HINDI alam ni Monica kung paano niya lilibangin ang isip niya para maiwasang hindi isipin ang lahat ng sinabi ni Zymon sa kaniya na tungkol sa pagbubuntis ni Shy at ito ang ama. Kahit ano'ng pilit niyang pag-iwas sa mga iyon, pilit pa rin iyon na sumisiksik sa isip niya at naapektuhan siya. Nasasaktan siya dahil alam niyang kahit ano'ng sabihin niya sa sarili para pawiin ang kirot, hindi niyon mababago ang katotohanang siya ang nagtulak sa binata para maging ganoon ito sa kaniya. Masisisi ba niya si Zymon kung napagod na ito? Isa pa, bago naman siya dumating si Shy at Zymon naman talaga ang nagmamahalan.Malungkot na hinipo niya ang puting rosas na nasa harap niya. Kanina pa ata siyang nakatitig doon habang hawak ang pang-spray sa kamay niya para hindi tuluyang malanta ang mga bulaklak. "Ate. Ate."Napapitlag siya nang maramdaman niyang may kumulbit sa balikat niya. Para siyang nagising sa pagkakatulog dahil sa malalim na kakaisip niya sa mas komplikadong sitwasyon. Handa na ba siyan
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa sala ng bahay niya. Hindi siya mapakali sa kahihintay kay Princess na dumating kasama si Zymon. Kinakabahan siya na kasama ito ng binata lalo't alam niyang nandito sa Davao si Shy at ang pamilya ni Zymon. Natatakot siyang baka magsimula na naman ang gulo ng buhay nila at ayaw niyang madamay si Princess doon.Susunduin na sana niya si Princess kanina nang makatanggap siya ang text ni Zymon na huwag na raw niyang sunduin ang anak dahil ilalabas daw nito iyon. Pumayag siya roon dahil gusto rin niyang makasama ng binata si Princess pero sa kabila niyon, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan. Natatakot siya na baka malaman ni Shy na hanggang ngayon may koneksyon pa rin ang nobyo nito sa kanilang dalawa ng anak niya at alam niyang gulo ang resulta niyon.Tumingin siya sa wrist watch na suot at nakitang pasado alas-sais na ng gabi pero wala pa rin ang mga ito. Umupo siya sa sofa habang hawak ang cellphone niya dahil baka tumawag doon
"SIGE po, Ate mauna na po ako sa inyo," paalam ni Ria kay Monica nang sumapit ang alas-siyete ng gabi. Kailangan daw kasi nitong umuwi ng maagap dahil may sakit ang kapatid nito. Nag-angat siya rito ng tingin at tumango, saka ngumiti. Naiwan siyang mag-isa sa shop dahil ang ibang staff ay maaga ring umuwi. Pasara na rin kasi ang shop at wala na ring customer. Ilang minuto na lang at uuwi na rin siya.Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga bulaklak na nasa shelves. Maghapon siyang parang wsa sarili at halos bilang lang ang pagngiti niya. Ukupado pa rin ni Zymon ang isip niya at ang huli nilang pag-uusap. Iniisip pa lang niya na tuluyan nang ikakasal ito kay Shy, nadudurog na ang puso niya kasabay nang pagguho ng pangarap niyang muli silang magkaayos. May magagawa pa ba siya kung naiipit si Zymon sa sitwasyon? Hindi naman niya masisisi ang binata dahil marahil kung hindi siya naging duwag noon, baka hindi dumating sa puntong siya naman ang naghahabol.Pero sa kabila ng lahat, umaa
HALOS hindi nakatulog si Monica nang nagdaang gabi dahil sa naging pag-uusap nila ni Zymon. Hindi pa rin niya makalimutan ang mga sinabi nito sa kaniya at nasasaktan pa rin siya dahil pakiramdam niya isa siyang kabit. Hindi niya iyon matatanggap at hindi niya kayang maging masaya sa ganoon paraan, sa lalaking ikakasal na. Hindi niya pinangarap maging isang kabit.Kung hindi man siya kayang piliin ni Zymon, wala na siyang magagawa kung 'di tanggapin na hanggang doon na lang sila kaysa ang maging masaya sa piling nito sa maling paraan. Mahirap man at masakit pero alam niyang mawawala rin iyon sa paglipas ng panahon."Ria, hindi ko nakita ang red roses sa list, have you ordered it?" tanong niya rito habang hawak ang record niya ng mga bulaklak na kailangan nilang order-inKumunot ang noo ni Ria. Tiningnan nito ang list, saka umiling. "I'm sorry, Ate pero nakalimutan ko pong ilagay sa list ang red roses," alanagan nitong sabi at ngumiti.Napailing siya. "Masyado ka atang makakalimutan, Ri
NASAPO ni Monica ang noo niya at napabuntong-hininga nang maisip niya ang nangyari sa shop niya nang nagdaang araw. Dahil doon, alam niyang hindi na muli matatahimik ang buhay niya sa Davao dahil ba tila sinusundan siya ng mga taong dahilan ng pagiging magulo ng lahat. Hindi magiging madali sa kaniya lalo't nasa iisang lugar sila ng nga taong iyon pero hindi na rin siya papayag na maliitin at iwasan ang mga ito dahil handa na siya para ipaglaban ang sarili para sa kaniyang anak.Tapos na ang pagiging duwag niya at pagtakas sa lahat ng problema. Natuto na siya sa nakaraan, na hindi dapat takasan ang lahat ng hirap at pagsubok dahil babalik at babalik ito upang matutunan mong humarap sa hamon ng buhay at maging mas matapang at malakas. Tapos na siya sa puntong iyon at panahon na para lumaban siya.Kapagkuwa'y napapitlag siya nang maalala ang oras. Mabilis siyang tumingin sa wrist watch na suot at nakitang tanghali na. Napatayo agad siya at kinuha ang bag para lumabas ng opisina. Naalala
"MOMMY, si Daddy po ang totoong ama ko?" Gulat na kapwa napalingon si Monica at Jericho nang marinig nila ang boses ni Princess. Napaawang ang bibig niya at nanlaki ang mga mata habang hindi naman nakapagsalita si Jericho. "Mommy, narinig ko po kasi na pinag-usapan ninyo ni Daddy na siya ang totoo kong ama? Totoo po ba?" muling tanong ni Princess na bakas sa mukha ang gulat at pagkagulo roon dahil sa murang edad nito na hindi pa maintindihan ang lahat ng bagay."Princess—" Hindi na natuloy ni Lorna ang sasabihin pa nito nang makita si Princess na nasa harap na nila ni Monica. Marahil nakaligtaan nito ang bata at aksidenteng narinig ang sinabi nila.Nang makahuma siya sa labis na pagkagulat, umiwas siya ng tingin sa batang maraming tanong na mababakas sa mukha. Yumuko siya. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Hindi na rin naman pwedeng magkaila pa siya dahil malinaw na narinig nito ang katotohanan. Marahil ito na rin ang tamang panahon para malaman nito ang totoo at sa edad nito, m
HINDI mapakali si Monica habang lulan siya ng sariling sasakyan patungo sa restaurant na sinabi ni Zymon na lugar kung saan sila magkikita. Kanina pang gumagana ang utak niya sa mga posibilidad na sasabihin ng binata sa kaniya. No'ng una'y nagdalawang-isip siyang pumunta dahil baka mas magulo at maging komplikado pa ang sitwasyon dahil doon. Baka mas lalo lang magalit sa kaniya ang ina ni Zymon. Kilala niya ang pamilya Coreal, maipluwensiya silang pamilya at alam niyang sa isang sabi lang nito, mapapabagsak nito ang negosyo niya. Kayang-kaya nitong sirain ang lahat sa kaniya. Pero dahil sa lakas ng loob na binibigay sa kaniya ng pag-asa at pagmamahal niya kay Zymon, napagdesisyunan niyang makipagkita sa binata. Hindi na siya dapat maging duwag at matutong harapin ang pagsubok sa harap niya. Kung ano man ang sasabihin ni Zymon sa kaniya, tatanggapin niya iyon, ang mahalaga magkita sila at mag-usap. Ramdam niya ang kaba at ang mabilis ng kabog ng dibdib niya pero nilalabanan niya iyon
HINDI pa rin makapaniwala si Monica sa lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Zymon. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila, sa wakas, naayos na nila ang lahat sa pagitan nila. Handa na silang ipaglaban ang pagmamahalan kahit pa mundo ang kalaban nila. Handang-handa na siya sa lahat ng dadaanan niya at sa mga taong hahadlang sa pagmamahal nila ni Zymon.Hindi mapawi ang ngiti sa mga labi niya habang nagtatrabaho. Napansin iyon ni Ria. "Mukhang good mood naman kayo ngayon, Ate, ah? Parang kahapon lang hindi maipinta ang mukha ninyo, tapos ngayon naman hindi mawala ang ngiti sa mga labi ninyo," puna nito sa kaniya habang abala siya sa pagti-check ng mga bulaklak sa shelves.Napawi ang mga ngiti niya at napatingin sa dalaga pero agad din siyang umiwas. Hindi niya namalayang kanina pa pala siyang nakangiti lang dahil sa labis na sayang nararamdaman niya hanggang ngayon. Sariwa pa rin kasi sa isip niya ang katotohanang, sa waka, ok na sila ni Zymon.Nasapo niya ang noo at alangang ngumiti. "
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint