Nagusap na kami ni ate Barbie para sa cake ni Aitana. May pinakita pang drawing ng cake ni Aitana daw ang may gawa. Natawa na lamang ako sa pagkakagulo ng sketch."She loves color pink, Anita. Please, pink..." iiling-iling si ate Barbie. "Sure, ate. Give me three days. Matatapos ko ito.""Maaasahan talaga kita." Ngumiti ako.Tipid ako kumilos. Pakiramdam ko, nagmamasid sa akin si Jaco. Bukod kasi sa tahimik rin sila maguusap ng asawa ni ate Barbie ay panaka-naka ang sulyap nito sa akin.At hindi ako komportable.Kaya nang makitang lagpas alas kwatro na ay nagpaalam na ako. Kuhang-kuha ko naman ang tema ng birthday at detalye ng cake. Magpapatulong ako kay Mama dahil magaling rin 'yun gumawa ng mga customized cake. "Ihahatid ka na namin, Anita." Umiling ako."Wag na po. Pedicab lang ay makakarating na ako sa bakery." Bumuntong-hininga si ate Barbie.Kailangan kong pumunta sa bakery para sabihin kila tita Solly ang cake na gagawin ko. "Okay. Take care. Thank you for today. I hope we
Ramdam ko ang tingin sa akin ng lahat ng tao sa kusina. Pati si Mama na mukhang naalarma at apektadong-apektado."Wala na po, e." Kibit-balikat na sagot ko.Bumalik na ako sa ginagawa at di pinansin ang paparinig ni kuya Recto."May nagbabalik... may nagbabalik... may nagbabalik..." pakanta niya na agad sinisita ni Mama.".... sa ensaymada nagsimula..." pagpapatuloy niya. Muling bumalik si tiya na ngayon ay halos mamutla. Napamewang ako at sinamaan ng tingin ang arina."Anong problema, Sela?" Si Mama nagtanong."Susmaryosep. Magoorder ng labing-dalawang tray ng ensaymada!" "Oh, para saan daw?""May event sa hotel at iyon ata ang balak ihain." Napailing si tiya."May mga baker sila doon. Bakit dito pa?" Walang sumagot sa tanong ni Boy. Ang bago naming panadero at ilang taon ang pagkabata sa akin.Lumingon sa akin si Mama."Gumawa na lang tayo. Sayang ang order." Napairap ako sa narinig."Walang rush order rito, Mama. Kung sana sinabi niya noon pa." "Hayaan mo na. Malaking tao 'yan.
Hindi ko gusto. Parang walang nakakapansin na di ako sang-ayon. Pero nang dumating ang bukas, wala na akong nagawa. Lalo na ng makita ang malaking ngiti ni Diego pagkasundo sa akin."Mahal, I didn't slept much for this day. Imagine, the Jaco Avaceña, the famous hotelier is going to invest to me! Fuck! Naexcite sina mommy pagkasabi ko sa kanila..." wala na akong nagawa kundi bumuntong-hininga.Off ng klase ko ay eleven-thirty ng umaga. Pero dahil nasa labas na si Jaco ng alas onse ay wala akong nagawa kundi i-dismiss ang klase ko."Okay, class. Iyong assignment niyo ah, tomorrow na 'yun. Next week niyo na rin makikita grades niyo this quarter. Tell that to your parents." "Okay, teacher Ann!""Goodbye, class."Nagpaalam ako sa principal namin. Agad akong pinayagan nang marinig na may importanteng meeting ako sa hotel."Okay, okay. No problem, ma'am Ann. Send my regards to Jaco. And please tell him to visit the school soon." Nagulat ako pero di ko pinahalata. Umalis na ako habang nagtat
"Baby..." natawa si Diego kahit na halata ang nerbyos nito.Nagpunas sa kaniyang labi si Jaco bago napatingin kay Diego. "Where's the contract?" Napasinghap si Diego at dali-daling nilabas ang folder.Hindi ako tanga. Why would Jaco Avaceña invest in a local farm kung may malaking plantation naman ito ng mga raw foods sa kanilang hacienda. Hindi ko minamaliit si Diego at ang plantation niya pero nakakakuryoso si Jaco. Di hamak na kayang-kayang maglabas ng mga produkto ang hacienda kaysa kay Diego kung itong hotel lang rin ang paguusapan. Matunog at mabilis bawat pirma ni Jaco sa limang pahina ng folder. Si Diego ay namangha kakatitig kay Jaco. Mabilis kong kinuha ang bag para makaalis na kami. Gusto kong magayos sa powder room pero baka sa sasakyan na lamang. Sayang ang oras. "Can we continue this tomorrow?" "Yes! Sure." Di pinansin ni Jaco si Diego at mabilis na binigay sa kaniya pabalik ang folder. Humalumbaba ito at tumititig sa akin."...the catch up, I mean. Magkikita rin na
Natigilan ang mga empleyado sa biglaang pagsulpot niya. Puting polo ang suot niya at kupasin na pantaloon. Preskong-presko ang kaniyang aura ngayon na mukhang di matitibag ng kung sino."Tito..." bati niya kay Tito Marcio na nginisihan lang siya. "Kuya Jaco!" Nagtitili ang bata nang makita si Jaco. Nanakbo ito sa kinatatayuan niya at niyakap ang tuhod. Napairap ako at napatingin sa naantalang cake ko. "Tangkad mo na ah." "Of course. I'm growing..."Hindi ko pwedeng utusan ulit ang mga empleyado dahil halatang natigilan sila nang makita si Jaco. Feeling ko kasi ay bawal na utusan sila. Namomombroblema ko kung sinong tutulong makapasok.Nakarinig ako ng malakas na pagtikhim."Let me help." Napaatras pa ako ng bumulong si Jaco bago lumapit kita tito Marcio na nakaalalay sa cake.Nataranta ang mga empleyado at agad pinigilan si Jaco. Tumawa si Jaco bago sumulyap sa kinaroroonan ko."Ako na. Nagpapabango ako..." namangha at ang kaniyang mga empleyado sa narinig na mukhang tinubuan ng pa
Umalis na ako doon at nagtungo sa dulo. Sa lawak nito, sana di ako makita ng siraulo na 'yun. Ayaw ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Lahat kasi, walang kwenta. Natanaw ko si Daniel na tahimik na nakatingin kay Aitana. Nakaupo sila sa fountain habang si Aitana ay naglalaro ng kung anong manika. Maghahapon na at mamaya rin ay uuwi na kami ni Daniel. Magsisimula na kasi ang mga games at ilang pakulo. Lumapit ako sa buffet section para makainom ng champagne para sa mga chaperones na bisita rin. "Thank you." Ngumiti ang caterer sa akin."You're welcome, ma'am." Naglakad ako papalabas ng hall para magpahangin sa verandah kung saan tanaw ang malalakas ng alon. Nalanghap ko ang sariwa at malamig na hangin. Sumabog ang buhok ko sa hangin kaya napahinto ako para ayusin ito. Kumaway sa akin si ate Angelie na nagpapahangin rin sa kabilang verandah. Ngumiti ako at kumaway pabalik. Invited kasi ang mga anak nitong kegugwapo. "I respect you, Anita." Natigilan ako ng marinig ang malal
Kung alam ko lang talaga na may saltik sa utak si Jaco, sana di ko na hinayaan na lumapit pa sa akin kahit na halos malunod na ako sa pagkakagusto ko sa kaniya. Isa sa mga bagay na sobrang pinagsisisihan ko. Kung sana ay pwedeng kong ibalik ang oras... Kinabukasan ng birthday ni Aitana, bigla na lamang ito sumulpot sa labas ng bahay namin. Halos atakihin sa puso si Mama nang makita si Jaco. Napailing ako at inakay na lamang siya paupo sa sofa."Anong sadya mo rito?!" Halos sumigaw si Mama sa sobrang panggigil. Tumikhim si Jaco at napasulyap sa akin. Tumaas ang kilay ko saka tinuon na ang buong atensyon sa kay Mama na mukhang susugurin na ng kung ano si Jaco. "Good mor...""Kuya Jaco!"Biglang lumipad mula ikalawang palapag pababa si Daniel sa biglaang pagsulpot nito. Kasunod niya si tito Marcio na mukhang nagulat rin ng makita ang pamangkin."Hey, buddy...""I am so happy you're here and early!""That's because I promised you." Ngumisi si Jaco sa akin. Humigpit ang kapit sa akin n
"Ma, buntis ka pala? Galing naman." Napasinghap si Mama sa narinig. Sa tingin ko, sarkastiko ang pagkakasabi ko 'nun kahit na pinilit ko ang sarili na maging kalmado. Hindi ko lng kayang magtiis.Wala akong balak magopen up kay Mama pero di ako mapakali. Kailangang mailabas ko 'to kundi ay mababaliw na rin ako. Pakiramdam ko, tinraydor na naman niya ako. Ito lang ang pinakamalala. "S-saan mo... nalaman 'yan?" Naibaba niya ang hawak na sandok. Buong katawan nito ay tensyonado. Napairap ako."Kay tiya. Alangan namang ang papa ni Daniel?" Namutla si Mama at hindi makatingin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagkailang niya lalo na at napaupo siya para makaiwas sa akin. "At mukhang wala kayong balak na sabihin sa akin. Pabor naman sa akin. Pero sana naalala niyo ang kondisyon ko tungkol rito.""A-anita... nangako naman si Marcio. Hindi... h-hindi na daw niya tayo tatalikuran. At handang-handa na siya para panagutan ang batang nasa sinapupunan ko. Matagal na siyang nagsisisi, anak." Pu
I’ve had it bad with Anita Diane. The first time I met her, I knew it. She’s interesting. She’s gullible, innocent, young, and fucking pretty. She’s also the best baker, respectful, who knows house chores, humble, can handle money so well, patient, loving, wife material, polite, who knows how to swim, love kids, with gorgeous smile and those eyes that speaks for her soul. The quality of girls that are rare to find. She just got it all. Iyong tipo ko talaga na babae.And then I was instantly attracted. That wasn’t impossible, dude. And I stalked her ‘cause she’s just so cute. I watched her moves. I learned huge things about her and all. I bit my lips. I want her mine. Bagay kasi kami.I chuckled inwardly. Bagay nga kami pero di ako magugustuhan ‘nun. She likes Prince Charming who will take care of her, protect her, eternally. And I am no Prince Charming. May Prince Charming bang may sakit sa puso?Ngumuso ako. Ngayon pa lamang ay nagaalala na ako sa kaniya. Ayoko kong iwan siya sa mund
Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o maiirita. Nadatnan ko si Jaco na dilat na dilat ang mga mata. "He's not talking ever since he woke up." Napailing si Aris Avaceña nang salubungin niya kami sa paglabas ng elevator.Parang iiyak na naman si Llesea Avaceña sa narinig. Tinanguan ako ni Aris nang magtama ang mga paningin namin.Napatayo ang mga kapamilya nila nang makarating na kami. Ramdam ko agad ang tingin nila sa akin."Is that Anita of Jaco?" Umiwas ako ng tingin. Lumapit ako sa salamin kung saan ko natatanaw si Jaco na nakatulala sa bintana. Napalunok ako ng makita ang mga sugat niya sa mukha at sa braso. "I think he's disappointed."Napalingon ako sa isang di pamilyar na boses. Pinsan ito ni Jaco panigurado dahil hawig na hawig niya ito sa itsura at kilos base sa pamumulsa niya."He wanted to die but he woke up." Nagkibit-balikat siya.Kumunot ang noo ko. "You want to see him?" "P-pwede na ba?" Kumalabog ng malakas ang puso ko.Matutuwa ba si Jaco na nandito ako?
This is stupid. Ano na naman ba ang kasalanan ko? But Jaco is the most stupid one. Bakit kailangan niyang magpakamatay?Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako. May nangyari. Sigurado ako dahil hindi mababaliw ang Obrei na ito.Ako ang sinusumbatan ng letseng Obrei. Paano ko ito naging kasalanan? Eh I was waiting for him! Umawang ang labi ko at saglit na natulala. Is this because of what he saw earlier? Teka. Imposible. I know he's too jealous. Like, dramatically and exaggerated jealous... pero not to the extent na iccrash niya ang helicopter, diba?Nanindig ang mga balahibo ko. Alam kong seloso siya. Alam kong... kaya niyang gawn iyon. Tulala ako pagkatapos umalis ni Obrei. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala kasi napakaimposible naman. Pero... "Magpahinga ka muna, Anita. May pasok ka pa mamaya..." naramdaman ang salabal na ipinatanong ni tiya sa akin."Pasensya na po dahil naistorbo ko paggising niyo..."Bumuntong-hininga si Mama."Mabuti at napaal
It was never easy to move on. Diego got married today. Jaco is no where to be found. I wanted to talk to him and ask alot of things. Hindi ko alam kung para saan. Ngunit patuloy ko mang lokohin ang sarili ko, binabagabag pa rin ako sa mga sinabi niya sa akin.Totoo man o hindi. Gusto ko pa rin malaman. Napabuntong-hininga ako.Diego and I officially done. Mahirap tanggapin para sa akin. He's been my confidante for years. I fell in love with him for years now. Hindi ko lang matanggap kung papaano ko siya nakayang bitawan man lang. Kung papaano ko tinanggap ang lahat ng nangyari sa amin.Maybe I knew for sure... deep in my heart, this will eventually happen. Because I never moved on from Jaco. Kahit ilang taon pa lamang 'yan. Kahit nagmahal ako ulit. Nandidito pa rin siha.Bakit nga ba hindi? Akala ko 'nung una, nakalimot na ako. Tinanggap ko na ang nangyari sa amin. That he fooled me. My bestfriend lied. They hurt me. I didn't know I was raising my loathed and hatred for them. Hindi pa
"Ano ba, Jaco!" Pumiglas ako dahil naiirita na naman ako sa kaniya.Malamlam ang tingin niya sa akin. Puno ng pagpapakumbaba."Galit ka ba? Bakit? Anong ginawa ko... pagusapan natin." Para atang naginit ang kalamnan ko sa narinig."Wag kang umarte na okay na tayo. Jaco, sa tuwing nakikita kita... kumukulo ang dugo ko. Anong bago ngayon?" Maanghang sa sabi ko.Napayuko siya."But... w-we were o-okay..."Umismid ako."Akala mo lang 'yun. Sige, salamat sa pagsama. Makakaalis ka na at sana di ka na magpapakita sa akin." Tinalikuran ko na siya."Anita naman. Ang sakit na..." Nahinto ako sa paglalakad ng marinig ang mababang boses niya."A-akala ko pa naman, nagiging okay na. Saan ba ako... nagkamali?" Pumiyok ang boses niya.Hindi ko na mapigilan ay humarap sa kaniya para sampalin siya. Kumaliwa ang mukha niya at unti-unting bumakat ang palad ko sa pisngi niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko."Nagpakita sa bahay ko si Obrei, Jaco. Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?" Kitang-kita ko
"Bakit?" "Anita... kailangan ng anak ko si Jaco." Tumaas ang kilay ko."At anong kinalaman ko dito?" Humalukipkip ako.Hindi siya makatingin sa akin pero kitang-kita ko pa rin kung papaano siya kinakabahan dahil nanginginig siya ng todo. Gusto kong matawa. Nasaan na ngayon nagmamalaking Obrei?"Alam natin ang sagot niyan, Anita. Jaco is here because he wants you back and-..."Mabilis kong pinutol ang kung anumang sasabihin niya."Teka nga. Sinasabi mo na ako may hadlang kaya nangungulila ng isang ama ang anak mo?" Hindi siya makapagsalita."Wag mo akong lapitan kung ganun'. Dahil nakapagusap na kami ni Jaco at pinal na ang sagot ko." Nagtiim bagang ako. Umatras na ako para umalis pero ang gaga ay hinablot ang braso ko. Parang may kung anong sumabog sa pagkikimkim ko ng maramdaman ang panlalamig niya. Ramdam ko ang kaba at takot niya. Pero akala ata niya ay madadaan niya ako sa paganito."A-anita... please can you... c-can you tell Jaco to see M-meredith? My daugter is sick and he o
Anong kaibahan sa sinabi niya? Nagkamali lang rin naman si Diego dahil... teka nga... anong connect ng walang bayag?"Buntis daw si Kasea! Grabe. Naexcite ako bigla sa magiging baby niya!" "Oo nga, e. Trending. Sa Sassy Night, bet ko si Paz. Ikaw teacher Ann?""H-huh?" "Ay! Tulala!" Napangisi si teacher Beks. "Sino nga bet mo sa Sassy Night?" Ahh. Tungkol pala ito sa paborito kong banda."Si Fergina. Napakalatina kasi. Chiks, e lakas ng dating..." Sabay na tumango ang mga kasamahan ko. Pinaguusapan pala namin ngayon ang tungkol sa sikat na Filipina idol group. Bata pa lang talaga ako, idol ko talaga si Fergina. Napakacarefree saka napakasexy!"Akin si Alycia! Kaya kong magpakalalaki kung si Alycia lang makakatuluyan ko!" Bumunghalit kami ng tawa dahil sa sinabi ni teacher Beks."Bakla! Kasal na 'yun! Wala ka ng pagasa!"Umirap si teacher Beks."Sa susunod na buhay, magiging akin siya." Ay naku. Malala na 'yan. Pagkatapos ng lunch ay lumabas na kami ng cafeteria para sa paghapong
"A-ako na nga..." Inagaw ko agad sa kaniya ang tuwalya at kinuskos na ang sarili. Gusto kong magmura dahil nananatili pa si Jaco sa tabi ko. Kaya amoy na amoy ko ang pabango niya. Sumimangot ako."Shit. Are you blushing?" Natatawang tanong ni Eiza na nilapit pa ang mukha sa akin.Sa sobrang hiya ko ay tinulak ko siya at nakasimangot na kumuskos. Iniwas ko ang mukha sa kanila."Upo ka na nga! Bakit ka ba nakatayo diyan?!" Hindi ko mapigilan di mapasigaw dahil nakatayo pa talaga si Jaco sa tabi ko!Humalakhak ang bobita. "She's awkward." Puta. Isang salita lang talaga Eiza, ingungodngod na kita sa plato mo."Okay, uupo na." At umupo nga sa tabi ko. Sinamaan ko agad ito ng tingin."Doon ka sa malayo." Parang hari na sumandal siya sa upuan at tamad na nilingon ako."Ssshh. Don't look at me." Napanganga ako."A-ano?!""Your cleavage is distracting me." Sumimangot ito at nainom ng tubig. Halos mabingi ako sa tawa ni Eiza. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa dibdib ko at shit! Nakali
"Makikipagusap lang ako kung babalikan mo na ako."Nagpantig ang tenga ko sa narinig.Rinig ko ang tawa na naman ni Eiza na halos ilabas ang ngalangala. Napasipol si Hayes at agad tumalikod habang ngingisingisi. Sinamaan ko ng tingin si Jaco."Tama ba na makielam ka tungkol kay Diego at Karen?" Nawala ang magaang itsura niya at napalitan ng bagsik. "They deserve to suffer." Namulsa pa ito.Napanganga ako."Jaco! Tungkol ba ito sa ginawa nila sa akin?!" Hindi niya ako sinagot kaya inis kong sinapak ang braso niya."Jaco!""Yes.""Bakit mo ginawa 'yun? Akala ko sinwerte lang ako at napadali ang lahat..." hindi ko na matuloy ang sasabihin dahil gulat pa rin ako. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa impluwensya na dala niya. Ngunit bakit pa?"Di ka na lang sana nakielam. Jaco, sinisira mo ang negosyo nila Diego. Personalan na 'yan." Umiwas siya ng tingin sa akin."I want them to suffer. I don't tolerate people hurting you." Parang may kung anong kumurot sa puso ko. I once heard him said