Andrea’s POVPinili naming umuwi ng bahay upang pag usapan ang mga nangyari sa kompanya. Kakauwi lang ni dad at wala ito sa mood kaya ayokong kulitin ito dahil alam ko kung paano ito magalit. Tahimik kaming kumakain at tanging tunog ng kutsara, tinidor at plato lang ang aming naririnig. Biglang tumigil si Dad sa pagkain at tumingin sa akin ng diretso.“ Kailangan mong gumawa ng paraan na mapakasal kay Nicholas Ford!” napamulagat ako sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala na maririnig ito kay dad. Parang may kumantang anghel sa aking isipan. Lumiwanag ang aking mukha. Binaba ko ang aking kutsara at tinidor at excited na kinausap si Dad.“ Did I hear it right Dad?” masaya kong tanong. “That’s the only way para hindi mawala sa atin ang kompanya. Kung kinakailangan pikutin mo siya, gawin mo. Si Nicholas Ford ang susi sa lahat ng ating problema” This is the first time that I felt excited because of what I heard. Matutupad ko na ang matagal ko nang pinapangarap ang makasal kay Nick.“
Jessica’s POVNabilaukan ako habang kumakain ng dessert. Napalunok ako nang mali at napaubo nang malakas parang may sumitsit ng masama sa akin!“Uhg, uhg, uhg!” “ Are you ok Boobae?” nag aalalang tanong ni Carly sabay abot ng tubig sa akin. Tumango ako habang umiinom ng tubig. Nandito kame ngayon sa malawak na balkonahe ng kanilang mansion na umiinom. Hinihintay namin si Nick dahil kausap pa nito si Adelina para malaman ang tungkol sa estado ng kanyang Hacienda.“ Baka may milagro nang ginagawa sila Nick sa loob Boobae, ang tagal nila ah..” biro ni Scarlett“ Huy! Wag mo ngang dumihan ang isipan ni Jessica at baka maniwala sayo! Hindi yan katulad mo na lahat pinagseselosaan” biro ni George. “ What are you talking about, I am not always jealous, I am being careful. Manhid kasi kayong mga lalake, kahit obvious naman na may gusto sa inyo ang babae hinayaan niyo pa. Paasa din kayo eh!” galit nitong sabi. Natawa ako. Patay, mukhang mag aaway na naman ang dalawang ito. “ Of coourse not
Nick’s POVSana palagi na lang kaming ganito masaya at tila walang problema. Sa isip ko. Alam ko na panandalian lang ang kaligayahan na ito dahil pag uwi namin sa manila, kailangan ko ng aminin kay Jessica ang posibilidad na may kinalaman ang daddy niya sa pagkamatay ng aking ama. I hug her tight while we are enjoying the night with hot tea and an enjoyable conversation. “ Fiesta sa bayan bukas sabi ni Mang Castro, baka gusto niyong pumunta?” “ Really? I love fiesta’s, punta tayo Bhabe!” masayang sabi ni Scarlett. Tumingin ako kay Jessica at masaya itong tumango. “ Then I think we need to sleep early para maabutan natin ang parada.” “Yeah! better, pilyong sabi ni George.” napangiti ako kay george. Kumindat pa ito sa akin. “ Kung ganoon, mauna na kame ni Scarlett., “Paalam nito“ Goodnight Boobae!” niyakap ni Scarlett si Jessica bago tumuloy sa kanilang silid. Ngumiti ako kay Jessica at nakaakbay na niyaya papunta sa kwarto. Gising pa ang isa naming kasambahay kaya ito na ang na
Nick”s POV“Let go of me Nick! Kainis ka!” Hinalikan ko siya ulit and this time mas nilaliman ko ang aking pag halik. Sa una, naglalaban pa siya, kalaunan, nararamdaman ko na ang mainit niyang tugon. I used my tongue to play with her tongue and she did the same. Napangiti ako. My Love is such a fast learner. Tinigil ko ang aking halik at dahan dahang hinubad ang aking t-shirt. Nakaluhod ako ngayon sa kama at ang aking mga tuhod ay nakapuwesto sa magkabilang gilid ni Jessica. Pagkatapos kong hubarin ang aking damit, bahagya akong yumuko, ang aking tingin ay nakapako sa mukha ni Jessica, gusto kong basahin ang bawat emosyon sa kanyang mga mata. Ang aking kamay ay nakapatong sa kutson, malapit sa kanyang baywang, ramdam ko ang lakas ng tibok ng aming mga puso.“You are so Beautiful Jes, do you know that? You are more than beautiful.. I love you so much my Goddess Jessica! “ sinasabi ko ito habang hinahawi ko ang kanyang buhok. Dahan dahang hinaplos ni Jessica ang aking dibdib. Ang in
Scarlett POVMasaya kami nila Jessica na nanonood ng street dance. Ang ganda at makulay ng mga costume ng mga batang masayang sumasayaw sa daan. Ang saya ng paligid. Buhay na buhay ang buong bayan. Ang makipot na mga daan ay puno ng makulay na banderitas na sumasayaw sa hangin.Jessica and I are wearing fitted long sleeves and a fashionable Buri hat. We are both wearing booths. Kita namin ang mga sulyap ng mga taong andoon sa aming apat. Para kaming mga artista na kinakaway nila. Ang babait ng mga tao dito sa probinsya. Sa di kalayuan, may narinig kaming isang malakas na hiyawan. Isang magarang kalabaw, na binihisan ng isang makulay na damit, ang marahang naglalakad sa gitna ng kalsada. Hawak hawak ng may ari ang alaga nito. Kay lakas at kay kisig tignan ang kalabaw. Nagpapalakpakan ang mga taong naroon sa pagdaan ng kalabaw. George and Nick are busy taking pictures of us.“ Ma’am banana que po masarap ito. Bili na po kayo. Mayroon din pong suman, sapin sapin, pasit palabok”“ Let’
George’s POVNapakamot na lang ako sa aking ulo. Minsan ewan ko ba masyadong selosa si Scarlett. Nick gave me a tap on the back then we followed Scarlett sa kotse. “ You have to lengthen your patience and understanding to Scarlett George. Actually, you are lucky kasi nagawa muling magtiwala ni Scarlett, her first and past boyfriend cheated on her, kaya siguro sometimes she has a trust issue. Naniniwala kasi siya na prevention is better than cure. Wala kasi sa bokabularyo ni Scarlett and second chance pagdating sa cheating. Naniniwala kasi siya na ang taong loyal at faithful at mahal ka ay hindi kayang magloko, at kapag nagawa nila yun, they will do that again and again” mahabang paliwanag ni Jessica.“ Also, her dad is her idol, kasi never na niloko ang mom niya or nambabae sa 35 years nilang pagsasama. Another thing, Scarlett is expressive, pranka, minsan walang filter ang sinasabi. But that is her best asset, kasi malalaman mo lagi ang laman ng kanyang isipan di ka niya pahuhulaan
Jessica’s POVUmaga na kame nakauwi nila Nick galing Tarlac. Una naming hinatid sila George at Scarlett sa condo ni George. “ Naiwan kameng mag isa ni Nick sa sasakyan. I decided to turn on my phone. Halos tatlong araw ko itong hindi binuksan dahil sa kagustuhan ko ng masaya at tahimik na bakasyon. Pagbukas na pagbukas ko ng phone ko, sunod sunod and pumapasok na mga mensahe at miss calls. Namutla at nanlamig ako nung mabasa ko ang mga text ni Ate Andrea at ng aking secretary. “ Are you ok Love?” nag-aalala na tanong ni Nick. “ May nangyari sa kompanya last friday pa” nanginginig na sabi ko.“ Ate Andrea has been calling me many times, Nick anong gagawin ko? Wala ako sa panahong kailangan nila ako. Anong sasabihin sa akin ni Dad.” hindi ako mapakali.“ I need to go home Nick. Kailangan kong pumunta ng Cavite. Sa mansion ““ Ihahatid na kita.” “ No, sa condo mo na lang ako ihatid, I know pagod ka sa kakadrive, I’ll drive. Baka di ako makauwi mamaya.” nag aalalang sabi ko. “ Ok,
Jessica’s POV“ Dad?” I knocked on the door of my dads office before going in. “ Andito ka na pala, umupo ka” relax na sabi ni Dad. Nagugulat ako sa kanilang reaksyon. Iba ang aking inaasahan na mararatnan. Akala ko they are worried and busy. Pero, parang walang silang malaking problema.“ I contacted Rich Galvez, I asked for the status of your relationship. And he seemed interested in you which is good. Siguro naman sapat na ang mga araw na binigay ko sa inyo na makilala ang isa’t isa?“ Nakikinig lang ako kay Dad at di maintindihan kung ano ang pinupunto niya. “ Tomorrow, we will announce to the public your engagement with Rich Galvez. Sasama ka sa kanya sa Auction bukas ng gabi. It will be your official date as a couple” Para akong tinamaan ng bola sa ulo dahil sa narining. Nahihilo ako, anong pinagsasabi ni Dad.“ Dad, I.. what do you mean engagement?” “ I told you, ipapakasal kita kay Rich Galvez. Ano pala ang akala mo sa pagsama sama ko sayo sa mga okasyon na kasama si Rolan
Jessica’s POV Ilang minuto akong natulala sa sinabi ng matanda. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay narinig ko ang tunog ng kampana mula sa simbahan. Paglingon ko, wala na sila. Hindi ko man lang narinig na nagpaalam sila. Para bang isa lang silang guniguni, para mag-iwan ng mensaheng kailangang marinig ng puso ko.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng simbahan, luhaang humihikbi. Doon ko isinuko ang lahat sa Diyos. Sa harap ng altar, tahimik akong nanalangin habang unti-unting inaamin sa sarili na kailangan ko nang kalimutan si Nick. Kailangan kong tanggapin na asawa na siya ng kapatid ko. Masakit, ubod ng sakit, pero alam kong makakaya ko.Nang gabing ‘yon, nangako ako sa Diyos. Nangako akong uunahin ko na ang sarili ko. Na mamahalin ko ang sarili ko, at hindi ko na hihintayin o hihingin pa ang pagmamahal ng mga taong ayaw naman talaga sa akin.“You will be my maid of honor, Jes, sa church wedding namin,” narinig ko ang
Jessica’s POVIt has been five days mula nung naglunch kami nina Nick at Ate Andrea. Sa mansion na ako nakatira ngayon, dahil pumayag na si Daddy na mag-resign ako. Nandito rin kasi ang malaki kong studio. Pero sooner or later, I’ll need to move into a bigger condo kung gusto ko talagang mag-focus sa pagpipinta.Pababa ako ngayon ng hagdan. Late na ako nagising dahil abala ako kagabi sa pagpipinta. It’s almost lunchtime.Nagulat ako nang makita ko si Nick at Ate Andrea na nakaupo sa mesa kasama si Mommy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Nick, pero pinili kong huwag itong pansinin. Masayang nagkukuwentuhan sila. Nakaramdam ako ng inggit, pero pilit ko itong nilunok. Ayokong ipakita kahit kanino ang totoo kong nararamdaman.“Good morning,” bati ko, pilit na may ngiti sa labi.Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy bago siya nagsalita. “Sa ngayon, dito muna titira sila Andrea at Nick sa mansion. Babalik ka ba sa condo mo mamaya?”“Hindi po. Dito muna ako m
Scarlett’s POVMuntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Mommy.“I just want to remind you, Scarlett, hindi pa kami sigurado sa boyfriend mo. I know he is a hardworking man, but…”Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, sinadya niya. Huminga ako nang malalim habang iniaabot sa kanya ang basong may tubig.“Mom! Di ba napag-usapan na natin ’to? You promised me na hindi kayo makikialam sa lalaking pipiliin ko. I told you to trust me,” matigas kong sagot.“I trust you, but I don’t trust any guy who wants to pursue you,” mabilis at buo ang sagot niya.“Ayokong gamitin ka lang nila sa ambisyon nila,” dagdag pa niya, ngayon ay mas malakas na ang boses niya. “Mga lalaking galing sa hirap ay gagawa at gagawa ng paraan para umangat sa buhay. They will only use you for their benefit. Just like Geo,.. napaka-opportunista!”May kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ’yon, diretsong sinabi ni Mommy, may galit, may hinanakit.“Mom, iba si George. Hindi siya tulad ni Geo,” halos
Scarlett’s POVHindi ako mapakali habang nasa condo. Kanina ko pa tinatawagan si George ngunit hindi ito sumasagot. Sabi niya sa akin bibili lang siya ng ice cream pero mag-iisang oras na ngunit wala pa rin ito. “ Nasaan na ba ang lalakeng iyon” naiinis kong sabi. I called Jessica pero hindi rin ito sumasagot. Alam ko nasa mansion siya ngayon dahil ngayon darating sila Andrea at Nick, they will have a lunch sa bahay. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit sinabi niya na kaya niya nang harapin sila Nick at Andrea. Nagulat ako kay Jessica dahil isang araw bigla na lang itong naging ok. Pagkatapos ng ilang araw na iyak ng iyak nagulat na lang ako na bigla itong nagbihis at pumasok sa opisina. ~~~ flashback~~~“Where are you going Jes?” Nagtataka kong tanong nung nagising ako isang araw at napansin ko na maayos na nakabihis si Jessica. “ Work. magreresign na ako” seryosong sabi nito. Napaupo ako sa kama. Tama ba ang aking narinig? “Ha? Ano ulit 'yon?” tanong ko na may pagkiling ng ulo
George’s POV“What are you talking about, Nick? Paano mo naging kapatid si Jessica?” gulong-gulo kong tanong.Parang umikot ang mundo ko sa katotohanang ibinahagi ni Nick. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganoon, lumuluha.Oo, lumuluha si Nick. At hindi lang basta luha, luha ng galit, sakit, at pagkawasak. Ramdam na ramdam ko iyon.“You heard me right. Anak si Jessica ni Daddy at ni Elena,” mariin niyang sambit, halos hindi makapagsalita sa bigat ng damdamin.“Hahaha, what a cruel world!” sabay tawa niya na parang isang baliw na sumuko na sa lahat.“Kaya pala kamukha niya si Elena. Kaya pala parang pamilyar ang kanyang mata, dahil kay Daddy pala niya nakuha 'yon. Haha! Imagine, George… I fell in love with my sister!” pahiyaw na sambit niya, puno ng sakit at pagkasuklam sa sarili.“Sabihin mo sa akin, George… paano ko aaminin kay Jessica ang katotohanan? Kung ako nga, wasak na wasak na, paano pa kaya siya? Ayokong maramdaman niya ang ganitong sakit, ang pighati, ang galit. Hindi ko
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~Halos araw-araw, si Andrea ang kasa-kasama ko sa ospital. Inaalagaan niya ako. Pinipilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na masaya ako. Pero sa totoo lang, may mga araw na hindi ko talaga kayang tiisin ang presensya niya. Masyado siyang maingay, masyadong masigla… parang wala siyang pakialam sa bigat ng mundo ko.At sa mga sandaling ‘yon, nakikita ko… ilang ulit ko nakikitang sumisilip si Jessica. Minsan malayo lang. Minsan palihim. Nasasaktan ako.Pero palagi kong pinipiling hindi siya pansinin. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakikita. Kahit na ang totoo, bawat sulyap niya ay parang punyal na dumudurog sa puso ko.Sa bawat pagtulo ng kanyang luha… sa bawat paglapit niya sa akin… parang patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.Alam ko, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.Kailangan ko siyang itulak palayo. Kailangan niyang magalit sa akin.At sa lahat ng posibleng paraan, tanging pagpapakasal kay Andrea ang naiisip k
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~“Nick… Nick huwag mo kong iwan… Please… huhuhu… Please, Nick…”" Love, gising ka na.." Mga boses ni Jessica ang tanging naririnig ko sa gitna ng dilim. Walang katapusang kadiliman. Pilit kong tinutunton ang pinanggagalingan ng kanyang tinig pero parang lalong lumalayo.Lakad lang ako ng lakad.Hindi ako titigil. Kailangan ko siyang mahanap. Jessica… umiiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Kailangan niya ako.“Love, where are you? Are you okay? Love…”Mga alingawngaw na lang ang naririnig ko. Wala akong ibang makita kundi dilim… hanggang sa bigla na lang may liwanag. Isang matinding bugso ng pag-asa ang bumalot sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa liwanag.Pagdilat ko ng aking mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napapikit ako. Ilang ulit. Masakit. Masakit ang ulo ko… ang buong katawan ko.Paglingon ko, nakita ko si Jessica. Masaya ako nung makita siya.“Love! Gising ka na! Wait, I will call the nurse!”Kita ko ang ning
Nick’s POV ~~ Flashback bago ang Aksidente ~~Pinipilit kong tapusin ang lahat ng trabaho sa opisina. Kailangan kong umuwi ng maaga. May inihanda akong espesyal para kay Jessica. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Yes, hello?” “Good afternoon Mr. Ford, everything is set now, according to your instruction. I also sent a video to your email. Kindly check it if there are things you want to change or remove.” “OK, thank you! I’ll check it now. I will call you back.”Tumawag ang decorator na inupahan ko para sa isa na namang proposal ko kay Jessica. Excited kong binuksan ang email ko. Napangiti ako habang pinapanood ang video. Perfect ang setup. Gusto ko sana ito sa ibang lugar, pero mas pinili ko sa condo, mas private, walang istorbo.Alam kong mainit-init pa ang engagement nila ni Rich, pero wala akong pakialam. Ayokong may makakita sa amin at masira pa si Jessica sa publico. Magtitiis lang muna ako. Lalo akong napangiti nang makita ko ang malaking portrait niya, nakangiti siya, mas
Nick’s POVAndrea decided to stay sa mansion nila, may kailangan daw siyang gawin. Ako naman, umuwi mag-isa sa condo to check on something. Bukas pa kami lilipat sa mansion.Paglabas ko ng elevator, tumambad sa akin si George. Galing siya sa unit ni Scarlett. Nagmamadali siyang lumabas pero nang makita niya ako, bigla siyang bumilis maglakad, at sa isang iglap, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.Tumilapon ako. Ramdam ko agad ang sakit, ang bigat ng galit niya."I don’t know if you remember," mariing sabi niya habang ang apoy sa mga mata niya ay parang sasabog, "pero sinabi ko na sa’yo, hindi ko hahayaan na saktan mo si Jessica. Kulang pa ‘yan, Nick!"Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa condo, nananahimik. Habang binubuksan ko ang pinto, napansin kong may dugo na pala ang ilong ko. Pero wala akong pakialam. Deserve ko ‘to.Pagpasok ko pa lang, sumunod si George at itinulak ako papasok.Kung normal lang ‘to, baka bumawi na ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko kayang sabayan s