Share

CHAPTER 2

Author: Lunayvaiine
last update Last Updated: 2022-11-30 11:40:26

Ang bilis lang ng panahon parang kailan lang ay nag-aaral pa sila ngayon ay may kaniya-kaniya ng trabaho at hindi na umaasa sa magulang. Syempre matibay pa din ang relasyon nilang magkapatid. Magta-tatlong taon na din na magkarelasyon si Monica at Elthon. Sobrang tibay ng relasyon nila. Kahit pa sa kabila ng pagiging abala nila pareho sa trabaho ay sinusubukan pa din nilang bigyan ng oras ang isa't-isa. Kahit minsan nakakaramdam na ng pagod si Monica. Lalo na noong napromote siya bilang manager at siya na ang inatasan na mamahala sa isang branch nila kaya dumoble ang pagiging busy niya. Minsan nga ay hindi na niya nagagawang umuwi. Since may apartment naman para sa mga staff, kaya doon na siya minsan nags-stay ng dalawang araw. Mahaba na ang tatlong araw kapag sobrang busy talaga at maraming orders hindi na talaga siya umuuwi. Siya kasi din humaharap sa mga investors.

"Love, baka naman pwede kang mag-leave sa birthday ko. Sa susunod na araw na iyon." paglalambing sa kaniya ni Elthon.

"Love sorry talaga parang malabong aprobahan ni Boss ang leave ko. Noong nakaraang linggo pa ako nag-advance na magfile ng leave hanggang ngayon hindi pa niya pinermahan. Ngayong linggo kasi darating si Mr. Hiroshi, siya ang biggest investor namin. Hindi na siya magpapa-resched ng appointment kay Boss. Dahil busy rin siyang tao ayon ang sabi ng secretary niya. Kapag hindi natuloy meeting nila ni Boss. Mawawalan kami ng biggest investor. Pasensya kana talaga love. Si Riyana nalang ang papuntahin ko. Babawi na lang sayo. Kapag na-close namin ang deal with Mr. Hiroshi. Magbabakasyon tayo sa palawan. Hindi ba last year pa natin na plano iyan." Paliwanag ni Monica sa nobyo.

Hindi talaga siya pinayagan ng Boss niya kahit ilang beses niya itong pinakiusapan. Sayang din naman kung hindi nila ma-close ang deal. Malaking tulong din iyon para sa expansion ng ibang branch nila. Kahit gustong-gusto niyang pumunta sa birthday celebration ni Elthon hindi talaga siya makakapunta. Sakto kasi na uuwi ang ate ni Elthon galing Abroad. Kaya nagpasiya ang pamilya neto na e-celebrate ang birthday ni Elthon sa bagong bili na bahay ng kapatid neto sa Batangas.

Si Riyana naman ay nakapag-paalam na sa amo niya na pupunta siyang batangas. Sobrang bait ng amo niya. Wala itong problema kapag nagpaalam siya kung may mahalaga siyang pupuntahan. Masipag din naman kasi si Riyana sa trabaho. Kahit anong iutos sa kaniya ay nagagawa niya ng maayos.

"Riya, ready na ba ang mga gamit mo? dadaanan ka raw ni Elthon dito sabay na kayo papuntang batangas."

"Huh? nakakahiya naman sabihin mo na lang na ako na ang pupunta alam ko naman ang lugar."

"Ano ka ba, syempre sinabi ko na isabay kana. Hindi ko naman hahayaan na ikaw lang mag-isa bumyahe no? saka sabi din ni Elthon mas okay na din iyon para may kasama siya baka antukin siya sa byahe para may makausap din siya. Kaya huwag kana mag-reklamo mag-ready kana baka maya maya dumating na si Elthon."

Gusto talaga ni Riyana na magprotesta pero dahil paladesisyon talaga ang kapatid niya kaya wala siyang magawa. Lagi siyang nauunahan sa mga desisyon na gusto niya. Paano pa ba siya magre-reklamo kung sinabi na neto sa nobyo na susunduin siya.

Hindi nga nagkamali si Monica dahil maya maya pa ay tumunog na ang doorbell. Hudyat na dumating na si Elthon para sunduin siya.

"Love, Happy Birthday na lang sayo para bukas. Mag-enjoy ka ah kahit wala ako sa Birthday mo. Promise babawi talaga ako."

"Mas masaya sana kung kasama kita love. Pero nandiyan na e wala na akong magagawa. Basta babawi ka ah, pangako mo iyan!"

"Yes love promise! ikaw na bahala sa kapatid ko ah. Huwag mo pabayaan iyan doon alam mo naman mahiyain iyan."

"Oo naman, ako na bahala kay Riya. Tawagan na lang kita kapag nakarating na kami."

Matapos magpaalam sa isa't-isa ay umalis na sina Riyana at Elthon. Pinili ni Elthon na gabi bumyahe dahil ayaw niya bumyahe ng umaga dahil alam niyang matatagalan sila. Sobrang traffic kasi ng daan kapag umaga. Kapag gabi naman wala ng masyadong bumabyahe kaya maluwag ang daan. Mas pabor sa kaniya dahil siya ang magmamaneho. Buti na nga lang napapayag ni Monica si Riyana. Kahit alam nila na hindi talaga ito papayag. Sobrang mahiyain kasi talaga si Riyana sa lahat ng bagay.

Hindi siya sanay na pinapakialaman ang desisyon niya. Maliban kay Monica na lagi na lang nakikialam sa gusto ni Riyana.

Mabuti na lang at mabait si Riya. Lagi netong iniintindi si Monica. Gan'on niya talaga kamahal ang kapatid niya laging pinagbibigyan sa lahat ng gusto.

"Salamat pala pumayag ka na sumabay sa'kin."

Tahimik lang si Riya sa gilid hinihintay ni Elthon na sumagot ito pero parang ang lalim ng iniisip neto kaya hindi na muna niya kinausap.

Sa isip ni Riya pabor sa kaniya ang panahon ngayon solo niyang makakasama si Elthon. Dahil hindi nakasama ang kapatid niya. Natutuwa siya dahil sa wakas pinagbigyan na din siya ng pagkakataon na makasama si Elthon na sila lang dalawa. Pero may pangamba sa puso niya. Alam niya kasi na kahit magkasama sila si Monica pa din ang iniisip ni Elthon. Nakita niya kasi ang panghihinayang sa mga mata neto nang hindi makakasama sa kanila ang kapatid niya. Mahalagang araw iyon kay Elthon isang beses lang siya magce-celebrate ng birthday at kasama pa niya buong pamilya neto si Monica na lang talaga ang kulang.

"Gutom ka na ba? gusto mo daam muna tayo sa drive thru medyo malayo pa ang byahe natin e." saka niya lang nilingon si Elthon ng muli itong magsalita.

"Hmm sige, ikaw ba gutom na?"

"Sakto lang pero bibili na lang tayo baka wala na tayong madaanan mamaya e."

Napagpasiyahan nila na mag-take out na lang ng pagkain sa sasakyan na lang sila kakain. Para hindi masayang oras nila.

"Okay lang ba sayo na sumabay sa'kin kanina ka pa kasi tahimik."

"Hmm oo naman, pasensya na pagod lang siguro ako. May ilang reports lang kasi akong tinapos kanina."

"Don't worry sure ako mag-eenjoy ka sa batangas. Madaming magagandang tanawin doon. Saka maaliwalas ang hangin. Makakapag-relax ka din. Alam mo na ba na tatlong araw tayo mag-stay doon?"

"Oo, sinabi na sa akin ni Monica. Mabuti na lang medyo marami akong dalang damit."

"Hayaan mo ipapasyal kita sa beach doon o kaya sama ka sa akin. May alam akong lugar doon na pwede ka makapag-relax. Game ka ba?"

Kumunot ang noo niya nang tingnan niya si Elthon. Noon lang kasi niya ito nakitang excited na niyaya siyang mamasyal. Iyong para bang pakiramdam ni Riyana napaka-espesyal niya kay Elthon. Niyaya siya at ipapasyal siya ni Elthon ng sila lang dalawa. Pakiramdam ni Riyana ay nakalutang na siya sa ulap sa sobrang saya ng mga oras na iyon. Hindi niya mapaliwanag ang kilig at saya na nararamdaman ng puso niya.

Alam niyang panandalian lang ang saya na iyon pero para sa kaniya sapat na iyon. Hindi naman siya humiling ng sobra sapat na sa kaniya ang makasama si Elthon. Sobra-subra pa nga ang binigay sa kaniya ng pagkakataon.

Related chapters

  • Unmarried Wife   CHAPTER 3

    Habang nasa byahe sila ay enjoy na enjoy si Riya sa mga kwento sa kaniya ni Elthon kahit ang iba doon ay puro tungkol sa mga lakad nila ni Monica. Hindi talaga nawawala sa usapan nila si Monica gan'on kamahal ni Elthon ang kapatid niya."Nandito na tayo, bumaba kana ako na magdadala ng mga gamit mo." ani Elthon.Nilibot ni Riya ang paningin niya sa paligid. Totoo nga ang sabi ni Elthon ang ganda ng lugar. Napapikit si Riya habang lumalanghap ng masarap na hangin. "Ang ganda nga dito maaliwalas. Nakaka-relax.""Sabi sayo e. Kaya nga gusto ko dalhin dito si Monica kaso wrong timing naman.""Pwede naman kayo bumalik dito isama mo siya sa susunod na balik mo.""Isasama ka din namin alam mo naman iyong kapatid mo gusto niya lagi ka namin kasama.""Nako! huwag na no? maka-istorbo pa ako sainyo saka ayoko naman kasi talaga sumama hindi dahil ayoko kung hindi dahil time niyo kasi iyan e. Ayoko naman magmukhang third wheel no? hindi naman pang-third wheel ang ganda ko."Natawa naman sa kani

    Last Updated : 2022-11-30
  • Unmarried Wife   CHAPTER 4

    Matapos umiyak ni Riya saka niya inayos ang sarili at lumabas ng kwarto. Pilit kinalma ang sarili kahit sobrang bigat sa dibdib ng nararamdaman niya ng mga oras iyon. Tatlong araw silang mags-stay doon pero pangalawang araw pa lang niyon ay gusto na niyang umuwi. Hindi niya lang alam ano ang irarason. Kailangan niyang makauwi agad bago pa malaman ng lahat ang nangyari sa kanila. Bumalik siya sa kwarto at nag-empake ng gamit niya.Pagbaba niya hinanap niya agad ang magulang ni Elthon para magpaalam. Saktong nasa kusina ito at nagluluto."Tita, good Morning po.""Gising kana pala, nakita mo ba si Elthon wala kasi siya sa kwarto niya kanina kayo daw huling magkasama kagabi?""Lasing na lasing po tita doon na po siya nakatulog sa may kubo malapit sa tabing dagat. Iniwan ko na lang po siya doon hindi ko po kasi kayang buhatin siya mag-isa." dahilan niya. Kahit ang totoo ay dalawa silang natulog doon sa kubo."Gan'on ba? naparami yata ang inom kagabi ng batang iyon. Sabagay birthday naman

    Last Updated : 2022-12-03
  • Unmarried Wife   CHAPTER 5

    Dalawang buwan na ang lumipas simula ng ipaalam niya kay Elthon ang pagbubuntis niya.Unti-unti na din lumalaki ang tiyan niya kaya alam niyang hindi niya talaga maitatago iyon kahit kailan. Nagpaalam na din siya sa boss niya na magre-resign na siya. Lilipat siyang maynila para doon magbagong buhay. Hindi niya pa din alam paano sasabihin kay Monica ito pero wala siyang balak itago ito sa kapatid niya.Dahil alam niyang malalaman din ni Monica ang kalagayan niya. Hahanap muna siya ng tamang tyempo. Sa ngayon ang anak muna ang uunahin niya. Isang linggong wala sa bahay nila si Monica kaya naman nakahanap siya ng pagkakataon para umalis. Masakit para sa kaniya ang hindi magpaalam sa kapatid. Hindi niya kayang harapin si Monica, baka hindi niya kayanin. Kaya minabuti niyang umalis ng walang paalam kahit kay Elthon ay hindi niya pinaalam. Huling usap nila ay sa telepono lang pinaalam niya ang kalagayan niya at ng magiging anak nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ni Elthon ang na

    Last Updated : 2023-01-19
  • Unmarried Wife   CHAPTER 6

    Sobrang saya ni Monica dahil hindi siya binigo ni Elthon nilibot siya nito sa buong lugar. Malaki-laki din ang nabiling lupa ng ate niya. Kasama na ang Villa alak nga itong gawing resort ng ate niya. Inaayos na nila ang mga papers para opisyal na itong maging resort. Mas mabuti na din iyong mapagkakitaan nila ang lugar para kahit papaano ay mabawi din ng ate niya ang gastos. ipapa-renovate ng ate ni Elthon ang Villa, para pwede itong rentahan ng gustong mag-staycation sa lugar."Ano love, nag-enjoy ka ba?" tanong nito sa kaniya pagbalik nila sa Villa."Yes, sobra ang ganda-ganda kasi talaga ng lugar. Ito iyong klase ng lugar na babalik-balikan ko kung sakali.""Babalik tayo dito sa susunod."Ngiti lang ang ginanti niya sa sinabi ni Elthon. Ayaw niyang sagutin dahil alam niyang hindi na iyon mangyayari pa."Magpahinga ka muna love alam kong napagod ka gigisingin na lang kita kapag handa na ang pagkain." ngumiti at tumango lang siya, saka siya nito hinalikan sa noo bago umakyat sa kwar

    Last Updated : 2023-01-24
  • Unmarried Wife   CHAPTER 7

    Napadpad si Riya sa probinsya. Mabuti na lang at tanda pa niya ang lumang bahay ng lola niya. Matagal ng walang nanirahan doon may taga bantay lang at taga linis. Simula ng mangibang bansa ang magulang nila ay lumipat na sila sa syudad. Kompleto pa rin ang mga gamit sa bahay ng lola niya. Kinausap niya ang caretaker na doon muna siya pansamantala. Binalaan niyang huwag ipagsabi kahit kanino na nandoon siya lalo na kapag tumawag ang kapatid niya. Matapos niyang mag-ayos ay pumunta muna siya sa bayan para mamili ng mga kailangan niya. Medyo malayo sila sa bayan kaya naisipan niyang damihan ang bibilhin nagpasama siya sa caretaker nila para hindi siya mahirapan.Hindi pa alam ni Riya ang susunod niyang gagawin. Lalo na ngayon na may dinadala na siya sa sinapupunan niya kailangan niyang mas maging maingat dahil ito lang ang nag-iisang dahilan niya para magpatuloy sa buhay. Kahit hindi siya mahalin ni Elthon, sa anak nalang nila niya ibubuhos ang pagmamahal na para sana kay Elthon.Dumaan

    Last Updated : 2023-07-12
  • Unmarried Wife   CHAPTER 1

    "Riya, gusto mo ba sumabay? mamamasyal kasi kami ni Elthon." anyaya ni Monica sa kapatid niya.Dalawang taon lang ang agwat ng edad nila si Monica ang panganay. Dalawa lang silang magkapatid kaya sobrang malapit nila sa isa't-isa. Pareho silang maganda, matalino. Walang sinuman ang hindi nagkakagusto sa kanilang dalawa magkapatid.Ngunit isang lalaki lang ang mahal ni Riyana si Elthon na nobyo ng kapatid niya. Walang alam ang kapatid niya na matagal na niyang mahal si Elthon. Ayaw niya masaktan ang kapatid at mas lalong ayaw niya na ito pa ang dahilan para mag-away silang dalawa. Alam niyang masaya ang kapatid niya kay Elthon. Nakikita naman din niya na mahal na mahal ni Elthon si Monica kaya mas pinili niyang manahimik at huwag na ipaalam kay Monica ang totoo. Hahayaan na lang niya na kusang makalimutan ng puso niya ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Elthon."Huwag na, kayo na lang saka tatapusin ko pa itong report ko. Kailangan na kasi ito sa office bukas." pagdadahilan niya.

    Last Updated : 2022-11-30

Latest chapter

  • Unmarried Wife   CHAPTER 2

    Ang bilis lang ng panahon parang kailan lang ay nag-aaral pa sila ngayon ay may kaniya-kaniya ng trabaho at hindi na umaasa sa magulang. Syempre matibay pa din ang relasyon nilang magkapatid. Magta-tatlong taon na din na magkarelasyon si Monica at Elthon. Sobrang tibay ng relasyon nila. Kahit pa sa kabila ng pagiging abala nila pareho sa trabaho ay sinusubukan pa din nilang bigyan ng oras ang isa't-isa. Kahit minsan nakakaramdam na ng pagod si Monica. Lalo na noong napromote siya bilang manager at siya na ang inatasan na mamahala sa isang branch nila kaya dumoble ang pagiging busy niya. Minsan nga ay hindi na niya nagagawang umuwi. Since may apartment naman para sa mga staff, kaya doon na siya minsan nags-stay ng dalawang araw. Mahaba na ang tatlong araw kapag sobrang busy talaga at maraming orders hindi na talaga siya umuuwi. Siya kasi din humaharap sa mga investors."Love, baka naman pwede kang mag-leave sa birthday ko. Sa susunod na araw na iyon." paglalambing sa kaniya ni Elthon.

  • Unmarried Wife   CHAPTER 1

    "Riya, gusto mo ba sumabay? mamamasyal kasi kami ni Elthon." anyaya ni Monica sa kapatid niya.Dalawang taon lang ang agwat ng edad nila si Monica ang panganay. Dalawa lang silang magkapatid kaya sobrang malapit nila sa isa't-isa. Pareho silang maganda, matalino. Walang sinuman ang hindi nagkakagusto sa kanilang dalawa magkapatid.Ngunit isang lalaki lang ang mahal ni Riyana si Elthon na nobyo ng kapatid niya. Walang alam ang kapatid niya na matagal na niyang mahal si Elthon. Ayaw niya masaktan ang kapatid at mas lalong ayaw niya na ito pa ang dahilan para mag-away silang dalawa. Alam niyang masaya ang kapatid niya kay Elthon. Nakikita naman din niya na mahal na mahal ni Elthon si Monica kaya mas pinili niyang manahimik at huwag na ipaalam kay Monica ang totoo. Hahayaan na lang niya na kusang makalimutan ng puso niya ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Elthon."Huwag na, kayo na lang saka tatapusin ko pa itong report ko. Kailangan na kasi ito sa office bukas." pagdadahilan niya.

DMCA.com Protection Status