Share

CHAPTER 3

Habang nasa byahe sila ay enjoy na enjoy si  Riya sa mga kwento sa kaniya ni Elthon kahit ang iba doon ay puro tungkol sa mga lakad nila ni Monica. Hindi talaga nawawala  sa usapan nila si Monica gan'on kamahal ni Elthon ang kapatid niya.

"Nandito na tayo, bumaba kana ako na magdadala ng mga gamit mo." ani Elthon.

Nilibot ni Riya ang paningin niya sa paligid. Totoo nga ang sabi ni Elthon ang ganda ng lugar. Napapikit si Riya habang lumalanghap ng masarap na hangin.

"Ang ganda nga dito maaliwalas. Nakaka-relax."

"Sabi sayo e. Kaya nga gusto ko dalhin dito si Monica kaso wrong timing naman."

"Pwede naman kayo bumalik dito isama mo siya sa susunod na balik mo."

"Isasama ka din namin alam mo naman iyong kapatid mo gusto niya lagi ka namin kasama."

"Nako! huwag na no? maka-istorbo pa ako sainyo saka ayoko naman kasi talaga sumama hindi dahil ayoko kung hindi dahil time niyo kasi iyan e. Ayoko naman magmukhang third wheel no? hindi naman pang-third wheel ang ganda ko."

Natawa naman sa kaniya si Elthon. First time niya nakitang tumawa si Elthon sa sinabi niya kay Monica lang kasi siya gan'on.

"Hindi ka naman kasi talaga third wheel. Kasi naman palagi ka na lang trabaho kaya gusto ni Monica mag-enjoy ka din. Nagtataka nga kami sa ganda mong iyan ni wala ka pang boyfriend may nagkagusto naman sayo bakit ayaw mo silang e-entertain."

Sa isip ni Riya, kung alam lang ni Elthon bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng nobyo. Gusto niyang sabihin kay Elthon ang totoo pero wala siyang lakas ng loob. Bukod doon sasaktan niya lang ang sarili niya dahil hindi naman siya ang mahal ni Elthon.

"Nako! wala akong panahon sa mga ganiyan. Sakit lang sa ulo iyan, saka na siguro ako mag-boyfriend kapag kinasal na kayo ni Monica."

"Ang tagal pa niyon baka lumagpas kana niyon sa kalendaryo."

"Edad lang naman ang tumatanda sa'kin. Atleast baby face pa din ako."

Matapos ang usapan at konting biruan nila sinamahan siya ni Elthon sa loob. Nandoon na ang pamilya neto.

"Hi Riya, bakit kayo lang nasaan si Monica?" salubong sa kanila ng Mommy ni Elthon.

"Hindi siya makakapunta tita, hindi kasi siya pinayagan ng boss niya na mag-leave. Kaya ako lang po ang nakasama."

"Sayang naman, siya kumain muna kayo alam kong pagod kayo galing sa byahe."

Inasikaso agad sila ng pamilya ni Elthon. Mabait ang mga ito at tanggap na tanggap nila si Monica sa pamilya. Kahit siya ay tanggap din, wala siyang masabi sa pamilya ni Elthon. Kita naman din kung paano si Elthon sa ibang tao hindi kataka-takang minana neto ang kabaitan sa pamilya niya.

Hapon sinimulan ang party ni Elthon at welcome party ng ate niya. Sobrang saya ng araw na iyon nag-enjoy talaga si Riya. Kahit may pagkakataon na na-out of place siya. Wala naman kasi siyang kakilala talaga sa pamilya ni Elthon maliban sa magulang at kapatid neto iyong kapatid  ni Elthon na kadarating lang sobrang bait at ganda. Binigyan pa nga siya ng pabango dalawa iyong binigay ang isa ay para kay Monica.

Kinagabihan ay nagpasiya ang iba na magtipon-tipon sa tabing dagat. Sinama siya ni Elthon gaya ng habilin ni Monica kay Elthon na huwag siyang pababayaan.

Mabuti na lang at hindi siya ignorante sa alak gaya ni Monica. Hindi neto kaya ang amaw ng alak kaya tuwing pupunta sila sa bar ay hindi talaga ito umiinom. Sila lang ni Elthon ang umiinom ng alak. Hindi naman siya gaano naglalasing, mahirap na kasi baka hindi niya makontrol ang sarili niya.

Nagkakatuwaan ang iba habang sila nasa isang tabi lang nagku-kwentuhan din ng kung ano-anu.

"Mabuti na lang dito napili ni Ate na bumili ng lupa, may bahay na kami kung sakaling gusto namin pumunta dito. Mahal kasi kung magho-hotel pa."

"Tama nga naman, kung may pera lang din ako gusto ko din magkaroon ng sarili kong rest house."

"Kaya mo naman iyan pwede ka naman mag-invest kahit paunti-unti. Ganiyan nga ginawa ni Ate kaya nakabili siya ng lupa dito."

"Nako! saka na siguro kapag may malaki na akong ipon. Kulang pa sa mga luho ko iyong pera ko e." aniya sabay tawa.

"Dahan-dahan lang baka malasing ka niyan. Nako! hindi kita kayang buhatin papunta sa kwarto mo."

"Ano ka ba? isang bote pa lang nauubos ko. Hindi pa ako malalasing neto. Don't worry."

Kinikilig na naman siya. Konting pag-aalala lang ni Elthon ay nakakaramdam agad siya ng kilig. Sa tagal niyang tinago ang nararamdaman niya kay Elthon mas lalo pa itong lumalalim. Kulang na lang ay lunurin siya neto.

Masakit sa kaniya na maging karibal si Monica, pero anong magagawa niya. Baliw ang puso niya e. Sa dinami-dami ng lalaking pwedeng mahalin bakit si Elthon pa? si Elthon na pagmamay-ari na ng kapatid niya. Kung pwede lang sana hilingin na magkaroon pa ng isang Elthon para iyon na lang ang mahalin niya para hindi na nahihirapan ang puso niyang itago ang damdamin niya para nobyo ng kapatid niya.

Nakailang bote na sila pareho medyo tinamaan na din ng alak si Elthon ang sila na lang ang naiwan sa tabing dagat nagsibalikan na sa kaniya-kaniyang silid ang mga kasama nila.

"May tanong ako, what if nalaman mong may nagkakagusto sayo at hindi niya masabi sayo dahil alam niyang may girlfriend kana ano gagawin mo?" dahil sa tama ng alak, hindi na alam ni Riya na kung ano-anu na pala sinasabi niya.

Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin ang mga gan'ong bagay dahil siguro lasing na sila pareho.

"Hindi ko alam, hmm siguro tatanungin ko na lang muna siya. Syempre loyal ako sa kapatid mo. Kaya sasabihin ko sa kaniya kung sino man iyon."

"Talaga? paano kung ako iyon? sasabihin mo ba kay Monica?"

"Ha? lasing kana yata ihahatid na kita sa kwarto mo kung ano-anu na sinasabi mo e."

"Hindi pa ako lasing no? kaya ko pa nga uminom e. Hindi pa to ubos oh! may tatlong bote pa."

"Huwag na natin ubusin iyan lasing kana talaga halika na."

Tumayo na si Elthon kahit medyo nahihilo na sa kalasingan. Hinila niya ang kamay ni Riya para makatayo na din ito. Pero dahil sa lasing na ay hindi na kayang itayo ni Riya ang sarili niya kaya nahila niya si Elthon. Napahiga siya at pumaibabaw sa kaniya si Elthon. Hindi na siya nagsalita pa at basta na lang hinawakan ang batok ni Elthon hinila niya ito hanggang sa maglapat ang mga labi nilang dalawa.

Sa una ay dahan-dahan pa ang paghalik niya kay Elthon. Dahil kapwa nakainom kaya bigla na lang nakaramdam ng init sa katawan si Elthon at mapusok na ginantihan si Riya ng halik.

Saktong may maliit na cottage malapit sa pwesto nila. Hindi na nagdalawang-isip si Elthon at kinarga si Riya papunta sa cottage. Mapusok, mainit ang nararamdaman ni Riya ng gabing iyon. Nawala na sa isip niya na nobyo ng kapatid niya ang hinalikan niya ang tangging nasa isip niya. Mahal na mahal niya ang lalaking kasama niya ngayon at buong puso niyang binigay ang buo niyang pagkatao para dito. Wala na sa isip niya kung ano ang mangyayare pagkatapos.

Masaya at masarap sa pakiramdam lang ang tanging nasa isip niya. Napuno ng ungol ang maliit na cottage na iyon. Mabuti na lang at may kalayuan ito mula sa mismong resthouse at siguradong lasing na din halos lahat kaya walang nakakapansin sa nangyayari sa kanilang dalawa sa loob ng cottage.

Kinabukasan ay nagising si Riya na hubo't hubad na siya at katabi niya si Elthon. Nalilito siya nangyari kaya nagmadali siyang magbihis habang wala pang nakakapansin. Iniwan niya si Elthon sa cottage mag-isa. Mabuti na lang at tulog pa halos ng tao kaya agad siyang naligo.

Sinampal sampal ni Riya ang sarili habang nakaharap sa salamin. Hindi niya matanggap na nagising siyang katabi si Elthon ayaw niyang isipin na may nangyari sa kanila. Kahit alam niya sa sarili niya na meron dahil hubo't-hubad sila pareho. Nanlulumo siyang napaubo sa kama. Hindi niya alam paano haharapin si Elthon matapos ang nangyari dahil wala siyang maalala paano nangyari iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status