“OH! How was your vacation?” maligayang pagsalubong sa kanila ni Althea Montemayor nang makababa sila sa kotse. Naroon ito sa porch at naka-antabay kasama ang dalawang katulong na kaagad na kinuha ang mga dala nilang gamit.
Si Cayson ay lumapit sa abuela at humalik sa pisngi nito. “We had a great time, Gran. Thank you for sending us to Bali, naging mas malapit kami ng asawa ko.”
“That’s good to hear, apo.” Ibinaling ng matanda ang pansin sa kaniya nang makalapit siya. Kaagad siyang nagmano, pero ang matanda ay hinila at niyakap siya. “You are glowing, Rome. Mukha ngang naging maganda ang epekto ng bakasyon ninyo sa iyo.”
<“WHY are you still here?”buong pagtataka niyang tanong nang sa paglabas niya sa banyo matapos maligo ay inabutan si Cayson, naka-upo sa couch na nasa paanan ng kanilang kama. She didn’t expect him to be there. Matapos ang dinner ay kasama nila itong umuwi sa mansion ni Althea. Ang buong akala niya ay ihahatid lang sila nito, at dahil ayaw niyang makita itong muling umalis upang makipagkita sa babae nito ay mabilis siyang bumaba sa kotse at nauna na. Si Althea ay dumaan muna sa kusina upang kausapin ang mga katulong tungkol sa budget ng pagkain sa linggong iyon. Pagdating niya sa silid ay kaagad siyang dumiretso sa banyo upang maligo. Nagtagal siya sa ilalim ng shower, gusto niyang mapreskuhan nang sagayon ay makatulog siya kaagad at hindi
TULUYAN NANG NAHUBAD NI CAYSON ANG POLOSHIRT nito, and he continued to walk towards her. Nang makalapit at kinuha nito ang dalawang mga kamay niya at itinaas sa mga balikat nito bago siya hinawakan sa magkabila niyang balakang at hinapit. Their bodies pressed against each other, and Cayson bent his head to claim her lips. She welcomed his kisses with all her soul. Nothing else mattered. His ways were rough, but she liked them. Kahit ang madiin nitong paghalik lagi, ang madiin nitong pang-aangkin ay tinatapatan niya ng kaparehong pwersa. Ang mga kamay nito'y mariing nakahawak sa kaniyan
Tatlong buwan pa ang mabilis na lumipas, at tuluyan nang lumobo ang tiyan ni Rome.Her whole family was always happy whenever she visits, lalo na ang mama at papa niya na maluha-luha habang nakatingin sa tiyan niya.She would often visit because of Connie’s upcoming wedding. Tinutulungan niya ang kapatid sa pag-aasikaso. Simula nang huling pag-usapan nila ng kapatid ang tungko
MASIGABONG palakpakan ang namayani sa buong events hall ng Diamond Hotel kung saan ginanap ang wedding reception nang pumasok doon ang bagong kasal; magkahawak ang mga kamay at malapad na nakangiti. Masaya ang lahat na bumati habang naglalakad ang mga ito patungo sa 'sweetheart table' ng mga ito. Ang bawat parte ng entourage ay may kani-kanilang entrance song; ang iba'y sumayaw pa, habang ang iba'y nahihiyang naglakad patungo sa table ng mga ito. Dinner was served to everyone, at habang kumakain ay may pumapainlanlang na musika sa ere. At habang kumakain ang mga bisita ay pinili ng mga newly-weds na lapitan isa-isa ang mga table upang kumustahin at kausapin ang mga bisita.&nb
ILANG minuto siyang nagkulong sa banyo para ayusin ang sarili; inayos niya ang buhok at ang light make up, saka ang damit. She was wearing a light blue dress na hanggang tuhod lang, at pinatungan niya ng coffee-coloured blazer. People say they almost didn’t recognize her because of her appearance. They said she looked… prettier. Lovelier. Napansin niya rin ‘yon sa sarili. She looked different compared to her pictures six months back. Para siyang bulaklak na sagana sa dilig. Blooming. Oh well. Ang kaso, mukhang maraming peste ang sisira sa bulaklak niya—este sa kaligayan niya. Pests like… Samantha. Nagsesel
SI BARON ay kinunutan ng noo nang marinig ang sinabi ni Cayson. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa, naguguluhan. Tumikhim siya at hinarap si Cayson. “Mauna na kayo nina Lola. Sasabay na ako kina Mama at Papa mamaya.” Doon naman kinunutan ng noo ang asawa. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. “Why are you staying?” he asked. “Dahil gusto ko.”Iuuwi mo lang naman ako sa bahay at iiwan din dahil kunwari, pupunta ka sa opisina pero ang totoo ay kikitain mo si Samantha. H’wag nga ako, Cayson. Gawain ko rin ‘yan noong kami pa ni Baron! she wanted to add,
NAGISING si Rome nang maramdaman ang pagbukas at pagsara ng pinto ng silid nilang mag-asawa. Pumihit siya paharap doon at nakita si Cayson na naghuhubad ng suot na jacket habang naglalakad patungo sa banyo. Bumangon siya at binuksan ang lamp. “Hey…” aniya sa inaantok na tinig.
SA SUMUNOD na mga araw ay naging abala si Cayson sa pag-aasikaso sa nangyari sa Laguna branch. Halos buong araw itong abala sa trabaho, kahit sa gabi ay nasa harap ng laptop nito at kausap ang mga staff. Malaki ang ibinagsak ng income ng Montemayor Travellers, at ang pagiging competitive ni Cayson ay nihamon ng panahon. Sa loob ng apat na araw ay doon ito natutulog sa home office nito, at walang problema sa kaniya iyon kahit na nagiging clingy na siya sa asawa. Siya ang personal na naghahatid ng pagkain nito roon sa gabi kapag hindi na nito nagagawang sumabay sa kanila ni Althea, at bago siya matulog ay dinadalhan niya ito ng tinimpla niyang kape. Cayson would pause from his work and would eat his dinner; at
DALAWANG BUWAN MAKALIPAS ay muling nagpakasal sina Rome at Cayson, but this time, it was held in the church. Natupad ang pangarap ni Rome na makasal sa simbahan at makapaglakad sa aisle. She was a happy bride, dahil naroon lahat sa simbahan ang mga mahal niya sa buhay, kabilang na ang lahat ng kaniyang mga kaibigan. Including Jiggy—na noo’y tanggap na tanggap na ng buong pamilya niya. Her parents realized that Jiggy was more than just a friend to her. She was like a family. Kaya naman simula nang magkita ang mga ito noong mga panahong nasa ospital siya ay hindi na naging iba ang pagturing ng kaniyang mga magulang rito. Lalo at maliban kay Cayson ay isa ito sa mga nagpuyat noon sa ospital upang bantayan siya. She had learned that she was unconscious for three days aft
“IPINALIWANAG KO NA sa buong pamilya ang tungkol kay Precilla, at nakahanda akong muling magpaliwanag sa harap mo ngayon. So, I need you to listen, okay?” Para siyang batang tumango. Handa siyang pakinggan ang lahat ng paliwanag nito at patawarin ito kahit hindi pa man ito humihingi ng patawad. Dahil bakit hindi? Hindi pa ba sapat ang pag-alalang nakita niya sa anyo nito? Ang pangingitim ng paligid ng mga mata nito, ang maputla nitong mukha? Hindi pa ba sapat na pinabayaan nito ang sarili para sa kaniya? At hindi pa ba sapat ang pangongompisal nito? Cayson just
HINDI MAINTINDIHAN NI ROME ANG NARARAMDAMAN. She was trying to open up her eyes, but she had no strength no matter how hard she tried. Kapag nabubuksan naman niya ang mga mata’y kaagad ding sasakupin ng dilim ang kaniyang paningin. At kung may nakikita man siya ay hindi malinaw. Hindi malinaw na imahe ni Cayson. Wait… Cayson? Oh. Right… Ang huling naalala niya ay nakita pa niya ito sa bahay nila Baron. And then, she c
“SA TINGIN ko ay kailangan na natin siyang dalhin sa ospital, Connie,”suhestiyon ni Selena nang lumabas ito sa guest room na okupado ni Rome sa bahay ng mga ito. Inisara muna ni Selena ang pinto at hinarap si Connie na nag-aalala na rin. “Nilalagnat na naman siya, at wala tayong gamot na pwedeng ipainom sa kaniya.” Sinulyapan ni Connie ang oras sa relos. It was only 7PM. Napabuntonghininga ito. “Kanina ko pa sinasabi ‘yan sa kaniya nang makipagkita siya sa amin ni Jiggy matapos lumayas sa bahay ng asawa. Ilang araw nang masama ang pakiramdam niya at kaninang umaga pa lang ay nilalagnat na siya. Pero ayaw niyang magpahatid sa ospital.” “We can’t take risks, Connie. Bun
“MAKE SURE na ang dokumentong ipadadala mo sa akin ay kompleto na, Mitch. Ayaw kong pa-istorbo sa buong linggong pahinga ko.” “Yes, sir. Naayos ko na po ang folder. Ako po ang personal na magdadala sa mansion.” “Good. See you tomorrow—oh, and please come around lunchtime. Ayaw kong gumising nang maaga.” Tinapos na niya ang tawag at akmang i-iitsa ang cellphone sa front seat nang makitang 1% na lang ang battery niyon. He looked for the charger while his eyes still focused on the road, subalit hindi niya iyon makapa sa kahit saan. Tahimik siyang nagmura saka itinuloy na lang ang pagmamaneho. I
HINDI NAWALA ang sama ng pakiramdam niya sa buong araw. Umabot ang gabi na patuloy ang pananakit ng lower back niya at ng kaniyang ulo. Sa tulong ni Jen ay nakaligo siya, at inalalayan siya nito hanggang sa pagbihis. Naka-ilang balik na rin ito sa silid niya upang dalhan siya ng pagkain at maiinom. Sa buong araw din na iyon ay hindi na tumawag si Cayson, which was normal dahil sa gabi ito madalas na tumawag sa kaniya.
“SALAMAT sa paghahatid, Baron. Sa susunod talaga ay magpapahatid na ako sa driver ni Granny Althea para hindi na kita naaabala sa tuwing dadalaw ako sa inyo,” aniya matapos siya nitong ihatid sa mansion. Si Connie ay nagpababa sa isang mall dahil kailangan pa raw nitong mag-grocery, habang siya ay ini-diretso si Baron sa subdivision. “Nah, that’s alright, Rome. Maliit na bagay lang naman ito.” Muli siyang nagpasalamat at bumaba na sa kotse. Ang kasambahay na si Jen na nasa hardin at nagdidilig ay naka-antabay sa kaniya kaya nakabukas na ang gate. Nagpasalamat siya rito at tumuluy-tuloy na sa
PINILIT ni Rome na maging normal sa sumunod na mga araw. Kahit na sa tuwing aalis si Cayson para pumasok sa opisina ay pinag-iisipan niya ng masama. Alam niyang magta-trabaho ito pero hindi niya mapigilang isipin na makikipagkita lang ito kay Precilla. Oh, that woman! Ilang beses siyang niyaya ni Connie na lumabas kasama ang babaeng iyon pero mas pinili niyang magkulong sa mansion at gawin ang araw-araw niyang gawain doon. She would rather die with boredom than meet with that sneaky snake! And Cayson? Oh, nagagalit din siya pero kailangan niyang umaktong hindi dahil alam niyang wala siyang karapatang magalit. May pinirmahan silang terms. May us
MATAPOS ang araw na iyon ay muling bumalik si Cayson sa Laguna. Nakahinga siya nang maluwag dahil alam niyang hindi magkakaroon ng pagkakataon sina Cayson at Precilla na magkita dahil alam niyang magiging abala ang asawa sa itinatayong bagong terminal. Nang makauwi sila sa mansion matapos ang dinner party na iyon ay ginawa ni Rome ang madalas na ginagawa ng mga praning na maybahay. She checked Cayson’s phone for Precy’s number. Walang password ang cellphone nito kaya nagawa niyang buksan iyon. She typed in Precy’s number, at tila siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang ma-kompirmang wala roon ang numero ng dalaga. Marahil ay naging OA lang siya sa pag-iisip. Nawala na rin ang inggit niya para kay Precy