KASALUKUYAN nakaupo si Margaux sa four setters dinning table. Maaga siya nagising para ipaghanda ng almusal si Cm at inasikaso niya rin ang iba pang kailangan gawin niya na multi task dito sa bahay bago siya pumasok ng opisina. Habang hindi pa nakabalik ang helper niya.Nasa harap ni Margaux, ang isang tasa ng kape na umuusok pa, hawak niya ang kanyang passbook at Atm. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya atsaka nilapag sa ibabaw ng mesa ang passbook. Ilang beses niya tiningnan ang laman ng passbook niya. Hindi pa rin sapat ang naiipon niyang pera at malaking halaga pa ang kailangan niya para malikom ang insaktong kabuuan ng pera para sa operasyon ni Cm.Naihilamos ni Margaux ang mukha gamit ang kanyang palad, ng maalala niya ang sinabi ng doctor ng huli sila nagkakausap nito. Tila katulad iyon sa sirang plaka na paulit-ulit sa kanyang pandinig. Sumasakit na rin ang kanyang ulo sa kakaisip sa mga problema niya.Hindi namalayan ni Margaux na kusang namilisbis ang kanyang mga
BINITAWAN niya ang hawak niyang dokumento at sign pen. Sumandal niya ang kanyang likod sa backrest ng swivel chairs na inupuan niya. Ipinikit ni Calyx ang kanyang mata atsaka bahagya hinilot ang kumikirot niyang sentido. Ilang minuto rin siya sa gan’on posisyon.Inangat niya ang telepono para tawagan ang secretary niya.“Jham, dumating na ba si Miss Margaux Dela Torre?” Bungad niya mg sagutin ng secretary niya ang nasa kabilang linya ng tawagan.“Kakarating lang ni Margaux, Sir.”“Good, please tell her. I need her inside my office now.”“Yes, sir.”“Oh, before I forget. Please cancel all my appointments for today and no calls too.”“But sir Calyx, you have a meeting with Mr Pendon. Kanina pa siya tawag ng tawag at nagtatanong kung tuloy pa raw ang meeting n’yo.”“It's far as I'm concerned, I shouldn't even be meeting with Mr Pendon. Nilinaw ko na sa kanya ang gusto kong mangyari sa project at siya ang may problema roon. Pasalamat nga siya at pinagbigyan ko pa siyang kausapin. K
LULAN ng private chopper sina Margaux at Calyx,papunta sa probinsya ng Iloilo. Pakiramdam niya ay tila dinuduyan siya ng antok at mabigat ang talukap ng kanyang mga mata.Lingid sa kaalaman ni Margaux ay nilagyan ni Calyx ng gamot pampatulog ang inumin niya kanina.Talagang hindi niya na kayang labanan ang antok na nararamdaman niya. Hanggang sa nakatulog na lamang siya na hindi niya namalayan.Nagising si Margaux mula sa mahimbing niyang tulog. Napabalikwas siya bangon. Unfamiliar sa kanya ang lugar. Paano siya napunta dito sa loob ng kwarto? Ang huli niya naalala ay magkasama sila ni Calyx na nakasakay sa chopper na pagmamay-ari rin ni Calyx.Disoriented siya habang ginala ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. Tumayo siya at naglakad papunta sa tabi ng bintana. Hinawi niya ang makapal na kurtina,atsaka sumilip doon sa labas. Madilim na sa labas at tanging nagbibigay ng liwanag ay galing sa mga poste. Ibig sabihin ay gabi na? Gaano ba siya katagal nakatulog? At nasaan siya? Kanino
NAKABALIK na sila sa malaking solar ay atsaka lang napansin ni Margaux ang malaking bahay na pagmamay-ari ni Calyx. Dalawang palapag lang ang bahay ngunit napakalaki nito. Unang bumaba mula sa likod ng kabayo si Calyx.“Come down, Margaux.”Basag ni Calyx sa mahabang katahimikan nasa pagitan nila ng dalaga. Nakatingin lang si Margaux sa kamay ni Calyx,nagdadalawang isip siya kung aabutin niya ang kamay nito o hindi.“Margaux,”pukaw nito sa dalaga na nakatingin pa rin sa kamay ni Calyx. “Hold my hands or bubuhatin pa kita pababa mula diyan sa kabayo.”Ipinukol niya lang ng masakit na tingin si Calyx. Tahimik na humawak siya sa kamay nito para sa gan’on ay bumaba na siya mula sa likod ng kabayo. Maingat naman siya na inaalalayan ni Calyx hanggang sa inapak niya na ang kanyang mga paa sa lupa.“Let me go,”matigas niyang sabi ng hindi pa rin siya binitawan ni Calyx,ang isang kamay nito ay nasa bewang pa rin niya at ang isa ay nakahawak sa kanyang kamay.“Pumasok ka na sa loob ng bahay, m
MATAPOS na sila kumain ng hapunan ay nag prisinta si Margaux na siya na lang magligpit at maghugas ng mga pinagkainan nila. Nagpaalam naman si Calyx na aakyat doon sa second floor.Natapos na rin niya ang mga hugasin ay agad niya hinanap si Calyx. Hindi niya makita ang lalaki dito sa ibaba. Sigurado nasa ikalawang palapag pa rin si Calyx. Huminto siya sa paghakbang ng kanyang mga paa ng nasa tapat na siya ng pinto ng kwarto nito.Kumatok siya ng tatlong beses. Ngunit hindi sumasagot si Calyx. Muli ay sinubukan niyang kumatok. Bumukas ang pinto at ang aftershave na gamit ni Calyx ang bumungad sa pang-amoy niya. Nakatapis lang ito ng tuwalya at tanging pribado ng parte ng katawan nito ang natatakpan ng towelya. Malaya niyang pinagmamasdan ang magandang tanawin nasa harapan niya. Ang mga muscles nito ay nasa tamang posisyon. Bago pa siya lamunin ng sistema niya ay iniwas niya ang paningin dito at sabihin ang pakay rito.“My phone?” Tanong niya nakatingin sa ibang direksyon.“Come inside
“MAGPAHINGA ka na Margaux,” ani Calyx,nilahad nito ang palad para tulungan siya na makatayo. Pero tinititigan niya lang ang palad nito.“Bakit mo ‘to ginagawa sa akin Calyx?” aniya patuloy sa pag-iyak.“Magpahinga ka na,bukas na tayo mag-usap.”Sa pagkakataon ito naging malumanay ang boses sabi ni Calyx.“No!” pagmamatigas ni Margaux. “Ngayon na tayo mag-usap.”Pinsntayan niya ang mga titig ni Calyx.Kahit na pakiramdam niya ay nanghihina na ang buong katawan niya sa klase ng mga titig nito sa kanya. Ngunit hindi siya nagpatalo sa naramdaman niya.“Margaux,gabi na magpahinga na tayo. Ihahanda ko lang ang kwarto mo,”sambit ni Calyx na halatang umiiwas lang.“Bakit mo ako dinala dito? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?”Napahilamos ng sariling mukha si Calyx gamit ang sariling palad nito.“Alam mo ba ang cellphone na binasag mo,napaka importante ‘yun. Ang cellphone lang na ‘yun ang meron ako ngayon para makausap ko si Cm,”lalong napaiyak siya sa isipin iyon. Mas lalong nag-alala siya p
Nagising si Margaux na mabigat ang pakiramdam niya. Atska niya lang na realize na nakayakap ang braso ni Calyx sa kanya. Mahimbing pa rin ito natutulog at may mumunting hilik. Malaya niya napagmamasdan ang guwapong mukha ng lalaki. Walang pinagbago ang itsura nito.Dahan-dahan niya tinanggal ang braso ni Calyx na nakayakap sa kanya. Pagkatapos ay dahan-dahan siya bumaba mula sa kama. Ingat na ingat siya sa bawat kilos niya para sa gan'on ay hindi magising si Calyx.Dumiritso siya sa loob ng banyo para mag toothbrush at maghilamos na rin. Pagkatapos niya gawin ang ritwal niya sa umaga ay lumabas na siya ng banyo na suot pa rin niya ang damit ni Calyx at boxer shorts nito.Bago siya lumabas ng silid ay sinulyapan niya si Calyx na mahimbing pa rin ang tulog nito.Dumiritso na siya ng kusina.Titingnan niya ang loob ng ref kung ano ang pwede niya lutuin para sa breakfast nila.Binuksan niya ang fridge, para maghanap ng mailuluto niya. Puno ang laman ng ref tila ba talagang sinadya ni Caly
PAGBABA ng chopper halos takbuhin ni Margaux ang distansya papuntang elevator. Napahinto siya sa paghakbang ng kanyang mga paa ng marinig niya ang boses ni Calyx na nagsasalita.“Ihatid na kita sa inyo,Margaux.” Ani Calyx na kasunod lang din ito sa kanya. Pumihit siya paharap dito. “Huwag na,magtataxi na lang ako,”aniya na muling tinalikuran si Calyx.Mahirap na at ayaw niya na magtiwala kay Calyx. Later on mag-iba na naman ang isip nito at kung saan na naman siya dadalhin ng lalaki at hindi na naman siya makakauwi.Kailangan niya ng makauwi,kailangan niya ng makita ang anak niya. Tatlong gabi at dalawang araw niya na hindi nakita at nakasama si Cm at higit sa lahat puno ng pag-alala ang dibdib niya para sa kanyang anak.Agad niya pinindot ang bottom ng elevator at ilang minuto lang ang lumipas ay bumukas ang pinto. Nagmamadali siyang pumasok at muli pinindot niya ang bottom papuntang first floor kung saan ang main entrance at main exit ng Raider skyline tower.Nasa first floor na s
“XANDY, magkukulong ka na lang ba rito sa loob ng kuwarto mo?” Tanong ni Mommy Margaux na pinagmamasdan siya na nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama. Nitong mga nakaraan mga araw ay wala na siyang ganang lumabas ng bahay at sa kanyang kuwarto ay nanatili siya. “Ma, iwan n’yo muna ako.” Aniya nagtalokbong ng komot.“Bumangon ka na at may pupuntahan tayo.”“Kayo na lang, Ma. Ayoko sumama,” turan niya sa mahinang boses. “Pakisara na lang ng pinto kapag lumabas na kayo.”“Hey, Tita Xandy! Get up!” Ani Bianca sa medyo may kalakasan ang boses. Pilit na hinihila nito ang komot nakatalokbong sa kanya. “Puwede ba, tigilan na ninyo ako! Basta ayoko sumama,” naiinis turan niya na mas lalong hinigpitan niya ang pagkahawak sa komot. “Please, leave me alone.”“Tita, please…Promise magiging masaya ka pagkatapos nito,” malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Bianca. Naramdaman niya ang pagsampa ni Bianca sa ibabaw nitong kama. “Sige ka, pagsisihan mo kung hindi ka sasama sa ‘min.”
“OH, MY GOD,” sabi ng Doctor mahihimigan ang pagla-shock nito. Narinig din niya ang pagsinghap ni Tita Isabel. Ilang segundo lamang ang lumipas, may dumaan sa tabi niya ang isa pang Doctor na nagmamadaling pumasok dito sa loob ng kuwarto ni Rod. Nilagpasan lamang siya nito. Naging slow motion ang paglingon ni Xandy roon sa kama na hinihigaan ni Rod. Tila hindi siya makakapaniwala sa kanyang nakikita. Ilang beses niya kinusot ang kanyang mga mata, sa inaakalang dinadaya lamang siya ng kanyang nakikita at dala lamang ng kanyang imahinasyon. Ngunit ang nakikita niya ay totoo. “Oh, my God. Tito Rod your back,” ani Bianca, unang nakahuma sa pagkabigla. Nanatiling nakatayo lamang si Xandy na nakatingin doon sa kamang hinihigaan ni Rod. Tila katulad siya sa kandila na itinulos doon mula sa kanyang kinatatayuan na hindi niya magawang kumilos ng kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay biglang namanhid ang buong katawan niya, higit sa lahat natatakot siya na sa pagkurap ng kanyang mg
NAGISING si Xandy, bumungad sa paningin niya ang apat na sulok na kulay puti, kulay asul na kurtina. She's must be dreaming. Pinilig niya ang kanyang ulo. This scenario was happening a months ago. When she's sick. But this is different. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng kuwarto. Ganoon na lamang ang pagkadismaya niya ng hindi niya makita si Rod. “Rod,” mahinang usal niya sa pangalan ng lalaki. Kasabay ng mga mala butil niyang luha namalisbis sa kanyang pisngi. Nang maalala niya ang huling nangyari sa kanila ni Rod. Naaksidente sila at nagpagulong-gulong nahulog ang kotseng sinasakyan nila ng binata. Bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa mula roon si Mommy Margaux. “Oh, God. Your awake already baby,” halos takbuhin nito ang distansya nasa pagitan nilang mag-ina. “May masakit ba sa’yo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?” sunod-sunod na tanong ni Mommy Margaux na hindi alam ang gagawin. Punong-puno ng pag-alala ang Ginang. Umiling si Xandy, pilit pinapakalma ang kan
NARAMDAMAN ni Xandy ang ginawang pagbuhat sa kanya ni Rod at ang paglipat nito sa kanya rito sa kama. She's half asleep. Sa halip na sitahin ang binata sa ginawa nito ay nagkunwari na lamang siya na natutulog. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at hinayaan na lamang si Rod. Ramdam niya rin ang mga titig ni Rod sa kanya. Para saan ang malalim nitong pagbuntong-hininga? Tila pasan nito ang mundo. Marahil naiisip nito na pabigat lang siya rito. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng kotse naroon sa parking lot sa sasakyan pa siya ni Rod nagtago. Kapag minalas ka nga naman. Nakapag desisyon na rin siya na kapag nakarating na sila roon sa Caticlan ay mag kanya-kanya na lamang sila. Nang marinig niya ang mga yabag ng stewilas ng sapatos na papalayo. Kasunod noon ay bumukas-sumara ang dahon ng pinto na sinundan ng pag-click ng padlock ng pinto. Paunti-unting minulat ni Xandy ang kanyang mga mata ng makatiyak siya na wala si Rod dito sa loob ng cabin. Pinalipas niya muna ang
MABILIS ang pagpapatakbo ni Rod sa kotse minamaneho niya, habang binabagtas ang kahabaan ng coastal road patungo sa pier ng Batangas. Bago siya umalis doon sa hotel ay tinawagan niya ang pinsan niyang Kapitan ng Cargo vessel na patungong Caticlan. Nang marating niya ang Batangas fort ay dumiritso niya pinasok ang sasakyan niya sa loob ng cargo vessel na siya na lang ang hinihintay bago ito lumarga. Paibis ng kotse si Rod nang mapansin niya na hindi lamang siya nag-iisa sa loob ng sasakyan niya. Diyata’t may nakasakay na ibang tao na hindi niya napansin. Mabilis siya lumabas ng kotse, atsaka binuksan ang pinto ng passenger's seat. “Xandy!” Gilalas niya nang mapagsino ang naki ride on sa kotse niya. Nakabaloktot ang dalaga sa likod ng driver seat. Kung kani-kanina ay gusto niya itong pipilitin sa leeg sa ginawang pagtakas ni Xandy sa engagement announcement party nila. Nagawa nitong ilagay sa kahihiyan ang kani-kanilang mga pamilya. Naggising si Xandy mula sa mababaw nitong t
NANG BUKSAN ni Xandy ang main door ng boutique ay bumungad sa paningin niya ang mga petals ng mga red, pink and white roses na nagkakalat doon sa sahig sa daraanan niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga staff niya na nakatingin din sa kanya. Tahimik lamang ang mga ito habang nagmamasid sa kanya naglalakad papasok. Sinira niya ang dahon ng pinto, atsaka hinarap ang mga ito. “Sino ang may kagagawan ng mga iyan?” Tinuro niya ang mga petals ng mga bulaklak na nagkakalat doon sa sahig. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nagsasalita. “Ano, magtitigan na lang ba tayo dito? Sinayang n’yo lang ang mga bulaklak na ‘yan. Isa pa dagdag pa ang mga iyan sa trabaho ni Mang Nestor.”Si Grace ang naglakas loob nagsalita. “Ma’am Xandy, dumiritso ka na lang sa loob ng opisina mo.” Nakangiti turan nito. “Go na, Ma’m Xandy.” Segunda naman ni Jaz, kinikilig pa ang bruha. Nagtaas siya ng isang kilay. “Kinikilig pa kayo, hah. Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa ninyo sa office ko?”“
“I’M SORRY, XANDY but you are not performing this time,” saad ni Elis ang manager niya. “But, why?” nagtataka ng tanong ni Xandy. Hindi lubos maisip kung ano ang dahilan, hindi siya makakasama sa darating na fashion show. Matagal niya pinaghandaan ang nalalapit na fashion show na gaganapin sa bansang Las Vegas. Subalit napunta lamang sa wala ang mga pinaghihirapan niya. Ilang araw lang siya na confine sa hospital ng nagkasakit siya. At ang magaling na lalaki ay nakialam. Hindi na rin nagpakita si Rod simula n'ong lumabas na siya ng hospital. “Mr Fortaleza, asked your homesick leave at sa tingin ko, Xandy Darling, you’ll need it.”“It's okay, Elis. I’ll understand,” pilit siya ngumiti. “So… I’ll excuse myself. I need to go.”“Xandy Darling, bumawi ka na lang next time. For now you’ll need to take a rest. Bawal magkasakit.”“I get it,” tuluyan na nagpaalam si Xandy rito. “LOOK, who’s here?” Nakataas ang isang kilay ni Trexie, ng nakasalubong niya ito sa hallway. H
“MA, tawagan mo nga uli.” suhestiyon ni Cm sa ina nito. Binalingan nito si Rod, bahagyang tinapik nito sa balikat. “‘Pre mukhang mapornada pa ang pamamanhikan,” nakangisi turan nito. “Gusto mo yata maumbagan, bro.” Balik pagbibiro ni Rod, ngunit malaking palaisipan sa kanya kung nasaan na si Xandy. Paano nga kung tumakas ito at wala ng balak itong ituloy pa ang nakaplanong pagpapakasal nila. “Nasa office pa raw,” sabi ni Mommy Margaux ng matapos ito makipag-usap sa linya ng telepono. Nakahinga naman si Rod, mula sa narinig niyang sabi ni Mommy Margaux. Ang buong akala niya ay tumakas na si Xandy. Mas natatakot siya sa isipin na baka meron masamang nangyari sa dalaga. “Ma, mukhang uulan pa yata.”Saad naman ni Xander. “Susunduin ko na lang po si Xandy, Tita.” Presinta agad ni Rod. “Ayaw mo lang matakasan,” todyo ni Cm. “‘Pre may araw ka rin,” nakangising turan dito ni Rod. “Mabuti pa, Rod. Sunduin mo na lang si Xandy at tiyak nawili na naman iyon at hindi namalayan
SA MGA ARAW lumipas ay hindi na gaano nagkikita sina Xandy at Rod. Dahil sa kapwa busy sa kanyang-kanya pinagkakaabalahan. Kakalapag lamang ng eroplano sinasakyan ni Rod sa NAIA. Halos isang buwan din siya namalagi roon sa Japan upang personal na surveillance ang naging problema sa negosyo nila naka base roon sa Japan. Dumeritso siya roon sa parking area kung saan naroon naghihintay si Manong Imo, ang family driver nila. Malayo pa ay natanaw niya na ang lagpas singkuwenta-anyos na si Manong Imo. "Kumusta po, Manong?" tanong niya sabay tinapik sa balikat si Manong. "Ito, Sir mas malakas pa sa kalabaw." Nakangiti sagot ni Manong Imo. "Halata nga po. Ano ba ang sekreto natin Manong?" Pumasok na siya sa loob ng sasakyan. "Tamang pag-aalaga at pagmamahal ng asawa, Sir." Nakangiti pa rin sagot ni Manong Imo. Sinimulan nito buhayin ang makina ng sasakyan. "Napakasuwerte n'yo po talaga kay Nanau Rosa," komento niya. Ang asawa ni Manong Imo ay dating yaya niya nag-alaga sa kan