NAPANGITI naman si Pamela sa suhestiyon ng lalaki.
"Gusto ko rin sana, ang totoo ay nabanggit ko na iyan sa asawa ko. Kaso."Nag-alangan si Pamela na magsabi sa kaharap. Kabago-bago lang nilang magkakilala nito, nakakahiya na magpaka-feeling close siya rito.
"Just say it Ela, starting today ay ituring mo na akong isang kaibigan."Nakakahikayat ang ngiti na bumalatay sa labi ni Johann kaya upang mapagpasiyahan ni Pamela na ibahagi na rin dito ang napag-usapan nila dati ng asawa.
"A-ayaw na kasi ni Varun na bumalik ako sa pagpipinta,"tugon niya. Kasabay niyon ang pagkalungkot ng mukha niya.
"Why? I-I mean... bakit ayaw niya."May pagtataka sa tinig ng lalaki. Ewan niya if guni-guni lang ni Pamela ang dumaan na galit sa mata ng binata.
"Gusto niya kasing magfocus ako sa pag-aalaga sa anak namin at sa kanya."Agad na inabot ni Pamela ang baso ng pineapple juice na inorder ni Johann sa kanya. Nang titigan niya ito ay napatango-tango ito.
NANG makabalik nga mula sa Las Vegas sina Pamela at Varun ay excited na siyang mag-enrol sa isang Art school. Isang prestisyusong University sa Manila nag-enrol si Pamela. Sa araw na iyon ay agad na namili ito ng mga gagamitin niya."Mommy, I want a fairy tale book,"ungot ni Amanda Veron na nanunuod lang sa pamimili ng mga gagamitin brush at paint nito."Okay baby, just wait for a minute. After I buy the items I need for my school will have yours too,"sweet na sabi ni Pamela sa unica iha. Pinisil pa nito ang baba ng bata.Sa pagkakatitig sa anak ay parang female version ito ni Varun, ang tanging nakuha lang nito sa kanya ay ang kulot niyang buhok."Okay Mom."Humagikhik pa ang bata. Dahil sa malapit na ang pasukan ay marami ang mga tao sa loob ng National bookstore kung saan sila namimili."Just hold tight to my hand okay darling,"baling niya sa anak na tumango naman.Nagpatuloy sila sa paglalakad, hanggang ilang tumpok ng kabataan ang nakasa
NANG makaalis si Johann ay agad na tinugpa ng mga paa ni Varun ang silid nilang mag-asawa. Marahas niyang binuksan ang pinto."Pamela!"pagtawag niya sa asawa. Tuluyan siyang pumasok sa banyo, ngunit wala ito roon.Tuloy-tuloy siya sa paglabas, huminga muna siya ng malalim. Pinayapa niya muna ang sarili bago tuluyan pumasok sa silid ng anak nila. Kumatok muna siya bago niya ipihit iyon."Hello princess, you gonna sleep now?"masuyong tanong ni Varun sa nakahigang anak. Nasa tabi nito si Pamela na nagbabasa ng fairy tale book na binili ni Johann rito. Biglang nagpop in sa utak nito na sa ibang araw ay aayain niyang lumabas ang anak at ibili ito ng kahit ilang librong pambata na gustuhin nito. Kung gusto nito'y buong bookstore ay bibilhin niya, basta hinding-hindi na nito hahawakan ang libro na binili ni Johann."Yes Daddy, I'm so tired sa pamamasyal namin ni Tito Johann. I wish he gonna come here again to play with me,"inaantok nitong sabi."Let
MAGTATANGHALI na ng makarating sila sa Hacienda. Agad na nagtatakbo papasok sa malaking mansyon si Amanda Veron pagkabukas pa lamang ni Pamela sa pinto ng sasakiyan. Naiiling na lang ito, narinig pa niya ang tinig ng pamangkin na si Vince na sumalubong sa pagpasok ng anak. Napupuno ng ingay ng dalawang bata ang loob ng kabahayan kapag nagpupunta sila roon. "Naku! mamaya pa makakapaghain si Nana Losita. Hindi ko aakalain na mapapaaga ang pagdating niyo,"nagpapasensyang ani ni Camella matapos na magyakap at magbeso sa kapatid na si Pamela. Tinanguan lamang naman ni Varun ang hipag, kasalukuyan kasing nakatingin sa may hardin ito. Katulad ni Pamela ay mahilig sa paghahalaman ang lalaki. "Oo nga ate, first mass kasi kami umattend ng mass. Okay lang, magaalas-nuebe pa lang naman ng umaga eh,"tugon ni Pamela matapos nitong tignan ang Calvin Klein na relos na suot-suot. "Gusto niyo na muna bang magmeryenda, magpapahanda muna ako kay Nana Losita,"suhestiyon n
IPINAGPALIBAN nina Varun at Pamela na umuwi sa araw na iyon. Sinuhestyon ni Camella na doon na sila matulog. Pumayag naman sila, bya-byahe na lamang ang mga ito ng madaling-araw para makapasok si Pamela sa University kinabukasan.Matapos makapag-dinner ay nagyaya si Camella na magpahangin sa may tabi ng swimming pool area. Nakabukas ang lahat ng ilaw kaya maliwanag na maliwanag ang buong paligid.Mula sa may 'di kalayuan ay matatanaw ang garden. Tinatangay ng hangin sa paligid ang samyo ng iba't ibang amoy ng mga bulaklak na nakatanim doon."Mabuti naman Varun at nagkaroon ka ng oras na samahan sina Pamela at Amanda Veron dito sa San Salvation..."singit nito."Yeah, maybe it's time to make more time and memories with my wife and daughter,"ani naman ni Varun na sumisimsim sa baso nitong may laman na brandy. Habang si Pamela ay piniling uminom ng mainit-init na gatas."That's really great, matagal ko naman na kasing pinapayo sa'yo 'yan n
KAHIT na may nangyari ay maaga pa rin nagising ang mag-anak ni Varun para hindi maipit sa traffic. Maging si Varun ay maraming aasikasuhin sa mga naiwan niyang gawain sa sariling office."Mag-iingat kayo Pam, tumawag ka agad sa akin kapag nasa inyo na kayo maliwanag ba?"Si Camella."Oo ate salamat, don't worry sa araw ng Linggo marahil narito na kami ulit,"pangngako ni Pamela."Sige-sige, ingat!"Matapos na magyakap at makapagpaalaman pa ang magkapatid ay tuluyan ng nagbiyahe pabalik ng Maynila sina Varun."Alas-kuwarto pa lang ng umaga Love's, matulog ka muna habang nasa byahe tayo,"wika ni Varun. Dumako ang tingin nito sa kando-kandong nitong si Amanda Veron na nanatiling tulog pa rin."Hindi na siguro Love's, para hindi ako manlata mamaya sa pagpasok,"excited na ani ni Pamela."Okay then, you want me to open the radio for you?"tanong ni Varun."Nope, mas gusto ko lang na ganito tayo. Ay
NAKITA na lamang na kinakausap ni Varun ang dalawang security guard na lumapit dito. May sinabi ito saka siya nito itinuro sa dalawa na agad tumango.Maya-maya'y tuluyan hinawi ng mga ito ang estudyanteng nagpipilit pa rin na lapitan si Varun.Nagulat na lamang siya ng tumigil ang dalawang security guard sa may harap niya."Tara na ma'am Pamela, i-co-cover na lang ho namin kayo palapit kay Sir Sebastian."Tumango na lamang si Pamela at sumabay na siyang maglakad sa dalawang guwardiya na binibigyan siya ng seguridad para hindi maipit sa mga estudyanteng nakapalibot sa asawa nito.Nang makalapit si Pamela ay agad na siyang kinabig palapit ni Varun sa katawan nito. Inakbayan na siya nito habang naglalakad sila palapit sa kotse ng lalaki. Hanggang sa mabuksan at makasakay silang parehas ay nanatiling pinagkakaguluhan si Varun. Ang ilan ay nagtataka kung sino si Pamela rito."Okay ka lang?"tanong ni Varun sa asawa matapos
HALOS katatapos lamang magbayad ni Andrea mula sa salon na nilabasan nila ng muli na naman siyang hinila nito papunta sa isang jewerly shop."Andy, wait lang... Bes!"malakas ng sabi ni Pamela para matigil ito sa ginawang paghatak sa kanya nito."Bakit may problema ba?"takang-tanong ni Andrea. Ang mahabang buhok nito'y ipinatrim at pinakulayan nito ng blonde kaya lalong lumitaw ang pagiging mestisa nito. Nagpa-extension pa ito ng eyelashes, tinanong siya nito kung gusto niya pero umayaw na siya dahil kuntento ito sa meron siya. Natural kasi na mahahaba ang pilikmata niya.Halos mahigit isang oras sila sa loob niyon, dahil may exclusive card si Andrea ay binigyan ito ng malaki-laking discount."H-hindi ka ba napapagod?"Hinihingal na si Pamela. Mahilo-hilo na siya."Hindi, kaya tara na! I have something in my mind that I want to go after this.""Saan naman 'yan pwedi ba tayong kumain muna?"suggest ni Pamela."
MARAHAN IBINUKAS-SARA ni Pamela ang mata. Iinot-inot siyang bumabangon at napaupo sa malambot nilang kama. Nang dumako ang pansin niya mula sa bintana ay nakita niyang umaga na pala."How's your feeling Mommy?"tanong ni Amanda Veron na nasa ibabaw din naman ng kamang kinahihigaan niya. Nasa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kanya. Kapag ganito ang reaksiyon nito'y kamukhang-kamukha naman niya ito."I'm okay baby, d-did you done eating breakfast hmmm?"tanong ni Pamela na hinaplos-haplos ang ibabaw ng ulo ng anak. Hanggang sa mga sandaling iyon ay sumisigid pa rin ang pananakit ng ulo niya.Hindi niya alam kung anong oras na sila nakauwi kagabi ni Andrea at kung paano sila nakarating sa mansyon."Nah! I'm waiting for you to get up Mom, para naman po may kasabay akong kumain,"malambing na sabi naman ni Amanda Veron, tuluyan nitong niyakap ang manikang pinaglalaruan nito.Kahit mahilo-hilo pa'y tumayo na si Pamela, maging
AFTER TWO YEARS NAGMADALI sa pagpanhik ng hagdan si Varun, kahahatid lamang nito kay Amanda Veron sa hipag niya. Agad na siyang dumiretso sa banyo upang maligo. Marami siyang aasikasuhin para sa ikasampung anibersaryo nila ni Pamela bilang mag-asawa. Mabuti na lamang at nakakunchaba ni Varun si Andrea na tulungan siya sa gagawin niyang surprise party para sa asawa. Patapos na siya sa paliligo nang biglang nawalan ng kuryenti. “Damn it! Ngayon pa talaga!” mura ni Varun. Agad na nitong hinablot sa sampayan ang tuwalya niya. Palabas na siya nang biglang may maapakan siya mula sa sahig na siyang dahilan ng pagkadulas nito at pagdidilim ng lahat sa kaniya. UNTI-UNTING iminulat ni Varun ang mga mata. Unang tumambad sa paningin niya ang maamong mukha ni Pamela, habang katabi nito si Amanda Veron. Nasa mukha ng dalawa ang labis na pag-aalala. “Daddy! How are you? Are you okay
PANAY salin ng mamahalin Gilbey’s wine sa wine glass si Pamela ng mga sandaling iyon. Ilang araw ng nasa ganoon siyang sitwasyon, hindi na niya malaman kung anong araw o oras siya kailan siya nag-umpisang uminom. Basta naalala lang niya, magmula ng makarating sila sa kabilang side ng bundok kung saan naroon si Amanda Veron kasama ang yaya nito at ni Johann ay dali-dali na rin siyang nag-ayang bumaba na ng bundok. Kahit ang totoo sa kabila ng magandang makikita roon na tila humahalik ang langit sa kanila ay hindi iyon napigilan ang urge niyang umuwi na sa mansyon nila rito sa San Salvation. Grabeng pang-aaway pa ang ginawa ni Pamela kay Varun ipinilit niyang kontakin nito si Captain Jack ang piloto sa pagmamay-ari nitong chopper na papuntahin at sundin sila roon para mabilis silang makauwing mag-ina. Atat siyang makalayo sa paningin ng ex husband niya! “So you’re here the great fabulous Pamela Villaruel!”Bati
NAGISING si Pamela sa marahan na yugyog na ginawa ni Varun. Iinot-inot siyang pinaupo nito sa may tabi niya, biglang kumalam ang sikmura ni Pamela nang maamoy niya ang squash soup na inihanda nito para sa kanya."Hindi ka talaga nagbibiro ng sabihin mo na ipagluluto mo ako niyan,"may ngiti sa labi na ani ni Pamela."Oo naman, para kahit paano ay malamnan ng mainit na sabaw ang tyan mo at para na rin bumaba ang lagnat mo,"wika ni Varun na dinama pa ang noo niya ng palad nito."S-salamat dito,"tugon ni Pamela."Isandig mo lang sarili mo sa akin habang sinusubuan kita,"paalala ni Varun habang inaalalayan ito.Nag-umpisa na ngang subuan ito ng lalaki, panay ihip din siya sa kutsara para hindi mapaso ang dila ni Pamela."Kumain ka ng marami para gumaling ka agad,"pagpapaala pa ni Varun.Tumango naman si Pamela, kahit hindi ipaalala ni Varun iyon ay tiyak siyang mapaparami ang kain niya.Hindi na nga namalayan ni Pamela na ubos
ISA-ISA ng pinaglalagay ni Varun ang mga gamit na dadalhin nila sa hike ni Pamela."Pam, masyado yatang madami ang dinala mo?"puna ni Varun na tumigil saglit sa ginagawang paglalagay ng mga gamit ng babae. Nakakalahati pa lang kasi ng nalalagay niya ay napuno na ang lagayan sa likod ng kotse ni Varun."Eh, bakit ba nasisiguro naman ako na importante ang lahat ng iyan,"tugon ni Pamela na nakatikwas ang isang kilay."Katulad na lang nitong mga sapatos, ayos naman na iyang isuot mo na lang mismo ang siyang dalhin mo.""Eh, sa gusto ko palitan kapag gusto ko. Problema ba roon. Sige na iiwan ko na iyan."Agad naman kinuha ni Pamela iyon at ipinasok ulit sa loob.Ngunit laking gulat niya na hindi lang iyon ang inilabas sa compartment ni Varun."Anong ginagawa mo!"galit na sita ni Pamela na hinablot ang bag na akmang bubuksan nito iyon."I-che-checked ko lamang kong anong laman niyan,"sabi lang ni Varun."Tumigil ka nga mga extra
MANAKA-NAKANG iminulat ni Pamela ang mata, iinot-inot siyang bumangon sa kamang kinahihigaan. Nanatili lang naman na nakapikit ang mata niya, pakiramdam niya ay wala siyang kagana-gana maski buksan iyon. Pero hindi naman pwe-pwedi, paano niya makikita ang paligid niya kapag hindi niya minulat iyon."Manang Anita! Ate Camella! Amanda Veron!"Sunod-sunod na pagtawag ni Pamela sa pangalan ng mga ito. Matapos niyang makaupo sa kama. Nanatili pa rin siyang nakatungo dahil sobrang bigat pa rin ng ulo niya ng mga sandaling iyon dahil lang naman sa nainom niya kagabi. Hindi na niya mabilang kung nakailan siya."Saan ba sila nagpunta?"tanong ni Pamela nang nanatili na walang tumutugon sa pagtatawag niya. Nagtaka rin siya dahil sobrang tahimik. Tuluyan na siyang bumangon kahit na nangangatog pa ang magkabilang binti niya.Hinawakan na niya ang seradura ng pinto at ipinihit iyon pabukas, pagkalabas nga niya ng silid ay sinalubong siya ng mas lalo pa
ARAW ng kasal ni Camella at David. Napagdesisyunan ng dalawa na San Salvation sa maliit na chapel na iyon ganapin ang pag-iisang dibdib nila.Mas gusto kasi ng dalawa na intimate ang magiging wedding na magaganap. Magkagayunman, dahil sadiyang maliit na Bayan ang San Salvation ay dinagsa pa rin ang ginanap na kasal.Nang matapos ang kasal ay dumiretso na sila sa reception. Sa Hacienda ng mga ito pinili, dahil sa marami pa ang dumarating upang kumain ay nagpadagdag pa si Camella ng mga pagkain sa may buffet."Hindi ko aakalain na ininvite mo pala ang halos lahat ng mamayan dito sa San Salvation ate!"natatawang kantiyaw ni Pamela."Sira! Hindi ah! ba't ko gagawin iyon. Kung dito ka lang ikinasal dati tiyak ko ganito rin karami ang taong dadalo sa kasal niyo ni Varun!"nasabi ni Camella habang hawak-hawak nito magkabilaan ang puting gown para hindi sumayad sa baba. Panay din ngiti sa mga taong binabati s
DUMATING ang araw na pinakahihintay ni Pamela. Madaling-araw pa lang ay sinundo na siya ng Brand Ambasaddor ng Modeling Company ang “PARCI”(Philippines Arts Runaway Comission Incorporation). Isa sa prestesyuso at coordinated by a successful pioneer member by Jhing Quiroso. Philippines Arts Runaway Comission Incorporation is a special production that held in the Philfest. Dahil sa traffic ay halos inabot ng sampung oras ang biyahe. Si Amanda Veron at Ate Camella niya ay susunod na lamang daw. Dahil sa matagal na hinintay ni Pamela ang opportunity na iyon dahil nabigyan siya ng Management niya sa London na irampa din ang sarili niyang designs. Siya ang mangunguna. Kaya kakaba-kaba siya, magkagayunman ay gagawin niya ang best para maging successful ang araw na iyon! Pagkapasok pa lang ni Pamela sa dresser room ng mga kapuwa niya model ay agad na siyang inasikaso ng make-up artist at hair dresser niya. Anim silang Filipino roon ang iba na maka
CHAPTER TWENTY FOUR: AFTER FIVE YEARS NAGING matulin ang mga Taon na lumipas. Naging busy man si Varun sa pagpapatakbo sa business ay hindi naman niya nakakalimutan ang obligasyon niya sa anak na si Amanda Veron. Sa dumaan na limang Taon sa tuwing dinadalaw niya ang anak sa London ay iniiwan ni Pamela sa bahay ng kapatid niyang si Arthur ito. Ganito na ito since umalis ito ng Pilipinas, sa halos limang Taon na pabalik-balik niya roon ay hindi niya ito nakikita. But kidding aside kahit hindi naman niya ito nakikita ng personal ay kitang-kita niya ang nakakalat na image nito sa boulevard bulletin sa city ng London Borough. Hindi niya aakalain na magiging successful model ito roon. Nabalitaan niya rin na nakapagtapos din ito ng "Online Portrait Painting" marahil kung hindi nangyari ang mga trahediya sa pamilya nila ay noon pa ito naisakatuparan nito iyon. Kitang-kita niya kasi kung gaano kamahal ni Pamela ang pagpipinta. "M
KASALUKUYAN naghahanda sa pagpasok si Varun ng mga sandaling iyon nang makarinig siya ng pagkatok mula sa pinto ng kanyang silid. "Bukas iyan,"pabalewalang sagot niya. Agad naman nagbukas iyon at nakita niya mula sa kaharap na salamin si Manang Anita. "Ano po iyon Manang?"tanong ni Varun na tuluyan umikot para makausap ito. Sa sandaling iyon ay naglalagay na siya ng kurbata. Sa ilang ulit niyang ginagawa iyon tuwing umaga ay unti-unti siyang natuto na gawin iyon ng mag-isa. Kumbaga nasanay na siya sa isipin na walang gagawa niyon bukod sa kanyang sarili. "Hindi ka ba kakain ng almusal bago pumasok Senyorito?"tanong ni Manang Anita. "Hindi na ho Manang, baka magpadeliver na lang ako sa office mamaya, saka wala ho akong gana, "tugon niya. Tuluyan na niyang kinuha ang suitcase niya. Lalabas na sana si Varun ng muli niyang madinig ang tinig ng matanda. "Iho...wala akong karapatan na sabihin ito sa'yo, pero para sa akin ay para na kitang anak. Nag-