Dominic’s POVNgayon ko lang nakita ng malapitan si Miss Jessica Laviste. Kaya pala nahulog si Sir sa kanya, kakaiba ang ganda at kilos niya. Hindi siya tulad ng ibang mga naging babae ni Sir dati na kahit sa opisina ay hinahabol si Sir. Pati tuloy trabaho namin naaantala dahil sa kapritso nila. Pero etong si Miss Jessica, never pang nakarating sa opisina ni Sir. “Ding” Dali dali kaming tumingin sa kakatapos na operasyon. Sana ok lang si Sir. “ Doc, kumusta po ang pasyente? Kumusta po si Nick?”, nag aalalang tanong ni Miss Jessica paglabas na paglabas ng doctor.“ The operation was successful, hintayin na lang natin siyang magising anytime” pagod na sagot ng doctor.“Huh!” nakahinga ako ng maayos. Thank you Lord!” sa isip ko. Pumunta agad si miss Jessica sa stretcher ni Sir Nick nung nakita niya na palabas na ito. Tumutulo na naman ang kanyang luha nung masilayan si Sir Nick. Naaawa ako sa kanya. Kita sa kanyang mga kilos kung gaano niya kamahal si Sir Nick. Ngayon ko nakita na na
Jessica’s POVMalungkot akong nakatingin kay Nick habang hawak hawak ang kanyang kamay. Sana magising na siya. Tsaka lang ako magiging ok kung makita ko siyang gising. Every Now and then tinitignan ko ang heart rate niya kung gumagalaw ba. Though sinabi naman ng Doctor na successful ang operation niya, ngunit nag alala pa rin ako. “ “Papasok ka ba mamaya sa trabaho Jes” tanong ni Carly. Napatigil ako. Alam ko kailangan kong pumasok sa trabaho lalo na at ang daming problema sa opisina. Ngunit, alam ko rin na di ko magagampanan ang aking trabaho dahil sa pag aalala kay Nick.“ No, I will file a leave, hindi ko maiwan si Nick. Kailangan niya ako. Gusto ko na ako ang makita niya sa pagmulat niya” Tumango tango ito. “ Uwi muna ako Jes to get your things. Para may pamalit ka habang nandito sa ospital. “ I look at her with a thankful heart.“ I am so thankful na andito kayo ni George Carly. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo. Maraming salamat talaga”“ Ano ka ba! What are
Scarlett POVNakaligo na kame at nakatulog ni George. Dumaan muna kame sa opisina ni George dahil may importante itong pipirmihan pagkatapos dumiretso na kame sa hospital. I knock the door then open it for George dahil siya ang nagbubuhat ng mga gamit na dinala ko for Jessica. “ nanlaki ang aking mata ng makita ko ang mahigpit na yakap nila Nick at Andrea. At ang kawawang si Jessica ay tahimik na umiiyak sa kanilang tabi. Halos sugurin ko si Andrea dahil sa galit.“ Mabilis na lumapit si George kay Nick at nilayo silang dalawa ni Andrea. “ Anong nangyayari dito Nick?” galit na tanong ni George. “ George!! Masayang bati ni Nick. I am so happy to see you. Kumusta ka na?” inosenteng tanong nito.Natigilan si George sa reaction ni Nick. Lumapit din ako kay Jessica upang magtanong. Walang tigil ito sa kakaiyak “ huhuhu, nakalimutan ako ni Nick Carly” Tumingin si George kay Jessica na gulat. “ Sino sila George?” inosentegg tanong ni Nick kay George. Napaatras si George at tila naubusan
Jessica’s POVWalang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Masaya ako na nagising na si Nick, pero kasabay ng saya ay isang matalim na kirot sa puso ko. Napakasakit na makalimutan ka ng taong mahal mo. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari ito, at lalong hindi ko matanggap na nangyari nga ito sa amin ni Nick.Parang wala ako sa sarili habang naglalakad palabas ng kwarto. Pinili kong umalis. Kahit mahirap. Dahil ayokong sumakit ang ulo ni Nick. Ayokong may mangyari sa kanya, lalo na’t kakaopera pa lang niya. Kaya kahit mabigat sa loob ko, mas pinili kong magparaya.“Jes!! Be careful!” Biglang hinila ako ni Scarlett. Napapikit ako sa takot nang marinig ko ang mabilis na tunog ng paparating na sasakyan, halos muntik na akong masagasaan. Napatingin ako sa paligid, nasa labas na pala ako ng ospital.“Doon kami sa kabila nag-park ni George,” sabi ni Scarlett habang maingat akong hinihila palayo sa kalsada. Hinayaan ko na lang siyang akayin ako. Parang wala na akong lakas na kumilos.“J
Jessica’s POVPagpasok ko sa condo, agad kong naramdaman ang lungkot na bumalot sa paligid. Tahimik. Malamig. Parang walang buhay ang bawat sulok ng silid,. kasing lamig ng pakiramdam sa puso ko.Naramdaman ko ang unti-unting pag-agos ng luha sa aking pisngi. Ang dilim ng paligid. Hindi ko na nagawang buksan ang mga ilaw. Diretso akong pumasok sa kwarto at tanging ang lampshade sa tabi ng kama ang aking pina-ilaw. Isang mahina at malamlam na liwanag na parang sumasalamin sa nararamdaman ko.Padapa akong humiga sa kama. Yakap-yakap ko ang unan habang ang mga luha ko ay tuloy-tuloy na bumabagsak. Pinipigilan ko, pero parang may sariling isip ang mga ito, patuloy lang sa pag-agos kahit anong pigil ko.“Habang umiiyak, gumagana ang utak ko. Paano kung hindi na niya ako maaalala? Paano kung bumalik ang alaala niya pero piliin pa rin niya si Ate? Paano kung… ako na lang ang natatanging umaasa?”Parang gulo-gulo ng isip ko, isang paulit-ulit na tanong na walang kasagutan. Isang masakit na
Andrea’s POVHalos lumipad ang kotse ko kagabi sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko nang mabalitaan ko ang nangyari kay Nick. Nanginginig ang mga kamay ko sa manibela, at ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko na parang sasabog anumang sandali. Takot na takot ako habang nasa daan. Hindi pwedeng mawala si Nick, hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kakayanin.Pagdating ko sa ospital, halos mabuwal ako sa kaba habang tumatakbo sa hallway papunta sa kwarto niya. Nanginginig ang tuhod ko habang binubuksan ang pinto ng kwarto niya. At sa sandaling makita ko na gising at buhay si Nick, para akong nakalunok ng hangin sa sobrang ginhawa. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Buhay siya. Buhay si Nick.Ngunit ang tunay na kagalakan ay dumaloy sa puso ko nang tawagin niya akong "Hon" at nung hinawakan niya ang aking kamay. Diyos ko, iyon ang tawag niya sa akin noong nasa London pa kami. Matamis na kirot ang sumiksik sa puso ko. Sa wakas, naramdaman ko ulit ang pagmama
Andrea's POVLumapit ako sa kanya, halos magkalapit na ang aming mukha. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang lalamunan habang pinipilit niyang pigilan ang kanyang pag-iyak. “I have been trying to be patient with you, Jessica. Hinayaan kita kay Nick kahit ang totoo, mahal na mahal ko pa rin siya. Kahit ang totoo, nadudurog ang puso ko na makita siyang kasama ka.” Huminga ako ng malalim at saka bumaling sa kanya ng malamig na tingin. “Kapatid kita, eh. Pero… hanggang dito na lang ang maliligayang araw mo.”Sinadya kong dahan-dahang lapitan ang tenga niya bago ako bumulong, “I will claim what is mine,.. whether you like it or not.”Nanlaki ang mga mata ni Jessica. Kita ko ang pagpigil niya sa paghinga. Alam kong tinamaan siya sa sinabi ko. Gusto ko pang panoorin ang pagbagsak ng luha niya habang hindi siya makapagsalita. Sinamantala ko ang kahinaan niya at tinarget ko ang pinakamahina niyang bahagi. This is where I am good at..This is my game. And I’m going to win.“Simula ngayon, h
Jessica's POVGustong-gusto ko nang ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Nick, pero paano kung tama si Ate Andrea? Paano kung sa pagpipilit kong ipaalala sa kanya ang tungkol sa amin ay may masamang mangyari sa kanya? Paano kung sa halip na gumaling siya ay lalo pang lumala ang kalagayan niya? Natatakot ako… nasasaktan… at nalilito.“Huhuhuhu… Nick, patawarin mo ako, pero kailangan kitang palayain… Nick!!!” “Huhuhu…”Akala ko tanggap na ni Ate Andrea na kami na ni Nick, pero nagkamali ako. Dahil sa mga sinabi niya kanina, parang hindi siya ang Ate Andrea na kilala ko. Ang lambing at pagmamalasakit niya ay napalitan ng matalim na pananalita at malamig na titig. Handa pala niyang gawin ang lahat kahit saktan ako para lang hindi bumalik ang pagmamahal ni Nick sa akin. Handa niyang ilayo si Nick sa akin, kahit masaktan ako… kahit masaktan si Nick… kahit masira ang lahat.Napayakap ako sa aking sarili habang patuloy ang pagluha. Ang bigat ng nararamdaman ko. Mahal na mahal ko si Nick… pero
Jessica’s POV Ilang minuto akong natulala sa sinabi ng matanda. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay narinig ko ang tunog ng kampana mula sa simbahan. Paglingon ko, wala na sila. Hindi ko man lang narinig na nagpaalam sila. Para bang isa lang silang guniguni, para mag-iwan ng mensaheng kailangang marinig ng puso ko.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng simbahan, luhaang humihikbi. Doon ko isinuko ang lahat sa Diyos. Sa harap ng altar, tahimik akong nanalangin habang unti-unting inaamin sa sarili na kailangan ko nang kalimutan si Nick. Kailangan kong tanggapin na asawa na siya ng kapatid ko. Masakit, ubod ng sakit, pero alam kong makakaya ko.Nang gabing ‘yon, nangako ako sa Diyos. Nangako akong uunahin ko na ang sarili ko. Na mamahalin ko ang sarili ko, at hindi ko na hihintayin o hihingin pa ang pagmamahal ng mga taong ayaw naman talaga sa akin.“You will be my maid of honor, Jes, sa church wedding namin,” narinig ko ang
Jessica’s POVIt has been five days mula nung naglunch kami nina Nick at Ate Andrea. Sa mansion na ako nakatira ngayon, dahil pumayag na si Daddy na mag-resign ako. Nandito rin kasi ang malaki kong studio. Pero sooner or later, I’ll need to move into a bigger condo kung gusto ko talagang mag-focus sa pagpipinta.Pababa ako ngayon ng hagdan. Late na ako nagising dahil abala ako kagabi sa pagpipinta. It’s almost lunchtime.Nagulat ako nang makita ko si Nick at Ate Andrea na nakaupo sa mesa kasama si Mommy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Nick, pero pinili kong huwag itong pansinin. Masayang nagkukuwentuhan sila. Nakaramdam ako ng inggit, pero pilit ko itong nilunok. Ayokong ipakita kahit kanino ang totoo kong nararamdaman.“Good morning,” bati ko, pilit na may ngiti sa labi.Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy bago siya nagsalita. “Sa ngayon, dito muna titira sila Andrea at Nick sa mansion. Babalik ka ba sa condo mo mamaya?”“Hindi po. Dito muna ako m
Scarlett’s POVMuntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Mommy.“I just want to remind you, Scarlett, hindi pa kami sigurado sa boyfriend mo. I know he is a hardworking man, but…”Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, sinadya niya. Huminga ako nang malalim habang iniaabot sa kanya ang basong may tubig.“Mom! Di ba napag-usapan na natin ’to? You promised me na hindi kayo makikialam sa lalaking pipiliin ko. I told you to trust me,” matigas kong sagot.“I trust you, but I don’t trust any guy who wants to pursue you,” mabilis at buo ang sagot niya.“Ayokong gamitin ka lang nila sa ambisyon nila,” dagdag pa niya, ngayon ay mas malakas na ang boses niya. “Mga lalaking galing sa hirap ay gagawa at gagawa ng paraan para umangat sa buhay. They will only use you for their benefit. Just like Geo,.. napaka-opportunista!”May kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ’yon, diretsong sinabi ni Mommy, may galit, may hinanakit.“Mom, iba si George. Hindi siya tulad ni Geo,” halos
Scarlett’s POVHindi ako mapakali habang nasa condo. Kanina ko pa tinatawagan si George ngunit hindi ito sumasagot. Sabi niya sa akin bibili lang siya ng ice cream pero mag-iisang oras na ngunit wala pa rin ito. “ Nasaan na ba ang lalakeng iyon” naiinis kong sabi. I called Jessica pero hindi rin ito sumasagot. Alam ko nasa mansion siya ngayon dahil ngayon darating sila Andrea at Nick, they will have a lunch sa bahay. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit sinabi niya na kaya niya nang harapin sila Nick at Andrea. Nagulat ako kay Jessica dahil isang araw bigla na lang itong naging ok. Pagkatapos ng ilang araw na iyak ng iyak nagulat na lang ako na bigla itong nagbihis at pumasok sa opisina. ~~~ flashback~~~“Where are you going Jes?” Nagtataka kong tanong nung nagising ako isang araw at napansin ko na maayos na nakabihis si Jessica. “ Work. magreresign na ako” seryosong sabi nito. Napaupo ako sa kama. Tama ba ang aking narinig? “Ha? Ano ulit 'yon?” tanong ko na may pagkiling ng ulo
George’s POV“What are you talking about, Nick? Paano mo naging kapatid si Jessica?” gulong-gulo kong tanong.Parang umikot ang mundo ko sa katotohanang ibinahagi ni Nick. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganoon, lumuluha.Oo, lumuluha si Nick. At hindi lang basta luha, luha ng galit, sakit, at pagkawasak. Ramdam na ramdam ko iyon.“You heard me right. Anak si Jessica ni Daddy at ni Elena,” mariin niyang sambit, halos hindi makapagsalita sa bigat ng damdamin.“Hahaha, what a cruel world!” sabay tawa niya na parang isang baliw na sumuko na sa lahat.“Kaya pala kamukha niya si Elena. Kaya pala parang pamilyar ang kanyang mata, dahil kay Daddy pala niya nakuha 'yon. Haha! Imagine, George… I fell in love with my sister!” pahiyaw na sambit niya, puno ng sakit at pagkasuklam sa sarili.“Sabihin mo sa akin, George… paano ko aaminin kay Jessica ang katotohanan? Kung ako nga, wasak na wasak na, paano pa kaya siya? Ayokong maramdaman niya ang ganitong sakit, ang pighati, ang galit. Hindi ko
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~Halos araw-araw, si Andrea ang kasa-kasama ko sa ospital. Inaalagaan niya ako. Pinipilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na masaya ako. Pero sa totoo lang, may mga araw na hindi ko talaga kayang tiisin ang presensya niya. Masyado siyang maingay, masyadong masigla… parang wala siyang pakialam sa bigat ng mundo ko.At sa mga sandaling ‘yon, nakikita ko… ilang ulit ko nakikitang sumisilip si Jessica. Minsan malayo lang. Minsan palihim. Nasasaktan ako.Pero palagi kong pinipiling hindi siya pansinin. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakikita. Kahit na ang totoo, bawat sulyap niya ay parang punyal na dumudurog sa puso ko.Sa bawat pagtulo ng kanyang luha… sa bawat paglapit niya sa akin… parang patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.Alam ko, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.Kailangan ko siyang itulak palayo. Kailangan niyang magalit sa akin.At sa lahat ng posibleng paraan, tanging pagpapakasal kay Andrea ang naiisip k
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~“Nick… Nick huwag mo kong iwan… Please… huhuhu… Please, Nick…”" Love, gising ka na.." Mga boses ni Jessica ang tanging naririnig ko sa gitna ng dilim. Walang katapusang kadiliman. Pilit kong tinutunton ang pinanggagalingan ng kanyang tinig pero parang lalong lumalayo.Lakad lang ako ng lakad.Hindi ako titigil. Kailangan ko siyang mahanap. Jessica… umiiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Kailangan niya ako.“Love, where are you? Are you okay? Love…”Mga alingawngaw na lang ang naririnig ko. Wala akong ibang makita kundi dilim… hanggang sa bigla na lang may liwanag. Isang matinding bugso ng pag-asa ang bumalot sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa liwanag.Pagdilat ko ng aking mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napapikit ako. Ilang ulit. Masakit. Masakit ang ulo ko… ang buong katawan ko.Paglingon ko, nakita ko si Jessica. Masaya ako nung makita siya.“Love! Gising ka na! Wait, I will call the nurse!”Kita ko ang ning
Nick’s POV ~~ Flashback bago ang Aksidente ~~Pinipilit kong tapusin ang lahat ng trabaho sa opisina. Kailangan kong umuwi ng maaga. May inihanda akong espesyal para kay Jessica. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Yes, hello?” “Good afternoon Mr. Ford, everything is set now, according to your instruction. I also sent a video to your email. Kindly check it if there are things you want to change or remove.” “OK, thank you! I’ll check it now. I will call you back.”Tumawag ang decorator na inupahan ko para sa isa na namang proposal ko kay Jessica. Excited kong binuksan ang email ko. Napangiti ako habang pinapanood ang video. Perfect ang setup. Gusto ko sana ito sa ibang lugar, pero mas pinili ko sa condo, mas private, walang istorbo.Alam kong mainit-init pa ang engagement nila ni Rich, pero wala akong pakialam. Ayokong may makakita sa amin at masira pa si Jessica sa publico. Magtitiis lang muna ako. Lalo akong napangiti nang makita ko ang malaking portrait niya, nakangiti siya, mas
Nick’s POVAndrea decided to stay sa mansion nila, may kailangan daw siyang gawin. Ako naman, umuwi mag-isa sa condo to check on something. Bukas pa kami lilipat sa mansion.Paglabas ko ng elevator, tumambad sa akin si George. Galing siya sa unit ni Scarlett. Nagmamadali siyang lumabas pero nang makita niya ako, bigla siyang bumilis maglakad, at sa isang iglap, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.Tumilapon ako. Ramdam ko agad ang sakit, ang bigat ng galit niya."I don’t know if you remember," mariing sabi niya habang ang apoy sa mga mata niya ay parang sasabog, "pero sinabi ko na sa’yo, hindi ko hahayaan na saktan mo si Jessica. Kulang pa ‘yan, Nick!"Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa condo, nananahimik. Habang binubuksan ko ang pinto, napansin kong may dugo na pala ang ilong ko. Pero wala akong pakialam. Deserve ko ‘to.Pagpasok ko pa lang, sumunod si George at itinulak ako papasok.Kung normal lang ‘to, baka bumawi na ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko kayang sabayan s