Share

Van

last update Last Updated: 2022-12-22 16:40:40

Van

~~~~

Cleopatra POV

Naka tingin ako sa langit habang pinapanuod ang pag kislap ng mga bituin. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin.

"Cleopatra." Napa tingin ako sa tumawag sa akin. Si Aphrodite. Ngumiti ako ng makita siyang nag lalakad palapit sa akin.

"Bakit?"tanong ko ng makalapit siya sa akin. Umiling siya at ngumiti.

"Miss mo na siya no?"biglang tanong niya. Napa tingin ako ulit sa kanya at tumango tango.

"Sobra." Sagot ko. At tumingin sa kalangitan.

"Tuwing tumitingin ako sa bituin sa langit naalala ko siya." Sabi ko at agad na namuo ang luha sa aking mga mata.

"Hindi ka parin ba napapagod?"tanong nya. Agad akong umiling.

"Hindi... Hindi ako mapapagod kaka antay sa kanya Aphrodite." Sagot ko.

"Dalawang taon ka nang nag aantay Cleo." Sabi niya. Agad na tumulo ang luha ko.

"Kahit ilang taon pa yan Aphrodite, hihintayin kong mag balik siya. Hihintayin kong magising ulit si Van." Sabi ko. Ngumiti siya sa akin at pinunasan ang luhang tumulo sa mga ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Vampire High   Epilogue

    Van POV(A/n: Play Get you the moon by Kina)Napa ngiti ako ng mag simula ang kanta. Napa lingon ako kay Von ng tapikin niya ang balikat ko. Naka ngiti siya sa akin at niyakap ako."Congrats bro." Bulong niya."Thank you." Sabi ko. Tumingin ako kila Creed at Fin na natatawa."Congrats." Sabi ni Creed at niyakap din ako. Inirapan pa ako ni Fin bago yakapin."Welcome to the club men." Bulong niya kaya natawa ako.Binalik ko ang paningin ko sa pinto. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng pumasok sila Ozix at Hazler. Sunod non ay si Aphrodite at Leana at Leona. Sunod ay ilang mga kaibigan namin hanggan sa makita ko na ang babaeng pinaka mamahal ko suot ang kanyang weeding gown na ako mismo ang pumili noong panahong pinag pipilian namin kung ano ba ang mas magandang gown.Agad na tumulo ang luha ko sa saya ng makita siyang dahan dahan na lumalapit sa akin habang naka ngiti."Napaka Ganda niya." Bulong ko. Nagulat ako ng abutan ako ni Von ng panyo. Natatawa ko iyong kinuha saka pinunasan

    Last Updated : 2022-12-22
  • Vampire High   Vampire High

    Clementine POVNaka tayo at naka titig ako ngayun sa isang napaka laking itim na gate na nababalutan ng baging at may naka sulat na Vampire High sa taas na meron ng mga kalawang.Halatang luma na ang gate maging ang desenyo nito dahil sa kalawang.This is it Clementine, nasa harap ka na ng isang hindi ordinaryong paaralan.Nasa harap ka na ng pinapangarap mong paaralan.Nasa harap na ang pangarap mo at abot kamay mo na.Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisnge ko mula sa mga mata ko.Sobrang saya ko dahil finally, nasa harap ko na ang pangarap ko. Unting oras nalang ay makakapasok ka na sa isang bigating paaralan dito sa Victorian City.Muli kong hinawakan ang bagahe ko ng dahan dahang nag bukas ang luma at mataas na gate.This is it."Ms Konzet." Naka ngiting bati ng isang babae na nasa 50 pataas ang edad, ito siguro ang principal sa school na ito."I'm Chairman Jo, one of the official officer sa school na ito." Pakilala niya."Nice to meet you po." Naka ngiti kong sabi."Welcome to Va

    Last Updated : 2022-11-15
  • Vampire High   Roommate

    Clementine POVNaka ngiti kong binuksan ang pinto ng room ko at halos mapa nganga ako ng tumambad sakin ang isang malaking room, as in sobrang laki! May Sala, kusina Tapos may dalawang hallway pa. Bahay ata to at hindi Room.Black ang theme ng loob at kulay white naman ang theme ng furniture. May mga nakasabit na painting sa pader."Room mate." Napa tingin ako sa nag salita. Nakita ko ang babaeng naka sandal sa isang pader kung saan mau daanan don.Mahabang itim na itim na buhok na sa tingin ko ay abot hanggang tuhod nuya, black na lipstick, black eyeliner, black nails, at naka suot ng black na t-shirt at black na Pantaloon.Mukha siyang maldita kung titignan dahil may panguya nguya pa ng gum with mathcing sandal sa wall at cross arms."Welcome room mate! I'm Lit Tallulah Fuertez, and I'm your beautiful vampire roommate!" Masiglang sabi niya at nag transform sa pagiging paniki saka lumipad palapit sakin at muling bumalik sa dati niyang anyo.Ngayun nasa harap ko na siya. Halos mapalun

    Last Updated : 2022-11-15
  • Vampire High   Vaughn Siblings

    Clementine POVNag lalakad kami ngayun ni Lit papunta sa dining hall dahil sabi niya oras na daw para kumain ng hapunan.Nililibot ko lang ang paningin ko sa mga nadadaanan namin ni Lit, sabi niya malaki daw ang Vampire high, aabutin daw ng mga 5 oras sa pag lilibot sa sobrang laki nito.Nasa first hall palang daw kami pano pa kaya pag nasa 7th hall na daw kami. Baka daw mawala na ang mga mata ko.Yun ang sabi ni Lit, so it means sobrang ganda nga ng Vampire High."Nandito na tayo!" Masiglang sabi ni Lit, kasabay namin ang ilang studyante ng Vampire High sa pag pasok sa loob ng dining hall. Halos malaglag ang buong mata ko ng makita ko ang napaka lawak na dining hall.May sampong mahahabang upuan at lamesa na nandoon.Samantalang sa gilid naman nakalagay ang 100 iba't ibang putahe."Tara kuha muna tayo ng foods." Sabi ni Lit at hinila ako palapit sa mga pagkain.Halos tumulo ang laway ko ng makita at malanghap ang pagkain. Sobrang bango!Kumuha na ako ng pagkain at ng matapos na ay na

    Last Updated : 2022-11-15
  • Vampire High   Encounter

    Clementine POVKinuwento ni Lit sakin lahat ng nalalaman niya tungkol sa Vaughn Siblings, habang nag lalakad kami papunta sa room namin.Pinaliwanag niya din sakin ang mga rules dito sa Vampire High.May curfew pala dito. Mga 9 PM hindi na pwedeng lumabas sa Rooms namin yun ang sabi nya."Oh Tine, bukas na yung start ng pag aaral mo dito sa Vampire high, nasan schedule mo?" Tanong niya ng maka pasok kami sa room namin.."Nandon sa kwarto ko." Sagot ko."Patingin dali!!! Baka may kaparehas tayong subject at kaklase kita." Sabi niya kaya kinuha ko naman yung schedule na naka patong don sa side table sa kwarto ko saka pinakita sa kanya."Oh, mag kaklase tayo sa witch craft at potion subject." Sabi niya saka nanlaki ang mga mata niya."The rest, kaklase mo yung Vaughn Siblings!" sabi niya kaya kumunot ang nuo ko."Ang malas mo." Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.."Bakit naman?" Tanong ko."Sobrang gulo kaya nong mga yun." Sabi niya at binalik sakin ang schedule ko."O siya si

    Last Updated : 2022-11-15
  • Vampire High   Fin Flynn Vaughn

    Clementine POVSiya ba? Si Fin siya yun? Ang Fin na sinasabi ni Lit? Sya yun?"Tsk, tumayo ka." Tumingin ako sa harap ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Fin sa harapan ko habang nakalulutang pa rin ang upuan sa taas.Ang sama ng ugali niya!"Tsk." Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko, tiningnan ko lang ito saka tumingin sa mukha niya. Inaasahan ko pa rin na makakatulong ito sa akin eh baka mapahiya lang ulit ako nito. Sa halip na tanggapin ang kamay niya ay ngumiti lang ako saka tumayo nang hindi tinatanggap ang kamay niya."Owwww." gulat na sabi ng lahat.Napatingin lang si Fin don sa sahig kung saan ako nakaupo kanina saka dahan dahang binawi ang kamay niya at tumayo ng diretso saka tumingin sa akin."Salamat sa alok, salamat sa kahihiyan. Pinahahalagahan ko." Sabi ko at tinapik ang balikat niya saka naglakad papunta sa isang bakanteng upuan sa harap.Narinig ko ang hiyawan ng mga nandito. Ngunit hindi ko iyon pinansin."Hoy Babael!" Natigilan ako at binalingan si Fin."Tawagan

    Last Updated : 2022-11-15
  • Vampire High   Canteen Trouble

    Clementine POV"Oh? Tapos?" Tanong sakin ni Lit, nandito kami ngayun sa canteen dahil break time na. Naka upo kami ngayun dito kaharap ang table. Kinukwento ko sa kanya yung mga nangyare kanina."Tapos pinalipad nanaman niya yung upuan ko. Hindi ko naman kasalanan kong nasagot ko yung tanong sakin nong teacher namin."sabi ko at kumagat sa sandwich."Tapos nainis ako kasi dalawang beses niyang ginawa sakin yun. Sa inis ko sinabihan ko siya ng 'Talaga bang epal ka o trip mo ako? Kung nag papapansin ka dahil may gusto ka sakin pwes sabihin mo nalang ng deretso hindi yung nag papapansin ka sakin at trip mong paliparin ang mga upuan ko!' Yun tapos tumawa yung buong Vaughn." Kwento ko.Nalaglag naman yung hawak niyang sandwich at nanlalaking matang tumingin sakin."Grabe, nasabi mo yun sa kanya?"tanong niya."Oo. Nakaka inis na kasi sya ang hilig hilig niyang mag palipad ng upuan."sabi ko."Tine, mali ang nakalaban mo. Sa buong Vaughn si Fin ang nakakatakot."sabi niya."Hmm? Dahil ba sa me

    Last Updated : 2022-11-15
  • Vampire High   Leana and Leona

    Liana & Leona Vaughn~~~~Clementine POVMatapos ang naganap na tamaan ng cake kahapon sa canteen ay lahat ng nag aaral sa Vampire High ay nagagalit sakin. Maliban kay Lit na proud na proud sa ginawa ko.Hindi ko naman talag gustong gawin yun kay Fin, pero kasi hindi naman tama yung ginagawa niya sakin. Ikaw ba naman paliparan ng upuan ng dalawang beses at buhusan ng juice at dugong iniinom niya kahapon diba? Syempre yung uniform ko mga te'h nilabhan ko nanaman kagabi buset.Sa dahil sa naganap kahapon, ang daming nag bago. Kung dati na ningingitian ako ng ilang nadadaanan ko ay ngayun sinasamaan nila ako ng tingin.May ilan pa nga hinaharangan ako ng daan tapos binabangga bangga. Joskopo big deal ba yung samin ni Fin? Supalpal ko sa kanila yang Fin nila eh.Maaga akong umalis ng room namin ni Lit dahil ayoko ng ma late, halos ako palang dito sa loob ng subject room namin kaya naman natulog muna ako dito sa desk ko. Wala pa namang teacher at ako palang naman ang nandito."Oh? Ang aga

    Last Updated : 2022-12-01

Latest chapter

  • Vampire High   Epilogue

    Van POV(A/n: Play Get you the moon by Kina)Napa ngiti ako ng mag simula ang kanta. Napa lingon ako kay Von ng tapikin niya ang balikat ko. Naka ngiti siya sa akin at niyakap ako."Congrats bro." Bulong niya."Thank you." Sabi ko. Tumingin ako kila Creed at Fin na natatawa."Congrats." Sabi ni Creed at niyakap din ako. Inirapan pa ako ni Fin bago yakapin."Welcome to the club men." Bulong niya kaya natawa ako.Binalik ko ang paningin ko sa pinto. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng pumasok sila Ozix at Hazler. Sunod non ay si Aphrodite at Leana at Leona. Sunod ay ilang mga kaibigan namin hanggan sa makita ko na ang babaeng pinaka mamahal ko suot ang kanyang weeding gown na ako mismo ang pumili noong panahong pinag pipilian namin kung ano ba ang mas magandang gown.Agad na tumulo ang luha ko sa saya ng makita siyang dahan dahan na lumalapit sa akin habang naka ngiti."Napaka Ganda niya." Bulong ko. Nagulat ako ng abutan ako ni Von ng panyo. Natatawa ko iyong kinuha saka pinunasan

  • Vampire High   Van

    Van~~~~Cleopatra POVNaka tingin ako sa langit habang pinapanuod ang pag kislap ng mga bituin. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin."Cleopatra." Napa tingin ako sa tumawag sa akin. Si Aphrodite. Ngumiti ako ng makita siyang nag lalakad palapit sa akin."Bakit?"tanong ko ng makalapit siya sa akin. Umiling siya at ngumiti."Miss mo na siya no?"biglang tanong niya. Napa tingin ako ulit sa kanya at tumango tango."Sobra." Sagot ko. At tumingin sa kalangitan."Tuwing tumitingin ako sa bituin sa langit naalala ko siya." Sabi ko at agad na namuo ang luha sa aking mga mata."Hindi ka parin ba napapagod?"tanong nya. Agad akong umiling."Hindi... Hindi ako mapapagod kaka antay sa kanya Aphrodite." Sagot ko."Dalawang taon ka nang nag aantay Cleo." Sabi niya. Agad na tumulo ang luha ko."Kahit ilang taon pa yan Aphrodite, hihintayin kong mag balik siya. Hihintayin kong magising ulit si Van." Sabi ko. Ngumiti siya sa akin at pinunasan ang luhang tumulo sa mga ma

  • Vampire High   White Alpha

    White Alpha~~~Fin POV"Sino yang malaking itim na lobo?"tanong ko habang naka tingin sa maitim at malaking lobo."Si Grego, ang pinuno ng mga Black alpha. Nabuhay ulit siya." Sagot ni Freddrick habang naka tingin din sa tinitignan ko."At sino naman yang puting malaking lobo?"balik na tanong ni Freddrick."Si Von?"tanong na sagot ko."Tanga si Van yan." Sagot ni Von na nasa tabi ko pala. Napa tingin ako sa puting malaking lobo na naka tayo sa harap ni Cleopatra."Oh? Si Van yan?"tanong ko saka tumingin kay Von."Kaya nakakatakot kayo minsan asarin eh."sabi ko at binalik ang tingin sa harap.Naka tayo si Van sa harap ni Cleopatra. Gaya nong itim na lobo, kulay pula din ang mga mata ni Van habang naka tingin sa itim na lobo.Tumingin naman ako sa mga black alpha na ano mang oras ay susugod sa amin."Basta pag may sumugod na black alpha, mag tatransform agad ako bilang paniki. Tamang lipad lang habang pinapanuod ko kayo mamatay."sabi ko kaya naka tanggap ako ng batok mula kay Von. Inir

  • Vampire High   Blood of Life

    Blood of Life.~~~~Fin POVNapa lingon sa amin si Freddrick."Ready na?"tanong niya."Teka, nasaan yung iba? Bakit tayo tayo lang?"tanong ko.Umirap siya kaya tumaas ang kilay ko."Bakla ka sis?"tanong ko kaya kumunot ang nuo niya."Mamaya na kayo mag talo."singit ni Aphrodite at tumingin sa labas."Mag gagabi na. Lalakas ang mga pwersa ng Werewolves pag full moon."sabi ni Aphrodite at lumingon sa amin, isa isa kaming lumabas sa sasakyan, sinuri ko ang lugar kung nasaan kami ng biglang lumapit sa akin si Freddrick."Lagot ka sakin mamaya pag nag transform ako bilang werewolf." Bulong ni Freddrick sakin. Nag make face lang ako saka natawa."Takot ako sis nanginginig ako oh."sabi ko at nanginig. Natawa si Creed sa ginawa ko. Sumeryoso ang awra ko at lumapit sa kanya."Lagot ka saken pag kinausap mo ulit ang asawa ko." Seryoso kong sabi at pinakita ang pangil ko."Kahit walang full moon, tandaan mo. Anytime pwedeng pwede kong ubusin yang dugo sa katawan mo. Hindi lang dugo ng tao ang i

  • Vampire High   Cleopatra

    Cleopatra~~~Von POVNapangiti ako ng makitang bumalik na sa dating kulay niya si Van. Pero wala parin siyang malay simula ng mag suka siya ng dugo kanina."Hindi dapat sumama si Cleopatra sa kanila."sabi ni Freddrick kaya napa tingin ako sa kanya.Ilang minuto palang ng maka alis sila kasama si Cleopatra. Lahat ng bisita sa kasal ay nag kagulo pero pinakalma ni Fin at pina uwi. Kasama na don ang mga magulang ni Cleopatra at si Papa."Napauwi na ang lahat." Sabi ni Fin. Nilibot ko ang paningin ko. Kaming mag kakapatid nalang ang nandito kasama si Freddrick, Aphrodite at yung Xanth daw na boyfriend daw ni Leana."Pinauwi ko na din sila Clementine at Rizden para bantayan si Ozix." Dagdag ni Fin saka tumingin kay Van."Kailangan nating mabawi si Cleopatra." Lahat kami ay napa tingin kay Freddrick."Once na makuha nila ang dugo ni Cleopatra, bubuhayin nila Pheonex ang pinaka leader nila. Pag nabuhay ang pinaka leader nila, malaking problema." Sabi ni Freddrick."Kailangan nating mag pla

  • Vampire High   Poison

    Poison~~~~~Fin POVNatahimik ang buong paligid ng may sumigaw ng 'itigil ang kasal.' hindi lang isa, hindi lang dalawa ang sumigaw kundi tatlo.Sila Cleopatra, Von at si Van. Napa tayo kaming mga Vaughn ng makita si Van na parang lantang gulay. Naka tayo siya sa pinto ngunit naka suporta ang mga kamay niya sa pinto para di siya matumbay. Kulay itim ang labi niya at sobrang putla niya. Kita ang mga ugat niya at naninilaw ang mga mata niya.Nag alala ako sa kalagayan nya dahil halatang may sakit siyang dinadaing.Inihakbang niya ang isang paa niya sunod ang kabila. Dahan dahan siyang nag lakad papunta sa gitna pero hindi pa man siya nakaka dating sa gitna ay natumba na siya.Naka tingin lang kaming lahat sa kanya. Pinipilit niyang tumayo pero parang nawawalan siya ng lakas."I....tigil niyo ang... Kasal." Hindi naka takas sa pag tulo ng mga luha ni Van habang naka tingin sa harap."Van..." Napa tingin ako kay Cleopatra na umiiyak na din habang naka tingin kay Van."Paki....usap, itig

  • Vampire High   The Wedding

    The Wedding.~~~Leana POVI make silip sa pinto ng dressing room ni Cleopatra before i enter the room. I smiled when i saw Cleopatra na naka ayus na."Hi." I smiled widely when she saw me na pumasok."I'm just came here to say Hi." Sabi ko at nilabas ang dala ko."By the way, I'm going to give this to you na."sabi ko at lumapit sa kanya saka inabot ang little gift ko for her."Are you ready na ba? 25 minutes to go before your wedding starts."i asked.She just smiled and tumango bilang sagot."Ughm... I don't think if makaka punta si Van, he's been slee--""I know." She cut me off so i just smiled."Ughm... If you don't mind, what's happened ba? I thought you guys are okay and as far as i know you both love each other. So why are you going to make kasal with Von?"tanong ko.I hope she'll answer my question so that ma open up ko sa kanya ang tungkol kay Aphrodite."Mas pinili niya si Aphrodite." Sagot niya. I make kuha the chair and umupo sa tabi niya."What do you mean about that?"tan

  • Vampire High   Aphrodite

    Aphrodite~~~~Fin POV"HOW DARE YOU!" agad na sigaw ni Creed kay Aphrodite pag pasok na pag pasok palang nila ni Leana. Natigilan agad ang dalawa.Napa irap ako."Paki sabi nga sakin, sino ba ang nag sabi kanina na aawatin ako?"tanong ko kay Leona."Wait what's your problem ba?"tanong ni Leana kay Creed."Paupuin mo muna kase sila Creed."singit ko at nag cross arms."Okay....? So what's meron?"tanong ni Leana ng maka upo sila ni Aphrodite sa harap namin."Ang lakas naman talaga ng loob mo para pumunta pa dito sa bahay namin after ng ginawa mo kay Van." Sabi ko kay Aphrodite. Kumunot ang nuo niya."What?"tanong nya."Wag mo kami ma english english jan."sabi ni Von kaya mas lalong natahimik siya."Anong ginawa mo kay Van?" Tanong ni Leona."Huh?"takang tanong niya."Bingi ka ba ha?"tanong ni Creed."Easy men, ako dapat ang nang gagalaiti dito."bulong ko."Tayong dalawa nalang men."bulong niya."Teka lang ah."sabi niya at inangat sa ere ang kamay."Hindi ko kayo maintindihan. Anong gin

  • Vampire High   Sleeping Van

    Sleeping Van~~~Cleopatra POVIsang araw na ang lumipas ngunit hindi parin pumupunta si Van sa bahay namin. Sa pag kakatanda ko at dapat kahapon ay pupunta dito si Van pero hindi sya pumunta.Napa buntong hininga ako at sumilip sa bintana.Ano na bang nangyayare sa kanya? Ni wala akong balita tungkol sa kanya. Gusto ko siyang puntahan pero mas umiiral ang pride ko."Sino bang masusunod sa amin ng pride ko?"bulong ko sa sarili ko kaya agad akong tumakbo pababa ng kwarto ko at nag lakad para kunin ang susi ng sasakyan saka nag lakad papunta sa kotse.Hindi ko na kaya. Masyado kong mahal si Van para tiisin siya. Katangahan ang ginawa kong hindi pakikinig sa kanya noon.Sadyang umiral ang emosyon ko ng mga oras na iyon.Pasakay na sana ako ng Kotse ng may tumawag sa akin."Cleopatra." Napa lingon ako sa likod ko at nakita si Van. Napa ngiti ako ng di oras."Van..." Tawag ko at lumapit sa kanya saka siya niyakap. Hindi niya ako niyakap pa balik pero hindi ko iyon pinansin."I'm sorry..."

DMCA.com Protection Status