Share

Van & Cleopatra

Van & Cleopatra.

~~~~

Cleopatra POV

Huminga ako ng malalim saka nag lakad palapit kay Van na naka tingin sa kawalan. Nilahad ko sa harap niya ang ice cream na binili ko, tinignan niya yun saka tinanggap. Umupo ako sa tabi niya saka sinimulan kainin ang ice cream ko.

"Matunaw yan." Sabi ko habang naka tingin sa ice cream ko. Ramdam ko kasi na hindi niya ginagalaw ang kanya. Naramdaman ko na sinimulan niya na yun kainin kaya nag patuloy ako sa pag kain ng akin.

"Anong balak mo?"tanong ko habang kinakain ang Ice cream ko. Huminga siya ng malalim. Hindi parin siguro siya nakaka recover sa narinig niya kay Aphrodite. Kung nasaan sila? Umuwi na. Nag paalam ako kay Leana na mauna na sila dahil may pupuntahan pa ako.

"Akala ko ba may alam na lugar kung saan pwede ilabas lahat ng hinanakit?"tanong niya. Tinignan ko siya. Naka tingin siya sa harap niya. Malungkot ang awra niya.

"Sa palagay ko wala ka ng hinanakit."sabi ko kaya napa tingin siya sa akin. "Lungkot nalang ang meron sayo."dagdag ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status