Share

Unwillingly, I'm Loving You
Unwillingly, I'm Loving You
Author: sweetmarie

PROLOGUE

PROLOGUE

Pabalik-balik na akong naglalakad sa loob ng kwarto ko. Hindi ako mapakali. Napasabunot nalamang ako sa buhok ko at inihilamos ang palad ko sa mukha ko.

“Hindi pwede… Ayaw ko…”

“Hindi ko siya gusto…”

Lumipas pa ang ilang sandali iyon pa rin ang nasa isip ko. Nang makaramdam na ako ng pagod ay agad akong napahiga sa kama ko.

“I don’t want to marry him!”

Sana naman ay nanaginip lang ako. Ilang beses ko na ring kinurot ang tagiliran ko, nasampal ko na nga ang sariling mukha pero… Totoo na talaga ‘to, hindi talaga ako nananaginip o ano. Sasabunutan ko pa sana ang sarili ko nang may marinig akong kumakatok sa pintuan ng aking kwarto.

 Si Yaya Melody pala. Sinabi niya sa akin na pinapupunta raw ako ni Dad sa opisina na. Agad akong nanlumo doon. I don’t really think that I could see him right now. Sa pabor ba naman na hinihingi ni Dad ay ayaw ko muna siyang makita. Masyado niya akong ginulat! Pero hindi ko siya pwedeng suwayin lalo na’t ipinapatawag niya ako ngayon, kailangan ko siyang siputin, gustuhin ko man o hindi.

Hindi ko na inayos ang magulo kong buhok na dulot nang pagsabunot ko nito kanina. Lumabas agad ako ng kwarto at naglakad patungo sa office ni Dad dito sa bahay.Nakasimangot ako habang naglalakad, napuna pa nga iyon ng mayordoma namin dito sa bahay pero hindi ko siya pinansin.

Nang makarating na ‘ko sa tapat ng pintuan ng office ni Dad ay kaagad ko iyong binuksan.

Bumungad sa akin si Dad na naka-upo sa swivel chair niya habang may tinitipa sa kanyang laptop na nasa ibabaw ng lamesa. Base sa suot niya, mukhang galing siya sa isang meeting.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na agad ang gusto kong sabihin sa kanya

“Dad, hindi ko siya papakasalan! Gago ‘yon!” halos pasigaw kong saad sa kanya.

His expression changed. I could tell from his looks, I screwed up.

“Watch your words, Mauveine Zelliana.” Marahan niyang saway sa akin. Napatakip na lamang ako ng bibig gamit ang dalawang kamay ko.

Ilang beses akong napalunok at kinusot-kusot ang aking mga mata. Ang buong akala ko ay pagagalitan niya ako, pero bakit hindi niya ginawa?Nanatili akong nakatingin kay Dad habang nakatayo lamang ako rito sa may pintuan. Tuluyan ko iyong sinara at naglakad papalapit sa kanya. Napa-upo na lamang ako sa upuan na katabi ng kanyang mesa.

Dad stayed silent, still doing something on his laptop. His silence bothers me so much that it made me itch.

Papano ko kaya siya makukumbinsing ‘wag akong ipakasal sa lalaking iyon?

Umangat ang kurba sa labi ni Dad. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil parang nakakakilabot ‘yang ngisi niyang ‘yan.

“Dad…”

“We’ve talked about this already. You’re now eighteen and your graduation ceremony will be held tomorrow. Tsaka hindi mo pa napagpaplanuhan kung anong course ang gusto mo sa college kaya hindi ka muna mag-e enroll.”

Napa-facepalm nalang ako sa sinabi ni Dad. Ano kasi… tama naman kasi siya.

“After your graduation, I want you to prepare for your wedding.” His voice was filled with finality.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang ‘yon. Pursigido talaga si Dad na ipakasal ako sa lalaking ‘yon!

“Dad, ayaw ko sa kanya. At higit sa lahat ayaw kong magpakasal kahit kanino!”

“But I like him for you.” Makahulugang sabi ni Dad sa akin.

Argh! Si Dad talaga!

“Hindi ko siya gusto, kaya paniguradong hindi rin niya ako gusto! Dad, parang awa mo na. Naging mabuting anak naman ako sa inyo ‘di po ba? I did a good job in keeping my grades at school as high as possible! I didn’t go clubbing and go pregnant weeks afte---"

“You’ll marry him and that’s final.” My dad said in a menacing tone.

Napa-upo ako at hindi nakapagsalita. Gusto kong sigawan si Dad pero hindi ko magawa, he’s my father after all. And I know that there’s nothing I could do but to obey his decision. Hindi lang daw ito para sa akin kundi para na rin daw sa mga taong umaasa sa kompanya namin. Ilang beses na niya iyong ipinaliwanag sa akin, pero pinipillit ko itong huwag intindihin.

“Mr. Arellano.” A manly and familiar voice called my father.

When I turned my head to its direction, my jaw dropped. Bakit siya nandito?

May kung anong nararamdaman ako loob ko. It was strange. Para kasi akong kinakabahan. I don’t know if this is just me not moving on what just my dad said or it’s something that this man approaching us is making me feel.

This guy is wearing long sleeves in white, and it was tucked into his black chinos. Hapit na hapit iyon sa katawan niya, parang ipinasadya itong ginawa para sa kanya. From his physique, you can tell that he’s been working out for at least three days a week. Hindi niya ibinaba ang kaniyang tingin sa akin habang naglalakad siya papalapit sa kinauupuan ko.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay nakatitig pa rin siya sa akin kaya inilihis ko ang aking tingin. I was almost lost with his deep brown eyes. Kaya bigla-bigla na lamang akong napatayo. Mas matangkad siya sa akin. Hanggang dibdib lang niya ako kaya itinaas ko ang ulo ko para magkapantay kami ng tingin.

And of course, his signature messy hair.

“Mauveine, it’s nice to see you again.” He said to me. Sabi iyon ng lalaking gustong ipakasal sa akin ni dad.

“It’s y-you, Mikael.” halos nauutal kong sabi sa kanya.

“It’s okay.” Panimula niya. “I’m willing to love you…”

Sa sinabi niyang iyon ay biglang nagwala ang puso ko.

Love agad?! Nahihibang na ba siya o ano?

It’s for the sake of me and our empire I can’t say no, but it does not mean that I don’t have the rights to say of what I truly feel.

“But I am unwilling to love you!”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
midn8ght
I'm really excited about how this story will turn out....
goodnovel comment avatar
midn8ght
Mauveine is really serious about her not wanting to marry a man she doesn't love, and now she's getting married to one. I hope Mikael treats her well....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status