Share

Chapter 7

Thunder's POV

Sinabi ko naman sayo, Jewel pagsisisihan mong nagpakasal ka sa akin - bulong ko sa sarili habang nakatitig sa dinaanan ng asawa.

Noong una akala ko ay bibigay na ito agad sa akin pero laking gulat niya ng hindi man lang ito tumugon sa mga halik at mas ikinagulat niya pa ng bigla siya nitong itulak. Kung siguro kung ibang babae lang ang asawa ay hindi ito tatanggi sa kanya kusa pa itong magpapaubaya.

Hindi ako nakaramdam ni katiting na pagsisisi sa ginawa ko. Ang nasa isip ko lang ay simula ng kinasal kami ay gagawin kung miserable ang buhay nito. Lahat ginagawa ko na dito ang saktan sa mga salita, ang sigawan at pagbuhatan ng kamay para kusa na itong sumuko at pinipiling umalis na lang, pero sadyang matatag ang babae para manatili pa rin kahit na gano'n na ang ginagawa nito sa kanya.

Maya maya pa ay narinig niyang may nag doorbell, nagtaka naman qko kung sino naman ang pupunta sa bahay namin ng ganitong oras. Agad akong nagtungo sa pintuan para buksan at tingnan ko sino 'yon.

Pagbukas na pagbukas niya ay bumungad agad sa kanya ang mga mukha ng magulang. Mabilis niya namang hinalikan sa pisngi ang mga ito.

"Mom, Dad! Anong ginagawa niyo rito? Bakit hindi kayo tumawag? Come in." bakas sa mukha ko ang kaba, mabuti na lang at hindi kami naabutan nito na nasa gano'ng scenario

"Ito kasing mommy mo nagpupumilit, gusto daw makita si Jewel." aniya ng daddy ko.

Tumingin naman ako sa aking ina at tinaasan lang ako nito ng kilay. "Oh bakit? Huwag mong sabihin na bawal na kaming bumisita porket kasal kana! I just miss Jewel. Where is she?"

"Nasa taas, tatawagin ko lang muna siya." kako sabay akyat ngunit nasa ikalawang baitang pa lang ako ng hagdan ng makita kung pababa ang asawa.

Mabilis ko itong nilapitan at hinawakan na ikinagulat niya naman. "B-bakit?" utal na tanong nito

"Mom and Dad is here, kaya makisama ka." maiksing anas ko.

Sabay kaming bumaba patungo sa sofa at nadatnan namin ang mag-asawa na nakaupo do'n. At ng mapansin kami ni mommy ay agad siyang tumayo niyakap si Jewel.

"I miss you iha," aniya sabay yakap dito

Niyakap din naman ito ng dalaga at ngumiti. "Namiss ko din po kayong dalawa mommy,daddy. Ginabi yata kayo? Dito ba kayo matutulog?" tanong nito

Agad naman umiling ang ginang. "Dumaan lang talaga kami dito, galing kasi kami sa isang conference."

"And then? Spill it mom." diretsong turan ni Thunder

"Your tita Celestine is here in the Philippines. She's inviting us for lunch tomorrow." my dad answered.

"We will be going." usal ko.

"Kamusta naman ka-" napahinto naman ang ginang sa sasabihin at matamang nakatingin kay Jewel. " Wait iha, umiyak kaba?"

"Hindi po mommy, nakakaiyak kasi 'yong pinapanood ko na K-drama kanina." bulalas nito

Tumango tango naman ang ginang. "Hindi ka naman sinasaktan nitong asawa mo?" biglang tanong nito

Agad naman akong napatingin sa asawa ko dahil sa tanong ni mommy. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka magsumbong ito.

Nakita ko naman na mabilis umiling si Jewel. "Naku mom hindi po. Sa katunayan nga maalaga at mapagmahal si Thunder."

Nagulat naman ang binata dahil hindi niya inakalang pagtatakpan pa rin siya ng asawa kahit na hindi maganda ang trato nito sa kanya.

"Mom! Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Magagawa ko ba 'yon sa asawa ko? Syempre hindi, right babe?" segunda ko naman at agad na hinalikan sa pisngi si Jewel.

Napangiti naman ang mag asawa dahil sa narinig.

"Look at them hon, they are so sweet right? Hindi tayo nagkamali na ipakasal sila. Bagay na bagay sila at halatang mahal nila ang isa't isa." aniya ng mommy ko at bumaling ulit sa aming dalawa.

"Akala ko sinasaktan ka ng anak ko eh. Malilintikan talaga 'yan sa akin. Don't hesitate to tell me kapag sinaktan o pinaiyak ka ni Thunder ha." dagdag pa nito na pinandilatan pa ang anak

"Son," seryosong tawag ng ama nito kat Thunder. "Wala pa ba kaming apo? Alam mo na hindi na kami bumabata."

"Your dad is right son, isang taon na kayong kasal wala ba kayong balak bigyan kami ng apo?" segunda naman ng ina nito

Halos mabilaukan si Jewel sa narinig kahit wala naman itong kinakain, hindi niya rin maiwasan ang hindi mamula dahil sa mga narinig.

"Dad/mom! Tingnan niyo ang asawa ko nahihiya na tuloy dahil sa pinagsasabi niyo. Don't worry we are working on it." sagot ko naman na lalong nagpamula sa asawa ko.

Natawa naman ang mag asawa dahil do'n. Nagtagal pa sila ng halos isang oras bago tuluyan ng umalis.

Nang makaalis na ang mga magulang ko ay agad na akong pumasok sa loob ng hindi man lang hinihintay si Jewel, nakita ko naman na agad din itong sumunod.

Paakyat na sana ako ng bigla akong tawagin ng asawa ko. Agad ko naman itong nilingon. "What now?" bored na usal ko. Naiirita talaga ako sa boses at presensiya niya.

"Ahm, ano k-kasi. Kailangan ko bang sumama bukas?" nagdadalawang isip na tanong nito

"Obcourse you need to! We are married right? Ano na lang ang sasabihin ni Tita Celestine pag hindi ka sumama? Gamitin mo nga 'yang utak mo." palatak ko at tuluyan ng umakyat sa taas.

Jewel POV

Napabuntong hininga na lang ako dahil  sa inasta ni Thunder at di nagtagal ay sumunod na rin ako sa asawa ko para umakyat.

Habang nasa kwarto na ako ay hindi ako makapakali, kanina pa ako nasa harap ng aking closet at naghahanap ng maisusuot para sa lunch na gaganapin bukas. Ayaw ko naman na magmukhang basahan sa harap ng pamilya ng asawa ko kahit na close ako sa buong pamilya nito. Ayaw kung mapahiya ang asawa ko kaya gusto kung paghandaan ang pupuntahan nila bukas.

Habang naghahanap ako ng babagay sa akin na damit ay nahagip ng mga mata ko ang isang pink na floral dress agad ko itong kinuha para isukat, humarap ako sa salamin simple lang ito at bagay sa akin kaya napagdesisyunan kung ito na lang ang suotin bukas.

Inayos niya ko pa ang mga kakailanganin kung gamitin bukas para hindi na ako maghanap pa. Ayaw kung mainip ang asawa ko at magalit na naman sa akin kapag naging mabagal ako.

Hindi ko alam kung bakit gusto kung paghandaan ang lunch na magaganap kinabukasan. Nakakaramdam ako ng excitement dahil alam kung kahit papaano o pagpapanggap lang ay magiging mabait at sweet sa akin si Thunder lalo na sa harap ng pamilya nito.

Napatingin ako sa orasan at nakitang mag aalas diyes na ng gabi. Mukhang natagalan ako pagpili ng susuotin at pag aayos ng mga kailangan ko kaya inabot ako ng ganitong oras.

Agad ko namang inayos ang aking kama para makapagpahinga na dahil nakakaramdam na din ako ng antok at maaga pa akong gigising kinabukasan para magluto ng aming almusal. Alam kung hindi aalis si Thunder dahil may pupuntahan sila.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
James Austin
ganyan vha talaga magmahal nka ka tanga
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay iwan tangang pag ibig
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status