PINITIK ni CM ang ng ilang beses ang dalawang daliri nito malapit sa mga mata ni Nathalie. Napakurap ng ilang beses ng mata niya ang dalaga. Dahilan ng pabalik siya sa kasalukuyan mula sa kanyang pagbabalik tanaw sa nakaraan. “Welcome back, Princes,” nakangiti sabi ni CM. Binuka pa nito ang dalawang braso upang i-welcome hug ang dalaga. Matipid siyang ngumiti. “Thank you.” Patay malisya at hindi niya pinapansin ang pag-welcome hug nito. “Nasaan sila Mommy at Daddy? Why are you here?” sunod-sunod na tanong ni Nathalie,palinga-linga sa paligid upang hanapin ang kanyang mga magulang.Pasimple naman binababa ni CM ang mga braso nito, saka pinagsiklop sa tapat ng dibdib nito banda. “Your Dad’s not feeling well.” Anito lumapit pa ito sa kinatatayuan niya, saka ginulo ang buhok ni Nathalie. “Ano ba! Ginugulo mo lang ‘yong hairdo ko,” kunwari ay reklamo niya. “Wow, you're taller now than before.” Ani Cm na nakatayo sa tabi ni Nathalie.Malapad na ngiti ang pinaskil ni Nathalie
PAGKALIPAS nang isang dekada ng paghihintay ni CM ay sa wakas bumukas din ang dahon ng pinto ng banyo. Niluwa mula roon ang dalagang hinihintay niya kanina pa. Nakatapis lang ng maikling tuwalya si Nathalie. Laglag ang mga panga ni CM habang nakatingin kay Nathalie habang naglalakad ito palabas mula sa loob ng banyo. Hindi niya rin magawang kumurap man lang tila kapag ginawa niyon ay bigla na lang maging invisible sa paningin niya ang dalaga, nakatitig lamang siya sa magandang tanawin na nakatayo roon halos dalawang dipa lang ang distansiya ang nasa kanilang pagitan ni Nathalie. Hindi niya rin magawang pigilan ang kanyang sarili na di pasadahan ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Napakakinis at mala porselana ang kaputian ni Nathalie, hanggang sa napako ang tingin niya sa dibdib banda ng dalaga. Wala siyang bukang bibig sa kagandahan taglay nito. Napakaganda ni Nathalie, idagdag pa ang maamong mukha nito. Bigla siyang natauhan ng marinig niya ang malakas na boses
NAIILANG SI NATHALIE sa klase ng titig ng batang babae, kanina pa ito nakatitig sa kanya tila hindi na nga nito magawang kumurap. Tantiya niya ay nasa sampung taong gulang ang batang babae. Mahaba ang buhok nito na lagpas balikat, maputi at mamula-mula ang balat nito lalo’t kulay pinkish ang mukha ng batang babae. Kasalukuyang nasa cake shop si Nathalie nang mga sandaling iyon. Bago siya naghanap ng mauupuan ay um-order muna siya ng chocolate cake at black coffee. Katabi lamang ng mesa niya ang lamesa inuukupa ng batang babae, paharap naman ang puwesto nito. Hindi na siya makatiis pa na tingnan nalang ang batang babae. Nagpaskil siya ng ngiti sa kanyang mga labi. “Hello, what is your name?” Alanganin naman ngumiti ang batang babae. Subalit nakatitig pa rin ito sa mukha niya. “I'm Bianca Raider,” bibong sagot nito. Saka sumubo ng cake. Biglang napatitig si Nathalie sa batang babae, habang tinititigan niya ang mukha nito tila may matalim na kutsilyo ang humihiwa sa
“Good morning, Mom” aniya saka humalik sa pisngi ng kanyang ina. Naabutan niyang nagdidilig si Margaux ng mga halaman at ng mga rosas na tanim nito sa garden.Saglit itong lumingon kay Cm na may ngiti sa mga labi nito.”Good morning, son” ipinagpatuloy nito ang pagdidilig ng mga bulaklak. “Mabuti naman naisipan mong dito umuwi.” Ani Margaux na may bahid ng pagtatampo“Mom, bahay ko pa rin naman dito, saka na miss ko na rin kayo, busy, eh, kaya di na ako masyado nakakauwi dito.” Aniya. “Nadatnan ko si Daddy sa bar umiinom. Inaway mo naman ba Mom?”“Ganyan naman ang Daddy mo palaging umiinom,” sagot ni Margaux. “Doon ka muna sa garden set at tatapusin ko muna ‘tong pagdidilig ko.” Ani Margaux,tinataboy na siyang paalis dito. “Hi, Daddy, Good morning!” masiglang wika ng sampung taong gulang na si Bianca. Pakinding-kinding pa ito kung lumalakad papunta rito. “How’s my baby girl?” nakangiting tanong ni Cm, binuka ang dalawang mga braso niya upang salubungin ng yakap ang anak. “I'
“ANDRIE!” anang ng boses babae, napahinto si Cm sa pagbukas sana sa dahon ng pinto ng red nissan safari. Tama ba ang pandinig niya? O guni-guni niya lamang iyon? Lumingon siya sa pinanggagalingan ng boses. Nakikita niya ang babaeng may alanganin ngiti nakapaskil sa mga labi nito.“Andrie,” ulit nitong wika. Bago makalapit sa kanya ang babae ay hinarangan agad ito ng bodyguard slash driver niya. Kunot-noo ng tiningnan niya ang babae. “You're mistaken, Miss.”Kumimbot ang isang sulok ng labi nito. “Gusto ko lang kumustahin si Bianca.”Inarok ng tingin ni Cm ang babaeng nakasuot ng kulay pula na damit. Sigurado siya sa sarili ngayon niya lang ito nakaharap. “Sorry, miss but Im not Andrie.” sa halip na sabi niya, hindi niya pinapansin ang sinasabi nito tungkol kay Bianca. Napaka-private niyang tao at pinakaayaw niya ay pinag-uusapan ang tungkol sa pamilya niya lalo’t sa mga taong hindi kakilala. Tuluyan niyang tinalikuran ang babae. Binuksan niya ang pinto ng kotse at tuloy-t
HALOS mag-isang linya na ang makapal na kilay ni CM, habang nakatutok ang paningin niya sa mga papelis na nasa mga kamay niya, it's a contract agreement between Monte Cristo and Raider’s corporation. Para iyon sa twin towers, seventy eight units of condominium projects. And the Monte Cristo will provides such like iron and steel for this projects. Ilang beses niyang paulit-ulit bahinin ang bawat pahina ng nasabing kontrata ngunit hindi niya gaanong naiintindihan ang mga nakasaad sa kontrata. Paano niya maintindihan kung ang kanyang isipan ay ginugulo ni Dianna. ‘Di sa may gusto siya sa babae at higit sa lahat wala siyang interest kay Dianna. Lately malaking palaisipan at katanungan sa sarili niya ang tungkol kay Dianna, kung bakit siyang napagkamalan nitong si Andrie? Inaasahan niyang muling magpapakita si Diana sa kanya ngunit hindi na muli nagpakita ang babae sa kanya. Simula noong una’t huling nagpakita ito ay hindi na muling lumitaw si Diana at nakipag-usap ito tungko
THE KISS it was intense pakiramdam ni Nathalie tila lasing na lasing siya. Hindi sa alak kung di sa halik ni CM. Pagkatapos ng maalabaab na halik ay inalalayan siya ni Cm makabangon mula sa mesa na hinihigaan niya. Inayos naman ni Nathalie ang medyo nagusot niyang damit. “Damn!” mariin wika ni CM, titig na titig ito sa dalaga. Walang pasabing hinawakan nito ang kanan kamay ni Nathalie, sabay hila palabas sa maingay at mabahong usok ng sigarilyo at inumin. Idagdag pa ang walang kasing lakas na musika. Tila nakakasira mg eardrums. Wala ng nagawa si Nathalie,nagpatianod at sumunod na lamang siya kay Cm. Palabas ng bar. Hindi niya na rin nagawang magpaalam sa ibang kasamahan niya. “Ano ba! bitawan mo nga ako!” marahas pumiglas si Nathalie,mula sa pagkahawak ng binata sa kanan kamay niya. “Don't dare me!” sabi ni Cm sa mahina ngunit mariin din boses nito.Pinukol niya ng masamang tingin si Cm. “Sa tingin mo ano ang ginagawa mo Calyxandrie? As I remember, You're not invited,” na
DUMATING si Nathalie, sa Raider’s Company na nagkakagulo sa loob ng opisina ni CM. Hindi pa man siya gaano nakalapit ay naririnig niya ang malakas na boses ng binata. Sumisigaw at aburido ang boses nito. Kilala niya si Cm, hindi nito ugali ang manigaw ng ibang tao kapag mababaw lang ang dahilan.Malalaking hakbang ng kanyang mga paa ang ginawa niya upang sa ganoon ay marating niya agad ang loob ng office ni Cm, sa ganun malaman niya ang mga nangyayari. Tinanghali siya ng gising kaya tanghali na rin siya nakapasok ng opisina. Makakasalubong niya si Miss Montejo na palabas mula sa loob ng office ni Cm. Nakayuko ang ulo ng dalaga. Nagpaski siya ng ngiti sa kanyang mga labi. “Miss Montejo, what happening? Bakit sumisigaw yata ang boss mo?” bungad wika ni Nathalie rito sa secretary ni Cm. Ng-angat ng mukha si Miss Montejo,tila mangiyak-iyak ang hitsura nito. “Nawawala kasi ‘yong proposal documents.Para ipiprisinta sa bidding ng proyekto ni Mr Andrie Smith.”“Hah, paanong nang
“XANDY, magkukulong ka na lang ba rito sa loob ng kuwarto mo?” Tanong ni Mommy Margaux na pinagmamasdan siya na nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama. Nitong mga nakaraan mga araw ay wala na siyang ganang lumabas ng bahay at sa kanyang kuwarto ay nanatili siya. “Ma, iwan n’yo muna ako.” Aniya nagtalokbong ng komot.“Bumangon ka na at may pupuntahan tayo.”“Kayo na lang, Ma. Ayoko sumama,” turan niya sa mahinang boses. “Pakisara na lang ng pinto kapag lumabas na kayo.”“Hey, Tita Xandy! Get up!” Ani Bianca sa medyo may kalakasan ang boses. Pilit na hinihila nito ang komot nakatalokbong sa kanya. “Puwede ba, tigilan na ninyo ako! Basta ayoko sumama,” naiinis turan niya na mas lalong hinigpitan niya ang pagkahawak sa komot. “Please, leave me alone.”“Tita, please…Promise magiging masaya ka pagkatapos nito,” malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Bianca. Naramdaman niya ang pagsampa ni Bianca sa ibabaw nitong kama. “Sige ka, pagsisihan mo kung hindi ka sasama sa ‘min.”
“OH, MY GOD,” sabi ng Doctor mahihimigan ang pagla-shock nito. Narinig din niya ang pagsinghap ni Tita Isabel. Ilang segundo lamang ang lumipas, may dumaan sa tabi niya ang isa pang Doctor na nagmamadaling pumasok dito sa loob ng kuwarto ni Rod. Nilagpasan lamang siya nito. Naging slow motion ang paglingon ni Xandy roon sa kama na hinihigaan ni Rod. Tila hindi siya makakapaniwala sa kanyang nakikita. Ilang beses niya kinusot ang kanyang mga mata, sa inaakalang dinadaya lamang siya ng kanyang nakikita at dala lamang ng kanyang imahinasyon. Ngunit ang nakikita niya ay totoo. “Oh, my God. Tito Rod your back,” ani Bianca, unang nakahuma sa pagkabigla. Nanatiling nakatayo lamang si Xandy na nakatingin doon sa kamang hinihigaan ni Rod. Tila katulad siya sa kandila na itinulos doon mula sa kanyang kinatatayuan na hindi niya magawang kumilos ng kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay biglang namanhid ang buong katawan niya, higit sa lahat natatakot siya na sa pagkurap ng kanyang mg
NAGISING si Xandy, bumungad sa paningin niya ang apat na sulok na kulay puti, kulay asul na kurtina. She's must be dreaming. Pinilig niya ang kanyang ulo. This scenario was happening a months ago. When she's sick. But this is different. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng kuwarto. Ganoon na lamang ang pagkadismaya niya ng hindi niya makita si Rod. “Rod,” mahinang usal niya sa pangalan ng lalaki. Kasabay ng mga mala butil niyang luha namalisbis sa kanyang pisngi. Nang maalala niya ang huling nangyari sa kanila ni Rod. Naaksidente sila at nagpagulong-gulong nahulog ang kotseng sinasakyan nila ng binata. Bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa mula roon si Mommy Margaux. “Oh, God. Your awake already baby,” halos takbuhin nito ang distansya nasa pagitan nilang mag-ina. “May masakit ba sa’yo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?” sunod-sunod na tanong ni Mommy Margaux na hindi alam ang gagawin. Punong-puno ng pag-alala ang Ginang. Umiling si Xandy, pilit pinapakalma ang kan
NARAMDAMAN ni Xandy ang ginawang pagbuhat sa kanya ni Rod at ang paglipat nito sa kanya rito sa kama. She's half asleep. Sa halip na sitahin ang binata sa ginawa nito ay nagkunwari na lamang siya na natutulog. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at hinayaan na lamang si Rod. Ramdam niya rin ang mga titig ni Rod sa kanya. Para saan ang malalim nitong pagbuntong-hininga? Tila pasan nito ang mundo. Marahil naiisip nito na pabigat lang siya rito. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng kotse naroon sa parking lot sa sasakyan pa siya ni Rod nagtago. Kapag minalas ka nga naman. Nakapag desisyon na rin siya na kapag nakarating na sila roon sa Caticlan ay mag kanya-kanya na lamang sila. Nang marinig niya ang mga yabag ng stewilas ng sapatos na papalayo. Kasunod noon ay bumukas-sumara ang dahon ng pinto na sinundan ng pag-click ng padlock ng pinto. Paunti-unting minulat ni Xandy ang kanyang mga mata ng makatiyak siya na wala si Rod dito sa loob ng cabin. Pinalipas niya muna ang
MABILIS ang pagpapatakbo ni Rod sa kotse minamaneho niya, habang binabagtas ang kahabaan ng coastal road patungo sa pier ng Batangas. Bago siya umalis doon sa hotel ay tinawagan niya ang pinsan niyang Kapitan ng Cargo vessel na patungong Caticlan. Nang marating niya ang Batangas fort ay dumiritso niya pinasok ang sasakyan niya sa loob ng cargo vessel na siya na lang ang hinihintay bago ito lumarga. Paibis ng kotse si Rod nang mapansin niya na hindi lamang siya nag-iisa sa loob ng sasakyan niya. Diyata’t may nakasakay na ibang tao na hindi niya napansin. Mabilis siya lumabas ng kotse, atsaka binuksan ang pinto ng passenger's seat. “Xandy!” Gilalas niya nang mapagsino ang naki ride on sa kotse niya. Nakabaloktot ang dalaga sa likod ng driver seat. Kung kani-kanina ay gusto niya itong pipilitin sa leeg sa ginawang pagtakas ni Xandy sa engagement announcement party nila. Nagawa nitong ilagay sa kahihiyan ang kani-kanilang mga pamilya. Naggising si Xandy mula sa mababaw nitong t
NANG BUKSAN ni Xandy ang main door ng boutique ay bumungad sa paningin niya ang mga petals ng mga red, pink and white roses na nagkakalat doon sa sahig sa daraanan niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga staff niya na nakatingin din sa kanya. Tahimik lamang ang mga ito habang nagmamasid sa kanya naglalakad papasok. Sinira niya ang dahon ng pinto, atsaka hinarap ang mga ito. “Sino ang may kagagawan ng mga iyan?” Tinuro niya ang mga petals ng mga bulaklak na nagkakalat doon sa sahig. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nagsasalita. “Ano, magtitigan na lang ba tayo dito? Sinayang n’yo lang ang mga bulaklak na ‘yan. Isa pa dagdag pa ang mga iyan sa trabaho ni Mang Nestor.”Si Grace ang naglakas loob nagsalita. “Ma’am Xandy, dumiritso ka na lang sa loob ng opisina mo.” Nakangiti turan nito. “Go na, Ma’m Xandy.” Segunda naman ni Jaz, kinikilig pa ang bruha. Nagtaas siya ng isang kilay. “Kinikilig pa kayo, hah. Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa ninyo sa office ko?”“
“I’M SORRY, XANDY but you are not performing this time,” saad ni Elis ang manager niya. “But, why?” nagtataka ng tanong ni Xandy. Hindi lubos maisip kung ano ang dahilan, hindi siya makakasama sa darating na fashion show. Matagal niya pinaghandaan ang nalalapit na fashion show na gaganapin sa bansang Las Vegas. Subalit napunta lamang sa wala ang mga pinaghihirapan niya. Ilang araw lang siya na confine sa hospital ng nagkasakit siya. At ang magaling na lalaki ay nakialam. Hindi na rin nagpakita si Rod simula n'ong lumabas na siya ng hospital. “Mr Fortaleza, asked your homesick leave at sa tingin ko, Xandy Darling, you’ll need it.”“It's okay, Elis. I’ll understand,” pilit siya ngumiti. “So… I’ll excuse myself. I need to go.”“Xandy Darling, bumawi ka na lang next time. For now you’ll need to take a rest. Bawal magkasakit.”“I get it,” tuluyan na nagpaalam si Xandy rito. “LOOK, who’s here?” Nakataas ang isang kilay ni Trexie, ng nakasalubong niya ito sa hallway. H
“MA, tawagan mo nga uli.” suhestiyon ni Cm sa ina nito. Binalingan nito si Rod, bahagyang tinapik nito sa balikat. “‘Pre mukhang mapornada pa ang pamamanhikan,” nakangisi turan nito. “Gusto mo yata maumbagan, bro.” Balik pagbibiro ni Rod, ngunit malaking palaisipan sa kanya kung nasaan na si Xandy. Paano nga kung tumakas ito at wala ng balak itong ituloy pa ang nakaplanong pagpapakasal nila. “Nasa office pa raw,” sabi ni Mommy Margaux ng matapos ito makipag-usap sa linya ng telepono. Nakahinga naman si Rod, mula sa narinig niyang sabi ni Mommy Margaux. Ang buong akala niya ay tumakas na si Xandy. Mas natatakot siya sa isipin na baka meron masamang nangyari sa dalaga. “Ma, mukhang uulan pa yata.”Saad naman ni Xander. “Susunduin ko na lang po si Xandy, Tita.” Presinta agad ni Rod. “Ayaw mo lang matakasan,” todyo ni Cm. “‘Pre may araw ka rin,” nakangising turan dito ni Rod. “Mabuti pa, Rod. Sunduin mo na lang si Xandy at tiyak nawili na naman iyon at hindi namalayan
SA MGA ARAW lumipas ay hindi na gaano nagkikita sina Xandy at Rod. Dahil sa kapwa busy sa kanyang-kanya pinagkakaabalahan. Kakalapag lamang ng eroplano sinasakyan ni Rod sa NAIA. Halos isang buwan din siya namalagi roon sa Japan upang personal na surveillance ang naging problema sa negosyo nila naka base roon sa Japan. Dumeritso siya roon sa parking area kung saan naroon naghihintay si Manong Imo, ang family driver nila. Malayo pa ay natanaw niya na ang lagpas singkuwenta-anyos na si Manong Imo. "Kumusta po, Manong?" tanong niya sabay tinapik sa balikat si Manong. "Ito, Sir mas malakas pa sa kalabaw." Nakangiti sagot ni Manong Imo. "Halata nga po. Ano ba ang sekreto natin Manong?" Pumasok na siya sa loob ng sasakyan. "Tamang pag-aalaga at pagmamahal ng asawa, Sir." Nakangiti pa rin sagot ni Manong Imo. Sinimulan nito buhayin ang makina ng sasakyan. "Napakasuwerte n'yo po talaga kay Nanau Rosa," komento niya. Ang asawa ni Manong Imo ay dating yaya niya nag-alaga sa kan