Thank you sa suporta, Readers. Enjoy your day with this story😊
KANINA PANG walang imik si Monica at Zymon habang lulan sila ng sasakyan nito para ihatid siya pauwi matapos nilang kumain kasama si Crystal at Vincent. Kapwa walang gustong magsalita sa kanila dahil sa nangyari kanina at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila. Nakahalukipkip lang siya habang nakasandal at pinagmamasdan ang dinadaanan nila. Nakapokus naman si Zymon sa pagmamaneho ng sasakyan. Ilang minuto pa at huminto ang sasakyan ni Zymon sa tapat ng bahay niya. Agad siyang bumaba roon na walang imik at hindi man lang tiningnan ang binata."Monica." Napahinto siya nang malapit na siya sa pinto ng bahay nang marinig ang boses nito. Hindi agad siya umimik at lumingon dahil hinihintay niya ang sasabihin pa nito. "I want to say sorry for acting like a brat and immature kanina sa harap nila Vince at Crystal."Hindi agad nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito dahil hindi niya inasahang maririnig iyon mula sa binata. Dahan-dahan siyang humarap. "Bakit ka humihingi ng sorry?
WALANG imik na pumasok si Zymon Coreal sa malaking bahay ng pamilya niya. Katulad nang palagi niyang nadadatnan, walang ibang tao roon kung 'di ang mga katulong na para bang sila na ang may-ari ng bahay dahil sila naman ang palaging nandoon. Hindi na iyon bago sa kaniya pero hindi pa rin niya maiwasang madismaya. "Good evening, Sir maghahanda na po—" "No, thanks, Yaya Miding, wala akong gana," putol niya sa sasabihin nito dahil alam naman niya ang gusto nitong sabibin. "Hindi ba umuwi si Daddy at Mommy?" walang ganang tanong niya. Umupo siya sa malambot na sofa at sumandal doon. Nasapo niya ang noo. "Hindi po umuwi si Sir Carlo, pero si Ma'am Riya, umuwi po pero umalis din agad," paliwanag ni Yaya Miding sa kaniya habang magkahawak ang dalang kamay at nakalagay sa unahan nito. Pumikit siya at bumuga ng hangin. Kailan ba niya madadatnan ang mga ito para salubungin siya? Kahit sa kompanya, bihira niyang makita roon ang ama. "Than you, Yaya, magpahinga ka na," walang emosyong sabi ni
PANAKA-NAKANG tumitingin si Monica kay Zymon at sa nobya nito na tila linta kung makakapit sa binata. Hindi niya maintindihan pero naiinis siya dahil nadi-distract siya sa dalawang ito. Hindi siya makapag-isip ng maayos."Pwede tayong mag-hire ng staff na tutulong sa atin if hindi available ang staff ni Monica," suhestiyon ni Zymon. Tiningnan pa siya nito at si Crystal.Tumango-tango ang kaibigan niya. "Yeah! And besides, we don't have a choice but to hire kasi nga wala tayong staff na available. I'm not creative nor into this kind of stuff pero I'm willing to help. Hindi naman kaya ni Monica na gawin lahat 'to dahil malaki ang place that's why she need more staff," pagsang-ayon ni Crystal."Maybe we need ten to fifteen staff para tumulong sa atin," sabat niya dahil kanina pa siyang tahimik at nakikinig lang. Naiilang siya na kaharap si Zymon at ang nobya nito."Wait! You guys need staff that are into catering services and know how to decorate and organize the event, right? May kilala
TAHIMIK at tulalang nilalaro ni Zymon ang hawak na ballpen habang nakaupo sa swivel chair at kaharap ang computer sa table niya. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina nang bumalik si Monica para kunin nito ang bag na naiwan. Kitang-kita at tila naiwan sa isip niya ang maamo at magandang mukha nito. Ang mga mata ng dalaga na may katamtamang laki at ang labi nitong tila nang-aakit na halikan niya.Balak sana niyang gulatin ang nobya, pero imbis na ito ang dumating, si Monica ang aksidenteng nahila niya. Mabuti na lang at nakilala niya agad ito bago sana halikan ito.Kumurap siya nang mapansing naglalayag na naman ang isip niya sa kakaisip kay Monica. Umayos siya ng upo at inilapag ang ballpen. Sinubukan niyang humarap sa computer at simulan ulit ang magtrabaho pero tila distracted pa rin siya kaya walang pumapasok sa isip niya. Wala na rin doon si Shy dahil may kailangan daw itong gawin.Bumuntong-hininga siya. Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad patungo sa glass w
"HEY! Kanina ka pang tulala, may nangyari ba?" tanong ni Crystal kay Monica, lumapit pa ito sa kaniya at umupo sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nasa office nito dahil pinapunta siya nito roon. Mabuti na lang at napaayos na niya ang sasakayan.Kumurap siya at balisang binalingan ang kaibigan. Kanina pa kasing hindi mawala sa isip niya ang nangyari nang nagdaang araw, nang tanungin ni Zymon ang totoong edad ni Princess. Kinakabahan siya dahil baka pumasok sa isip nito ang ideyang baka ito ang ama ng anak niya. Mas magiging magulo ang lahat kung pati ito ay magtatanong na rin ng parehong tanong ni Jericho.Bumuntong-hininga siya. Ipinatong niya ang palad sa hita niya. "Natatakot ako, Crystal," simula niya. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati si Zymon magtanong na rin na baka siya ang ama ni Princess." Saglit siyang huminto. Kinagat niyang saglit ang pang-ibabang labi. "Hindi ko alam kung paano nalaman ni Zymon ang totoong edad ni Princess, pero alam niya at tinanong niya sa akin ang
NATATAKOT SI Monica na harapin ulit si Zymon dahil natatakot siya na baka tanungin nito ang tungkol sa ama ni Princess, hindi pa siya handang sagutin ang tanong na iyon. Hindi pa siya handang pasukin ang mas magulong sitwasyon na pwede niyang kasadlakan.Habang abala siya sa paglilinis ng sala sa taas, natigilan siya nang makita si Jericho na kakaakyat lang. Seryoso ang mukha nito habang tila nahihiyang tumingin sa kaniya. Nakapamulsa pa ito sa suot niyang pantalon.Umiwas siya rito ng tingin. "Ano'ng kailangan mo, Jericho?" walang emosyong tanong niya rito. Kahit hinahayaan niya itong pumunta sa bahay at makasama si Princess, hindi ibig sabibin niyon na tinatanggap niya ito bilang ama ng anak niya. Itaboy man kasi niya ito, ipipilit pa rin nito ang sarili sa kaniyang anak.Hindi agad sumagot ang binatilyo. Humakbang ito palapit sa kaniya, saka pinagdikit ang mga labi. Tila may sasabihin ito na nahihirapan itong masabi. "Monica," simula nito. "I just want to ask your permission."Tumi
PAKIRAMDAM NI Monica, mas naging mabigat ang mundo niya sa mas nagiging komplikadong sitwasyon na kinasasadlakan niya. Hindi niya alam kung paano siya makakalabas doon, kung paano muling tatahimik at gagaan ang mundong ginagalawan niya.Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama matapos niyang iwan si Jericho sa labas. Gusto niya itong saktan sa ginawa nito sa kaniya pero hindi niya magawa dahil pakiramdam niya'y nawalan siya ng lakas sa pamamagitan ng yakap at nangungusap nitong pagmamakaawa. Mas ginulo nito ang isip at ang puso niya.Naiipit siya sa sitwasyong hindi niya alam kung siya ang dahilan ng pagiging mas komplikado niyon. Pinipili ba niyang mas pahirapan ang sarili sa sitwasyon o dahil mas gusto lang niyang piliin ang tahimik na buhay kasama ang anak?Naramdaman niya ang panunubig ng mga mata at ang dahan-dahang pagdaloy niyon pababa. Hindi niya alam ang dapat niyang gawin. Sa tuwing nakikita niya si Princess na masaya habang kasama si Jericho, naiisip niya ang kailangan nit
MABILIS NA nag-ayos si Monica ng sarili nang sumapit ang gabi. Tinawagan kasi niya ang kaibigan na si Crystal na mag-bar sila para libangin ang sarili sa mabigat niyang pakiramdam. Nagtaka pa ito sa bigla niyang pag-aaya dahil hindi naman niya ugaling gawin ang bagay na iyon pero sa huli'y excited itong pumayag para kahit pa paano raw ay makapag-relax siya.Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Simpleng pantalon at damit na white long sleeves, na nakababa sa balikat niya. May mga sobrang tela pa iyon sa leeg at fitted sa parteng baba habang labas ang pusod niya. Gusto niya ring magsuot ng mga ganoon damit kahit minsan.Matapos niyang magpaalam at ihabilin ang anak sa mga magulang, umalis na siya ng bahay para pumunta sa bar na sinabi niya.Wala siyang ibang maisip para libangin ang sarili at kahit pa paano'y ilayo ang isip sa magulong sitwasyon, ito lang ang naisip niya. Mabuti rin siguro na kahit paminsan-minsan maglibang at maghang-out siya para hindi siya palaging nag-o-overth
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint