"Ma'am, ayos lang ba kayo?" tanong ni Ryan sa boss niyang si Cally na mukang kanina pa masakit ang ulo."Can you get me a medicine for headache?" pakisuyo ni Cally na ikinatango nito at diretso nang lumabas ng opisina.Ilang sandali lang bumalik na rin si Ryan bitbit ang isang maliit na tray na may nakapatanong na isang basong tubig at mga gamot. Kunot noong napatingin si Cally kay Ryan nang mapansin niyang ang daming dala nito."Bakit ang dami namang gamot niyan? Isa lang pinakukuha ko parang isang buwanang maintenance na 'yang dala mo," sabi ni Cally na hindi malaman kung matatawa ba siya."Ah, sorry Ma'am. Para po may stock din kayo ng gamot dito kung sakaling sumakit ulit ang ulo niyo," sagot ni Ryan.Hindi na nagsalita si Cally at kumuha siya ng isang tabletas at diretsong ininom ito kasabay ng tubig. Mayamaya ay automatiko siyang napasandal sa sandalan ng swivel chair habang nakapikit at sapo ang ulo."Mukang masama po ang pakiramdam niyo, gusto niyo po bang magpadala sa Hospita
Pagkapasok ni Vin sa opisina ni Cally ay nagulat siya sa naabutan, maputla ito at tila hindi maganda ang pakiramdam habang nasa gilid nito ang nagaalalang si Ryan."What's happening here?" tanong ni Vin na may pagkabahala sa boses kaya sabay pa silang napa-angat ng tingin sa kanya.Gulat din siyang tinapunan ng tingin ni Cally nang makita siya habang nagtatanong ang mga mata."Bakit ka nandito?!" Mataray na tanong ni Cally na tila sandali niyang nakalimutang masama pala ang pakiramdam niya.Imbis na sagutin siya ni Vin ay lumapit ito sa kanya at sinapo ang kanyang noo kung mainit ba siya o hindi."Tsk, you have a high fever," deklara ni Vin ngunit tinabig lang ni Cally ang kamay niya."Don't touch me," angil ng dalaga."May sakit ka na nakakapag-taray ka pa rin, kung alam mong masama ang timpla mo ay dapat hindi ka na lang pumasok," pagalit ni Vin ka ikinataas lang ng kilay ni Cally."H'wag kang umaktong concern ka, umalis ka sa harap ko," pagtataboy ni Cally ngunit hindi siya nito si
Nagising si Cally na bahagya pang nahihilo at nilibot niya ang tingin sa itaas ng kisame at nangunot bigla ang noo niya nang dumako ang tingin niya sa tabi niya at nakita si Vin habang nakasubsob ang mukha nito sa brasong nakapatong sa kama.Kaagad namang naalimpungatan si Vin nang maramdaman niya ang paggalaw ni Cally kaya agad siyang napaangat ng tingin at tama nga siya gising na ito."You're awake!" masayang bungad ni Vin."Yes, I am, sinong nagdala sa 'kin dito? Si Ryan ba?" nanghihina at mamaos ang boses na tanong ni Cally at umiling lang ito."Ako ang nagdala sa 'yo rito," sagot ni Vin at lihim siyang nakaramdaman ng pagtatampo dahil siya ang nasa tabi nito pero nagawa pa rin nitong magtanong."Thank you," pasalamat ni Cally na ikinabigla ni Vin."Pakiulit nga?" tila nabibinging sabi ni Vin kaya pagak na natawa si Cally."I said thank you for bringing me here," pag-uulit ni Cally hanggang sa unti-unting sumilay ang matamis ngiti sa mukha ni Vin."You're welcome, I thought, susu
Hindi na nagsalita si Cally dahil mukang seryoso nga ito sa sinabing hahalikan siya kaya itinikom na lang niya ang kanyang bibig."Dapat pala sa 'yo ganu'n ang ibinabanta para lang mag-behave ka, takot ka naman palang mahalikan," sabi ni Vin na tila gustong matawa sa pananahimik nito."Bwisit ka," angil ni Cally sabay irap.Sabay pang napalingon sina Vin at Cally nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sina Fredrico at Ryan na biglang umaliwas ang mga mukha ng makita gising na siya."Apo! You're awake!" masayang bungad ni Federico kagaya lang ng reaksyon ni Vin kanina."Mabuti naman Ma'am, gising na kayo," segunda ni Ryan na masaya rin."Yes I am, so stop worrying about me." Nakangiting sabi ni Cally sa kanila na ikinahinga ng maluwag ng kanyang Lolo."H'wag mo nang uuliting magkasakit, hindi mo ako pinatulog na bata ka," sabi ni Fredrico na may pagaalala pa rin sa boses."Kontrol ko po bang magkasakit?" pilosopong tanong ni Cally sa kanyang Lolo ngunit si Vin ang sumagot."Hindi m
"What a sweet home! I miss the smell of this mansion!" bungad ni Cally nang makauwi na sila."Hindi porke't maganda na ang pakiramdam mo aabusuhin mo na ulit ang kalusugan mo," pangaral ng kanyang Lolo ngunit hindi niya na lang pinansin ang sinabi nito."Papasok na ako sa office bukas, pero h'wag kayong mag-aalala hindi na ako masiyadong magpapagod," sabi ni Cally sabay pasalampak na naupo sa sofa."You made me very worried," sabi ni Frederico."Stop thinking Lolo, normal naman ang lahat ng lab test ko kaya h'wag na kayong ma-ano diyan," sabi ni Cally sabay hikab."Vin will visit you and he's now on his way. Hindi ka raw niya napuntahan kanina dahil may importante siyang ginawa kaya naman dito na lang siya didiretso," sabi ni Frederico na ikinairap ni Cally."Mas importante pa kaysa sa 'kin? Kairita siya," wala sa loob na bulalas ni Cally na ikinatawa ng kanyang Lolo."Ikaw talaga, nagtatampo ka na agad sa fiance mo hindi ka lang niya nasamahan sa paglabas mo kanina," panunukso ni Fre
Napatulala na lang si Cally nang mawala na sa paningin niya si Vin at hindi makapaniwala napatingin sa kawalan dahil sa inasta nito sa harapan niya."Kanis!!" sigaw ni Cally mag-isa sabay bato niya ng throw pillow sa sahig nang biglang may maid na lumitaw muli sa kanyang gilid."Ma'am?" nagaalangang tawag ng maid."What?!" bulyaw ni Cally sa maid kaya napapitlag ito sa gulat."Ah, kasi po nandiyan po si Ma'am Ellise sa labas, papasukin ko po ba?" nangingiwing imporma ng maid kaya napairap si Cally sabay natampal ang noo."Of course papasukin mo! Kaibigan ko 'yan nagtatanong ka pa kung papapasukin mo?? Go! Let her in!" pasigaw na sagot ni Cally kaya naman dali-daling umalis agad ang maid at tumungo na sa labas.Mayamaya lang ay naririnig niya na ang yabag ng heels ng kanyang kaibigan ngunit hindi na siya nag-abalang salubungin ito."Babaita! Ang init ng ulo ah! Nasa lang labas pa lang ako pero rinig na rinig ko ang boses mo kung makasigaw ka naman sa katulong," bungad ni Ellise nang ma
"Welcome back Ma'am!" bati ng mga empleyado kay Cally kaya nagtataka siyang tiningnan ang mga ito."Anong nakain nila bakit parang masaya silang bumalik na 'ko ulit?" tanong ni Cally kay Ryan na tahimik lang na nakasunod sa kanya."Siguro natutuwa lang po silang makitang magaling ka na Ma'am," sagot ni Ryan ngunit hindi pa rin malinaw sa dalaga."I doubted, dahil baka nga sa loob-loob nila hiniling nila na hindi na sana ako gumaling dahil malaki ang galit nila sa 'kin," hindi naniniwalang sabi ni Cally."Hindi naman po siguro gano'n Ma'am, kayo lang ang nagiisip niyan," sabi ni Ryan habang patuloy lang sila sa paglalakad.Hindi na nagsalita pa si Cally at sumakay na sila ng elevator at sakto namang may dalawa silang nakasabay na mga empleyado rin ng company."Good morning po Ma'am," sabay na bati ng dalawa at tinanguan lamang sila ni Cally."Kamusta na po ang pakiramdam niyo Ma'am? Ayos na po ba kayo?" tanong ng empleyadong babae na lihim niyang ikinabigla kaya naman tinapunan niya it
Pagkababa ni Cally ng lobby ay kaagad niyang namataan si Vin mula sa labas ng building na tila may hinihintay habang nakasandal sa asul nitong Lamborghini.Naglakad siya papalabas ng building at agad siyang lumapit dito habang ang mga mata ay nakatingin sa sasakyan nito."Kahina-hinala ka talaga," bungad ni Cally nang tuluyan na siyang makalapit dito."Nandiyan ka na pala," sabi ni Vin at matamis itong nginitian at hindi niya na pinansin ang sinabi nito."Where did you get this car? Last time, itim ang dala mo nang unang beses ka nagpunta sa bahay para magpakilala kay Lolo at ngayon asul naman ang dala mo, mabuti pinahihiram ka ng Uncle mo," dudang sabi ni Cally habang naka-crossed arms."Mabait si Uncle, suportado niya ako sa lahat ng gusto kong gawin," pagsisinungaling ni Vin ngunit nandoon pa rin ang pagtataka ni Cally."By the way, bakit ka nga pala nandito sa tapat ng building?" tanong ni Cally habang nakataas ang isang kilay."I'm here to fetch you," sagot ni Vin."I'm still mad
"Lolo... I-I'm s-sorry... I didn't mean to—" hindi na naituloy ni Cally ang sanang sasabihin niya nang putilin siya ng kanyang Lolo."No, it's okay. Tama naman ang sinabi mo hija, I was the one who's always in control of our marriage kaya nasakal na ang Lola mo sa 'kin, kaya ikaw, palagi mong ipaglalaban ang kung anong karapatan mo, para hindi dumating ang araw na parehas kayong magsisi," malungkot na sabi ni Frederico sabay tayo at tumalikod na.Naiwan mag-isang nakatulala si Cally habang nakatanaw sa papalayong pigura ng kanyang Lolo, miski siya nagulat sa sinabi niya at hindi niya intensyon sagiin ang damdamin nito.Labis siyang nilukob ng kunsensya kaya napasabunot na lang siya sa kanyang sarili sabay sandal sa sandalan ng silya, nawalan na siya ng ganang kumain kaya tumayo na rin siya para magpallt ng damit.Wala sana siyang balak pumasok ng office ngayon kahit kaka-day off niya lang kahapon, pero dahil siguradong masama ang loob sa kanya ng kanyang Lolo ay hindi muna siya magpap
Nagising si Cally mula sa masarap na tulog, bumangon siya at nag-inat ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya nang mapagtanto niyang umaga na pala.Ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya sa sasakyan ni Vin kagabi habang nasa biyahe sila pauwi. Ganu'n ba siya ka-pagod kaya hindi na siya nakaramdaman ng kamalayan?Tumayo na siya at dumiretso sa banyo upang gawin ang pang-umagang routine, humarap siya sa salamin at sabay hawak sa suot niyang damit simula pa kahapon."Hindi man lang ako nakapag-linis ng katawan at nakapagpalit ng damit," sabi niya sa sarili.Agad na niyang hinubad ang suot at sumalang sa shower, may kalahating oras siyang naligo at agad na tinapos. Kinuha niya ang bathrobe at isinuot, saka siya lumabas para magbihis.Nang masigurado niyang maayos na ang sarili ay bumaba na siya ng kanyang silid para mag-breakfast. Pagkarating niya sa dining room ay agad siyang binati ng mga servant at ng kanyang Lolo."Kamusta ang naging tulog mo?" tanong ni F
"You know how to do house chores?" manghang tanong ni Cally."Of course, ilan taon din kaming magkasama ni Ryan sa iisang condo, madalas ako naiiwan palagi kaya ako ang gumagawa lahat," sagot ni Vin na ikinabigla ng dalaga kaya nanlalaki ang mga mata nitong tinapunan siya ng tingin."Magkakilala kayo ni Ryan?!" gulantang na tanong ulit ni Cally na ikinatango nito."Yes, we have known each other since we were little," pag-amin ni Vin kaya hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."Bakit ngayon mo lang sinabi??" angil ng dalaga."For some reason, alam mo naman kung bakit. Ngayon wala na 'kong dahilan para ilihim pa, ayoko nang mag-sikreto sa 'yo," paliwanag ni Vin."Mabuting sinabi mo na hangga't maaga hindi 'yung ako pa mismong makakaalam lalo lang akong magagalit sa 'yo dahil may inililihim ka na naman sa 'kin," sabi ni Cally at kumalma na."Last na 'yan, wala na 'kong tinatago. Buong identity ko alam mo na, disorder ko alam mo na rin," pagtatapat ni Vin ng lahat."Meron pa," hirit ng
Napahinto sila sa paguusap nang biglang may mag-door bell sa labas ng condo ni Ellise kaya nagkatinginan silang dalawa."May iba ka pa atang bisitang inaasahan?" tanong ni Cally ngunit umiling lang ito."Wala, pati anong oras na," sagot ni Ellise sabay tumayo na para tingnan kung sinong nasa labas.Tiningnan niya ang intercom at laking gulat niya nang makita si Vin na matiyagang nakatayo sa labas ng pinto."Vin! Naparito ka?" Nakangiting bungad na tanong ni Ellise pagbukas niya ng pinto sabay kaway nito sa kanya."Nandito ako para sunduin si Cally," sagot ni Vin kaya nilawakan ni Ellise ang pakakabukas ng pinto para papapasukin ito."Pasok ka, nando'n siya sa may living room," pagpapatuloy ni Ellise sa binata kaya naman dumiretso na ito papasok."Nandito ang boyfriend mo, sinusundo ka na, anong oras na kasi hindi ka pa umuuwi," sabi ni Ellise nang makarating na sila sa living room kasunod si Vin.Agad namang napalingon si Cally at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Vin sa condo
"We're getting married this week," imporma ni Cally sa kaibigan na halos ikalaglag ng panga nito."Agad-agad? Akala ko ba ayaw mo makasal? Anyare, bakit nag-iba ata ihip ng hangin? Iba 'to sa pinalano mo ah?" nabibiglang tanong ni Ellise kaya huminga ng malalim si Cally bago ito sagutin."Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo, madami kasing nangyari nitong nakalipas na mga araw, after ng pagtatalo namin ni Vin nang makalabas ako ng hospital," sagot ni Cally na ikinasalubong naman ng dalawa nitong kilay."Friend, paki-diretso ako kasi ayoko ng paligoy-ligoy eh! So, after that, ano nangyari?" inip na tanong ni Ellise habang matamang nakatitig sa mukha ng kaibigan, naghihintay ng kwento nito."Sinuyo niya 'ko at dinala sa pribadong lugar na pagmamayari ng family niya and that place was so beautiful, and... and..." sagot ni Cally na may pabitin sabay napakagat labi dahil bigla siyang nahiya nang maalala niya ang ginawa ni Vin na paghalik sa kanya nang gabing 'yon."And?" Kunot noon
Palabas na sila ng Club Solitas para sana umuwi na nang may isa na namang kakilala si Vin ang humarang sa kanila nang patungo na sila sa exit."Vin? Is that you?" may gulat na tanong ni Nat, ang lalaking minsan nang nakainitan ni Vin noon, ilan taon na ang nakakalipas."Woah, ikaw nga... Kamusta na pare? Long time no see ah?" pangangamusta nito ngunit halata kay Vin na hindi niya ito gustong makita."Ayos lang naman, ikaw ba? Kamusta ang ilegal mong negosyo? Going smooth pa rin ba?" sarkastikong tugon ni Vin at talagang sinadya niyang sabihin 'yon kahit na kasama niya ang Lolo ni Cally.Naramdaman naman ni Vin ang pagsiko ni Frederico na tila sinasaway siya nito sa paraan ng pakikitungo niya."Pasmado pa rin bibig mo kahit kailan, oo naman pre, going smooth pa rin," tila proud pang sagot nito habang nakangising loko.Dumako naman ang tingin nito sa kasama ni Vin na si Don Frederico at ganu'n na lang din ang panlalaki ng mga mata nito dahil sa gulat nang makilala ang matanda."Don Fred
"Dati po akong umakyat ng ligaw sa apo niyo, hindi niyo na po siguro ako natatandaan kasi dalawang taon na po ang nakakalipas," sagot nito kay Don Frederico."Norman? Ikaw na pala 'yan? Hindi kita nakilala. Pumayat ka ata? Nagkasakit ka ba?" may gulat sa tanong ng Don nang mapagsino niya ito."Ah, eh... o-opo nagkasakit ako eh, kaya ganito," pagsisinungaling ng lalaking si Norman pero ang totoo, dahil sa bisyo."Talaga bang nagkasakit ka lang?" sarkastikong singit ni Vin dito kaya pinanlakihan siya nito ng mata na ibig iparating na manahimik siya.Tumango na lang si Frederico bilang tugon sa sinabi nito ngunit ang totoo halata niya naman na nagbibisyo ang lalaki at laking pasalamat niya, hindi ito sinagot ng apo niya."Kamusta na po si Cally, Sir? May boyfriend na po ba siya? O asawa?" tanong ni Norman na tila interesado pa rin sa dalaga hanggang ngayon."Ikakasal na ang apo ko, she has a fiance," sagot ni Frederico at kahit single man ang apo niya hindi naman siya papayag na manligaw
"Kamusta pare? Ngayon ka na lang ata ulit napabisita rito sa Club Solitas?" tanong ni Jared na kakilala ni Vin na member din ng club."Busy eh, pati may kasama ako gusto ko lang siyang i-tour. This is Mr. Del Silvia, he is the owner of Y.C Empire," pakilala ni Vin kay Don Frederico kaya agad nitong inabot ang kamay upang makipag-shake hands."It's my pleasure to meet you Sir, I'm Jarred Quintal, hindi ko akalain dito ko makikita ang beteranong business man na laman din palagi ng news," nagagalak na pakikipagkilala nito sa matanda."It's nice to meet you too, hijo," sabi ni Don Frederico sabay nagbitaw na ang kanilang mga kamay."Sir, hindi po ba may maganda kayong apo? May boyfriend na po ba siya? Baka p'wede—" hindi na naituloy nito ang sanang sasabihin nang putilin siya ni Vin."She's taken," maagap na sabi ni Vin kaya napakamot na lang ito sa ulo at lihim naman natawa ang Don."Taken na nga apo ko, kaya pasensya ka na," sagot ng matanda kaya ngumiti na lang ito ng mapakla dahil sa
"Bihis na bihis kayo Lolo ah, saan ang punta?" tanong ni Cally nang maabutan niya ito sa living room habang nagbabasa ng magazine."May lakad kami ni Vin ngayon, hindi ba niya nasabi sa 'yo?" tanong ni Frederico na ipinagtaka ng dalaga."Wala naman siyang nababanggit kahit na magkasama kami kahapon," sagot ni Cally."Ngayon niya ako naisipang dalhin sa club na pagmamay-ari niya—este ng kaibigan niya para doon kami mag-golf," sabi ng matanda sabay napakamot sa ulo dahil ang alam niya ay hindi pa alam ng apo niya kung sino talaga ang binata."Alam ko na ang totoo Lolo, so stop denying it. Kay Vin na club 'yon hindi sa kaibigan niya," sabi ni Cally na ikinabigla nito."Alam mo na? Sinabi niya sa 'yo?" naguguluhan tanong ni Fredrico ngunit inilingan lang siya nito at bumuga ng hangin."I discovered it by myself, hindi naman ako mangmang para hindi mahalata kung anong meron sa lalaking 'yon, nakakatampo lang na sa inyo sinabi niya, sa akin hindi," sagot ni Cally sabay crossed arms."Ikaw na