“ANDRIE!” anang ng boses babae, napahinto si Cm sa pagbukas sana sa dahon ng pinto ng red nissan safari. Tama ba ang pandinig niya? O guni-guni niya lamang iyon? Lumingon siya sa pinanggagalingan ng boses. Nakikita niya ang babaeng may alanganin ngiti nakapaskil sa mga labi nito.“Andrie,” ulit nitong wika. Bago makalapit sa kanya ang babae ay hinarangan agad ito ng bodyguard slash driver niya. Kunot-noo ng tiningnan niya ang babae. “You're mistaken, Miss.”Kumimbot ang isang sulok ng labi nito. “Gusto ko lang kumustahin si Bianca.”Inarok ng tingin ni Cm ang babaeng nakasuot ng kulay pula na damit. Sigurado siya sa sarili ngayon niya lang ito nakaharap. “Sorry, miss but Im not Andrie.” sa halip na sabi niya, hindi niya pinapansin ang sinasabi nito tungkol kay Bianca. Napaka-private niyang tao at pinakaayaw niya ay pinag-uusapan ang tungkol sa pamilya niya lalo’t sa mga taong hindi kakilala. Tuluyan niyang tinalikuran ang babae. Binuksan niya ang pinto ng kotse at tuloy-t
HALOS mag-isang linya na ang makapal na kilay ni CM, habang nakatutok ang paningin niya sa mga papelis na nasa mga kamay niya, it's a contract agreement between Monte Cristo and Raider’s corporation. Para iyon sa twin towers, seventy eight units of condominium projects. And the Monte Cristo will provides such like iron and steel for this projects. Ilang beses niyang paulit-ulit bahinin ang bawat pahina ng nasabing kontrata ngunit hindi niya gaanong naiintindihan ang mga nakasaad sa kontrata. Paano niya maintindihan kung ang kanyang isipan ay ginugulo ni Dianna. ‘Di sa may gusto siya sa babae at higit sa lahat wala siyang interest kay Dianna. Lately malaking palaisipan at katanungan sa sarili niya ang tungkol kay Dianna, kung bakit siyang napagkamalan nitong si Andrie? Inaasahan niyang muling magpapakita si Diana sa kanya ngunit hindi na muli nagpakita ang babae sa kanya. Simula noong una’t huling nagpakita ito ay hindi na muling lumitaw si Diana at nakipag-usap ito tungko
THE KISS it was intense pakiramdam ni Nathalie tila lasing na lasing siya. Hindi sa alak kung di sa halik ni CM. Pagkatapos ng maalabaab na halik ay inalalayan siya ni Cm makabangon mula sa mesa na hinihigaan niya. Inayos naman ni Nathalie ang medyo nagusot niyang damit. “Damn!” mariin wika ni CM, titig na titig ito sa dalaga. Walang pasabing hinawakan nito ang kanan kamay ni Nathalie, sabay hila palabas sa maingay at mabahong usok ng sigarilyo at inumin. Idagdag pa ang walang kasing lakas na musika. Tila nakakasira mg eardrums. Wala ng nagawa si Nathalie,nagpatianod at sumunod na lamang siya kay Cm. Palabas ng bar. Hindi niya na rin nagawang magpaalam sa ibang kasamahan niya. “Ano ba! bitawan mo nga ako!” marahas pumiglas si Nathalie,mula sa pagkahawak ng binata sa kanan kamay niya. “Don't dare me!” sabi ni Cm sa mahina ngunit mariin din boses nito.Pinukol niya ng masamang tingin si Cm. “Sa tingin mo ano ang ginagawa mo Calyxandrie? As I remember, You're not invited,” na
DUMATING si Nathalie, sa Raider’s Company na nagkakagulo sa loob ng opisina ni CM. Hindi pa man siya gaano nakalapit ay naririnig niya ang malakas na boses ng binata. Sumisigaw at aburido ang boses nito. Kilala niya si Cm, hindi nito ugali ang manigaw ng ibang tao kapag mababaw lang ang dahilan.Malalaking hakbang ng kanyang mga paa ang ginawa niya upang sa ganoon ay marating niya agad ang loob ng office ni Cm, sa ganun malaman niya ang mga nangyayari. Tinanghali siya ng gising kaya tanghali na rin siya nakapasok ng opisina. Makakasalubong niya si Miss Montejo na palabas mula sa loob ng office ni Cm. Nakayuko ang ulo ng dalaga. Nagpaski siya ng ngiti sa kanyang mga labi. “Miss Montejo, what happening? Bakit sumisigaw yata ang boss mo?” bungad wika ni Nathalie rito sa secretary ni Cm. Ng-angat ng mukha si Miss Montejo,tila mangiyak-iyak ang hitsura nito. “Nawawala kasi ‘yong proposal documents.Para ipiprisinta sa bidding ng proyekto ni Mr Andrie Smith.”“Hah, paanong nang
SA MGA SUMUNOD na mga araw ay nagmistulang magnobyo sina Nathalie at Cm. Walang pangalan ang kanilang relasyon. Ayaw rin naman magtanong ng dalaga dahil sa ayaw niyang ma pressure si CM. Ang mahalaga ay pareho sila nag-eenjoy at masaya sa kung anong meron sila. Lalo’t abala ang lalaki sa paghahanda sa nalalapit na bid, ang itinakdang araw ni Mr Andrie Smith. Malakas na suntok sa panga ni Leo Pendon ang pinakawalan ni Cm para rito na halos ikatabingi ng mukha ng huli. Kasalukuyan nasa loob sila ng opisina ni Cm. “Cm, ano ba?Pinatawag mo lang ba kami rito para gawin punching bag iyang mukha ni Leo?” Ani Cristy na pumagitna ito sa kanila ni Pendon. Saka hinawakan sa braso si Cm. Marahas na binaklas ni Cm ang kanyang braso mula rito sa pagkahawak ni Cristy. Nanlilisik ang mga mata ni Cm na binalingan si Cristy. “You also!” Sabay duro niya kay Cristy. “You’re my friend, pinagkatiwalaan kita Cristy.” Mahina ngunit mariin niyang sabi. “What do you mean?” Nagtatakang tanong ni C
NANG MGA SUMUNOD na mga araw ay madalang na sila nagkikita at magkakasama ni Cm. Tuwing nasa opisina si Cm ay palagi naman itong busy. Kapag dumating naman ang oras ng uwian ay mas maaga pa si Cm umaalis ng kompanya. Alam ni Nathalie kung sino ang palaging mga kasama ni Cm. Ang mag-inang Dianna at Bianca ang palaging kasama ng lalaki. Paano niya makakaligtaan iyon kung animo ay katulad siya sa secret detective na minamanmanan ang bawat galaw ni Cm. Paglabas ng kumpanya ay sinundan niya ng palihim ang kotse minamaneho ni Cm. Huminto ang sasakyan nito malapit sa park.NABIGLA NA LAMANG si Cm ng biglang lumitaw na lang si Nathalie. Hindi niya kaagad napansin ang pagdating ng dalaga. "Cm," ani Nathalie na papalapit sa inuupuan niyang bench na gawa sa semento. Napapansin ni Cm na namumula ang mukha ng dalaga. Ilang araw rin na hindi sila magkakasama ni Nathalie. Nitong mga nakaraang araw ay sina Dianna at Bianca ang kasama niya, sinasamahan niya ang mag-ina sa tuwing namamasy
“DOC, hows my Grand pa?” tanong agad ni Cm sa Surgeon na halos kakalabas lamang nito mula sa loob ng operating room. Don Calixto Raider undergoes surgical operation, due to stage two brain tumor. Kaya kinakailangan ng matandang Don na operahan sa mas lalong madaling panahon upang sa gan’on ay maagapan ang pagkalat ng selyula ng paunti-unting kumakalat nasa utak nito. Ngumiti si Doctor Smith, sa kabila ng matinding pagod nakalarawan sa hitsura nito. “Don't worry, your grandpa is surviving now. But then he need to under observation from time to time.”Nakahinga ng maluwag si Cm, buhat sa narinig niya mula sa sinabi ni Doctor Smith. “Thank you so much, Doc,” nakangiti pasasalamat niya rito sa butihing Doctor. “You're most welcome, Cm.” Anito sabay tapik sa kanan balikat ni Cm. “Anyway, I need to go, to take my rest.” Paalam nito. “Go ahead, Doc. Again, thank you so much.”Nang nakaalis na si Doctor Smith, minabuti na rin ni Cm magpahinga sa pribadong kuwarto kinuha
A YEAR LATERNAIINIS na pumasok sa loob ng condo unit niya si Nathalie. Excited pa naman siya na sabihin kay Cm ang tungkol sa nai-close deal niya sa Taiwanese business woman. Ngunit bigla nawala ang excitement na nararamdaman niya, tila tinangay iyon ng malakas na ipo-ipo at ipinadpad sa kalagitnaan ng buhanginan. Paano ba naman ng tawagan niya si Cm ay may pakiramdam siya na ayaw makipag-usap sa kanya ng nobyo niya. Nagmamadali pa nga ito kanina habang kausap niya, ayon kay Cm ay hindi siya masusundo nito sa kanyang opisina. Dahil may emergency raw itong pupuntahan at higit sa lahat hindi puwedeng ipagliban na lang. Nathalie,she’s now a vice president of Gonzales holding corporation. Napapansin na rin ni Nathalie nitong nakaraan mga araw ay palaging busy si Cm at halos wala ng oras itong nilalaan para sa kanya ang lalaki. Bumontong-hininga ng malalim si Nathalie at dumiritso roon sa kusina. Binuksan niya ang pinto ng fridge at kumuha ng malamig na malamig na tubig. Nag
“XANDY, magkukulong ka na lang ba rito sa loob ng kuwarto mo?” Tanong ni Mommy Margaux na pinagmamasdan siya na nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama. Nitong mga nakaraan mga araw ay wala na siyang ganang lumabas ng bahay at sa kanyang kuwarto ay nanatili siya. “Ma, iwan n’yo muna ako.” Aniya nagtalokbong ng komot.“Bumangon ka na at may pupuntahan tayo.”“Kayo na lang, Ma. Ayoko sumama,” turan niya sa mahinang boses. “Pakisara na lang ng pinto kapag lumabas na kayo.”“Hey, Tita Xandy! Get up!” Ani Bianca sa medyo may kalakasan ang boses. Pilit na hinihila nito ang komot nakatalokbong sa kanya. “Puwede ba, tigilan na ninyo ako! Basta ayoko sumama,” naiinis turan niya na mas lalong hinigpitan niya ang pagkahawak sa komot. “Please, leave me alone.”“Tita, please…Promise magiging masaya ka pagkatapos nito,” malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Bianca. Naramdaman niya ang pagsampa ni Bianca sa ibabaw nitong kama. “Sige ka, pagsisihan mo kung hindi ka sasama sa ‘min.”
“OH, MY GOD,” sabi ng Doctor mahihimigan ang pagla-shock nito. Narinig din niya ang pagsinghap ni Tita Isabel. Ilang segundo lamang ang lumipas, may dumaan sa tabi niya ang isa pang Doctor na nagmamadaling pumasok dito sa loob ng kuwarto ni Rod. Nilagpasan lamang siya nito. Naging slow motion ang paglingon ni Xandy roon sa kama na hinihigaan ni Rod. Tila hindi siya makakapaniwala sa kanyang nakikita. Ilang beses niya kinusot ang kanyang mga mata, sa inaakalang dinadaya lamang siya ng kanyang nakikita at dala lamang ng kanyang imahinasyon. Ngunit ang nakikita niya ay totoo. “Oh, my God. Tito Rod your back,” ani Bianca, unang nakahuma sa pagkabigla. Nanatiling nakatayo lamang si Xandy na nakatingin doon sa kamang hinihigaan ni Rod. Tila katulad siya sa kandila na itinulos doon mula sa kanyang kinatatayuan na hindi niya magawang kumilos ng kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay biglang namanhid ang buong katawan niya, higit sa lahat natatakot siya na sa pagkurap ng kanyang mg
NAGISING si Xandy, bumungad sa paningin niya ang apat na sulok na kulay puti, kulay asul na kurtina. She's must be dreaming. Pinilig niya ang kanyang ulo. This scenario was happening a months ago. When she's sick. But this is different. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng kuwarto. Ganoon na lamang ang pagkadismaya niya ng hindi niya makita si Rod. “Rod,” mahinang usal niya sa pangalan ng lalaki. Kasabay ng mga mala butil niyang luha namalisbis sa kanyang pisngi. Nang maalala niya ang huling nangyari sa kanila ni Rod. Naaksidente sila at nagpagulong-gulong nahulog ang kotseng sinasakyan nila ng binata. Bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa mula roon si Mommy Margaux. “Oh, God. Your awake already baby,” halos takbuhin nito ang distansya nasa pagitan nilang mag-ina. “May masakit ba sa’yo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?” sunod-sunod na tanong ni Mommy Margaux na hindi alam ang gagawin. Punong-puno ng pag-alala ang Ginang. Umiling si Xandy, pilit pinapakalma ang kan
NARAMDAMAN ni Xandy ang ginawang pagbuhat sa kanya ni Rod at ang paglipat nito sa kanya rito sa kama. She's half asleep. Sa halip na sitahin ang binata sa ginawa nito ay nagkunwari na lamang siya na natutulog. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at hinayaan na lamang si Rod. Ramdam niya rin ang mga titig ni Rod sa kanya. Para saan ang malalim nitong pagbuntong-hininga? Tila pasan nito ang mundo. Marahil naiisip nito na pabigat lang siya rito. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng kotse naroon sa parking lot sa sasakyan pa siya ni Rod nagtago. Kapag minalas ka nga naman. Nakapag desisyon na rin siya na kapag nakarating na sila roon sa Caticlan ay mag kanya-kanya na lamang sila. Nang marinig niya ang mga yabag ng stewilas ng sapatos na papalayo. Kasunod noon ay bumukas-sumara ang dahon ng pinto na sinundan ng pag-click ng padlock ng pinto. Paunti-unting minulat ni Xandy ang kanyang mga mata ng makatiyak siya na wala si Rod dito sa loob ng cabin. Pinalipas niya muna ang
MABILIS ang pagpapatakbo ni Rod sa kotse minamaneho niya, habang binabagtas ang kahabaan ng coastal road patungo sa pier ng Batangas. Bago siya umalis doon sa hotel ay tinawagan niya ang pinsan niyang Kapitan ng Cargo vessel na patungong Caticlan. Nang marating niya ang Batangas fort ay dumiritso niya pinasok ang sasakyan niya sa loob ng cargo vessel na siya na lang ang hinihintay bago ito lumarga. Paibis ng kotse si Rod nang mapansin niya na hindi lamang siya nag-iisa sa loob ng sasakyan niya. Diyata’t may nakasakay na ibang tao na hindi niya napansin. Mabilis siya lumabas ng kotse, atsaka binuksan ang pinto ng passenger's seat. “Xandy!” Gilalas niya nang mapagsino ang naki ride on sa kotse niya. Nakabaloktot ang dalaga sa likod ng driver seat. Kung kani-kanina ay gusto niya itong pipilitin sa leeg sa ginawang pagtakas ni Xandy sa engagement announcement party nila. Nagawa nitong ilagay sa kahihiyan ang kani-kanilang mga pamilya. Naggising si Xandy mula sa mababaw nitong t
NANG BUKSAN ni Xandy ang main door ng boutique ay bumungad sa paningin niya ang mga petals ng mga red, pink and white roses na nagkakalat doon sa sahig sa daraanan niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga staff niya na nakatingin din sa kanya. Tahimik lamang ang mga ito habang nagmamasid sa kanya naglalakad papasok. Sinira niya ang dahon ng pinto, atsaka hinarap ang mga ito. “Sino ang may kagagawan ng mga iyan?” Tinuro niya ang mga petals ng mga bulaklak na nagkakalat doon sa sahig. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nagsasalita. “Ano, magtitigan na lang ba tayo dito? Sinayang n’yo lang ang mga bulaklak na ‘yan. Isa pa dagdag pa ang mga iyan sa trabaho ni Mang Nestor.”Si Grace ang naglakas loob nagsalita. “Ma’am Xandy, dumiritso ka na lang sa loob ng opisina mo.” Nakangiti turan nito. “Go na, Ma’m Xandy.” Segunda naman ni Jaz, kinikilig pa ang bruha. Nagtaas siya ng isang kilay. “Kinikilig pa kayo, hah. Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa ninyo sa office ko?”“
“I’M SORRY, XANDY but you are not performing this time,” saad ni Elis ang manager niya. “But, why?” nagtataka ng tanong ni Xandy. Hindi lubos maisip kung ano ang dahilan, hindi siya makakasama sa darating na fashion show. Matagal niya pinaghandaan ang nalalapit na fashion show na gaganapin sa bansang Las Vegas. Subalit napunta lamang sa wala ang mga pinaghihirapan niya. Ilang araw lang siya na confine sa hospital ng nagkasakit siya. At ang magaling na lalaki ay nakialam. Hindi na rin nagpakita si Rod simula n'ong lumabas na siya ng hospital. “Mr Fortaleza, asked your homesick leave at sa tingin ko, Xandy Darling, you’ll need it.”“It's okay, Elis. I’ll understand,” pilit siya ngumiti. “So… I’ll excuse myself. I need to go.”“Xandy Darling, bumawi ka na lang next time. For now you’ll need to take a rest. Bawal magkasakit.”“I get it,” tuluyan na nagpaalam si Xandy rito. “LOOK, who’s here?” Nakataas ang isang kilay ni Trexie, ng nakasalubong niya ito sa hallway. H
“MA, tawagan mo nga uli.” suhestiyon ni Cm sa ina nito. Binalingan nito si Rod, bahagyang tinapik nito sa balikat. “‘Pre mukhang mapornada pa ang pamamanhikan,” nakangisi turan nito. “Gusto mo yata maumbagan, bro.” Balik pagbibiro ni Rod, ngunit malaking palaisipan sa kanya kung nasaan na si Xandy. Paano nga kung tumakas ito at wala ng balak itong ituloy pa ang nakaplanong pagpapakasal nila. “Nasa office pa raw,” sabi ni Mommy Margaux ng matapos ito makipag-usap sa linya ng telepono. Nakahinga naman si Rod, mula sa narinig niyang sabi ni Mommy Margaux. Ang buong akala niya ay tumakas na si Xandy. Mas natatakot siya sa isipin na baka meron masamang nangyari sa dalaga. “Ma, mukhang uulan pa yata.”Saad naman ni Xander. “Susunduin ko na lang po si Xandy, Tita.” Presinta agad ni Rod. “Ayaw mo lang matakasan,” todyo ni Cm. “‘Pre may araw ka rin,” nakangising turan dito ni Rod. “Mabuti pa, Rod. Sunduin mo na lang si Xandy at tiyak nawili na naman iyon at hindi namalayan
SA MGA ARAW lumipas ay hindi na gaano nagkikita sina Xandy at Rod. Dahil sa kapwa busy sa kanyang-kanya pinagkakaabalahan. Kakalapag lamang ng eroplano sinasakyan ni Rod sa NAIA. Halos isang buwan din siya namalagi roon sa Japan upang personal na surveillance ang naging problema sa negosyo nila naka base roon sa Japan. Dumeritso siya roon sa parking area kung saan naroon naghihintay si Manong Imo, ang family driver nila. Malayo pa ay natanaw niya na ang lagpas singkuwenta-anyos na si Manong Imo. "Kumusta po, Manong?" tanong niya sabay tinapik sa balikat si Manong. "Ito, Sir mas malakas pa sa kalabaw." Nakangiti sagot ni Manong Imo. "Halata nga po. Ano ba ang sekreto natin Manong?" Pumasok na siya sa loob ng sasakyan. "Tamang pag-aalaga at pagmamahal ng asawa, Sir." Nakangiti pa rin sagot ni Manong Imo. Sinimulan nito buhayin ang makina ng sasakyan. "Napakasuwerte n'yo po talaga kay Nanau Rosa," komento niya. Ang asawa ni Manong Imo ay dating yaya niya nag-alaga sa kan