Aphrodite's Prediction.~~~Creed POVMula sa mga malalaki at matatabang tubo na nandito na puno ng mga dugo, hanggang sa mga batang naka higa sa lapag katabi ang ilang kalansay, mga lumulutang na katawan ng bata na naka konekta sa mga tubo na sumisipsip ng kanilang dugo. Nakaka suka."Tulong...." Napa tingin kami sa isang gilid, nanlaki ang mga mata ko."Rio..."tawag ko at akmang lalapitan siya ng pigilan ako ni Cleopatra."May naka connect na device sa kanya."sabi niya at may nilabas na kung ano sa bulsa niya saka iyon tinapon kay Rio. May tumunog na 'tit tit tit' hanggang sa sumabog si Rio. Nanlaki ang mga mata ko."Rio!""Hindi siya si Rio."sabi ni Cleopatra saka kinasa ang baril."Trap ang napuntahan naten."sabi ni Cleopatra at binuksan ang radio."Na trap kami kailangan namin ng back up.""Papunta na kami."boses yun ni Van."Kailangan na nating umalis dito."sabi ni Fin na naka tingin sa taas."May mga cctv, alam nila na nandito tayo." Dagdag ni Fin saka akmang aalis na ng may ma
Where's Rizden?~~~~~Leona POV"Bago sumikat ang araw... Mamamatay si Rizden.""Ano bang sinasabi mo?""Protektahan mo si Rizden kahit na anong mangyare, kung hindi.... Magiging halimaw ng di oras si Creed."Tuloy parin ako sa pag takbo habang inaalala ang mga sinabi ni Aphrodite sa akin. Mamamatay si Rizden at magiging halimaw si Creed? Hindi naman masamang maniwala at wala namang mawawala pag naniwala ako sa sinabi ng black vampire na yun.Naka rating ako sa loob ng gusali at kung mamalasin nga naman ay naka salubong ko ang ilang Black vampire. Agad kong nilabas ang wand ko at nag cast ng spell sa kanila saka nag patuloy sa pag takbo.Nasaan na ba sila Rizden at Leana? Nakaka inis na ha, sobrang kulit at ang tigas ng ulo ng babaeng yun gusto niya talagang mapahamak siya?! Kung pwede lang gawing pagong ang Rizden na yan ay ginawa ko na. Masyado siyang nag mamagaling nakaka inis na."Leona sa likod!" Nataranta ako at agad na nag cast ng spell sa likod ko. Pag katingin ko sa likod ko
The Prediction~~~~Aphrodite POVBakit ganon? Nag iiba ang mga nakikita ko sa pangitain ko? Kung hindi si Rizden ay Si Creed. Bakit ang gulo?Sinubukan ko ulit mag focus para tignan ang mangyayare sa hinaharap.Madilim, ang hirap maka kita dahil wala sa akin ang paningin ko, pero dahil sa tulong ng kapangyarihan ko nagagawa ko parin maka kita ng mangyayare sa hinaharap.Malabo pero alam kong si Creed ang naka tayo.Nag iba nanaman ang nakita ko at si Rizden yun na may hawak na patalim.Hindi ito maaari.... Bakit ganito ang mga nakikita ko?Ang gulo nila."Aphrodite?" Boses yun ni Clementine."Anong ginagawa mo dito?"tanong ko."Tumawag sa akin si Van para humingi ng back up."sagot niya."Mag isa ka lang? Anong ginagawa mo dito?"tanong niya."Hinihintay sila."sabi ko at hinawakan ang kamay niya."Clementine kailangan ka doon, kung maaring patigilin mo ang oras ay gawin mo."sabi ko."Bakit?" Tanong niya."Isa kila Creed at Rizden ang maaring mamatay." Sagot ko na nag patahimik sa kanya
Bite~~~~~Rizden POVTinulak ko palayo sa akin si Steve, nasaan kami? Ang tanging nakikita ko lamang ay mga damo at puno. Saan niya ko dinala?"Saan mo ko dinala?"tanong ko, tumitig siya sa akin. Isang tingin na para bang nag susumamo."I miss you."sabi niya. Umiling ako."Napaka sama ng ugali mo."sabi ko. Umiwas siya ng tingin."Ibalik mo ko kay Creed! Ibalik mo na ko!" Sigaw ko at tumakbo ngunit isang iglap ay nasa harap ko siya."Ano bang meron sa Creed na yun at gustong gusto mo siya?"tanong niya. Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para ma asiwa ako."Rizden bampira naman na din ako eh, bakit ayaw mo parin sa akin?""Dahil matagal na tayong tapos Steve."umiling iling ako. "Hindi na ikaw ang Steve na nakilala ko."sabi ko habang naka tingin sa kanya."Isang tao ang Steve na kilala ko--""Naging bampira ako para sayo Rizden!"sigaw niya. Kitang kita ko ang tulis ng pangil niya."Ginawa kong halimaw ang sarili ko para lang bumalik ka saken pero ano? Yung Creed na yun ang gusto mo! Ba
Poison~~~~Rizden POV"I will marry you Creed Vaughn."Nanlaki ang mga mata ko ng makitang sakal sakal ko si Creed at may hawak akong Patalim."Creed...." Tawag ko at nabitawan siya at ang patalim."Rizden..." Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang pisngi niya at niyakap siya.Anong nangyare? Bakit may hawak akong patalim? Bakit sakal sakal ko ang lalaking mahal ko?"I'm... I'm sorry..." Sabi ko at humagulgol ng iyak sa kayang mga bisig. Ramdam ko ang pag yakap niya sa akin at hinalikan ang leeg ko."Wala Kang kasalanan."maamo niyang sabi. Umiling ako at kumalas sa yakap saka tinignan siya."Hindi ko alam kung bakit may hawak akong patalim at kung bakit sakal sakal kita Creed I'm sorry." Umiiyak kong sabi."Shhh."sabi niya at pinunasan ang luha ko."Na hypnotized ka ni Steve."sabi niya kaya napa tigil ako ng maalalang kinagat ako ni Steve.Napa hawak ako sa leeg ko kung saan ako kinagat ni Steve. Masakit parin ang parteng iyon."Kinagat niya ako."sabi ko kay Creed at tumingin sa mg
Rizden POVPinag mamasdan ko ang mapayapang mukha ni Creed na naka higa sa isang eleganteng kabaong. Nababalutan iyon ng iba't ibang bulaklak, kulay Itim ang kabaong na naka bukas at malayang mahahawakan ang malamig na katawan ni Creed. Sa gilid ay naroroon ang malaking larawan ni Creed na naka ngiti. Hinaplos ko ang pisngi ni Creed."Ang sabi mo papakasalan mo pa ko."sabi ko habang nasa pisngi niya ang aking kamay."Ang sabi mo hindi mo ko iiwan." Hinawakan ko ang kamay niya."Takot na takot ka noong mawala ako sayo, handa kang mag hanap ng bampirang kakagat sa akin para lang mabuhay ako ng matagal kasama ka, tapos ngayun..."natigil ako at di napigilang tumulo ang luha ko."Ngayun nanjan ka sa loob ng kabaong, naka higa at mapayapang natutulog." Dagdag ko at hinaplos ang buhok niya."Ano pa't naging bampira ako kung ikaw naman ang nawala sa akin Creed?"tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya."Ano pa't nag proposed ka sakin kung hindi din naman pala matutuloy ang kasal natin Creed
"Layuan mo na siya Von!" Inis na sabi ni Van habang hawak hawak ang kwelyo ng kambal niya."Siya ang palayuin mo sakin Van, nananahimik ako dito." Inis na sabi ni Von at tinulak palayo si Van sa kanya."Isa kang traydor Von. Mang aagaw. " Sabi ni Van kaya natawa si Von."Isn't it amazing how one tiny sperm can turn into giant piece of shit?" Tanong ni Von sa kambal niya. "Wala akong inaagaw sayo Van. Siya, siya ang may gusto sa akin pero wala akong pake alam don." Inis na sabi ni Von at tinalikuran ang kambal niya."Von Floyd Vaughn!" Inis na tawag ni Van sa kambal niya kaya tumigil ito."Itinatakwil na kita bilang kapatid at kakambal ko." Malamig na sabi ni Van. Hindi umimik si Von at nag patuloy lang sa pag lalakad.~~~~Creed's Wedding.~~~Van POVNatawa ako ng makita ang itsura ni Creed habang hinihintay na mag lakad si Rizden papunta sa kanya. Beach wedding ang theme ng kasal ng dalawa. Sakto sa pag lubog ng araw ang kasal nila."To'l para kang maiihi sa itsura mo."bulong ko ka
Party~~~Van POV"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ko at pinatunog ang wineglass na hawak ko gamit ang kutsara."Rizden hagis mo na yung bulaklak na hawak mo para malaman kung sino ang susunod na ikakasal."sabi ko, natawa siya at sumangayun."Mga magagandang binibini mag sipunta na daw dito sa likod ni Rizden, oras na para malaman ang susunod na ikakasal."sabi ko at tumingin kay Aphrodite. Sana si Aphrodite ang maka kuha.Nag sipunta ang mga babaeng wala pang asawa sa likod ni Rizden at isa na don si Aphrodite."Ready na?"tanong ni Rizden."YES." Sabay sabay na sagot ng mga babae.Inihagis ni Rizden ang hawak niyang bulaklak, parang nag slow motion ang lahat ng dahan dahan iyong bumagsak."Lagyan niyo nga ng tubig--" natigil sa pag sasalita si Cleopatra ng masalo niya ang bulaklak. Nanlaki ang mga mata ko, maging si Cleopatra ay nanlaki din ang mga mata."Yieee Cleopatra."asaran sa kanya. Tumayo siya ng maayus habang naka tingin parin sa bulaklak na hawak niya."Bakit ako?"tanong niy
Van POV(A/n: Play Get you the moon by Kina)Napa ngiti ako ng mag simula ang kanta. Napa lingon ako kay Von ng tapikin niya ang balikat ko. Naka ngiti siya sa akin at niyakap ako."Congrats bro." Bulong niya."Thank you." Sabi ko. Tumingin ako kila Creed at Fin na natatawa."Congrats." Sabi ni Creed at niyakap din ako. Inirapan pa ako ni Fin bago yakapin."Welcome to the club men." Bulong niya kaya natawa ako.Binalik ko ang paningin ko sa pinto. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng pumasok sila Ozix at Hazler. Sunod non ay si Aphrodite at Leana at Leona. Sunod ay ilang mga kaibigan namin hanggan sa makita ko na ang babaeng pinaka mamahal ko suot ang kanyang weeding gown na ako mismo ang pumili noong panahong pinag pipilian namin kung ano ba ang mas magandang gown.Agad na tumulo ang luha ko sa saya ng makita siyang dahan dahan na lumalapit sa akin habang naka ngiti."Napaka Ganda niya." Bulong ko. Nagulat ako ng abutan ako ni Von ng panyo. Natatawa ko iyong kinuha saka pinunasan
Van~~~~Cleopatra POVNaka tingin ako sa langit habang pinapanuod ang pag kislap ng mga bituin. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin."Cleopatra." Napa tingin ako sa tumawag sa akin. Si Aphrodite. Ngumiti ako ng makita siyang nag lalakad palapit sa akin."Bakit?"tanong ko ng makalapit siya sa akin. Umiling siya at ngumiti."Miss mo na siya no?"biglang tanong niya. Napa tingin ako ulit sa kanya at tumango tango."Sobra." Sagot ko. At tumingin sa kalangitan."Tuwing tumitingin ako sa bituin sa langit naalala ko siya." Sabi ko at agad na namuo ang luha sa aking mga mata."Hindi ka parin ba napapagod?"tanong nya. Agad akong umiling."Hindi... Hindi ako mapapagod kaka antay sa kanya Aphrodite." Sagot ko."Dalawang taon ka nang nag aantay Cleo." Sabi niya. Agad na tumulo ang luha ko."Kahit ilang taon pa yan Aphrodite, hihintayin kong mag balik siya. Hihintayin kong magising ulit si Van." Sabi ko. Ngumiti siya sa akin at pinunasan ang luhang tumulo sa mga ma
White Alpha~~~Fin POV"Sino yang malaking itim na lobo?"tanong ko habang naka tingin sa maitim at malaking lobo."Si Grego, ang pinuno ng mga Black alpha. Nabuhay ulit siya." Sagot ni Freddrick habang naka tingin din sa tinitignan ko."At sino naman yang puting malaking lobo?"balik na tanong ni Freddrick."Si Von?"tanong na sagot ko."Tanga si Van yan." Sagot ni Von na nasa tabi ko pala. Napa tingin ako sa puting malaking lobo na naka tayo sa harap ni Cleopatra."Oh? Si Van yan?"tanong ko saka tumingin kay Von."Kaya nakakatakot kayo minsan asarin eh."sabi ko at binalik ang tingin sa harap.Naka tayo si Van sa harap ni Cleopatra. Gaya nong itim na lobo, kulay pula din ang mga mata ni Van habang naka tingin sa itim na lobo.Tumingin naman ako sa mga black alpha na ano mang oras ay susugod sa amin."Basta pag may sumugod na black alpha, mag tatransform agad ako bilang paniki. Tamang lipad lang habang pinapanuod ko kayo mamatay."sabi ko kaya naka tanggap ako ng batok mula kay Von. Inir
Blood of Life.~~~~Fin POVNapa lingon sa amin si Freddrick."Ready na?"tanong niya."Teka, nasaan yung iba? Bakit tayo tayo lang?"tanong ko.Umirap siya kaya tumaas ang kilay ko."Bakla ka sis?"tanong ko kaya kumunot ang nuo niya."Mamaya na kayo mag talo."singit ni Aphrodite at tumingin sa labas."Mag gagabi na. Lalakas ang mga pwersa ng Werewolves pag full moon."sabi ni Aphrodite at lumingon sa amin, isa isa kaming lumabas sa sasakyan, sinuri ko ang lugar kung nasaan kami ng biglang lumapit sa akin si Freddrick."Lagot ka sakin mamaya pag nag transform ako bilang werewolf." Bulong ni Freddrick sakin. Nag make face lang ako saka natawa."Takot ako sis nanginginig ako oh."sabi ko at nanginig. Natawa si Creed sa ginawa ko. Sumeryoso ang awra ko at lumapit sa kanya."Lagot ka saken pag kinausap mo ulit ang asawa ko." Seryoso kong sabi at pinakita ang pangil ko."Kahit walang full moon, tandaan mo. Anytime pwedeng pwede kong ubusin yang dugo sa katawan mo. Hindi lang dugo ng tao ang i
Cleopatra~~~Von POVNapangiti ako ng makitang bumalik na sa dating kulay niya si Van. Pero wala parin siyang malay simula ng mag suka siya ng dugo kanina."Hindi dapat sumama si Cleopatra sa kanila."sabi ni Freddrick kaya napa tingin ako sa kanya.Ilang minuto palang ng maka alis sila kasama si Cleopatra. Lahat ng bisita sa kasal ay nag kagulo pero pinakalma ni Fin at pina uwi. Kasama na don ang mga magulang ni Cleopatra at si Papa."Napauwi na ang lahat." Sabi ni Fin. Nilibot ko ang paningin ko. Kaming mag kakapatid nalang ang nandito kasama si Freddrick, Aphrodite at yung Xanth daw na boyfriend daw ni Leana."Pinauwi ko na din sila Clementine at Rizden para bantayan si Ozix." Dagdag ni Fin saka tumingin kay Van."Kailangan nating mabawi si Cleopatra." Lahat kami ay napa tingin kay Freddrick."Once na makuha nila ang dugo ni Cleopatra, bubuhayin nila Pheonex ang pinaka leader nila. Pag nabuhay ang pinaka leader nila, malaking problema." Sabi ni Freddrick."Kailangan nating mag pla
Poison~~~~~Fin POVNatahimik ang buong paligid ng may sumigaw ng 'itigil ang kasal.' hindi lang isa, hindi lang dalawa ang sumigaw kundi tatlo.Sila Cleopatra, Von at si Van. Napa tayo kaming mga Vaughn ng makita si Van na parang lantang gulay. Naka tayo siya sa pinto ngunit naka suporta ang mga kamay niya sa pinto para di siya matumbay. Kulay itim ang labi niya at sobrang putla niya. Kita ang mga ugat niya at naninilaw ang mga mata niya.Nag alala ako sa kalagayan nya dahil halatang may sakit siyang dinadaing.Inihakbang niya ang isang paa niya sunod ang kabila. Dahan dahan siyang nag lakad papunta sa gitna pero hindi pa man siya nakaka dating sa gitna ay natumba na siya.Naka tingin lang kaming lahat sa kanya. Pinipilit niyang tumayo pero parang nawawalan siya ng lakas."I....tigil niyo ang... Kasal." Hindi naka takas sa pag tulo ng mga luha ni Van habang naka tingin sa harap."Van..." Napa tingin ako kay Cleopatra na umiiyak na din habang naka tingin kay Van."Paki....usap, itig
The Wedding.~~~Leana POVI make silip sa pinto ng dressing room ni Cleopatra before i enter the room. I smiled when i saw Cleopatra na naka ayus na."Hi." I smiled widely when she saw me na pumasok."I'm just came here to say Hi." Sabi ko at nilabas ang dala ko."By the way, I'm going to give this to you na."sabi ko at lumapit sa kanya saka inabot ang little gift ko for her."Are you ready na ba? 25 minutes to go before your wedding starts."i asked.She just smiled and tumango bilang sagot."Ughm... I don't think if makaka punta si Van, he's been slee--""I know." She cut me off so i just smiled."Ughm... If you don't mind, what's happened ba? I thought you guys are okay and as far as i know you both love each other. So why are you going to make kasal with Von?"tanong ko.I hope she'll answer my question so that ma open up ko sa kanya ang tungkol kay Aphrodite."Mas pinili niya si Aphrodite." Sagot niya. I make kuha the chair and umupo sa tabi niya."What do you mean about that?"tan
Aphrodite~~~~Fin POV"HOW DARE YOU!" agad na sigaw ni Creed kay Aphrodite pag pasok na pag pasok palang nila ni Leana. Natigilan agad ang dalawa.Napa irap ako."Paki sabi nga sakin, sino ba ang nag sabi kanina na aawatin ako?"tanong ko kay Leona."Wait what's your problem ba?"tanong ni Leana kay Creed."Paupuin mo muna kase sila Creed."singit ko at nag cross arms."Okay....? So what's meron?"tanong ni Leana ng maka upo sila ni Aphrodite sa harap namin."Ang lakas naman talaga ng loob mo para pumunta pa dito sa bahay namin after ng ginawa mo kay Van." Sabi ko kay Aphrodite. Kumunot ang nuo niya."What?"tanong nya."Wag mo kami ma english english jan."sabi ni Von kaya mas lalong natahimik siya."Anong ginawa mo kay Van?" Tanong ni Leona."Huh?"takang tanong niya."Bingi ka ba ha?"tanong ni Creed."Easy men, ako dapat ang nang gagalaiti dito."bulong ko."Tayong dalawa nalang men."bulong niya."Teka lang ah."sabi niya at inangat sa ere ang kamay."Hindi ko kayo maintindihan. Anong gin
Sleeping Van~~~Cleopatra POVIsang araw na ang lumipas ngunit hindi parin pumupunta si Van sa bahay namin. Sa pag kakatanda ko at dapat kahapon ay pupunta dito si Van pero hindi sya pumunta.Napa buntong hininga ako at sumilip sa bintana.Ano na bang nangyayare sa kanya? Ni wala akong balita tungkol sa kanya. Gusto ko siyang puntahan pero mas umiiral ang pride ko."Sino bang masusunod sa amin ng pride ko?"bulong ko sa sarili ko kaya agad akong tumakbo pababa ng kwarto ko at nag lakad para kunin ang susi ng sasakyan saka nag lakad papunta sa kotse.Hindi ko na kaya. Masyado kong mahal si Van para tiisin siya. Katangahan ang ginawa kong hindi pakikinig sa kanya noon.Sadyang umiral ang emosyon ko ng mga oras na iyon.Pasakay na sana ako ng Kotse ng may tumawag sa akin."Cleopatra." Napa lingon ako sa likod ko at nakita si Van. Napa ngiti ako ng di oras."Van..." Tawag ko at lumapit sa kanya saka siya niyakap. Hindi niya ako niyakap pa balik pero hindi ko iyon pinansin."I'm sorry..."