Home / Romance / Unravel Me(FILIPINO) / CHAPTER TWENTY FIVE

Share

CHAPTER TWENTY FIVE

Author: Babz07aziole
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

MARAHAN IBINUKAS-SARA ni Pamela ang mata. Iinot-inot siyang bumabangon at napaupo sa malambot nilang kama. Nang dumako ang pansin niya mula sa bintana ay nakita niyang umaga na pala.

"How's your feeling Mommy?"tanong ni Amanda Veron na nasa ibabaw din naman ng kamang kinahihigaan niya. Nasa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kanya. Kapag ganito ang reaksiyon nito'y kamukhang-kamukha naman niya ito.

"I'm okay baby, d-did you done eating breakfast hmmm?"tanong ni Pamela na hinaplos-haplos ang ibabaw ng ulo ng anak. Hanggang sa mga sandaling iyon ay sumisigid pa rin ang pananakit ng ulo niya.

Hindi niya alam kung anong oras na sila nakauwi kagabi ni Andrea at kung paano sila nakarating sa mansyon.

"Nah! I'm waiting for you to get up Mom, para naman po may kasabay akong kumain,"malambing na sabi naman ni Amanda Veron, tuluyan nitong niyakap ang manikang pinaglalaruan nito.

Kahit mahilo-hilo pa'y tumayo na si Pamela, maging
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Analiza Caramol
super ganda
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER TWENTY SIX

    HINDI pa napapatay ni Varun ang makina ng kotse na kapaparada lamang niya sa garahe ng kanilang mansyon nang mabilis na inalis ang pagkakabit sa katawan nito ng seatbelt at walang-lingon likod ang ginawang pagbaba mula sa tabi niya ni Pamela. Nanatili lamang nakasunod ang tingin niya rito.Napabuntong-hininga na lamang si Varun ng malakas na isinara ng asawa niya ang pintong nilabasan nito. Hanggang sa paglalakad ng mabilis nito papasok sa mansyon nila.Mariin lamang hinawakan ni Varun ang manibela, nanatili lamang siyang nakamasid sa harapan ng kanyang kotse, hanggang sa tuluyan niyang ipinukpok ang kamao doon na tila sa ginagawa ay mailabas man lang niya roon ang labis na frustration."What have you done Varun! Napakalaki mong gago!"marahas na paninisi niya sa sarili. Galit na galit ito ngayon sa naging bunga ng ginawa niyang paglilihim sa asawa niya.Ang totoo ay ini-expect na niyang mangyayari iyon, ngunit hindi niya aakalain na mas maagang mabu

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER TWENTY SEVEN

    NAIHATID na ni Pamela si Amanda Veron sa silid nito. Nakailang fairy tale book din siya na binasa bago ito nakatulog. Tuluyan na siyang naglakad palabas at dahan-dahan isinara ang pinto matapos niyang kintalan ng halik sa sentido ang anak.Bubuksan na sana nito ang pinto ng silid nila ng kusang bumukas iyon at makita niyang nasa bungad ng pintuan si Varun. Nakasuot na ito ng puting sando at stripe na pajama na kulay blue naman ang pang-ibaba."Anong ginagawa mo rito?"malamig na tanong ni Pamela sa lalaki.Hindi naman nakaimik si Varun, tumabi ito upang tuluyan makapasok si Pamela na walang kabahid-bahid ng ngiti ang labi."Sa guest room ka matutulog,"dugtong ng babae."Pero Love's...""Anong pero? pwedi ba sundin mo na lang ako, sana paglabas ko sa banyo ay hindi na kita mararatnan dito!"Bulyaw na ni Pamela.Muli ay napatahimik na naman si Varun, tanging pagsunod na lang ng tingin ang nagawa ng lalaki hangg

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER TWENTY EIGHT

    HALOS isang Buwan na rin ang nakalilipas, ngunit nanatili na kibuin-dili ni Pamela si Varun. Sa araw na umuwi siya ng mansyon matapos nilang magkita at makapag-usap ni Johann ay sinabi lahat ng asawa niya ang nalalaman sa binata.Akala niya ay makikinig at iiwasan nito si Johann, ngunit nagkamali siya. Dahil nanatili itong naka-enroll at pumapasok sa klase ng lalaking nagbabalak agawin ang asawa niya."Goodmorning Baby!"bati ni Pamela sa anak nilang si Amanda Veron. Nakaupo na ito sa hapag-kainan, kasalukuyan nitong tinutusok ang hotdog bits sa plato. Ngunit hindi nito iyon matusok-tusok ng bata, frustrated na ito sa ginagawa."Sandali lang baby, ako ng tutusok,"wika niya. Agad naman niyang ginawa iyon at ibinigay pagkatapos sa bata ang hawak na tinidor."Thank you po!"magiliw na bati ni Amanda Veron na tuluyan nginuya ang pagkain. Nangiti lang si Pamela at tuluyan naupo sa kabilang side ng lamesa."Ano pong gusto niyong k

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER TWENTY NINE

    MATAPOS makapangnahalian ay inihatid muna ni Pamela ang anak sa playroom kung saan naglalaro kasama nito si Vince."Sige na Pam, ako ng bahala kay Amanda Veron. Para makausap mo ang asawa mo ng sarilinan,"pagtataboy ni Camella sa kanya ng may ngiti pa sa labi."Salamat ate, mag-uusap lang naman kami,"tugon niya. Naiinis si Pamela sa kaalaman na parang pinag-iisipan sila ng nakatatandang kapatid niya ng kung ano."Naku! Mas okay siguro na sabihin mo na rin ang tungkol diyan sa ipinagbubuntis mo. Tiyak ikatutuwa niya na magkakaroon na ulit kayo ng baby,"mahinang anas sa kanyang tenga ng ate niya."Ayuko!"Pagmamatigas pa rin nito."Haisst! bahala ka na nga, ikaw din. Siyempre ama pa rin siya niyang dinadala mo,"pangungumbinsi pa ni Camella."Tama na ate."Tinalikuran na ito ni Pamela at naglakad pababa ng hagdan. Iginala niya ang pansin sa paligid ng mansyon, naalala niya bata pa siya noon. Halos lagi siyang nagtatakbo pa

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER THIRTY

    KATATAPOS lamang ang klase niya sa subject kung saan nagtuturo si Johann. Mabilis ang bawat galaw upang mailigpit lahat ni Pamela ang mga gamit niya sa lamesa."Ela, can I talk to you?"tanong ni Johann na tuluyan nang nakalapit sa may likuran bahagi nito."Susko! ginulat mo ako J!"malakas na sabi ni Pamela na napalundag at napahawak pa sa sariling dibdib.Natawa naman si Johann sa pagkagulat niya."Tumatawa ka pa, ginulat mo na nga ako!"naiiling na ani ni Pamela."Para ka kasing nakakita ng multo sa naging reaction mo. Siya nga pala ba't parang nagmamadali ka?"tanong ni Johann. Sinabayan na nito si Pamela sa paglabas ng classroom. Ilan sa mga estudyanteng nadadaanan nila sa hallway ay binabati si Johann."Mamimili kasi ako, kuwan... pupunta si Maragareth kasama si Vaett. Ipagluluto ko sila ng specialty kong roasted chicken,"wika niya."Oooh... see. So ayos na? I mean tanggap mo na."Hindi iyon patanon

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER THIRTY ONE

    EKSAKTONG alas-siyete na ng gabi dumating ang kotse ni Varun. Nakaramdam ng selos si Pamela nang alalayan pababa ng asawa niya si Margareth. “Goodevening, come in… let’s talk over the dinner,”ani ni Pamela. Matipid lamang nangiti si Margareth, sa isip ni Pamela ay mabuti na lang at nakapag-ayos siya kahit paano. Sa totoo lang ay na-insecure siya kay Marga. Napakasexy kasi nito sa suot nitong backless na itim na dress. Bagay na bagay ito sa kulay nitong mestisahin, naglakad na siya papasok Kung pagtatabiin lang sila ni Varun ay hamak na mas nababagay ito kay Margareth. Agad niyang dinismula ang pag-iisip ng kung ano-ano sa babae lalo’t narito ito ngayon sa pamamahay nila. Hindi siya pumayag na imbitahin ang mag-ina nito para sa dahilan na pag-isipan niya ito ng kung ano-ano. Tuluyan silang naupo. “Let’s eat, enjoy,”pagbibigay permiso ni Pamela nang umpisahan na nila ang pagkain.

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER THIRTY TWO

    MAGMULA ng gabing iyon ay lalong nagkaroon ng puwang sa pagitan ni Pamela at Varun. Lalo na at laging ginagabi sa pag-uwi ito, parati siyang nag-iisip na baka nakikipagkita ito ng palihim kay Margareth. Magkagayunman ay hindi iyon ipinaalam ni Pamela ang nasasaloob sa asawa, mas nanaisin niyang kimkim ang lahat ng iyon.Nagliligpit na si Pamela ng mga gamit niya sa desk, katatapos lang ng klase niya kay Johann. Bagama't sobrang enjoy naman siya sa mga topics at activities sa lahat ng subjects niya sa kinuhang course ay parati na lang siyang walang gana."Uuwi ka na?"tanong ni Johann ng tumapat ito sa kanya."Huh?"tanong ni Pamela, kasabay ng pag-angat niya ng mukha. Bigla ay nakaramdam ng pagkahilo at panlalambot ito. Mabilis naman umalalay si Johann."M-may masakit ba sa iyo Ela?"kababakasan ng labis na pag-aalala ang tinig ni Johann. Unti-unti siyang pinaupo ulit ng binata."Wait! ka lang diyan. Kukuha ako ng tubig para

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER THIRTY THREE

    MABILIS na umangat ang mukha ni Pamela at hinayon ang direksyon ng banyo kung saan narinig niya ang kalalabas lamang na asawa. Nakatapis lamang ito ng putting tuwalya sa may beywang nito. Tumutulo pa ang tubig sa buhok nito ng mga sandaling iyon ay lumukob sa silid nila ang swabeng amoy ng sabon panligo na ginamit nito.Naglakad ito palapit sa kanya, sa sandaling iyon ay nakatitig lamang ang babae. Maging si Varun man ay ganoon din pero katulad na katulad pa rin ang awra nito nang pumasok ito sa loob kanina.“H-hindi totoo ang mga nakasulat d-dito!”nanginig ang tinig ni Pamela, nag-umpisa na rin sumungaw ang butil ng luha sa magkabilang mata nito.“Talaga Pam, eh ano iyang nasa litrato. Made-deny mo ba iyan huh!”Varun glaired. Halos maglabas ng apoy ang mga mata nito habang idinuduro nito ang hintuturong daliri mismo sa larawan kung saan kitang-kita na inaalalayan siya ni Johann sa labas ng

Latest chapter

  • Unravel Me(FILIPINO)    SPECIAL CHAPTER

    AFTER TWO YEARS NAGMADALI sa pagpanhik ng hagdan si Varun, kahahatid lamang nito kay Amanda Veron sa hipag niya. Agad na siyang dumiretso sa banyo upang maligo. Marami siyang aasikasuhin para sa ikasampung anibersaryo nila ni Pamela bilang mag-asawa. Mabuti na lamang at nakakunchaba ni Varun si Andrea na tulungan siya sa gagawin niyang surprise party para sa asawa. Patapos na siya sa paliligo nang biglang nawalan ng kuryenti. “Damn it! Ngayon pa talaga!” mura ni Varun. Agad na nitong hinablot sa sampayan ang tuwalya niya. Palabas na siya nang biglang may maapakan siya mula sa sahig na siyang dahilan ng pagkadulas nito at pagdidilim ng lahat sa kaniya. UNTI-UNTING iminulat ni Varun ang mga mata. Unang tumambad sa paningin niya ang maamong mukha ni Pamela, habang katabi nito si Amanda Veron. Nasa mukha ng dalawa ang labis na pag-aalala. “Daddy! How are you? Are you okay

  • Unravel Me(FILIPINO)    EPILOGUE

    PANAY salin ng mamahalin Gilbey’s wine sa wine glass si Pamela ng mga sandaling iyon. Ilang araw ng nasa ganoon siyang sitwasyon, hindi na niya malaman kung anong araw o oras siya kailan siya nag-umpisang uminom. Basta naalala lang niya, magmula ng makarating sila sa kabilang side ng bundok kung saan naroon si Amanda Veron kasama ang yaya nito at ni Johann ay dali-dali na rin siyang nag-ayang bumaba na ng bundok. Kahit ang totoo sa kabila ng magandang makikita roon na tila humahalik ang langit sa kanila ay hindi iyon napigilan ang urge niyang umuwi na sa mansyon nila rito sa San Salvation. Grabeng pang-aaway pa ang ginawa ni Pamela kay Varun ipinilit niyang kontakin nito si Captain Jack ang piloto sa pagmamay-ari nitong chopper na papuntahin at sundin sila roon para mabilis silang makauwing mag-ina. Atat siyang makalayo sa paningin ng ex husband niya! “So you’re here the great fabulous Pamela Villaruel!”Bati

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER FOURTY FOUR

    NAGISING si Pamela sa marahan na yugyog na ginawa ni Varun. Iinot-inot siyang pinaupo nito sa may tabi niya, biglang kumalam ang sikmura ni Pamela nang maamoy niya ang squash soup na inihanda nito para sa kanya."Hindi ka talaga nagbibiro ng sabihin mo na ipagluluto mo ako niyan,"may ngiti sa labi na ani ni Pamela."Oo naman, para kahit paano ay malamnan ng mainit na sabaw ang tyan mo at para na rin bumaba ang lagnat mo,"wika ni Varun na dinama pa ang noo niya ng palad nito."S-salamat dito,"tugon ni Pamela."Isandig mo lang sarili mo sa akin habang sinusubuan kita,"paalala ni Varun habang inaalalayan ito.Nag-umpisa na ngang subuan ito ng lalaki, panay ihip din siya sa kutsara para hindi mapaso ang dila ni Pamela."Kumain ka ng marami para gumaling ka agad,"pagpapaala pa ni Varun.Tumango naman si Pamela, kahit hindi ipaalala ni Varun iyon ay tiyak siyang mapaparami ang kain niya.Hindi na nga namalayan ni Pamela na ubos

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER FOURTY THREE

    ISA-ISA ng pinaglalagay ni Varun ang mga gamit na dadalhin nila sa hike ni Pamela."Pam, masyado yatang madami ang dinala mo?"puna ni Varun na tumigil saglit sa ginagawang paglalagay ng mga gamit ng babae. Nakakalahati pa lang kasi ng nalalagay niya ay napuno na ang lagayan sa likod ng kotse ni Varun."Eh, bakit ba nasisiguro naman ako na importante ang lahat ng iyan,"tugon ni Pamela na nakatikwas ang isang kilay."Katulad na lang nitong mga sapatos, ayos naman na iyang isuot mo na lang mismo ang siyang dalhin mo.""Eh, sa gusto ko palitan kapag gusto ko. Problema ba roon. Sige na iiwan ko na iyan."Agad naman kinuha ni Pamela iyon at ipinasok ulit sa loob.Ngunit laking gulat niya na hindi lang iyon ang inilabas sa compartment ni Varun."Anong ginagawa mo!"galit na sita ni Pamela na hinablot ang bag na akmang bubuksan nito iyon."I-che-checked ko lamang kong anong laman niyan,"sabi lang ni Varun."Tumigil ka nga mga extra

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER FOURTY TWO

    MANAKA-NAKANG iminulat ni Pamela ang mata, iinot-inot siyang bumangon sa kamang kinahihigaan. Nanatili lang naman na nakapikit ang mata niya, pakiramdam niya ay wala siyang kagana-gana maski buksan iyon. Pero hindi naman pwe-pwedi, paano niya makikita ang paligid niya kapag hindi niya minulat iyon."Manang Anita! Ate Camella! Amanda Veron!"Sunod-sunod na pagtawag ni Pamela sa pangalan ng mga ito. Matapos niyang makaupo sa kama. Nanatili pa rin siyang nakatungo dahil sobrang bigat pa rin ng ulo niya ng mga sandaling iyon dahil lang naman sa nainom niya kagabi. Hindi na niya mabilang kung nakailan siya."Saan ba sila nagpunta?"tanong ni Pamela nang nanatili na walang tumutugon sa pagtatawag niya. Nagtaka rin siya dahil sobrang tahimik. Tuluyan na siyang bumangon kahit na nangangatog pa ang magkabilang binti niya.Hinawakan na niya ang seradura ng pinto at ipinihit iyon pabukas, pagkalabas nga niya ng silid ay sinalubong siya ng mas lalo pa

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER FOURTY ONE

    ARAW ng kasal ni Camella at David. Napagdesisyunan ng dalawa na San Salvation sa maliit na chapel na iyon ganapin ang pag-iisang dibdib nila.Mas gusto kasi ng dalawa na intimate ang magiging wedding na magaganap. Magkagayunman, dahil sadiyang maliit na Bayan ang San Salvation ay dinagsa pa rin ang ginanap na kasal.Nang matapos ang kasal ay dumiretso na sila sa reception. Sa Hacienda ng mga ito pinili, dahil sa marami pa ang dumarating upang kumain ay nagpadagdag pa si Camella ng mga pagkain sa may buffet."Hindi ko aakalain na ininvite mo pala ang halos lahat ng mamayan dito sa San Salvation ate!"natatawang kantiyaw ni Pamela."Sira! Hindi ah! ba't ko gagawin iyon. Kung dito ka lang ikinasal dati tiyak ko ganito rin karami ang taong dadalo sa kasal niyo ni Varun!"nasabi ni Camella habang hawak-hawak nito magkabilaan ang puting gown para hindi sumayad sa baba. Panay din ngiti sa mga taong binabati s

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER FORTY

    DUMATING ang araw na pinakahihintay ni Pamela. Madaling-araw pa lang ay sinundo na siya ng Brand Ambasaddor ng Modeling Company ang “PARCI”(Philippines Arts Runaway Comission Incorporation). Isa sa prestesyuso at coordinated by a successful pioneer member by Jhing Quiroso. Philippines Arts Runaway Comission Incorporation is a special production that held in the Philfest. Dahil sa traffic ay halos inabot ng sampung oras ang biyahe. Si Amanda Veron at Ate Camella niya ay susunod na lamang daw. Dahil sa matagal na hinintay ni Pamela ang opportunity na iyon dahil nabigyan siya ng Management niya sa London na irampa din ang sarili niyang designs. Siya ang mangunguna. Kaya kakaba-kaba siya, magkagayunman ay gagawin niya ang best para maging successful ang araw na iyon! Pagkapasok pa lang ni Pamela sa dresser room ng mga kapuwa niya model ay agad na siyang inasikaso ng make-up artist at hair dresser niya. Anim silang Filipino roon ang iba na maka

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER THIRTY NINE

    CHAPTER TWENTY FOUR: AFTER FIVE YEARS NAGING matulin ang mga Taon na lumipas. Naging busy man si Varun sa pagpapatakbo sa business ay hindi naman niya nakakalimutan ang obligasyon niya sa anak na si Amanda Veron. Sa dumaan na limang Taon sa tuwing dinadalaw niya ang anak sa London ay iniiwan ni Pamela sa bahay ng kapatid niyang si Arthur ito. Ganito na ito since umalis ito ng Pilipinas, sa halos limang Taon na pabalik-balik niya roon ay hindi niya ito nakikita. But kidding aside kahit hindi naman niya ito nakikita ng personal ay kitang-kita niya ang nakakalat na image nito sa boulevard bulletin sa city ng London Borough. Hindi niya aakalain na magiging successful model ito roon. Nabalitaan niya rin na nakapagtapos din ito ng "Online Portrait Painting" marahil kung hindi nangyari ang mga trahediya sa pamilya nila ay noon pa ito naisakatuparan nito iyon. Kitang-kita niya kasi kung gaano kamahal ni Pamela ang pagpipinta. "M

  • Unravel Me(FILIPINO)    CHAPTER THIRTY EIGHT

    KASALUKUYAN naghahanda sa pagpasok si Varun ng mga sandaling iyon nang makarinig siya ng pagkatok mula sa pinto ng kanyang silid. "Bukas iyan,"pabalewalang sagot niya. Agad naman nagbukas iyon at nakita niya mula sa kaharap na salamin si Manang Anita. "Ano po iyon Manang?"tanong ni Varun na tuluyan umikot para makausap ito. Sa sandaling iyon ay naglalagay na siya ng kurbata. Sa ilang ulit niyang ginagawa iyon tuwing umaga ay unti-unti siyang natuto na gawin iyon ng mag-isa. Kumbaga nasanay na siya sa isipin na walang gagawa niyon bukod sa kanyang sarili. "Hindi ka ba kakain ng almusal bago pumasok Senyorito?"tanong ni Manang Anita. "Hindi na ho Manang, baka magpadeliver na lang ako sa office mamaya, saka wala ho akong gana, "tugon niya. Tuluyan na niyang kinuha ang suitcase niya. Lalabas na sana si Varun ng muli niyang madinig ang tinig ng matanda. "Iho...wala akong karapatan na sabihin ito sa'yo, pero para sa akin ay para na kitang anak. Nag-

DMCA.com Protection Status