nito sa loob.“Ako po Sir, si Ednalyn,” sagot ko sa may-edad ko rito. Nag-antay ako kung papasukin ako upang kunin kung anong ipag-uutos nito sa akin na gagawin.Singkwenta na ang edad ni Mr. Tañala at sa ibang bansa na maninirahan kasama ng may bahay nito. Naroon kasi ang mga anak nito ayaw ng umuwi ng Pinas. Mas gusto sa Australia dahil may business din naman doon na minamanage.Kaya nga ito benenta ng lamang ng boss ko Tañala Enterprises. Dahil matanda na raw siya kailangan din magpahinga sa tagal nitong ginugol ang panahon sa pagpapalaki ng negosyo na hindi naman nagka-interest angga anak nito.Mukhang nakalimutan ako ni boss a, inulit ko ang pagkain ‘tsaka lang ito sumagot.“Ikaw pala hija. Pasok ka muna, Hija,” wika
EDNALYN“Hoi pag-sure dihai Inday Merlyn. Ten minutes lang naman ang lampas ko. Matagal na iyon sa'yo?”“Sayang oras,” angal pa nito.Hindi na ako sumagot na end call ko na habang nagsasalita. Napa halakhak pa ako at panigurado mamaya tatalakan ako nito.Nang masiguro wala ng akong nakaligtaan nakasaksak. Dinampot ko ang bag ko at tumungo kung saan ang elevator. Dito sa office floor ni Sir Tañala ay wala akong kasabay na sumakay pagdating sa sumunod na floor ay siksikan na.Sabay-sabay kasi ang lunch break kaya daming taong nag-aabang sa elevator. Sa dulo ako at kahit ganun, ay nasiksik pa rin ako sa mga bagong sakay.Sana pala sa hagdan na ako sumakay kung alam ko lang ganito ka-crowded. Hirap pa naman bumaba nasa dulo ako. Late naman marami pang tao. Bulong ko.Tahimik ang loob ng elevator ng mag-usap ang nasa unahan ko. Tungkol sa gaganaping party ang pinag-uusapan ng dalawa kong ka-trabaho.“Venus may damit ka na bang susuotin sa Sabado?” naulinigan kong tanong ni Jelly sa kasama.
EDNALYN “Paano besh, b-bye na…kita-kits tayo mamaya. Ay mali, kita tayo mamaya dahil patungo naman ako sa bahay mo,” paalam ko rito pagbaba ng taxi sinakyan namin. “Okays besh. Matutulog din muna ako at mukhang sumakit ang ulo ko sa tirik na araw,” aniya habang hinihilot ang sentido nito. “Ikaw kasi ang arte-arte mo. Nag-alok na si Sir Rennier, na isakay tayo kanina masyadong pakipot. Sayang ang g'wapo pa naman ng kotse ni Sir Rennier,” wika ko pa. Nakita ko ang reaction nito. Kaya pinigil kong tumawa at nagtaas pa ako ng kamay tila ako sumusuko nang masama agad ang tabas ng mukha nito. “Ayan ka naman Ednalyn! Ayaw ko nga roon sa lalaking ‘yon. Ang babaero kaya noon hindi mo lang alam,” laban niya sa akin. Napa awang pa ang bibig ko sa sagot nito sa akin. “Ows? Pero mukhang wala naman akong nabalitaan na pinormahan ni Sir, simula ng magtrabaho ako sa kumpanya,” giit ko pa sa kaibigan ko. “Naku besh, tigil-tigilan mo na nga ako r’yan sa kaka match sa pangit na iyon! Akala mo lang
EDNALYNSabay kami ni Merlyn nagtungo sa party. Sakto lang ang oras ng kami ay dumating. Marami ng tao pagdating namin. Mga kasamahan namin sa trabaho at mangilan ngilan na mga bisita ni Sir Tañala. Sa rooftop lang din naman ang venue kaya ang ibang ka-officemate ko alam ko hindi na umuwi dito na sila nagbihis.Ako kasi umuwi pa ng bahay dahil sa mga bata. Binilinan ko kasi si Ate Diday baka gabi na ako makakauwi dahil sa gaganaping party. Ganun din ang kaibigan ko sabay kami pumarito. Sa table nila Merlyn ako sasama dahil wala naman akong ka-department. Si Sir Tañala kasi ay sa unahan ang table nila kasama ng mga executive at Misis niya.“Besh doon tayo,” panguso ni Merlyn sa nakatalaga table ng department nila.“Sige susunod ako sa ‘yo besh,” sagot ko lang sa kanya. I looked around. Hmmm pagandahan pala ang iba sa kanila mga gown halata mga pinaghandaan ang party na ito.Dahil sa pagka-busy ko sa pagtingin sa paligid nakalayo na pala si Merlyn sa akin.Binilisan ko ang aking paghakb
EDNALYNHindi ba niya ako nakilala? Anong nangyari? Hindi ako maaaring magkamali siya iyon eh. Siya si Everette De Ocampo not Altamerano.Lumipas man ang apat na taon ay walang nagbago sa itsura niya. Mas lamang nga lang ang pagka suplado nito ngayon kaysa noon pero kilala ko si Sir Everette. Kilala s'ya ng puso ko kahit nakapikit man ako.Nakagat ko ang loob ng pisngi ko upang maiwasan ang galit para sa binata. Baka may dahilan lang ito kaya ayaw akong kilalanin. Pero paano kung ayaw na talaga niya sa akin? Nang maisip ko iyon hindi ko maiwasan ang masaktan.Dammit! Kailangan ko siyang makausap upang Ipaalala na dati na kaming magkakilala. Dati ko siyang kasamahan sa trabaho. Kapag ipaalala ko iyon sa kaniya siguro naman hindi niya iyon nakalimutan dahil ang Eagle Eye, ang sentro ng buhay niya noon. Nakita ko kung gaano n'yang minahal ang trabaho. Tama hindi ako maaaring sumuko. Magiging boss ko siya kaya may chance na makilala ko siya.Hindi muna ako bumalik sa table ng kaibigan ko.
EDNALYN“Ingat kayo guys. Salamat sa pagtanggap n'yo sa akin sa table n'yo,” ani ko sa kanila. Nakilala ko na lahat ang kasama ni Merlyn sa accounting team. Hindi nga ako nagkamali sa pagkilatis sa kanila na madali silang pakisamahan.Natapos ang party ng 11:30 ng gabi. Sabay ulit kami magkaibigan na uuwi. Nag-aabang na kami ng taxi ng tumigil sa harapan namin si ang kotse Sir Rennier. In order to have a clear view of us, he rolled down the window.“Girls sa akin na kayo sumabay,” saad ni Sir Rennier sa amin ni Merlyn habang kami ay nag-aabang ng taxi.“Wala ho kayo kasabay Sir?” ani ko.“Kayo lang kung sakali,” biro na sagot niya sa akin. Hinila ako sa daliri ko ni Merlyn. Tumingin ako rito.“Hindi na magtaxi na lang tayo,” bulong nito.“Ano ka ba Beshy?! Si Sir Rennier, na nga ang nag-aalok sa atin pakipot pa tayo. Hello, boss mo po ‘yan beshy kaya gora na tayo,” pamimilit ko pa sa kaniya.She narrowed her eyes at me, but I chose to ignore her. I turned to face Sir Rennier and told
Ednalyn “Ate Diday! P'wede po pakikuha ng salad natin?” Utos ko rito siya kasi ang malapit sa ref, kami naman isa pang kasambahay nag-aayos ng dining table. Malapit na rin matapos. Iyon na lang salad na pinakukuha ko sa Ate Diday ang kulang. “Sige, hija,” ani nito lumakad sa fridge. Hindi umuwi ng province nila kaya naging mabilis ang paghahanda ko kasi katuwang ko ito. Dalawa lang kasi sila naiwan hindi umuwi ng province. Kaya may katuwang ako magluto kanina. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakahain na pagkain sa parihaba dining table namin. May isang lechon pa sa gitna. Binili ni Everette. Kung ako kasi wala akong balak dahil marami na kami iniluto ng Ate Diday. Hindi rin ito mauubos. Mabuti si Nanay Erna. Masipag mag-sharon pinamimigay sa kapitbahay nito. Sa kabila ng kagustuhan namin ni Everette dito na si Nany Erna tumira at asawa nito sa ‘min. Ayaw talaga iwanan ang bahay ng asawa nito. Sarili kasi nila iyon bahay. Pina renovate na lang iyon ni Everette. Ngayon
Ednalyn “Mommy, kong sexy where are you? Woohoo…” pasingsong na tinatawag ako ni Siobeh, habang naririnig ko ito papalapit ito sa kitchen kung saan naroon ako. Napangiti ako habang nakikinig lang kay Siobeh. Ito ang maingay sa kanilang apat na magkakapatid. Palibhasa nag-iisang babae kaya ito ang madaldal. Madalas din siya ang tampulan ng pang-aasar ng tatlong niyang barakong mga kaparid. Ang bilis ng panahon. Sila Siobeh at Tobias ay nasa huling taon na ng senior high school. Samantala ang kambal naman na si Lou Renz at Jai Ruz. Grade seven at parehong iisang school silang apat. Ibang building lang kasi ang senior high school dahil kasama sa building ng college. While the grade seven hanggang grade ten ibang building kasama naman ang mga elementary. Fourteen years na kaming kasal ni Everette, ngunit parang kahapon lang iyon nangyari. Hanggang ngayon para lang kaming mag-boyfriend ng asawa ko. Walang nagbago tingin ko nga mas minahal pa nga namin ang isa't isa ni Everette. Marami
Four years later Nasa harapan ako ng kalan at tinikman ko ang luto kong pinakbet na paboritong ulam ng mga bata nang maulinigan ko ang tawag ni Siobeh sa akin tila galing sa pag-iyak. Kumunot ang noo. Tsk may bata na naman sigurong makulit or sumira ng gamit or ng laruan kaya may magsusumbong sa akin. See, tama nga ang aking hula. Dahil pumasok si Siobeh dito sa kitchen, bitbit ang shuttlecock nito na sira na. Yuping yupi na ito. Napailing ako. Tuwing linggo na lang kami bumibili ng shuttlecock kasi palaging niyayari ni Lou Renz. Hindi kasi p-pwede walang shuttlecock si Siobeh, kasi tuwing Saturday may training ito ng badminton. Mahilig kasi si Siobeh sa badminton sports grade two na sila ni Tobias. Player ng school nila si Siobeh, samantalang si Tobias, hindi active sa sports ngunit sa academic ito sobrang nage-excel. Sa mga quiz bee ito nilalabanan. Bagamat si Siobeh kasali sa sport. Hindi naman ito pahuhuli sa academic grades niya dahil with honors pa rin ito. “Mommy…sinir
Ednalyn After five months…. The wedding ‘Cherish the treasure’ I cherish the treasure The treasure of you Life long companion I give myself to you God has enabled me To walk with you faithfully And cherish the treasure The treasure of you “I never imagined this day would come that I would fulfill my long-held desire to marry you, baby. Mahal na mahal kita noon pa man. Hindi ka na kailanman mag-iisa because I'm always beside you and our children are with us in every trial we face. I promise to cherish and honor you. I promise to be your faithful husband and a good father to our children. I promise to grow old with you and love you all the days of our lives.” Humugot ako ng hangin pagkatapos pinaloob ko sa bibig ko ang buong labi ko dahil nanginginig iyon. Hindi ko kasi mapigilang umiyak habang sinasambit ng guwapo kong groom ang mga pangako niya sa akin. May vows o wala kasal man kami at hindi. Palagi niyang ipinadarama sa amin ng mga anak niya kung gaano niya
Ednalyn “Ito na ang babies n'yo Misis,” anang ng OB ko, na si Dra. Acosta, nang dalhin na ang kambal sa room ko rito sa ospital. Hindi rin nagtagal si Doktora Acosta. Nagbilin lang kay Everette, ng mga kailangan ko at nagbigay ng prescription sa mga gamot ko pagkatapos ay nagpaalam na sa amin aalis na. Galing din dito kanina sila Lolo Emilio at Emil. Kakauwi lang pero sabi mamaya ay darating ang Nanay Erna. Si Daddy Lucio kasi, nasa ibang bansa. Ewan kailan ito babalik magbabakasyon lang daw ngunit walang petsa ang uwi nito. Now ko lang din nasilayan ang kambal, kaya naman hindi ko maialis-alis ang aking tingin sa cute kong mga anak. Dinala ako dito sa k'warto ng makarecover after ng C-section. My babies… I whispered. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha sa aking pisngi, kung hindi ko pa naramdaman na meron gumapang na mainit na tubig galing sa mata ko. Luha na pala iyon. Luha ng kaligayahan dahil ligtas kong isinilang ang pangalawa kong kambal ng walang aberya at nas
Ednalyn “Woah! Dumating na sila Mommy!” tuwang-tuwa naka palakpak pa ang anak kong si Siobeh, pag-uwi namin ni Everette ngayong hapon. Nginitian ko sila pareho ni Tobias, umalis sa upuan. Galing kami sa main office ng EA group of companies. Isinama ako ni Everette, dahil may executive meeting ang kumpanya. Ipinakilala rin kasi niya ako sa lahat ng mga employees. Ayaw ko nga sana dahil hindi naman na iyon kailangan ngunit hindi ako tinantanan ayain kaya nagpahila na lamang ako. Ang lawak pala ng kumpanya nila halos kalahati lang ang dating Tañala enterprises na nabili nila at ginawang AE extension office. Namamangha ako't kaya pala ng dati kong superior humawak ng gano'n kalaki kumpanya. Napaka energetic talaga nitong anak kong si Siobeh. Walang kapaguran sa kalalaro. Kasama nila si Ate Diday at Happy sa sala. Mabuti ngayon naabutan namin movie ang pinanood ng apat. Kanina kasi iniwanan namin ni Everette, na busy sa bago niyang bike na binili ni Daddy Lucio. Same sila ni Tobias. M
Ednalyn After one month… People from the Philippines vs. Maryjane Altamerano and Juanito Aldo, alyas Tenyo. Accused of kidnapping, and after considering the testimonies of witnesses from both parties and examining the facts and circumstances, The court's pertinent laws were defined in Section 267 of RA 1084, kidnapping and serious illegal detention—any private individual who shall kidnap or detain another, or in any other manner deprive him of his liberty. For the purpose of money, and also the accused forces the victim to get the authorized signature of the victim so that the accused shall have access to all of the assets and money of the victim. The accused found guilty—” “Hindi ako papayag. Lucio, wala ka bang gagawin?” maagap na sumagot si Maryjane, gustong lumapit sa Dad Lucio. Naging maagap lang ang pulis na mga nakabantay rito. Twenty one years na pagkabilanggo ang parusang pinataw kay Maryjane maging sa karelasyon nitong si Tenyo. Doon na ito a-abutan ng senior citizen
Ednalyn Paglipas ng tatlong araw nagpasya kami ni Everette, magpunta ng presinto. Ngayon araw din lalabas si Lucinda na lingid sa kaalaman ng mommy nito dahil si Everette ang nagayos ng papel ng dalaga. “Siobeh, may lalakarin lang kami ni Daddy, mo. Super mabilis lang iyan anak,” I explained to her. Kanina pa ito nilalambing ako gusto talagang lakwatsa ng bata. Samantalang ang kakambal nitong si Tobias, tahimik lang nanood ng TV si Siobeh ang maingay sinusubok kung oobra sa akin ang paglalambing nito. “Mommy, hindi po ba kami p'wedeng sumama ni Kuya Tobias?” muli niyang tanong habang kandatulis ang ngusong lambing nito sa akin. Kumalong pa sa akin pagkatapos ay yumakap sa leeg ko. “Siobeh makulit ka. Kasasabi lang ni Mommy, you are not allowed to come, but you are still insisting,” iiling-iling ang kambal nito kaya hindi ko maiwasang bumungisngis sa pagsaway nito sa kakambal niya. “Bawal po ba talaga, Mommy?” ulit ni Siobeh. I softly chuckled. Naaaliw ako’t pinupog ko siya ng ha
Ednalyn "Pasok po kayo Ma'am," Yaya ko sa Ginang at tipid akong ngumiti sa kaniya pagdating niya sa aking harapan. "Ayos lang ba sa iyo, hija?" alanganin nitong sagot. Halata sa boses ng Ginang, na kabado kasi nanginginig iyon. Napunta ang tingin ko sa palad nito pinipisil iyon ng Ginang. Lihim tuloy akong nangiti kasi kinabahan nga ito makiharap sa akin. "Tara po sa loob tayo mainit po rito sa labas at tirik na tirik pa ang araw," Hindi ko na inantay na sumagot si Mrs. Roces nagpatiuna na akong lumakad upang wala itong magawa kun'di sundan ako. Ganun nga nakasunod ito sa akin paglingon ko. Tumikhim ito. "Sure ka ba hija, maari akong pumasok sa loob?" aniya tila hindi pa rin makapaniwala inaanyayahan ko siyang pumasok sa bahay. "Opo naman po. Wala ka naman po ginagawang masama para hindi ko kayo pakiharapan ng maayos Ma'am," wika ko pa. "Dito po tayo Ma'am. Uhm maupo ka po. Drinks? Anong gusto mo, Ma'am?" anang ko pagdating namin sa sofa. Maagap itong tumanggi gusto lang