Hindi dapat napaaga si Jaco rito. Mamaya pa siya magsspeech ng kung ano dahil siya naman itong napakaimportanteng guest speaker saka sponsor namin. Kaya kahit ang mga higher officials ng DepEd at DOH ay tuliro ng makita siyang nakaupo sa harapan. Kasama kaming mga teachers.Kanina pa siyang nilalapitan ng mga boss namin. Naiilang na ako dahil panay ang tanggi niya sa mga ito."Sir, why don't you seat with us?" Tukoy nito sa presidential table sa gilid. Ngingiti-ngiti ang division superitendent nang makalapit kay Jaco. "No, thank you. I'm okay here..."Napatango-tango ang ginang at napasulyap sa akin. Ngumiti ako pero umiwas ng tingin sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi bago napaiwas ng tingin. Naantala ata ng ilang minuto ang program dahil naawkward sila kay Jaco. Marahil, hindi sila nakapaghanda para iassist ito. Sinimulan na lamang ang program at inacknowledge ang mga guests, lalong-lalo na si Jaco."This is flattering. We didn't expect that the president itself will be here ear
"Wow, girl. Your name is buzzing around the corner. The Almighty Jaco Avaceña is... stalking a public school teacher?" Ngumisi ng nakakaloko si Eiza.Kumunot ang noo ko."Anong pinagsasabi mo diyan?"Umirap ito at maarteng sumimsim ng juice."I know right. We haven't talked for weeks now but parang bubuyog itong naririnig ko tungkol sayo? Alam ba ni Diego tungkol rito?" Tumawa na naman siya.Bumuga ako ng marahas na hangin."Hindi pa."Parang witch na tumawa siya."I knew right. Paano kapag nalaman niya?"Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko. Pinili ko naman na itago kay Diego. That's because I don't want to dwell deep about that. Long time ago, alam kong maselan ako tungkol rito. "Girl, kunti pa lang ata nakakaalam. But we both know Jaco's real motive in that school." Tinaasan niya ako ng kilay."Why he's....doing everything."But now that I've thought about it... parang napakaunfair kay Diego."Elite class is a small circle. Hihintayin mo ba na malaman ni Diego sa iba? Maraming
"Are you mad? Are we cool? I just said that because I knew you'd be mad if I said something about us. You're not talking and the last time you did, I said something you don't like." Tapos na ang seminar at kakakuha ko lang ng certificates bago ako nagCR muna bago makauwi. Pero nandito si Jaco at kinocorner ako.Naririndi na ako. Paulit-ulit na lang at di na ako natutuwa."Jaco, padaanin mo ako." Napailing siya at mas lalong lumapit. Napamura na ako. Kapag may makakita sa amin sa ganitong estado..."Please, talk to me. I want you to talk to me like anything." Nagsusumamo ang boses nito na hindi ko maintindihan."Gusto mong magsalita ako?" Tumango agad ito."Sige. Wala akong pakielam. Wala akong pakielam. There, I said it. Tapos na?"Napayuko ito. Inis kong tinulak ang katawan niya para makaalis na. Napupwersisyo na naman niya ako. "Kahit ganiyan ka... kahit masakit na... kaya ko pang tiisin, Anita. Hanggang kailan mo ako paparusahan?" Nabingi ata ako sa narinig. Sa tono ng boses niy
I lost my confidence. Hindi ko alam kung papaanong nagsilabasan ang lahat... pero kinakabahan na ako sa maaring mangyari.I talked to Eiza and consult everything. Kalat sa social circle ng mga old money si Jaco na nakikipagbalikan sa girlfriend nito sa probinsiya. Teacher ang babae at nagtatayo ng renovation si Jaco sa school na pinagtatrabahuan. My stolen pictures with him recently are being published. Pati mga larawan ng nakaraan naming dalawa. May face is blurred and not seen, maraming nagtuturo na ako 'yun. That's because the stupid Jaco Avaceña confirmed all the allegations. Ni hindi ko alam na may nangunguha pala ng mga pictures namin!Nanindig ang balahibo ko."I'm going back to province and managed the hotels, there." Interview kay Jaco one time sa isang international magazine."How about a love interest?" "I'll pursue my first love. Its been years but I hope not too late.""Is she from the social elite, too?""She's very private and a public school teacher."Inis kong binal
"Umalis ka na. Kung hindi ay kakasuhan na kita." Mariin ko siyang tinignan."Anita please hear me out. Nagsisisi na ako. Pakinggan mo lang ako. Iyon lang...""Umalis ka na, Jaco..." hinahawi ko ang mga braso ko dahil panay ang hawak niya rito. "Alis na. Wag kang magpapakita sa akin. Puro problema dala mo." Tinulak ko siya ng akma na naman niya akong hahawakan. "Anita... please... di ako lalayo, saktan mo lang ako, wala akong pakielam. Anita, dito lang ako... anita please...Anita...." Desperadong aniya habang umiiyak. Hindi ako nagpatinag. Hindi ako magpapatinag.Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Napaatras ako at natigilan ako ng marinig ang malakas niyang hagulhol niya habang nakatago ang mukha sa leeg ko. "Jaco ano ba! Umalis ka na!" Tinulak ko siya ng mahismasan na ako. Inipon ko ang buong lakas at halos matumba siya sa mga upuan dahil sa lakas ng pagkakatulak ko. Kumuyom ang kamao ko. Utang na loob. Umalis ka na. "A-anita... please... saktan mo lang ako... di
Hindi ko alam kung papaano nangyari na ngayon ay nasa hapag na kaming lahat para kumain ng hapunan. I salute Mama Sheryl for being... civil. Alam kong paborito nila si Daniel pero knowing my background with Jaco, papaano niya ito pinapasok. Ang bilis ng pangyayari at di ko masundan. Madalas ang sulyap ko kay Diego na tahimik na nangingiti sa usapan ng papa niya at si Jaco. Bumaba ang tingin ko sa pagkain ko. Pagkatapos niyang tawagin ang pangalan ko ay di na niya ulit ako tinignan o kinausap man lang. Maingiyak-iyak si Mama Sheryl nang dumating si Diego. Para rin akong nakahinga ng maluwag. Pero ang ganitong pambabaliwala niya.... nalulukot ang puso ko.Anong nangyari sa kaniya? Nasaan siya? Bakit ngayon lang siya? Sinong kasama niya? May problema ba siya?"Diego..." hindi ko na napigilan at tinawag na ang pansin niya.Nilingon niya ako at nginitian."Hmm?"Saglit akong natulala, di maalam ang sasabihin o ang gagawin. "N-namiss kita..." I don't know if that's a good one. Pero iyon
Bakit ba ako minamalas sa relasyon? Bakit... bakit may ibang babae na naman? Bakit ako pa rin ang pinakanasasaktan? Bakit ako rin ang nagagago? For once, can they spare me? Babae lang ba ako para lokohin ng ganito? Why they couldn't accept me for who am I? Bakit kailangang may ibang babae rito? Bakit si Diego pa? Nakabuntis? Papaano? Bakit si Karen pa? Kinarma ba ako dahil tinago ko sa kaniya? Wala ba akong karapatan na protektahan ang sarili? Nakipagsex siya dahil sa galit sa akin? Anong kasalanan ko bukod sa pagtatago ng nakaraan namin ni Jaco? Iyon lang naman. Hindi ko naman niloko si Diego para gaguhin niya ako ng ganito? Tinutulak ko naman papalayo di Jaco, diba?Marami akong tanong at pagdududa sa sarili. Marami akong reklamo. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Bakit mali na naman ako?"Kailangan ko ng umalis."Lumuhod sa harapan ko si Diego, nagmamakaawa, umiiyak, at humihingi ng tawad at pagsisisi. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko. I felt betrayed. Gulong-gulo na
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Napapikit nang masilaw sa sinag ng araw sa labas ng bintana. Doon ko lang napagtanto na nasa kwarto ko ako ngayon. Alas cinco na ng umaga pero kasisimula ng umaga ko ay tinatamad na ako, parang binugbog ang katawan ko sa sobrang sakit. Ang bigat ng pakiramdam at ang hirap pang dumilat. Gusto ko na lamang humilata buong araw.Saglit akong natulala. Kailan nga nung huli akong nagkaganito?Hindi naman pwedeng magpaliban ako ng klase lalo at review test ng mga bata ngayon.Naligo na rin ako at nagayos. Masama ang pakiramdam ko. Nagulat pa ako ng makita na nakaayos na ang mga gamit ko sa cabinet. Nagsuot na rin ako ng salamin para itago ang pamamaga ng mga mata ko. Bumaba na ako dala-dala ang mga gamit ko. Sinalubong ako ng katahimikan, natigilan ako ng mapagtanto na nasa bahay na pala talaga ako. Huminga ako ng malalim saka tinuloy ang paglalakad."Anita... anak..." Napatingin ako sa bulwagan ng kusina kung nasaan si Mama. Bumaba agad tingin ko s
I’ve had it bad with Anita Diane. The first time I met her, I knew it. She’s interesting. She’s gullible, innocent, young, and fucking pretty. She’s also the best baker, respectful, who knows house chores, humble, can handle money so well, patient, loving, wife material, polite, who knows how to swim, love kids, with gorgeous smile and those eyes that speaks for her soul. The quality of girls that are rare to find. She just got it all. Iyong tipo ko talaga na babae.And then I was instantly attracted. That wasn’t impossible, dude. And I stalked her ‘cause she’s just so cute. I watched her moves. I learned huge things about her and all. I bit my lips. I want her mine. Bagay kasi kami.I chuckled inwardly. Bagay nga kami pero di ako magugustuhan ‘nun. She likes Prince Charming who will take care of her, protect her, eternally. And I am no Prince Charming. May Prince Charming bang may sakit sa puso?Ngumuso ako. Ngayon pa lamang ay nagaalala na ako sa kaniya. Ayoko kong iwan siya sa mund
Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o maiirita. Nadatnan ko si Jaco na dilat na dilat ang mga mata. "He's not talking ever since he woke up." Napailing si Aris Avaceña nang salubungin niya kami sa paglabas ng elevator.Parang iiyak na naman si Llesea Avaceña sa narinig. Tinanguan ako ni Aris nang magtama ang mga paningin namin.Napatayo ang mga kapamilya nila nang makarating na kami. Ramdam ko agad ang tingin nila sa akin."Is that Anita of Jaco?" Umiwas ako ng tingin. Lumapit ako sa salamin kung saan ko natatanaw si Jaco na nakatulala sa bintana. Napalunok ako ng makita ang mga sugat niya sa mukha at sa braso. "I think he's disappointed."Napalingon ako sa isang di pamilyar na boses. Pinsan ito ni Jaco panigurado dahil hawig na hawig niya ito sa itsura at kilos base sa pamumulsa niya."He wanted to die but he woke up." Nagkibit-balikat siya.Kumunot ang noo ko. "You want to see him?" "P-pwede na ba?" Kumalabog ng malakas ang puso ko.Matutuwa ba si Jaco na nandito ako?
This is stupid. Ano na naman ba ang kasalanan ko? But Jaco is the most stupid one. Bakit kailangan niyang magpakamatay?Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako. May nangyari. Sigurado ako dahil hindi mababaliw ang Obrei na ito.Ako ang sinusumbatan ng letseng Obrei. Paano ko ito naging kasalanan? Eh I was waiting for him! Umawang ang labi ko at saglit na natulala. Is this because of what he saw earlier? Teka. Imposible. I know he's too jealous. Like, dramatically and exaggerated jealous... pero not to the extent na iccrash niya ang helicopter, diba?Nanindig ang mga balahibo ko. Alam kong seloso siya. Alam kong... kaya niyang gawn iyon. Tulala ako pagkatapos umalis ni Obrei. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala kasi napakaimposible naman. Pero... "Magpahinga ka muna, Anita. May pasok ka pa mamaya..." naramdaman ang salabal na ipinatanong ni tiya sa akin."Pasensya na po dahil naistorbo ko paggising niyo..."Bumuntong-hininga si Mama."Mabuti at napaal
It was never easy to move on. Diego got married today. Jaco is no where to be found. I wanted to talk to him and ask alot of things. Hindi ko alam kung para saan. Ngunit patuloy ko mang lokohin ang sarili ko, binabagabag pa rin ako sa mga sinabi niya sa akin.Totoo man o hindi. Gusto ko pa rin malaman. Napabuntong-hininga ako.Diego and I officially done. Mahirap tanggapin para sa akin. He's been my confidante for years. I fell in love with him for years now. Hindi ko lang matanggap kung papaano ko siya nakayang bitawan man lang. Kung papaano ko tinanggap ang lahat ng nangyari sa amin.Maybe I knew for sure... deep in my heart, this will eventually happen. Because I never moved on from Jaco. Kahit ilang taon pa lamang 'yan. Kahit nagmahal ako ulit. Nandidito pa rin siha.Bakit nga ba hindi? Akala ko 'nung una, nakalimot na ako. Tinanggap ko na ang nangyari sa amin. That he fooled me. My bestfriend lied. They hurt me. I didn't know I was raising my loathed and hatred for them. Hindi pa
"Ano ba, Jaco!" Pumiglas ako dahil naiirita na naman ako sa kaniya.Malamlam ang tingin niya sa akin. Puno ng pagpapakumbaba."Galit ka ba? Bakit? Anong ginawa ko... pagusapan natin." Para atang naginit ang kalamnan ko sa narinig."Wag kang umarte na okay na tayo. Jaco, sa tuwing nakikita kita... kumukulo ang dugo ko. Anong bago ngayon?" Maanghang sa sabi ko.Napayuko siya."But... w-we were o-okay..."Umismid ako."Akala mo lang 'yun. Sige, salamat sa pagsama. Makakaalis ka na at sana di ka na magpapakita sa akin." Tinalikuran ko na siya."Anita naman. Ang sakit na..." Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ang mababang boses niya."A-akala ko pa naman, nagiging okay na. Saan ba ako... nagkamali?" Pumiyok ang boses niya.Hindi ko na mapigilan ay humarap sa kaniya para sampalin siya. Kumaliwa ang mukha niya at unti-unting bumakat ang palad ko sa pisngi niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko."Nagpakita sa bahay ko si Obrei, Jaco. Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?" Kitang-kita ko
"Bakit?" "Anita... kailangan ng anak ko si Jaco." Tumaas ang kilay ko."At anong kinalaman ko dito?" Humalukipkip ako.Hindi siya makatingin sa akin pero kitang-kita ko pa rin kung papaano siya kinakabahan dahil nanginginig siya ng todo. Gusto kong matawa. Nasaan na ngayon nagmamalaking Obrei?"Alam natin ang sagot niyan, Anita. Jaco is here because he wants you back and-..."Mabilis kong pinutol ang kung anumang sasabihin niya."Teka nga. Sinasabi mo na ako may hadlang kaya nangungulila ng isang ama ang anak mo?" Hindi siya makapagsalita."Wag mo akong lapitan kung ganun'. Dahil nakapagusap na kami ni Jaco at pinal na ang sagot ko." Nagtiim bagang ako. Umatras na ako para umalis pero ang gaga ay hinablot ang braso ko. Parang may kung anong sumabog sa pagkikimkim ko ng maramdaman ang panlalamig niya. Ramdam ko ang kaba at takot niya. Pero akala ata niya ay madadaan niya ako sa paganito."A-anita... please can you... c-can you tell Jaco to see M-meredith? My daugter is sick and he o
Anong kaibahan sa sinabi niya? Nagkamali lang rin naman si Diego dahil... teka nga... anong connect ng walang bayag?"Buntis daw si Kasea! Grabe. Naexcite ako bigla sa magiging baby niya!" "Oo nga, e. Trending. Sa Sassy Night, bet ko si Paz. Ikaw teacher Ann?""H-huh?" "Ay! Tulala!" Napangisi si teacher Beks. "Sino nga bet mo sa Sassy Night?" Ahh. Tungkol pala ito sa paborito kong banda."Si Fergina. Napakalatina kasi. Chiks, e lakas ng dating..." Sabay na tumango ang mga kasamahan ko. Pinaguusapan pala namin ngayon ang tungkol sa sikat na Filipina idol group. Bata pa lang talaga ako, idol ko talaga si Fergina. Napakacarefree saka napakasexy!"Akin si Alycia! Kaya kong magpakalalaki kung si Alycia lang makakatuluyan ko!" Bumunghalit kami ng tawa dahil sa sinabi ni teacher Beks."Bakla! Kasal na 'yun! Wala ka ng pagasa!"Umirap si teacher Beks."Sa susunod na buhay, magiging akin siya." Ay naku. Malala na 'yan. Pagkatapos ng lunch ay lumabas na kami ng cafeteria para sa paghapong
"A-ako na nga..." Inagaw ko agad sa kaniya ang tuwalya at kinuskos na ang sarili. Gusto kong magmura dahil nananatili pa si Jaco sa tabi ko. Kaya amoy na amoy ko ang pabango niya. Sumimangot ako."Shit. Are you blushing?" Natatawang tanong ni Eiza na nilapit pa ang mukha sa akin.Sa sobrang hiya ko ay tinulak ko siya at nakasimangot na kumuskos. Iniwas ko ang mukha sa kanila."Upo ka na nga! Bakit ka ba nakatayo diyan?!" Hindi ko mapigilan di mapasigaw dahil nakatayo pa talaga si Jaco sa tabi ko!Humalakhak ang bobita. "She's awkward." Puta. Isang salita lang talaga Eiza, ingungodngod na kita sa plato mo."Okay, uupo na." At umupo nga sa tabi ko. Sinamaan ko agad ito ng tingin."Doon ka sa malayo." Parang hari na sumandal siya sa upuan at tamad na nilingon ako."Ssshh. Don't look at me." Napanganga ako."A-ano?!""Your cleavage is distracting me." Sumimangot ito at nainom ng tubig. Halos mabingi ako sa tawa ni Eiza. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa dibdib ko at shit! Nakali
"Makikipagusap lang ako kung babalikan mo na ako."Nagpantig ang tenga ko sa narinig.Rinig ko ang tawa na naman ni Eiza na halos ilabas ang ngalangala. Napasipol si Hayes at agad tumalikod habang ngingisingisi. Sinamaan ko ng tingin si Jaco."Tama ba na makielam ka tungkol kay Diego at Karen?" Nawala ang magaang itsura niya at napalitan ng bagsik. "They deserve to suffer." Namulsa pa ito.Napanganga ako."Jaco! Tungkol ba ito sa ginawa nila sa akin?!" Hindi niya ako sinagot kaya inis kong sinapak ang braso niya."Jaco!""Yes.""Bakit mo ginawa 'yun? Akala ko sinwerte lang ako at napadali ang lahat..." hindi ko na matuloy ang sasabihin dahil gulat pa rin ako. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa impluwensya na dala niya. Ngunit bakit pa?"Di ka na lang sana nakielam. Jaco, sinisira mo ang negosyo nila Diego. Personalan na 'yan." Umiwas siya ng tingin sa akin."I want them to suffer. I don't tolerate people hurting you." Parang may kung anong kumurot sa puso ko. I once heard him said