Share

Unwanted Marriage
Unwanted Marriage
Author: sung_sungie

Chapter 1

Author: sung_sungie
last update Huling Na-update: 2023-05-01 10:17:27

[FLORENCE's POV]

Nakahanda na ang mga pagkain na niluto ko para sa almusal.

Excited na akong matikman 'to ng asawa ko dahil sinarapan ko talaga ang pagkakaluto. Ganun narin sa pagtimpla ng kape.

Nung isang araw kasi ay napagalitan nya ako dahil wala daw lasa yung kapeng tinimpla ko.

Kaya ngayon, sinigurado ko na hindi ito masyadong matamis at meron ring lasa na tiyak na magugustuhan nya.

Napangiti ako ng malapad nang makita ang asawa kong si Gavin na papasok sa kusina.

Padabog syang umupo sa upuan at agad na uminom ng kape sa tasa.

Ngumiti ako dahil alam kong magugustuhan nya iyon, pero mali ata ang hinala ko dahil agad kong napansin ang pag kunot ng noo nya kasunod ng malakas nyang pagsigaw.

"Pwe! Ano ba 'to?! Bakit masyadong matapang ang kape ko?!" galit nyang tanong at nanlilisik ang matang tumingin saakin.

Napakurap ako at natigilan. Matapang? Hindi naman ah? Sa pagkakatanda ko ay sakto lang ang asukal at kape na nilagay ko.

"Bakit matapang?" tanong ko pabalik sakanya.

Sinamaan nya ako ng tigin at padabog paring tumayo. Tinapon nya rin yung kape sa lamesa at sahig.

"Nagtatanong ka pa talaga? Tanga ka ba?! Hindi na nga lang ako dito kakain ng almusal! Walang kwenta!"

"Pero Gavin," astang pipigilan ko na sana sya pero hindi na nya ako pinansin kaya wala na rin akong nagawa. Tuloy-tuloy syang naglakad palabas ng kusina.

Nilingon ko ang mga pagkaing niluto ko at biglang nanlumo.

I made these all for him pero ako rin pala ang kakain ng lahat ng ito.

Pilit na lamang akong ngumiti.

Kumuha ako ng basahan at nilinis na yung sahig. Inayos ko rin yung mesa at mag-isang kumain.

Malalim na napabuntong hininga ako.

Kailan kaya kami kakain ng masaya at hindi nya nilalait yung niluto ko?

At kailan rin kaya kami kakain ng sabay?

"HOY! AALIS NA AKO!" Rinig kong sigaw ni Gavin mula sa pintuan.

Dinalian ko ang pagbabalot sa lunch box na ipapabaon ko sakanya at dali-daling tumakbo papuntang sala.

Nang maabutan sya ay pinahid ko pa ang pawis sa noo ko. I smiled before offering him the lunch box.

"Oh, heto ang baon mo, adobong manok." Nakangiti kong sabi.

Lumipas ang ilang minuto ay mukhang wala syang balak kunin yun. Nangangalay na rin ang kanang braso ko kaya nagsimula na akong magtanong.

"Ayaw mo ba?" kinakabahan kong tanong. Tinapunan nya ako ng masamang tingin.

"Ano sa tingin mo? Malay ko ba kung anong nilagay mo dyan sa niluto mo?" mapanuya nyang sabi.

Bahagya akong napayuko.

Pwede naman nyang sabihing ayaw nya ng hindi nanlalait 'diba? Kailangan ba talagang sabihin pa 'yon?

Pumeke ako ng ngiti.

"Sabi ko nga, ayaw mo."

Nilapag ko nalang sa counter table yung lunch box.

Muli akong lumapit sa kanya at inayos ang suot nyang necktie. Marahan ko ring pinagpagan ang coat nyang suot. Bigla akong nagulat ng malakas nyang tampalin ang kamay ko at tinulak ako palayo.

Muntik na akong mawalan ng balanse, mabuti na lamang at napigilan kong matumba.

"Huwag ka ngang lumapit saakin!" He shouted.

Sa takot ay bigla akong nanginig.

"I-Im sorry.." Naiiyak kong sabi.

Saglit akong yumuko at maya-maya'y muling tumingin sakanya. I force a smile.

"Sige, ingat ka sa pag-trabaho. H-Have a nice day!"

I wave my hand at patakbong bumalik sa kusina.

Nang makaalis sya ay nilibang ko nalang ang sarili ko sa paglilinis.

Naglaba ako, pinalitan ang mga kurtina at nagwalis. Mula sa kwarto ko at sa kwarto ni Gavin (magkaiba ang kwarto namin dahil ayaw nya kaming magtabi) hanggang sa kusina at sa sala, lahat ay sinigurado kong malinis.

Nag walis rin ako ng mga tuyong dahon sa labas kaya ng matapos ay agad akong nahiga sa sofa.

Being a house wife is so tiring.

Dala narin siguro ng pagod ko ay agad akong nakatulog pagkapikit ng mga mata ko.

NAPABALIKWAS ako ng bangon ng sa gitna ng mahimbing kong pagtutulog ay biglang may bumato saakin ng upuan.

Gulat na napatingin ako kay Gavin sa ginawa nya. He looks so angry. Nanlilisik ang mga mata nya at halatang gusto akong saktan.

Lihim akong napadaing ng maramdaman ang pananakit ng braso ko. But I still manage to sit properly on the sofa para makausap sya ng maayos.

"Gavin," I called him.

He just glared at me.

"Ganyan ba ang gawain ng matinong asawa? Nagugutom na yung asawa mo oh, pagod na pagod ako galing trabaho tapos maaabutan kong nakahiga ka lang dyan?"

I slightly bow my head. I want to explain myself, but I guess it's better not to.

"P-Pasensya na. Gusto mo bang imasahe kita? Anong gusto mong ulam?"

Lumapit ako sa kanya at sinimulang imasahe ang balikat nya. Pero agad nya rin 'yon inalis at malakas akong tinulak dahilan para muli akong mapaupo sa sofa. Dinuro nya ako.

"Dyan ka na nga lang! Walang kwenta!"

Tinapon nya saakin yung suit nya at pumanhik sa taas.

Napahawak ako sa mata ko ng may maramdaman akong tumulo doon.

"W-Why.. Why am I crying?" I asked.

Muli akong tumingin kay Gavin at mapait na ngumiti.

I hope someday you'll love me back. Kahit hindi bilang asawa, kundi bilang babae lang.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Tess Castillo
kaya nga prang ang mga wirter ng Goodnovel puro masokista ano.........
goodnovel comment avatar
Imelda Caranagan
martyr na nmn ang story nato
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Unwanted Marriage    Chapter 2

    KinabukasanPagkatapos na pagkatapos naming mag-almusal ni Gavin ay agad akong bumalik sa kwarto ko para maligo at magbihis.Napansin ko kasing nauubusan na kami ng stocks ng shampoo, sabon, so I decided to go to the mall today.Wala naman akong masyadong gagawin ngayong araw at hindi rin kasi ako nakapag grocery last weekend so naisipan kong ngayon nalang yun gawin.Nang makapag-ayos ay bumaba na ako sa sala at naabutan si Gavin na tahimik na nagbabasa ng dyaryo.Nagdadalawang isip pa ako kung magpapaalam ba ako na aalis o hindi,pero nagkusa narin ang mga paa kong lumapit sa kanya kaya wala na akong ibang nagawa.Tumikhim muna ako bago nagsalita."Gavin, aalis pala ako ngayon." paalam ko.Hindi sya tumingin saakin at nilipat lang sa kabilang pahina ang binabasa nya na parang hindi man lang ako narinig.Mukhang wala naman syang pakealam kung umalis ako o hindi. Dapat siguro dire-diretsyo nalang akong umalis.Bigla akong nakaramdam ng matinding panlulumo.Nakakalungkot namang isipin

    Huling Na-update : 2023-05-01
  • Unwanted Marriage    Chapter 3

    Katulad ng sinabi ni Gavin, dumating nga si tito Oscar sa bahay ngayong araw.Mga pasado alas dyes na sya dumating kaya nag handa narin ako sa pagluluto ng tanghalian namin.I cooked menudo and kare-kare.Gusto ko sanang lutuin yung isa pang paborito ni Gavin pero baka hindi na naman namin maubos kaya sayang lang.Kagaya kahapon. Hindi naubos yung niluto ko kaya pinamigay ko nalang sa kapit bahay namin.Mababait naman kasi sila at minsan, sa twing may selebrasyon ay iniimbinta rin nila kami.Nakaupo kami ngayon sa hapagkainan dito sa kusina.Tumabi saakin si Gavin ngayon dahil nga nandito si tito Oscar. Siguro nagtataka rin kayo kung ba't tito ang tawag ko sakanya at hindi daddy.I know I'm being martyr here.Kahit gustuhin ko man kasi o kaya meron akong karapatan para dun, hindi ko nalang ginagawa dahil alam kong magagalit saakin si Gavin.Alam ko rin na arrange lang naman 'tong marriage namin kaya mas mabuting wag nalang gawing komplikado ang lahat.I don't want to make Gavin mad at

    Huling Na-update : 2023-05-01
  • Unwanted Marriage    Chapter 4

    Simpleng dilaw na lagpas tuhod na bistida ang naisipan kong isuot ng magpaalam ako kina Tito at Gavin na may pupuntahan ako.Hindi pa naman sila tapos sa pinag-uusapan nila kaya pumayag na si Tito.While Gavin? I don't know, mukhang wala naman syang pake kung umalis man ako ng hindi nagpapaalam. It's just like I'm nothing for him. Ayoko mang masaktan pero nalulungkot talaga ako.Nang makarating sa coffee shop kung saan kami magkikita-kita nila Bryan, agad akong nagbayad sa taxi na sinasakyan ko at bumaba na.Nakita ko agad ang dalawang kababata ko dahil transparent ang salamin ng coffee shop.They are patiently waiting for me kaya naman wala na akong sinayang na oras at agad na silang nilapitan.Napatingin silang dalawa ng makita ako. "Omy, Florence, is that you?"Hindi makapaniwalang tanong ni Alea at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.Medyo nahiya naman ako sa ginawa nya. It doesn't look like she's degrading me. Pero ewan, nahihiya talaga ako. Siguro dahil ngayon na naman kami

    Huling Na-update : 2023-05-01
  • Unwanted Marriage    Chapter 5

    Sabado ngayon.Nasa opisina si Gavin kaya naisipan kong dalawin sya.Bibisitahin ko sya para dalhan sya ng pagkain na niluto ko. Hindi na kasi nya nahintay kanina dahil late narin akong nagising.So ayun, ako nalang magdadala nito sakanya sa office para naman dagdag effort.Pero kahit naman sobrahan ko ang effort ko, hindi ko naman yun isusumbat sa kanya.Para saan pa? Mas lalo lang syang magagalit saakin pag ganun. At ang effort na ginagawa ng kusa, hindi dapat isinusumbat."Excuse me miss? Sino sila?"May isang matangkad na babae ang humarang saakin ng astang kakatok na ako sa office ni Gavin.May hawak syang plastic bag na hula ko ay naglalaman rin ng pagkain.I don't know this girl pero pamilyar saakin ang mukha nya. Minsan narin syang dumalaw sa bahay namin ni Gavin at may pinapermahan."Miss? Sino ho sila? Anong kailangan mo kay sir Gavin?" Ulit nyang tanong.I blink when she called my husband, sir.Siguro ay sya ang sekretarya nito at dahil lunch na, nagpabili sya dito ng pagka

    Huling Na-update : 2023-05-05
  • Unwanted Marriage    Chapter 6

    "Oh anak, napabisita ka?"Hindi ko agad sinagot ang tanong ni mama at agad syang sinalubong ng yakap nang pagbuksan nya ako ng gate sa luma naming bahay.Pakiramdam ko ay naibsan kahit papaano ang lungkot na nararamdaman ko nang mayakap sya.I really missed her so much.Simula pa nung bata ako ay lagi akong napapanatag kapag yakap ko sya. Mabuti nalang at naisipan kong pumunta dito para bisitahin sya ngayon."Florence, anak. Ba't napadalaw ka? Nasaan si Gavin? Kasama mo ba?" Sunod-sunod nyang tanong. Dalawang beses akong umiling bilang sagot."Hindi po mama, mag-isa lang po akong pumunta dito." I tightened the hug. "Na miss ko po kayo, mama. Sobra." I said.Kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ay alam kong nakangiti sya saakin ngayon.After a minute, humiwalay na ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya."Halika, tumuloy ka muna sa loob."Dala-dala parin ang lunch box na ibibigay ko sana kay Gavin kanina ay pumasok na ako sa gate ng luma naming bahay.Ang bahay namin na tinutukoy ko a

    Huling Na-update : 2023-05-09
  • Unwanted Marriage    Chapter 7

    Kanina pa kami nakauwi ni Gavin galing sa lumang bahay.Kanina narin ako bahing nang bahing dahil sa muntik ko ng pagkalunod sa pond.Kung tinatanong nyo ako kung nagalit ba ako kay Gavin dahil sa ginawa nya, ang sagot ko ay hindi.Bakit? Ewan ko rin.Kapag ba nagalit ako sakanya, magiging ayos na kami? Muntik na nya akong ilunod sa pond, hindi pa ako galit sakanya. Paano pa kaya kung galit na ako? Baka mas malala pa ang gawin nya saakin kung ganun.Alam ko naman na hindi nya yun sinasadya eh.Siguro ay nadala lang sya ng galit nya. He said his life gone chaos because of me, and even if it sounds crazy, I felt sorry for him because of that."Achoo!"Muli na naman akong napabahing kaya napagpasyahan kong uminom na ng gamot.Pakiramdam ko ay magkakasakit rin ako.Ayoko naman mag-aalala saakin si Gavin dahil lang sa may sakit ako. Mag-aalala nga ba sya?Pero 'diba kapag nagkasakit ako, mahihirapan akong ipagluto sya? Paano nalang yung responsibilidad ko bilang asawa nya kapag nagkasakit

    Huling Na-update : 2023-05-09
  • Unwanted Marriage    Chapter 8

    Pagkababang pagkababa ko sa tapat ng coffee shop ay agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Alea.Si Bryan naman ay nanatili lang nakatayo sa tabi namin habang nakangiti.May suot syang jacket katulad namin ni Alea. Tama nga sya, malamig ang panahon ngayong gabi. Mabuti nalang talaga at pinahiram ako ng jacket ni Gavin."Namiss agad kita!" Alea giggled.Nakayakap parin sya saakin na akala mo ay wala ng bukas na darating."Hindi mo naman ata ako papatayin sa higpit ng pagkakayakap mo 'no?" Pabiro kong tanong na agad nyang ikinakalas sa pagkayakap. She looks at me and pout."Grabe, namiss lang naman kita pinag-iisipan mo na ako ng masama. Masama na bang yakapin ang best friend mo ngayon?" She asked, acting like she's hurt.Kunwaring napaisip naman ako sa isasagot sakanya."Kung may plano ka talagang i-murder ang best friend mo, masama talaga yun." I answered in a matter of fact tone.Mas lalo syang napanguso at kinurot yung tagiliran ko. Natawa nalang ako sa naging reaksyon nya. N

    Huling Na-update : 2023-05-09
  • Unwanted Marriage    Chapter 9

    7 days laterSa mga sumunod na araw, pinag-igihan ko talaga ang pagta-trabaho sa isang Japanese inspired coffee shop.Ngayong araw na kasi ang pangatlong anibersaryo namin ni Gavin and just like what I planned, nag-trabaho ako para makapag-ipon ng regalo para sakanya.Nag-absent rin ako ngayon sa trabaho para paghandaan ang araw na ito.Nung mga nakaraang araw, as usual cold parin ang treatment saakin ni Gavin. Ni hindi nya nga napansin na may sugat ako sa noo o sadyang hindi nya lang talaga pinansin dahil wala nga syang pakealam saakin.Pwede ring hindi nya napansin dahil maliit rin lang naman yung sugat na nakuha ko dahil sa hindi sinasadyang pagtulak nya saakin.Maayos narin naman ang sugat ko ngayon at hindi ito masyadong pansin dahil natatakpan ito ng ilang buhok ko.Habang naglalakad ay nilipat ko ang hawak kong cellphone sa kabila kong tenga habang pinapakinggan ang sinasabi ni Alea."O Florence, ano na? Nakuha mo na ba yung cake na pinagawa mo kanina?" She asked, pertaining to

    Huling Na-update : 2023-05-09

Pinakabagong kabanata

  • Unwanted Marriage    Chapter 51

    [FLORENCE's POV]I already talked to Gavina over the phone and she told me something when I asked her if she noticed something going on between her tita Alea and tito Bryan.Sinabi nya saakin na noong isang linggo daw ay merong kasamang ibang lalaki ang tita Alea nya at yung dalawa daw ang nagbantay sakanya noon kaya nang makita ito ni Bryan ay panay daw ang tanong sakanya nito kung ito daw ba ang bagong boyfriend ng tita Alea nya. Nang itanong nya kung bakit, hindi daw sumagot agad ang tito Bryan nya. Gavina said she thinks her tito Bryan likes her tita Alea. I asked her why she thought about that and she answered, “It’s because tito Bryan cares for tita Alea even though tita always scolds him.”Tama ang hinala ko na merong gusto si Bryan kay Alea. Pati ang anak ko ay nahalata ito. But it seems like Alea also likes him. Bakit hindi pa sila nagkakaaminan na dalawa? Dahil ba sa natatakot sila na baka masira ang pagkakaibigan nilang dalawa at maipit ako sa kung sino ang kakampihan kapag

  • Unwanted Marriage    Chapter 50

    Days have passed quickly, it's already our last day on the hotel.Pinuntahan namin ni Gavin ang mga lugar na gusto naming puntahan. Pumunta kami sa Museum at kumuha rin kami ng maraming pictures para sa memories. Naging maayos ang isang linggo naming bakasyon sa Canda at talagang sinulit namin iyon.Pagkabalik naming dalawa sa Pilipinas, binigyan namin ng pasalubong sina Gavina, Alea, Bryan pati narin yung mga bata sa lumang bahay at ang parents namin.Isang linggong nawala sa trabaho si Gavin kaya pagkabalik sa Pilipinas ay diretsyo agad sya sa opisina. Marami daw kasi syang kailangang asikasuhin. Naawa tuloy ako kasi kagagaling nya lang sa bakasyon pero balik trabaho nanaman. I told him na baka pwedeng bukas nalang sya bumalik sa trabaho pero sabi nya hindi na daw nya pwedeng ipagpabukas yun.Habang nasa opisina si Gavin at nagpaiwan naman sa lumang bahay si Gavina, napagdesisyonan namin nila Bryan at Alea na gumalang tatlo. Ito ang unang beses na gagala kami na kaming tatlo lang si

  • Unwanted Marriage    Chapter 49

    Carl Jonathan.That name is so familiar. Parang narinig ko na ang pangalan na yun noon pa man pero hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig at kung kailan. Baka rin nagiging oa lang ako dahil marami namang tao sa mundo na Carl Jonathan ang pangalan. Baka nga pamilyar lang yun saakin dahil meron akong kaklase noon na ganun rin ang pangalan, pero kasi nang magpakilala saakin ang lalaki, pakiramdam ko ay hindi iyon ang unang beses na nagpakilala sya saakin.Parang nangyari narin iyon noon pero hindi ko lang masyadong matandaan.Did we meet each other before? That's what I wanted to ask him, pero dahil kailangan ko ng pumunta sa banyo at ayaw kong paghintayin si Gavin ng matagal ay nag excuse lamang ako sakanya at iniwan na sya doon.I don't wanna think about him. I also don't wanna think kung nagkita na ba kami dati bukod sa pagkikita namin sa restaurant kanina pero hindi ko mapigilan dahil sa t'wing iniisip ko na 'wag ko syang iisipin ay naiisip ko parin sya. His face.. i just realiz

  • Unwanted Marriage    Chapter 48

    Maganda at malinis ang hotel na napili ni Gavin kung saan kami mananatili sa loob ng isang linggo. Meron itong malaking bintana na tanaw na tanaw ang mga sasakyan sa ibaba pati narin ang mga nagtataasang building sa buong lugar. Maganda ang tanawin doon lalo na kapag gabi. Dahil nakakain na kaming dalawa ni Gavin ay ang una naming ginawa pagkadating sa hotel ay matulog.Pareho kaming nagising bandang alas tres na ng hapon. Naligo kami at nagbihis, pupunta kasi kaming sinehan dahil maganda daw ang mga pelikula na pinapalabas ngayon.I’m not actually fond of not anime-related movies. Masyado akong nasanay sa Japan na nanonood ng anime kaya huli na ako sa mga pelikula na sumikat noon. Si Gavin ay hindi rin naman masyadong mahilig manood ng mga movies kaya ngayong araw ay napagkasunduan naming dalawa na gawin ang mga hindi namin hilig na gawin nang sabay.Pagdating sa sinehan, ako ang pinapili ni Gavin sa kung ano ang papanoorin namin. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko pero sigurado na

  • Unwanted Marriage    Chapter 47

    Sa loob ng halos tatlong minuto, para akong mabingi sa katahimikan na bumalot sa paligid pagkaalis ng babae at pagkatapos nun ay dumating ang asawa ko galing sa banyo at nakita kami ng lalaki na nakatayo doon na parang tanga. Nang magtama ang paningin namin ni Gavin ay agad kong inagaw ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakakapit nung lalaki na dapat ay kanina ko pa ginawa. Totoo na nawalan ako ng lakas kanina kaya hindi ko agad ito naalis. Ngayon ko lang nagawa dahil ngayon lang ako muling nakabawi. But I don't want to speak as I don't want Gavin to think that I am just starting to make an excuses. Naglakad sya palapit saamin, sinalubong ko sya at sinabit ang dalawang kamay ko sa braso nya."Gavin..." I called him.I know that I said I don't want to speak up dahil magtutunog lang yun na parang palusot pero mas pinili ko parin magsalita dahil ayaw kong mag-isip ng kung ano si Gavin. I wanted to explain to him that what he saw was only a misunderstanding, but he didn't let me finish m

  • Unwanted Marriage    Chapter 46

    The next day, bumyahe kami ni Gavin papuntang airport para sa flight namin papuntang Canada. Gavina was pouting, complaining that she wants to come with us as well pero sinabi sakanya ni Gavin na isang linggo lang naman kaming dalawa mawawala at pagbalik namin ay marami syang pasalubong para dito. I also saw him whispering something in our daughter’s ear, making Jayel’s eyes sparkle with excitement at hindi na nagpumilit pang sumama saamin.“Ano bang binulong mo kay Gavina kanina?” takang tanong ko kay Gavin nang makapasok kaming dalawa sa eroplano at makaupo sa upuan malapit sa may likuran. It’s been 3 hours since we left the house and said our farewell to Gavina pero ngayon ko lang naisipan na itanong sakanya kung ano ang binulong nya dito.“It’s a secret between us sweetie, you don’t need to know about it.” he answered with a teasing smile Agad na tumaas ang isang kilay ko sa narinig at mas lalong napaisip. Why do they need to keep it from me? Tungkol ba saakin ang sekreto nila? A

  • Unwanted Marriage    Chapter 45

    Just like the afternoon came after the morning, and after the sun sets down comes the evening, mabilis na natapos ang selebrasyon ng kasal namin ni Gavin.Napagpasyahan naming dalawa na sa bahay nila matutulog kasama si Gavina dahil bukas ay babyahe naman kami papuntang Canada para sa quality time namin.The house is big kagaya sa lumang bahay kung saan ako lumaki. Marami na ang handa sa reception kanina pero maging dito sa bahay nila ay marami paring handa.Sumama saamin si Alea dahil may pag-uusapan daw silang importante ni ate Kath. Gusto ko sana syang samahan pero hindi iyon nangyari dahil agad akong pumasok sa kwarto ni Gavin para maligo dahil kanina pa ako naiinitan dahil sa suot kong gown.Nagbabad ako sa bathtub ng sampung minuto at pinikit ang mata ko bago nagsabon at naligo ng maayos. Pagkatapos ay nagbihis ako ng damit pantulog at pinunasan ang basa kong buhok gamit ang maliit na twalya.I feel fresh and clean.Nangalay ang kamay ko sa pagpupunas kaya agad rin akong tumigil

  • Unwanted Marriage    Chapter 44

    Hindi na ata matigil ang puso ko sa sobrang bilis ng pagkabog. Bumukas ang higanteng pintuan ng simbahan at agad na sumalubong saakin ang mahabang red carpet na kailangan kong daanan.Nakatayo sa kanan ko si mommy habang nasa kaliwa ko naman si daddy. May hawak hawak akong isang dosenang blue roses na napakagandang tignan.Nakakakaba.Hindi naman ito ang unang beses na ikakasal ako kay Gavin pero pakiramdam ko ay ito ang pinakauna. I spent my years thinking if one day, this dream would happen again for the second time, at ngayong nandito na nga ako ay wala akong ibang magawa kundi ang maiyak dahil sa tuwa.Nagsimula na kaming humakbang sa may red carpet at kasabay nun ang pag tugtog ng isang instrumental sa loob ng simbahan.Hindi pamilyar ang tugtog saakin pero masarap itong pakinggan sa tenga.Lahat ng mata ng aming mga bisita ay nakatutoksaamin ngayon, lalong-lalo na saakin kaya mas lalong lumakas ang pag kabog ng puso ko.Ganito pala ang pakiramdam na naglalakad ka sa gitna ng ma

  • Unwanted Marriage    Chapter 43

    Pagkaubos ng lahat ng mga pagkain sa mesa ay nagpahinga muna kaming tatlo saglit bago bumalik sa kotse at nagpatuloy sa pag byahe papunta sa dati naming bahay ni Gavin.Doon parin sya umuuwi bago sya pumunta sa Japan. He told me that he's hoping that one day I would go back there so he didn't move to other place at doon parin natutulog at patuloy akong hinihintay. I suddenly felt guilty pero agad ko rin inalis ang ideyang iyon sa isipan ko dahil ang mahalaga ay magkakasama na kaming tatlo ngayon nila Gavina. I promise to myself that I won't let anything or anyone break the three of us apart again. Having the two of them is my joy and I don't want anyone to take them away from me.Medyo madilim na ang kalangitan nang makarating kami sa aming destinasyon.Buhat-buhat ni Gavin si Gavina dahil napagod ito sa mahabang byahe.Ako na ang nagbukas ng gate para sakanila.I asked Gavin if he has the key with him at binigay nya naman agad saakin yung susi kaya madali kong nabuksan yung pinto.An

DMCA.com Protection Status