HINDI na alam ni Monica kung paano haharapin si Zymon dahil sa nangyari sa mall nang nagdaang araw. Paano siya titingin sa mga mata nito, gayong pakiramdam niya'y lumalapit na sa binata ang katotohanan tungkol kay Princess. Natatakot siya na baka habang nakakasama niya ito, malaman nito ang totoo at ayaw niyang mangyari iyon.Bumuntong-hininga siya bago bumaba ng sasakyan niya. Kanina pa siyang nakarating sa George Company pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa para pumasok dahil alam niyang nandoon si Zymon. Kinalma muna niya ang sarili at inayos ang damit na suot, saka naglakad kahit mabigat ang mga paa niya."Oh! You're here? It's too early, Monic," ani Crystal nang pumasok siya sa opisina nito matapos niyang mag-ipon ng lakas ng loob. Mabuti na lang at wala roon si Zymon.Bumaling siya sa wrist watch na suot at napapikit nang mapansing maaga nga siya sa oras na usapan ng meeting nila. Nasapo niya ang noo at naglakad palapit sa sofa."I'm distracted." Pabagsak siyang umupo s
"'MA," tawag ni Monica sa Ina nang makauwi siya mula sa trabaho. Hinubad niya ang sapatos at inilagay sa gilid ng pinto, saka pumasok ng bahay. Luminga siya at hindi niya nakita roon ang anak."Parang ang aga mo, 'Nak?" Lumingon siya sa Ina na kalalabas lang ng kusina dahil nagluluto ito ng merienda. "Tamang-tama nagluluto ako ng Turon, 'di ba paborito mo 'to?" nakangiting sabi nito sa kaniya.Ngumiti siya kahit saglit lang iyon. "Thank you, 'Ma, pahinga lang muna ako," paalam niya. Nang akmang hahakbang na siya, naalala niya ang anak. "Si Princess po pala, 'Ma?"Nagtaka si Monica nang umiwas nang tingin ang kaniyang Ina at hindi agad nakasagot. Napakamot pa ito sa noo na tila ba hindi masabi ang dapat sabihin. "S-si Princess? Na-nasa park siya kasama ang Papa mo," anito na iwas sa kaniya."Nasa park po? Si Papa lang po ba ang kasama?" patuloy na usisa niya dahil kabisado niya ito, alam niya ang reaction ng Ina kapag may tinatago nito.Hindi ito mapakali. "Ano kasi...kasi, kasama nila
"Mommy, you're here!" masayang sabi ni Princess. Bumaba ito sa pagkakalong kay Jericho at tinakbo siya. "Mommy, ang sarap po ng turon ni Lola, gusto mo po?" magiliw na alok nito at itinaas ang kamay na may hawak na maliit na bahagi ng turon.Pilit siyang ngumiti sa anak. Hinawakan niya ang kamay nito. "No, thanks, 'nak, busog si Mommy," dahilan niya. Parang nakakita ng multo si Jericho at ang mga magulang niya dahil sa pagtataka kung bakit hindi siya nagulat at nagalit. "Sige, na kumain ka na muna and after mong kumain, bibihisan ka ni Mommy, ok?" "Sige po, Mommy titirhan na lang po kita ng turon para 'pag hindi ka na po busog, may kakainin ka po," nakangiti anito, saka bumalik sa lamesa. "Tito Jericho, tirhan po natin si Mommy, huh?" Saglit niyang tinapunan ng tingin si Jericho na walang emosyon ang mukha. Bakas ang pagtataka sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Kapagkuwa'y, bumaling ito sa kaniyang anak. "Ok, Princess, titirhan natin si Mommy," nakangiting anito.Seryoso
DAHIL SA naging pag-uusap ni Monica at Jericho, halos hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi habang pinagmamasdan ang anak. Hindi niya alam ang dapat niyang gawin sa nararamdamang kaguluhan ng utak. Nalulungkot siya para kay Princess pero hindi niya kayang ibigay ang hinahanap nitong kalinga ng isang ama, dahil hindi niya alam na kapag sinabi ba niya ang tungkol kay Princess sa lalaking iyon, tatanggapin ba sila nito at magiging ama sa anak niya? Hindi siya sigurado at natatakot siyang magdala iyon ng kalungkutan sa anak niya."Kanina ka pang tulala, Monic, may nangyari ba?" usisa ni Crystal sa kaniya habang kumakain sila sa isang restaurant, malapit sa kompanya ng pamilya nito. Katatapos lang ng meeting nila para sa plano sa darating na event. Nagtataka man, pero pinagpasalamat niyang wala si Zymon dahil dadagdag lang ito sa magulo niyang isip.Bumuntong-hininga siya habang nilalaro ang pasta sa pinggan niya. Malungkot na nag-angat siya ng tingin sa kaibigan. "Crystal, hindi ko na a
BUMUNTONG-HININGA si Monica matapos niyang patayin ang tawag kay Ria, kinumusta kasi niya ang flower shop at ayon dito, maayos naman ang sales pero nagkaroon lang daw ng problema sa supply dahil ang ibang bulaklak ay hindi season ng mga buwan na iyon. Nasapo niya ang noo at umupo sa sofa. Pumikit siya at marahang hinimas ang sentido. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin maalis sa isip niya ang tanong na sinong ama ng anak niya. Si Zymon ba o si Jericho? Maging siya kasi ay nalito na dahil halos isang araw lang ang pagitan nang may mangyari sa kanila ni Jericho at ni Zymon. Isa lang ang nasa isip niya, hindi siya handang malaman ni Zymon ang tungkol doon o ng kahit sino dahil malaking kahihiyaan iyon sa kaniya at sa pagkatao niya. Ano na lang iisipin ng mga tao sakaling malaman ang totoo? Hindi siya handa sa malaking iskandalo. Hindi rin siya handa sa magiging resulta sakali mang malaman ni Zymon ang tungkol sa anak niya na baka ito ang ama. "Mommy." Nagmulat si Monica nang marinig an
"CRYSTAL?" gulat na sabi ni Monica nang bumungad sa kaniya ang kaibigan habang nakangiti na animo'y may magandang nangyari. Kumikislap pa ang mga mata nito. "Why you're here?" Pumasok na si Crystal sa loob ng bahay nila at iginiya niya ito sa sofa sa sala. "You know what, I'm happy right now, Monica because he's coming back today," excited na anunsiyo nito na ang tinutukoy ay ang nobyo na nagpunta sa ibang bansa para sa business ng pamilya roon. Matagal na sana niyang gustong makilala ang nobyo nito pero wala siyang chance dahil wala nga ito bansa nang pumunta siya sa Manila. "And I'm here to ask you to go with me, susunduin ko siya sa airport later."Kumunot ang noo niya at kapagkuwa'y umirap sa kaibigan. "Kaya ba nandito ka para lang ayain akong samahan ka at panoorin kayong maglandian sa harap ko? Hindi ba pwede ikaw na lang para naman masolo mo si Vincent," reklamo niya at umiling pa. "Because I want you to know him, Monic, saka para na rin mainggit ka at maghanap ng lalaking ma
"I KNOW you have a girlfriend, Zymon so please stop treating me like this," basag ni Monica sa katahimikan habang lulan sila ng sasakyan nito para sundan si Crystal at Vincent sa kung saan sila nito dadalhin. Ngumiti si Zymon at binalingan siya nito. "So? Yeah, I have a girlfriend and I'm not cheating on her. If you think that I'm hitting on you, nagkakamali ka. I'm just being kind and getting along with people around me." Sumeryoso rin ito agad habang diretso lang ang tingin sa kalsada. Nakaramdam siya ng pagkapahiya dahil sa sinabi niya. Umiwas siya ng tingin at nakagat ang pang-ibabang labi niya, saka bumaling sa kalsada. "W-what I mean was, ayaw kong maging dahilan ng ano mang pagtatalo ninyo. Babae ako and you have a girlfriend, ayaw ko lang ng issue," pagtatama niya sa unang mga sinabi para hindi nito isiping nag-iisip siya na baka type siya nito. "It's me, Monica and I treated people depends on my mood. I'm sorry if you feel disappointed just because I have a girlfriend," ani
KANINA PANG walang imik si Monica at Zymon habang lulan sila ng sasakyan nito para ihatid siya pauwi matapos nilang kumain kasama si Crystal at Vincent. Kapwa walang gustong magsalita sa kanila dahil sa nangyari kanina at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila. Nakahalukipkip lang siya habang nakasandal at pinagmamasdan ang dinadaanan nila. Nakapokus naman si Zymon sa pagmamaneho ng sasakyan. Ilang minuto pa at huminto ang sasakyan ni Zymon sa tapat ng bahay niya. Agad siyang bumaba roon na walang imik at hindi man lang tiningnan ang binata."Monica." Napahinto siya nang malapit na siya sa pinto ng bahay nang marinig ang boses nito. Hindi agad siya umimik at lumingon dahil hinihintay niya ang sasabihin pa nito. "I want to say sorry for acting like a brat and immature kanina sa harap nila Vince at Crystal."Hindi agad nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito dahil hindi niya inasahang maririnig iyon mula sa binata. Dahan-dahan siyang humarap. "Bakit ka humihingi ng sorry?
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint