TAHIMIK at puno ng pag-aalalang pinagmamasdan ni Monica ang walang ulirat na si Zymon habang nakahiga ito sa hospital bed. Kanina pa siyang hindi mapakali at binalot ng takot sa pwedeng mangyari kay Zymon pero pasalamat naman siya dahil sabi ng Doctor, minor injury lang ang nagtamo nito. Nawalan lang ito ng malay dahil sa impact ng kahoy na bumagsak sa likod nito. Iyon nga lang, kailangan nitong magpahinga ng ilang araw dahil sa likod nito.Sinisisi pa rin niya ang sarili dahil napahamak ito dahil sa kaniya. Kung sana, nasa trabaho ang isip niya baka hindi iyon nangyari. Hindi niya alam ang gagawin kung may malalang nangyari kay Zymon.Bumuntong-hininga siya habang nakaupo sa gilid ng kama. Kanina pa siyang nandoon dahil wala pa rin ang pamilya ni Zymon maging si Shy. Hindi niya alam kung bakit hindi pa sila dumarating. Wala pa ring malay si Zymon.Hindi pa rin niya maiwasang hindi punahin ang gwapo nitong mukha habang natutulog. Umiwas siya rito ng tingin. Tumayo siya at inayos ang k
HINDI magawang mag-angat ng tingin ni Monica sa mga taong nasa harap niya. Pakiramdam niya'y napakasama niyang babae na kailangang litisin sa isang matinding kasalanan. Guilty siya dahil alam niyang nagkamali siya pero hindi siya malanding katulad ng iniisip ng ina ni Zymon.Pinilit niyang mag-angat ng tingin sa babaeng nasa harap niya. Nakita niya si Shy na nakakunot ang noo na tila nahihiwagahan sa nangyayari. Hindi niya mabasa ang reaction nito, kung galit ba ito hindi."P-pasensiya na po kayo, Ma'am kung ako ang dahilan kung bakit nasaktan si Zymon. I'm willing to take the responsibility para sa kaniya," lakas loob na sambit niya kahit puno ng kaba ang dibdib niya. Humugot pa siya ng lakas ng loob para isatinig ang katuwiran niya. "I'm sorry, Ma'am pero nagkakamali po kayo ng iniisip. Tama po kayo, I'm a single mother and I'm proud of that, hindi ko po iyon ikahihiya sa kahit kanino dahil hindi niyo po ako kilala and you don't know how I've been through kaya wala po kayong karapat
HINDI alam ni Monica kung paano niya muling ibabalik ang dating siya at ang tahimik niyang buhay sa Davao noon kasama ang kaniyang anak. Hindi niya pinangarap ang ganitong sitwasyon at kung may choice nga lang siya, mas pipiliin niyang habang buhay itago si Princess sa tunay nitong ama at mas pipiliin niyang sana'y hindi na lang niya muling nakita si Zymon at Jericho dahil ginulo nila ang buhay niya at isinadlak siya sa komplikadong sitwasyon.Nang gabing iyon, gusto niyang maglaho dahil hindi niya kayang saluhin lahat ng masasakit na salita at pang-iinsulto sa kaniya ng ina ni Zymon. Hindi siya malanding babae at ang nangyari sa kanila ni Zymon noon ay aksidente lamang.Nang malaman ng mga magulang niya ang nangyari sa hospital, nagalit ang mga ito at gusto pang sumugod doon para ipagtanggol siya dahil hindi niya deserve na insultuhin ang pagkatao at ang pagiging ina niya. Mabuti na nga lang at napigilan niya ang mga ito."Pwede ka namang umuwi, Monic if you want to take a rest."Kum
SA LOOB ng ilang araw na lumipas, pakiramdam ni Monica ang daming nangyari sa buhay niya na nagdulot ng labis na sakit at bigat sa damdamin niya. Kailangan ba talaga pagdaanan ulit niya ang paghihirap at pagtiis sa lahat ng nangyayari? Akala kasi niya'y natapos na siya sa bahaging iyon ng buhay niya pero hindi pala dahil muli na naman siyang nasa ganoon sitwasyon at mas naging komplikado at mahirap iyon dahil hindi na lang isa o dalawang tao ang dahilan niyon, kung 'di marami na sila.Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ni Shy sa kaniya nang nangdaang araw. Akala kasi niya'y mabait ito ngumit mukhang nagkamali siya. Hindi niya ito masisisi kung magselos at magalit ito sa kaniya pero ang insultuhin siya nito at ang pagiging ina niya, hindi iyon katanggap-tanggapPinagtakhan din niya kung bakit nalaman nito na hindi niya alam ang ama ng anak niya. Paano nito nasabi iyon, gayong si Zymon, Jericho at pamilya niya lang ang may alam niyon. Tanungin man niya ang sari
"Monica," salubong ni Zymon. Lumawak ang ngiti ni nito nang makita siya. "Please, mag-usap tayo," agad na sabi nito. Nangungusap ang mga mata at kita niya ang lungkot doon. Hindi siya umimik. Binuksan niya ang gate ng bahay. Masayang pumasok doon si Zymon na tila nagkaroon ng pag-asa. Tumalikod siya at naglakad palapit sa table sa garden, sumunod naman ito. Hinarap din niya ito nang huminto siya pero hindi siya direktang nakatingin dito dahil baka manglambot siya. "M-Monica, I-I'm sorry for what happened in the hospital. Hindi ko gusto ang nangyari. I don't want them to insult you kasi kilala kita...sa maikling panahon na nakasama kita, nakilala ko ang pagkatao mo, i-ikaw bilang isang ina kay Princess and you don't deserve those words coming from them," paliwanag nito. Bumuntong-hininga siya. Humugot siya ng lakas ng loob at tapang para sabihin ang gusto niyang sabihin. "K-kumusta ka na?" malumanay na tanong niya. Ito pa rin ang nagligtas sa kaniya. "S-salamat sa pagligtas mo sa ak
HINDI mahanap ni Monica ang sarili sa mga panahong iyon. Pakiramdam niya'y palaging may nakadagan sa dibdib niya. Binalot siya ng labis na kalungkutan at paghihinagpis sa katotohanang kailangan niyang pilitin ang sariling kalimutan si Zymon dahil iyon ang dapat niyang gawin. Masakit man para sa kaniya, wala siyang ibang pagpipilian dahil ayaw niyang mas magulo pa ang buhay nila ng kaniyang anak kung hahayaan niyang manatili si Zymon at ang pamilya nito sa buhay nila.Nawalan siya ng gana sa lahat ng mga bagay sa paligid niya. Kahit ano'ng pilit niyang ilaan sa iba ang pag-iisip niya, hindi niya magawa. Sinusubukan niyang libangin ang sarili, bigyan ng pagkakataong sumaya sa mga bagay na malayo kay Zymon. Pero alam niyang mahirap at hindi iyon ganoon kadali."Mommy, ok ka lang po ba?"Napapitlag si Monica nang marinig ang boses ni Princess na katabi niya sa upuan. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant kasama si Jericho, nag-aya kasi ito at kahit labag iyon sa binubulong ng puso niya
"NO, I WON'T marry her, Mom kahit ano'ng gawin ninyo, hindi na ako magpapakasal kay Shy," balik ni Zymon sa kaniyang ina nang sabihin nitong ipapakasal na siya kay Shy sa ayaw at sa gusto niya. Hindi siya papayag dahil hindi na niya mahal ang dalaga. Wala na siyang nararamdaman para rito at ayaw niyang ikulong ang sarili sa marriage na alam niyang hindi siya magiging masaya.Mas bumakas ang galit sa mukha ni Riya. "What?" Suminghap ito, saka umiling habang nakatayo sa harap niya. Pumunta kasi ito sa opisina niya para pilitin siyang magpakasal. "Nababaliw ka na ba talaga, Zymon? Dahil lang sa babaeng iyon hindi ka na magpapakasal kay Shy? She's your girlfriend for almost five years tapos dahil lang sa babaeng may anak, iiwan mo siya?" Bumuntong-hininga ito. "No! Hindi ako papayag. Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka kay Shy and that's final, Zymon," madiing giit nito na para bang wala na talagang makakapigil sa desisyon nito.Bumuga siya ng hangin at bahagyang yumuko. Tumayo siya sa
NANGYARI man ang gusto ng isip ni Monica, hindi pa rin niya magawang maging masaya sa naging resulta ng DNA result dahil ang puso niya'y gustong sana'y si Zymon na lang dahil ito ang mahal niya. Umaasa rin siya at malakas ang kutob niya na ito ang ama ni Princess pero mukhang hindi iyon ang itinadhana. Imbis na maging masaya siya dahil tuluyan na siyang malalayo kay Zymon dahil wala na itong dahilan para makipagkita pa sa kaniya pero hindi niya magawang maging masaya, kabaliktaran niyon ang nararamdaman niya. Sana nga'y panaginip na lang ang lahat at paggising niya, si Zymon ang tunay na ama pero ang masakit, hindi iyon isang panaginip.Nang banggitin ni Doctor Cathy ang resulta, para siyang nabingi at natulala dahil nga hindi iyon ang gusto niyang marinig. Kapagkuwa'y tumingin siya kay Zymon at agad niyang nabanaag ang lungkot at pagkadismaya sa mukha nito dahil sa resulta. Tila ba gumuho ang pangarap nito. Nang balingan naman niya si Jericho, bakas ang labis na saya at galak sa muk
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint