Rizden POVPinag mamasdan ko ang mapayapang mukha ni Creed na naka higa sa isang eleganteng kabaong. Nababalutan iyon ng iba't ibang bulaklak, kulay Itim ang kabaong na naka bukas at malayang mahahawakan ang malamig na katawan ni Creed. Sa gilid ay naroroon ang malaking larawan ni Creed na naka ngiti. Hinaplos ko ang pisngi ni Creed."Ang sabi mo papakasalan mo pa ko."sabi ko habang nasa pisngi niya ang aking kamay."Ang sabi mo hindi mo ko iiwan." Hinawakan ko ang kamay niya."Takot na takot ka noong mawala ako sayo, handa kang mag hanap ng bampirang kakagat sa akin para lang mabuhay ako ng matagal kasama ka, tapos ngayun..."natigil ako at di napigilang tumulo ang luha ko."Ngayun nanjan ka sa loob ng kabaong, naka higa at mapayapang natutulog." Dagdag ko at hinaplos ang buhok niya."Ano pa't naging bampira ako kung ikaw naman ang nawala sa akin Creed?"tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya."Ano pa't nag proposed ka sakin kung hindi din naman pala matutuloy ang kasal natin Creed
"Layuan mo na siya Von!" Inis na sabi ni Van habang hawak hawak ang kwelyo ng kambal niya."Siya ang palayuin mo sakin Van, nananahimik ako dito." Inis na sabi ni Von at tinulak palayo si Van sa kanya."Isa kang traydor Von. Mang aagaw. " Sabi ni Van kaya natawa si Von."Isn't it amazing how one tiny sperm can turn into giant piece of shit?" Tanong ni Von sa kambal niya. "Wala akong inaagaw sayo Van. Siya, siya ang may gusto sa akin pero wala akong pake alam don." Inis na sabi ni Von at tinalikuran ang kambal niya."Von Floyd Vaughn!" Inis na tawag ni Van sa kambal niya kaya tumigil ito."Itinatakwil na kita bilang kapatid at kakambal ko." Malamig na sabi ni Van. Hindi umimik si Von at nag patuloy lang sa pag lalakad.~~~~Creed's Wedding.~~~Van POVNatawa ako ng makita ang itsura ni Creed habang hinihintay na mag lakad si Rizden papunta sa kanya. Beach wedding ang theme ng kasal ng dalawa. Sakto sa pag lubog ng araw ang kasal nila."To'l para kang maiihi sa itsura mo."bulong ko ka
Party~~~Van POV"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ko at pinatunog ang wineglass na hawak ko gamit ang kutsara."Rizden hagis mo na yung bulaklak na hawak mo para malaman kung sino ang susunod na ikakasal."sabi ko, natawa siya at sumangayun."Mga magagandang binibini mag sipunta na daw dito sa likod ni Rizden, oras na para malaman ang susunod na ikakasal."sabi ko at tumingin kay Aphrodite. Sana si Aphrodite ang maka kuha.Nag sipunta ang mga babaeng wala pang asawa sa likod ni Rizden at isa na don si Aphrodite."Ready na?"tanong ni Rizden."YES." Sabay sabay na sagot ng mga babae.Inihagis ni Rizden ang hawak niyang bulaklak, parang nag slow motion ang lahat ng dahan dahan iyong bumagsak."Lagyan niyo nga ng tubig--" natigil sa pag sasalita si Cleopatra ng masalo niya ang bulaklak. Nanlaki ang mga mata ko, maging si Cleopatra ay nanlaki din ang mga mata."Yieee Cleopatra."asaran sa kanya. Tumayo siya ng maayus habang naka tingin parin sa bulaklak na hawak niya."Bakit ako?"tanong niy
Confession.~~~Van POVNapa ngiti ako ng makita kong natigilan si Aphrodite nang makita niya ang rooftop. Lumingon siya sa akin."Anong meron?"tanong niya. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Hinila ko siya palapit sa railings dito sa rooftop saka tumingin sa mga ilaw sa baba."Ang sarap ng simoy ng hangin hindi ba?"tanong ko. Hindi siya sumagot. Bakas parin sa kanyang mukha ang pagka gulat.Ngumiti ako. Masyado ko ata syang na surpresa.Nakalimutan ko si Von na sabihan na mag patugtog ng romantic song kaya wag nalang. Mas mabuti to, deretso confess agad mamaya baka ma diskaril nanaman eh."Van, baka hinahanap na tayo sa baba?"tanong niya. Lumingon ako sa kanya at umiling."Hindi yan, nag paalam naman ako sa kanila."sabi ko. Ngumiti siya. Pilit na ngiti.Na aakwardan ata siya."Aphrodite may sasabihin ako."sabi ko at tinignan siya ng seryoso. Sigurado akong mamamatay sa kilig itong si Aphrodite pag isang Van Floyd Vaughn na ang nag confess sa kanya.Hinawakan ko ang dalawang kam
Debate.~~~~Cleopatra POVNaka tingin lamang ako sa kanina pang umiiyak na si Van. Dama ko ang lungkot na nararamdaman niya. Naka upo siya sa lapag at naka sandal sa railings ng rooftop habang umiinom ng wine na pina kuha niya sa akin kanina.Hindi ko alam kung bakit naaawa ako sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit nasasaktan ako para sa kanya."Tama na yan." Umakto ako ng Normal. Inagaw ko ang hawak niyang wine saka nilayo sa kanya. Natawa siya at pinikit ang mga mata."Ano bang mali sakin?"biglang tanong niya.'Wala, walang mali sayo Van.'Hindi ako sumagot."Ang akala ko gusto niya din ako."'Hindi naman kasi lahat ng akala ay tama na. Madaming namamatay sa maling akala Van.'Mas pinili kong manahimik kesa sa sabayan siya. Ayokong maramdaman niya na naaawa ako sa kanya."Nasa akin naman na ang lahat pero bakit... Bakit ayaw niya sa akin?" Inis na tanong niya at tumingin sa akin."Cleopatra, pangit ba ko?"tanong niya. Hindi ko siya sinagot.'Hindi ka panget Van.'"Cleopatra, masam
Pag sunod.~~~~Van POVMaaga pa lang ay ginising ko na si Von para gawin ang plano namin. At yun ay ang sundan si Aphrodite."Morning."bati ni Leana sa amin ni Von na kumakain sa baba.Ba't ang aga naman ata nito magising?"Bakit ang aga mo magising?"tanong ko kay Leana. Kadalasan kasi ay mga hapon na sya nagigising. Kinuha niya yung baso at nilagyan ng gatas."May lakad kami ni Leona kasama si Aphrodite."nag katinginan kami ni Von."Saan naman?" Tanong ko. Tumingin sa akin si Leana saka ininum ang gata niya."Sa Spa, mall, at iba iba pa. Mag gi-girls bonding kaming lima."sabi niya. Lima?"Lima? Sino sino kayo?"tanong ni Von. Umirap si Leana."Ako, si Leona, Clementine, Cleopatra at Aphrodite. Dapat nga isasama namin si Rizden kaso mag hohoney moon pa pala sila ni Creed."sabi nya.Kasama si Cleopatra? Ibig sabihin. May mata at tenga kami kay Aphrodite. Napa ngiti ako.Bumalik kami sa pag kain ng biglang tumunog ang cellphone ni Leana. Tumingin kami sa kanya na nag titipa sa kanyang p
Mall.~~~Cleopatra POVNag paalam ako kila Aphrodite at Leana na pupunta lang ako sa isang department store dito sa Mall para bumili ng bago kong damit. Well hindi naman siguro masama na lumayo muna ako kay Aphrodite kahit paano diba? Saka isa pa, napilitan lang ako na tulungan si Van. Ni ayaw ko nga na may binabantayan ako. Daig ko pa ang babysitter o bodyguard sa ginagawa ko.Lumabas ako sa bilihan ng sapatos kung saan nasa loob non ang mga kasama ko. Hindi ko talaga sila maintindihan, gusto nila ang mga heels at kung ano ano pang ka artehan sa sapatos. Ba't ayaw nila sa mga normal lang na sapatos.Liliko na sana ako para puntahan ang bilihan ng mga damit ng mabangga ako. Inis kong tinignan ang kung sino mang tao ang nabangga ko at sinamaan ng tingin."Hindi ka ba tumitingin sa---Van?"tanong ko ng tanggalin niya ang shades na suot niya. Tumingin siya sa likod ko saka tumingin sa akin."Anong ginagawa mo dito sa Labas? Dapat nasa loob ka din kasama si Aphrodite."sabi niya."Eh anong
Over protective.~~~~Cleopatra POVTahimik lang akong kumakain habang sila ay nag kwe-kwentuhan. Paminsan minsan ay inaasar nila ako kay Von dahil ang buong akala nila ay may gusto ako kay Von. Nakakainis talaga. Ano bang pumasok sa isip ni Van para gawing dahilan yun? Nakaka irita. Naiirita ako. Bwisit."Cleopatra, hindi ba napapanis yang laway mo? Hindi ka nag sasalita."puna ni Clementine. Awkward lang ako na ngumiti.Wala akong gana mag salita. Nakaka inis."Ganyan talaga si Cleo, gusto niya tahimik lang at kapag kasama mo siya lagi masasanay ka talaga na tahimik siya. Daig niya pa ang pinaka mahinhing babae sa buong mundo."sabi ni Aphrodite na kinatawa nila. Hindi ko yun pinansin. Wala akong pake-alam sa mga sasabihin nila."Bagay talaga kayo ni Von, minsan lang din yun mag salita."sabi ni Leona kaya nabulunan ako."Ayus ka lang ba?" Agad kong ininom ang tubig na nasa tabi ko saka tumango sa kanila."Saan sunod niyong punta?"tanong ni Van."Balak sana namin mag spa kaso kailangan