Share

Special Chapter 1

Author: Totoy
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

NAPANGIWI si Zymon nang dahan-dahan niyang imulat ang kaniyang mga mata dahil sa pagkirot ng ulo niya kaya nasapo niya iyon. Naramdaman din niya ang mabigat na pakiramdam at bahagyang pagkahilo. Marahan siyang gumalaw para isandal ang katawan sa headboard ng kama dahil pakiramdam niya'y matutumba pa siya kapag pinilit niyang tumayo.

Inalis niya ang kumot sa katawan niya dahil nakakaramdam na siya ng init at pamamawis ng kaniyang katawan dahil sa gamot na ininom niya nang nagdaang gabi. Lumingon siya sa side table at nakita niya ang tray na may baso at ang ilang lagayan ng gamot doon. Kumunot ang noo niya habang nagtataka siya kung sino'ng nag-alaga sa kaniya.

Napangiwi siya at marahang napapikit nang muling kumirot ang ulo niya. Kapagkuwa'y agad din siyang napamulat nang maalala niya ang lahat bago siya nakatulog. "Monica?" mahinang bulong niya sa pangalan nito. Naalala niyang bago siya nakatulog ay ito ang kasama niya. Bumaling siya sa paligid at ganoon na lang ang gulat niya nang ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Anu bang Kay shy Zymon at naging responsibilidad mo Siya ngayon, niloloko ka lang Naman, Kong kailan handa ka nang ipaglaban ni Monica ikaw naman ito Ang Hindi
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ano na nman bang sitwasyon meron kayo ni Shy Zymon eh nakipaghalikan n nga un kay Ronie baka buntis c Shy at c Ronie ang ama.........
goodnovel comment avatar
Juliano Caracas Jr.
Zymon Ano ba yn Bkt ba ngppauto ka jn ky shy niloloko ka ng malanding yn mapagpanggap
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 103: Laban o Suko?

    "MOMMY, bakit pa kanina pa kayong tahimik? Ok lang po ba kayo?" tanong ni Princess kay Monica habang tahimik lang siyang nakatingin sa monitor na nasa harap niya. Kababalik lang niya sa shop 'pagkatapos niyang sunduin ang anak sa school nito. Hanggang ngayon kasi iniisip pa rin niya ang sinabi ni Zymon na komplikado na ang sitwasyon para balikan pa siya nito. May nangyari ba na hindi niya alam sa isang buwan na nagdaan?Kumurap siya at agad kumurba ang pilit na ngiti sa mga labi niya nang makita niya si Princess sa harap niya. "Ayos lang si Mommy, 'nak masyado lang akong busy sa trabaho," dahilan niya para hindi ito mag-alala at malungkot para sa kaniya.Lumapit pa ito sa kaniya at niyakap siya. "Mommy kailan po ba tayo babalik sa Manila? I miss my Lolo and Lola na po kasi, eh," nakanguso nitong tanong.Sumeryoso ang mukha niya. Hinimas niya ng marahan ang buhok nito. "I don't know when, Anak pero hindi pa tayo pwedeng bumalik ng Manila dahil nag-aaral ka at may trabaho si Mommy dito,

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 104: Rebelasyon

    MATAPOS mag-usap ni Monica at Aunor hinanap niya si Princess na kasama si Zymon. Napag-usapan lang nila ang darating na party para sa birthday ng ina ni Aunor na darating daw mula sa ibang bansa sa susunod na linggo. Dumeretso siya sa may pool area ng malaking bahay at nadatnan niya roon ang kaniyang anak at ang binata habang masayang naglalaro ang mga ito. Hindi agad niya nilapitan ang dalawa dahil ayaw niyang putulin ang masayang moment na iyon na nagbibigay din sa kaniya ng ligaya. Ang sarap nilang panoorin. Nakikita niya ang isang anak at ama sa mga ito.Namalayan na lang niyang nakangiti na ang mga labi niya dahil kita niya kung paano tumawa si Princess habang hinahabol ito ni Zymon. Bakas sa bata ang pananabik nito sa binata na matagal din nitong hindi nakalaro. Kapagkuwa'y bumakas ang lungkot sa mga mata niya nang maisip ang katotohanang hindi si Zymon ang ama nito. Nakaramdam pa rin siya ng panghihinayang dahil wala siyang ibang gustong maging ama nito kung 'di ang binata. Per

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 105: Nakaraan

    Nakaraan...DAHIL sa labis na sakit na naramdaman ni Zymon nang gabing iyon, nang hindi siya piliin ni Monica, agad siyang umalis sa party ng George Company at dumeretso sa isang bar para lunurin ang sarili sa alak. Wala siyang ibang gustong gawin kung 'di uminom at ibuhos ang lahat ng sakit at pagkadismayang nararamdaman niya. Umasa siyang tatanggapin siya ni Monica dahil alam niyang mahal siya nito pero hindi pa rin pala sapat ang lahat ng ginawa niya para ipaglaban siya nito.Hindi niya gustong sumuko pero kahit pala alam niya sa sarili niya na mahal niya ito, napapagod din pala ang puso kapag palagi itong nasasaktan. Durog na durog siya at hindi na nga niya alam kung paano buuuin ang pira-pirasong puso niya na nabasag. Mahirap para sa kaniya na tanggaping hindi siya kayang panindigan ni Monica sa kabila nang totoo nitong nararamdaman para sa kaniya. Wala siyang magawa dahil kahit ipaglaban niya ang nararamdaman niya, wala mangyayari kung si Monica, itinataboy siya palayo. Paano n

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 106: Pagbabalik

    HINDI alam ni Monica kung paano niya lilibangin ang isip niya para maiwasang hindi isipin ang lahat ng sinabi ni Zymon sa kaniya na tungkol sa pagbubuntis ni Shy at ito ang ama. Kahit ano'ng pilit niyang pag-iwas sa mga iyon, pilit pa rin iyon na sumisiksik sa isip niya at naapektuhan siya. Nasasaktan siya dahil alam niyang kahit ano'ng sabihin niya sa sarili para pawiin ang kirot, hindi niyon mababago ang katotohanang siya ang nagtulak sa binata para maging ganoon ito sa kaniya. Masisisi ba niya si Zymon kung napagod na ito? Isa pa, bago naman siya dumating si Shy at Zymon naman talaga ang nagmamahalan.Malungkot na hinipo niya ang puting rosas na nasa harap niya. Kanina pa ata siyang nakatitig doon habang hawak ang pang-spray sa kamay niya para hindi tuluyang malanta ang mga bulaklak. "Ate. Ate."Napapitlag siya nang maramdaman niyang may kumulbit sa balikat niya. Para siyang nagising sa pagkakatulog dahil sa malalim na kakaisip niya sa mas komplikadong sitwasyon. Handa na ba siyan

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 107: Backhug

    HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa sala ng bahay niya. Hindi siya mapakali sa kahihintay kay Princess na dumating kasama si Zymon. Kinakabahan siya na kasama ito ng binata lalo't alam niyang nandito sa Davao si Shy at ang pamilya ni Zymon. Natatakot siyang baka magsimula na naman ang gulo ng buhay nila at ayaw niyang madamay si Princess doon.Susunduin na sana niya si Princess kanina nang makatanggap siya ang text ni Zymon na huwag na raw niyang sunduin ang anak dahil ilalabas daw nito iyon. Pumayag siya roon dahil gusto rin niyang makasama ng binata si Princess pero sa kabila niyon, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan. Natatakot siya na baka malaman ni Shy na hanggang ngayon may koneksyon pa rin ang nobyo nito sa kanilang dalawa ng anak niya at alam niyang gulo ang resulta niyon.Tumingin siya sa wrist watch na suot at nakitang pasado alas-sais na ng gabi pero wala pa rin ang mga ito. Umupo siya sa sofa habang hawak ang cellphone niya dahil baka tumawag doon

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 108: Drunk

    "SIGE po, Ate mauna na po ako sa inyo," paalam ni Ria kay Monica nang sumapit ang alas-siyete ng gabi. Kailangan daw kasi nitong umuwi ng maagap dahil may sakit ang kapatid nito. Nag-angat siya rito ng tingin at tumango, saka ngumiti. Naiwan siyang mag-isa sa shop dahil ang ibang staff ay maaga ring umuwi. Pasara na rin kasi ang shop at wala na ring customer. Ilang minuto na lang at uuwi na rin siya.Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga bulaklak na nasa shelves. Maghapon siyang parang wsa sarili at halos bilang lang ang pagngiti niya. Ukupado pa rin ni Zymon ang isip niya at ang huli nilang pag-uusap. Iniisip pa lang niya na tuluyan nang ikakasal ito kay Shy, nadudurog na ang puso niya kasabay nang pagguho ng pangarap niyang muli silang magkaayos. May magagawa pa ba siya kung naiipit si Zymon sa sitwasyon? Hindi naman niya masisisi ang binata dahil marahil kung hindi siya naging duwag noon, baka hindi dumating sa puntong siya naman ang naghahabol.Pero sa kabila ng lahat, umaa

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 109: Paglaban

    HALOS hindi nakatulog si Monica nang nagdaang gabi dahil sa naging pag-uusap nila ni Zymon. Hindi pa rin niya makalimutan ang mga sinabi nito sa kaniya at nasasaktan pa rin siya dahil pakiramdam niya isa siyang kabit. Hindi niya iyon matatanggap at hindi niya kayang maging masaya sa ganoon paraan, sa lalaking ikakasal na. Hindi niya pinangarap maging isang kabit.Kung hindi man siya kayang piliin ni Zymon, wala na siyang magagawa kung 'di tanggapin na hanggang doon na lang sila kaysa ang maging masaya sa piling nito sa maling paraan. Mahirap man at masakit pero alam niyang mawawala rin iyon sa paglipas ng panahon."Ria, hindi ko nakita ang red roses sa list, have you ordered it?" tanong niya rito habang hawak ang record niya ng mga bulaklak na kailangan nilang order-inKumunot ang noo ni Ria. Tiningnan nito ang list, saka umiling. "I'm sorry, Ate pero nakalimutan ko pong ilagay sa list ang red roses," alanagan nitong sabi at ngumiti.Napailing siya. "Masyado ka atang makakalimutan, Ri

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 110: Pagtatalo

    NASAPO ni Monica ang noo niya at napabuntong-hininga nang maisip niya ang nangyari sa shop niya nang nagdaang araw. Dahil doon, alam niyang hindi na muli matatahimik ang buhay niya sa Davao dahil ba tila sinusundan siya ng mga taong dahilan ng pagiging magulo ng lahat. Hindi magiging madali sa kaniya lalo't nasa iisang lugar sila ng nga taong iyon pero hindi na rin siya papayag na maliitin at iwasan ang mga ito dahil handa na siya para ipaglaban ang sarili para sa kaniyang anak.Tapos na ang pagiging duwag niya at pagtakas sa lahat ng problema. Natuto na siya sa nakaraan, na hindi dapat takasan ang lahat ng hirap at pagsubok dahil babalik at babalik ito upang matutunan mong humarap sa hamon ng buhay at maging mas matapang at malakas. Tapos na siya sa puntong iyon at panahon na para lumaban siya.Kapagkuwa'y napapitlag siya nang maalala ang oras. Mabilis siyang tumingin sa wrist watch na suot at nakitang tanghali na. Napatayo agad siya at kinuha ang bag para lumabas ng opisina. Naalala

Pinakabagong kabanata

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Hot Special Chapter

    "THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 123: Finale

    SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 122: Paglaya

    DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 121: Bistado!

    AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 120: Unveiling

    "ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 119: Pain

    MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 118: Pagbitaw

    HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 117: Konsensiya

    HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S

  • Unveiling Mr. CEO's Daughter    Kabanata 116: Drama

    TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint

DMCA.com Protection Status