Mall.~~~Cleopatra POVNag paalam ako kila Aphrodite at Leana na pupunta lang ako sa isang department store dito sa Mall para bumili ng bago kong damit. Well hindi naman siguro masama na lumayo muna ako kay Aphrodite kahit paano diba? Saka isa pa, napilitan lang ako na tulungan si Van. Ni ayaw ko nga na may binabantayan ako. Daig ko pa ang babysitter o bodyguard sa ginagawa ko.Lumabas ako sa bilihan ng sapatos kung saan nasa loob non ang mga kasama ko. Hindi ko talaga sila maintindihan, gusto nila ang mga heels at kung ano ano pang ka artehan sa sapatos. Ba't ayaw nila sa mga normal lang na sapatos.Liliko na sana ako para puntahan ang bilihan ng mga damit ng mabangga ako. Inis kong tinignan ang kung sino mang tao ang nabangga ko at sinamaan ng tingin."Hindi ka ba tumitingin sa---Van?"tanong ko ng tanggalin niya ang shades na suot niya. Tumingin siya sa likod ko saka tumingin sa akin."Anong ginagawa mo dito sa Labas? Dapat nasa loob ka din kasama si Aphrodite."sabi niya."Eh anong
Over protective.~~~~Cleopatra POVTahimik lang akong kumakain habang sila ay nag kwe-kwentuhan. Paminsan minsan ay inaasar nila ako kay Von dahil ang buong akala nila ay may gusto ako kay Von. Nakakainis talaga. Ano bang pumasok sa isip ni Van para gawing dahilan yun? Nakaka irita. Naiirita ako. Bwisit."Cleopatra, hindi ba napapanis yang laway mo? Hindi ka nag sasalita."puna ni Clementine. Awkward lang ako na ngumiti.Wala akong gana mag salita. Nakaka inis."Ganyan talaga si Cleo, gusto niya tahimik lang at kapag kasama mo siya lagi masasanay ka talaga na tahimik siya. Daig niya pa ang pinaka mahinhing babae sa buong mundo."sabi ni Aphrodite na kinatawa nila. Hindi ko yun pinansin. Wala akong pake-alam sa mga sasabihin nila."Bagay talaga kayo ni Von, minsan lang din yun mag salita."sabi ni Leona kaya nabulunan ako."Ayus ka lang ba?" Agad kong ininom ang tubig na nasa tabi ko saka tumango sa kanila."Saan sunod niyong punta?"tanong ni Van."Balak sana namin mag spa kaso kailangan
Van & Cleopatra.~~~~Cleopatra POVHuminga ako ng malalim saka nag lakad palapit kay Van na naka tingin sa kawalan. Nilahad ko sa harap niya ang ice cream na binili ko, tinignan niya yun saka tinanggap. Umupo ako sa tabi niya saka sinimulan kainin ang ice cream ko."Matunaw yan." Sabi ko habang naka tingin sa ice cream ko. Ramdam ko kasi na hindi niya ginagalaw ang kanya. Naramdaman ko na sinimulan niya na yun kainin kaya nag patuloy ako sa pag kain ng akin."Anong balak mo?"tanong ko habang kinakain ang Ice cream ko. Huminga siya ng malalim. Hindi parin siguro siya nakaka recover sa narinig niya kay Aphrodite. Kung nasaan sila? Umuwi na. Nag paalam ako kay Leana na mauna na sila dahil may pupuntahan pa ako."Akala ko ba may alam na lugar kung saan pwede ilabas lahat ng hinanakit?"tanong niya. Tinignan ko siya. Naka tingin siya sa harap niya. Malungkot ang awra niya."Sa palagay ko wala ka ng hinanakit."sabi ko kaya napa tingin siya sa akin. "Lungkot nalang ang meron sayo."dagdag ko.
Relo.~~~~Van POV"May binili si Aphrodite kanina na isang bagay, sabi niya ibibigay niya daw yun sa lalaking gusto niya."Napa tingin ako sa likod ko kung saan may nararamdaman akong presensya. Nakita ko si Cleopatra na naka tingin sa akin. Binalik ko ang tingin sa relo ni Von."May isa pa doon sa loob, para sayo daw yun. Couple watch tayo bigay ni Aphrodite."sabi ni Von kaya tumingin ako sa kanya."Sabi kasi nya, bigla ka nalang daw nawala sa mall, hinanap ka pa nga niya dito kanina eh kaso wala ka. Tara bilis suotin mo." Para akong natuwa sa sinabi ni Von. Kung ganon, hinanap niya ako? Kinikilig naman ako.Inabot niya sa akin ang isang shopping bag."Bilis bro suotin mo na."sabi nya. Kinuha ko iyon sa loob nakitang magkaparehas kami ng tatak pero magka iba ang kulay."Ang galing mamili ni Aphrodite ng kulay."sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya at ngumiti."Sinabi mo pa."sabi ko at sinuot ang relo."Bagay satin bro, kambal talaga tayo dude."sabi niya at tumingin sa akin. "Teka,
Courting Aphrodite.~~~~Van POVMaaga akong nagising, yayayain ko sana si Aphrodite na mag date sa mall. Agad akong bumaba at masayang nag lakad papunta sa kitchen."Anong meron? May pakanta kanta ka pa?"tanong ni Leana. Tumingin ako sa kanya at ngumiti."Masaya lang."sagot ko."Morning guys." Napa lingon ako sa nag lalakad."Von my twin bro, how's your sleep?"tanong ko."I don't know, I'm sleeping that time."nag tawanan kami sa sagot niya."Good morning guys." Tumingin kami sa hagdan, nakita namin sila Clementine at Fin na bumababa."Morning sissy, kelan ba kabuwanan mo?"tanong ni Leona na katabi ni Leana."October."sagot ni Fin at inalalayan ang asawa niya.Tumingin ako sa mga kapatid ko. "Si Creed nalang ang kulang buo na ulit ang Vaughn siblings."sabi ko. Natawa sila."Nag eenjoy pa yun sa honeymoon nila."sabi ni Von."You already missed me Van?"napa tingin kami sa nag salita. Si Creed kasama ang asawa niya."Bro!" Masayang sabi ko at sinalubong siya. Inakbayan ko siya at agad na
Date.~~~Van POVInihinto ko ang sasakyan sa tapat ng restaurant kong saan ako nag pareserved.Buong byahe ay hindi nag sasalita si Aphrodite, which i found it weird. Kapag kase kasama ko si Aphrodite, nasanay ako na siya ang nag oopen ng usapan. Hindi siya nauubusan ng topic. Pero ngayun, ang tahimik niya. Siguro ay na awkward-an lang siya kaya inintindi ko nalang."We're here."sabi ko at nilingon siya. Tumingin siya sa bintana saka akmang bubuksan ang pinto ng kotse ng hinawakan ko ang kamay niya kaya napa tingin siya sa akin."May ibibigay ako sayo."sabi ko at inabot mula sa likod ang flowers at bear toy saka tumingin sa kanya."My siblings give me advised kung anong magandang ibigay sa mga babae."sabi ko at inabot sa kanya."Thank you."naka ngiti nyang sabi. Lumabas ako sa kotse at agad na umikot para pag buksan siya. Lumabas siya at ngumiti sa akin.Isinara ko ang pinto ng kotse saka nilahad ang kamay sa kanya."Let's go?"tanong ko. Tinignan niya ang kamay ko at dahan dahan iyon
Pain~~~~Cleopatra POVTumingin ako sa salamin. Kamukhang kamukha ko si Aphrodite. Napa buntong hininga ako. Ano nanaman ba itong papasukin ko? Alam kong mag kakaruon ng gulo pag ginawa ko to pero bakit pa ako pumayag?"Nasa labas na si Van."napa tingin ako kay Aphrodite na papalapit sa akin. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko."Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag wala ka Cleopatra."hindi ako sumagot. Tinignan ko lang siya."Salamat dahil pumayag ka."ngumiti siya ng pilit."Bababa na ako."sabi ko at tinalikuran siya.Nag lakad ako pababa at papunta sa pinto hanggang sa makita ko si Van. Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya."You're so beautiful." Sabi niya. Ngumiti lang ako at tumingin sa loob ng bahay. Nakita ko si Aphrodite na nag tatago sa dilim. Ngumiti lang siya sa akin."Let's go?"tanong ni Van. Tumango ako saka niya ako inalalayan papasok sa loob ng kotse niya.Buong byahe tahimik lang ako, kumakalabog ang puso ko. Sobrang bilis ng tibok nito. Hindi ako mapa
Freddrick~~~~Van POVBumaba ako sa sasakyan ko at dere-deretsong pumasok sa bahay.Naiinis ako. Gusto kong mag wala sa galit dahil nag mukha akong tanga.Ginawa niya akong tanga."Where's Aphrodite?"tanong ko ng maka pasok ako sa bahay. Napa tingin sa akin si Von na naka upo sa sofa."Kaka alis niya lang may emergency daw."sagot niya. Napa pikit ako at umupo sa katapat niyang sofa."Ano bang nangyayare? Ang sabi mo kasama mo si Aphrodite pero sino yung Aphrodite na nag punta dito?"naguguluhang tanong niya.Binuksan ko ang mga mata ko at tinignan siya."Ginaya ni Cleopatra si Aphrodite."sabi ko. Kumunot ang nuo niya."What?""Kinopya niya si Aphrodite para lang maka date ko siya."inis kong sabi. "Ang saya ko na eh, ayus na sana kaso tangina." Galit na sabi ko."Nasaan si Cleopatra ngayun?"tanong niya. Tinignan ko siya."Iniwan mo siya?"tanong nya."Mukha bang isasama ko siya? Galit ako Von, naiinis ako."sabi ko."Tanga bro, naulan anong sasakyan non?"tanong niya."Hindi ko alam! Baha