Pabalik na sa Manila sina Caleb at Kaye. Everything went smoothly sa pagbili nila ng Resort ni Don Albert. Walang imikan ang dalawa habang nasa loob ng sasakyan. Caleb was driving the car. She’s thinking that what happened last night should be forgotten. Isang malaking pagkakamali ang plano niya. She regretted admitting her feelings right away. At dumating na nga ang kinakatakutan niya. Caleb did not speak not even one word after their intense sex. Ngunit hindi siya susuko. Naumpisahan na niya.“Caleb, let’s level up our friendship. Let’s be fuck buddy. Uso naman ‘yun. Habang wala tayong karelasyon. We can’t deny that we both enjoy what we did last night.” Halos hindi niya madinig ang sarili sa hina ang kanyang boses. Hindi siya liberated na babae.“I can’t do that. It’s taking advantage of you and your feelings. I love you as a friend. I’m really sorry sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko. I felt guilty.”I love you as a friend. Ouch!“Shhh. It’s my fa
Nananatili siyang nakatutok sa monitor ng CCTV. Itinodo din niya ang volume ng headset na suot. She's trembling and nervous. Her hands shook uncontrollably. The sweat glistened on her forehead as she could not control her emotions. “Ano ang dapat nating pag-usapan Don Arturo at kailangan mo pa akong sadyain sa opisina? People should not see us talking to each other.”“Mukhang nakakalimutan mo ang plano natin tungkol sa asawa mo. Inip na inip na ako kaya pinuntahan na kita.”Her heart stopped beating as she anticipated the reply of her husband.“Walang akong nakakalimutan sa plano natin.”“Mabuti naman, ang tanong ko sa’yo. Kailan?“Naghahanap lang ako ng tamang timing.”“Masyado ng matagal. Naiinip na ako. We need her to die para paghatian ang bilyones ng mga Valecia.”“Give me more time. We’re not yet sure kung wala siyang maiiwang last will and testament to donate all her money to charities. At kung aayon ba sa atin ang batas at sa akin bilang asawa mapupunta ang lahat ng kayamanan
Five years had passed. She looked into the dark gloomy sky as the airplane flies on its way to the Philippines. The clouds drifted into nothingness just like her right now. Feeling nothing. There were a lot of problems in Tech Systems and Sky-High Hotels. Someone was sabotaging her businesses. Aalamin niya kung sino ang may kagagawan ng gulong nangyayari sa business niya. Her presence was very much needed so she decided to come back with her four-year old son kahit pa ang totoo she never wanted to return.Naglalakad siya palabas ng airport. May susundo daw sa kanya ngunit bakit wala pa siyang makitang unipormadong security. Sobrang daming tao sa airport at unsafe para sa anak niya kaya nagpasya siyang tawagan si Caleb.“Hello. Nasaan na ang sundo namin? Nasa terminal 1 kami. I will just call a taxi kapag wala pa in fifteen minutes. I hate waiting, Caleb!” She became impatient and irritable most of the times. Lahat ng tao nasisigawan niya. She’s a totally a different person now. She ev
Ang traffic ay walang ipinagbago noon at ngayon. Usad pagong ang mga sasakyan. Napasulyap siya kay Caleb. He was always there for her. She appreciated him a lot. Hindi din miminsang kinakausap siya nito na bigyan niya ng pagkakataong mahalin. Ito ang tumatayong ama ni Eli kapag pumupunta ito sa US. Nakikipaglaro at ipinapasyal ang kanyang anak kaya malapit ang loob ni Eli dito. Kahit paano ay napupunuan nito ang kakulangan ng father figure sa anak niya. Makakabawi din siya sa lahat ng kabutihan nito at ni Kaye.Nakarating na sila sa mansion. Newly painted ang malaking bahay. May malawak na hardin sa harapan. May swimming pool sa kabilang side at may outdoor tables and chairs para matambayan. Pinatira niya si Kaye sa masyon dahil nagkaroon ito ng problem sa condo unit nito. She also suggested that they should live together. Naging nakapa-supportive nitong kaibigan lalo sa panahon ng pagbubuntis niya. Raising her son alone was not easy kaya laking pasasalamat niya sa mga kaibigan.“Let’
Nakasubsob ulit siya sa trabaho sa opisina kinabukasan. She’s looking back all the files in her laptop. She even went through bank account history of all the workers in her companies. Nang biglang may nakita siyang kahina-hinala.“Caleb, call Mr. Domingo, the head of the accounting department now!”Agad na umalis sa table nito si Caleb upang hanapin at dalin si Mr. Domingo. The man was already 55 years old. Matagal na ito sa kumpanya.“Maddie, kahapon ng dumating ka huling nakita si Mr. Domingo. Nag-half day siya at hindi din pumasok ngayon. Bakit mo siya gustong makausap?”“I go through bank history of each employee in our company. I saw a big amount of money transferred to his account two years ago from an unknown source, and then he transferred this to another dollar account, which, after withdrawing the money, closed the account. Let’s go to his house now.” Nanginginig ang kanyang katawan.Agad silang umalis ng opisina upang puntahan sa bahay si Mr. Domingo. Madami siyang gustong
Despite the striking resemblance between them, he dismissed the idea that he could be his son. Impossible. Si Kaye ang mommy nito. Dinala niya ang bata sa park na malapit na may playground. Nakipaglaro siya at habulan. May ilang rides din silang sinakyan. Nakapa-energetic nito. Parang musika sa tenga niya ang bawat halakhak ng batang kasama. Magandang training ito in the future kapag nagkaroon na siya ng sariling anak.Nagtaka siya ng bigla huminto ito sa pagtakbo. “Oops! Times up na po. We have 5 minutes to go back.”Grabe ang batang ito, may timer pa sa suot na relo. He’s well-disciplined. Magaling ang pagpapalaki ni Kaye sa anak. Tumakbo na ito pabalik sa kotse. He’s catching his breath to run after him. Ang bilis na niya hingalin. He realized he needs to take care of his health if gusto pa niyang abutang malakas ng mga magiging anak niya. Instead of going to the gym for three times a week, he will do it five times starting this week.Inihatid niya ang bata. Hinawakan nito ang kama
She's willing to call all the Marvel super heroes just to make sure that her son won't meet his father. Tinalikuran na niya si Noah. She needed to get out from the restaurant as fast as she could. Ngunit maagap ang lalaki, he held her arms. “Maddie, what happened five years ago about your stepfather—”She panicked. Hindi siya dapat mag-aksaya kahit ilang sandali. She pressed a button on her phone, and in seconds, her bodyguards got inside the restaurant. Lumapit sa kaniya ang mga ito upang ilayo siya kay Noah. Nakahinga siya ng maluwag ng matanaw sa parking area si Kaye at Eli na palapit sa kanya. Mas lalo niyang binilisan ang mga hakbang. Hindi dapat makita ni Noah kahit ang anino ng kanyang anak. After maayos ang problema ay lalayo ulit silang mag-ina, ngunit hindi na sa ibang bansa kundi sa kalapit probinsya. Kailangang mabawasan ang chance na magtagpo ang mag-ama. Hindi sila maaaring manatili sa Manila.“Mommy! Mommy” hiyaw ni Elijah habang kumakaway sa kanya.“Let’s get inside th
Kaye was sitting few tables away from them. She’s teary-eyed watching them. Hindi niya alam kung dahil masaya siya sa dalawang kaibigan o nasasaktan siya dahil hanggang ngayon ay mahal pa din niya si Caleb. She never saw him being joyful. Only Maddie can truly make him happy. It’s painful to witness his happiness with her. Will she let him go? Of course not. She can continue loving him from a distance.Dali-dali siyang lumabas ng restaurant. May lalaking sumunod at sumabay sa paglakad niya.“It’s unhappy to see your best friend being happy without you, right?”Napalingon siya sa baritonong boses. Si Justin, ang kaibigan ni Caleb. Kilala nila ito na Maddie, he’s a traitor. Naikwento ng kaibigan niya kung paano ito nakipagrelasyon kay Nisha. Binilisan niya ang lakad upang mauna sa lalaki. She didn’t want to deal with him.“We have the same fate. Our best friend is always better than us. Ang pinagkaiba natin, inaamin ko sa sariling naiinggit ako sa kaibigan ko unlike you. You secretly ha
Ilang linggo ang lumipas at tuluyan ng gumaling si Noah. Nagkabati na ito at ang ama. Dumalaw din si Justin at nakipag-ayos sa binata. Inamin nito ang lahat ng kasalanan at humingi ng tawad. Ang kanyang mommy naman ay nakarecover na din. Hindi ito kasabwat nila Kaye at Don Arturo. Nakikipagtagpo ito sa kanyang stepfather upang makiusap na tigilan na ang panggugulo. Inatake sa puso si Don Arturo ng mabalitaan ang nangyari kay Kaye. Nagpadala pa din siya ng bulaklak at tulong pinansyal para dito. Inalis niya ang anumang galit sa dibdib para sa kapayapaan ng kanyang isip.Nagbalik na si Noah sa Hotel Natividad Group at at muli itong namamayagpag sa industriya. Patuloy din na nangunguna ang Tech Systems at Sky-High Hotels. Tunay na may katapusan ang anumang pagsubok sa buhay. Basta maging matatag sa bawat problem at walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Siguradong matatamo ang kapayapaan at kaligayahan.Nagpapahangin siya garden ng beach house nila sa Pangasinan. Nag-staycation sila
Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Noah. Malapit sa puso nito ang tama ng baril. Nasa bingit na naman ito ng kamatayan dahil sa kanya. Dinala ito sa operating room. Napasandal siya sa pader. Duguan ang kanyang kamay at damit. Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Abot-abot ang dasal niya na mailigtas ang lalaking pinakamamahal. Habambuhay niyang sisisihin ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda dito.Hindi niya kaya kung mawawala itong muli. Ilang oras tumagal ang operasyon bago lumabas ang dalawang duktor na nag-aasikaso sa binata.“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tapos na po ang operasyon ngunit nasa kritikal pa din pong kalagayan ang pasyente. Ililipat na po siya sa ICU.”Kahit paano ay nabawasan ang kanyang pangamba. Dumating si Oliver. Kasama nito ang ama ni Noah na hindi makatingin sa kanya ng deretso.“Maddie, kumusta si Noah?” anang daddy ni Noah. Sumilip ito sa bintanang salamin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.“Ililipat na po siya sa ICU.
Binuhusan siya ng isang basong tubig sa mukha ni Emaline!“Ayun, nagising ka din! Are you shocked?”“Emaline, wala akong kasalanan sa’yo! Sa inyong magpinsan!”“Malaking kasalanan na isinilang kang may gitnong kutsara sa bibig sa mga inggiterang kagaya namin!” Humalakhak ito.“Nasaan si Kaye? Nasaan ang anak ko? Huwag ninyong idamay ang walang muwang na bata sa kawalanghiyaan ninyo.”“Busy ang pinsan ko kaya pinababantayan ka sa akin.”“Pakawalan mo ako dito, Emaline. Ituro mo kung nasaan ang anak ko. Ibibigay ko ang anumang gusto mo.”“Hay, masakit na hindi ako natutunang mahalin ni Derrick dahil sa’yo! Kundi pa ako sinabihan ni Kaye ay hindi ko malalaman ang panggamit niya sa akin para makapaghiganti sa pinsan ko. Pinaikot niya ako. Well, oras na ng paniningil.”“Wala akong ginawang masama sa’yo.”“Nakalimutan mo na ba na pinaikot mo din ako sa palad mo at kunwaring nakipagkaibigan sa akin?”“Hindi ko sinasadya.”“Ay ganoon? Hindi ko din sinasadya na kidnapin ka ngayon!”“Nasaan si
“Maddie, wala akong ibang babaeng mahal kundi ikaw. Noon at ngayon. Ikaw ang nag-iisang laman ng puso ko.”Napatitig siya sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nadinig. Gustong magdiwang ng kanyang puso ngunit hindi na siya basta maniniwala dito.“Look, hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang may nangyari sa atin.” Pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang naganap kagabi.“Hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Maddie.” Lumapit ang binata sa kanya. Itinaas nito ang kanyang mukha.“Kung mahal mo ako, bakit ka lumayo at nagpanggap na ibang tao? Dumating pa sa punto na nagpakasal ka. I just don’t get it. Kung mahal mo ako. Sana bumalik ka agad sa amin ni Eli.”“Dahil kilala ko ang taong nasa likod ng lahat ng kawalanghiyaan sa kumpanya mo.”“Nahuli na si Don Arturo. Mabubulok na siya sa bilangguan.”“Maddie, may anak si Don Arturo na siyang mastermind ng lahat.”Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng binata. Para sa kanya ay tapos ang ang kaguluhan.“M
Si Don Arturo Santiago ang mastermind ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay at kumpanya niya! Pinatikim niya ito ng mag-asawang sampal. Sagad hanggang buto ang kasamaan ng matanda. Hindi niya ito mapapatawad. Agad siyang tumawag ng pulis. Nakaposas ito ng dalahin sa presinto. Biglang nawalang parang bula si Noah.Nakulong na ang matanda dati ngunit dahil wala daw sapat na edibensya ay ilang taon lang ito nanatili sa bilangguan. Sisiguraduhin niya ngayon na mabubulok sa kulungan ang kanyang stepfather. Walang kapatawaran ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kanyang kumpanya at pamilya.Nagbigay siya ng pahayag sa presinto. Nakakulong na si Don Arturo. Mangangalap pa ang mga pulis ng matibay na ebidensya laban sa patong patong na kasong kinakaharap nito.Bumalik siya sa ospital upang bantayan ang ina. Naging mas malala ang lagay nito at nagkaroon daw ng mild stroke sabi ng duktor. Hindi ito makapagsalita at hindi maigalaw ang ibabang bahagi ng katawan.Labis ang kanyang pagod. Wala
Sa pagkataranta ay tinawagan niya si Derrick na nasaksak si Oliver. Huli na bago niya maisip na hindi niya ito dapat tinawagan. Agad naman itong nagpunta sa ospital. Nagkagulatan sila. Parehas silang hindi kumibo ng magtagpo. Alam na nila na alam na ng isa’t isa ang pagtatago ng lihim na identity ni Noah. Ngunit hindi siya nagtanong. Sapat na sa kanya na buhay ito.Mabuti na lamang at hindi masama ang tama ni Oliver. Kung may nangyaring masama dito ay sisisihin na naman niya ang sarili. May umagaw daw ng report na hawak nito. Makakahingi naman sila uli ng kopya kung hindi pa natutunton ng suspect ang asset ni Oliver.“Uuwi na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Oliver. Sagot ko lahat ng gastos niya o kung anuman ang kailangan,” sabi niya kay Noah.Tumayo si Noah. “Mag-usap tayo.”“Wala tayong dapat pag-usapan. Pinili mong ilihim na buhay ka pa. Natitiyak kong may matindi kang dahilan para gawin ang bagay na ‘yan. Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Tila may bara ang kanyang lalamunan.Mas
Patuloy siyang nakikinig mula sa wiretapping device.“Bakit hindi mo na lang balikan ang girlfriend mo? Or humanap ng bagong makakarelasyon,” boses ni Derrick. Alam nito na lesbian si Emaline.“Ikaw ang gusto ko. Subukan natin. Baka magwork kapag naging tayo.”“Susundin natin ang kasulatan. Magkaibigan lang tayo at magkasama tayo dahil sa benepisyong hatid ng kasal natin. May mahal akong iba at walang makakapagpabago ng damdamin ko. Maliwanag ba?”“Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba! Tandaan mo ‘yan! Walang maghihiwalay next year! Ipapapatay ko ang babae mo!” hiyaw nito.Wala na siyang nadinig na pag-uusap. Malamang ay pumasok na sila Derrick at Emaline sa loob ng bahay. Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang bagong karibal sa puso ni Noah. Malungkot siya sa natuklasan ngunit ang importante na lamang ay buhay ang binata. At kung anuman ang dahilan nito kaya nagpalit ng identity ay ayaw na niyang alamin. Posible na gusto nitong lumayo s
Kumurap siya ng ilang beses. Si Derrick nga talaga ang lalaking kausap ni Oliver. Kung magkaibigan sina Oliver at Derrick. Ibig sabihin ay naaalala ni Derrick kung sino siya. Pinigil niya ang sariling kumprontahin ang dalawang lalaki. May dahilan kung bakit inilihim ni Noah ang kanyang pagkakakilanlan. Na kanyang aalamin. Gustong sumama ng kanyang loob sa ginawa nito ngunit mas lamang ang kaligayahan na buhay ito. Pero bakit kailangan nitong magpakasal kay Emaline? Umatras siya at natumba ang isang paso sa gilid. Napapikit siya ng lumabas si Oliver.“Ms. Maddie. Ano po ang maipaglilingkod ko sa’yo?” Binuksan nito ang gate. Wala na si Noah. Nakapagtago na ito.“Busy ka ba? Hindi na ako nakatawag. May gusto sana akong paimbestigahan.”Pinupo siya nito sa sala. “Kumain na po ba kayo? Tinapay? Juice?”“I’m good. Thanks.” Pinigil niya ang sariling magtanong kung bakit nagsinungaling ito sa kanya tungkol kay Noah. Pinagmukha siyang tanga ngunit nauunawaan niya.“Gusto ko sanang paimbestigah
“Ms. Emaline, bakit kami mag-uusap tungkol sa sex? May asawa si Mr. Ruiz at ikaw ‘yon. At ako naman ay may boyfriend na malapit na ding magpakasal.”“I’m sorry, Ms. Maddison. Nagkamali ako ng dinig. Sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko ay nagiging paranoid na ako.”“No worries. Normal sa ating mga babae ang magselos.” Ngumiti siya sa babaeng kaharap kahit pa gusto na niyang hilahin ang buhok nito. Sumakay na siya sa kanyang kotse.“Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” Nasa loob na ng sasakyan sina Noah at Emaline.“Ikaw ang dapat kong tanungin, mukhang tama ang hinala ko na type mo si Ms. Maddison.”“Emaline, stop that nonsense. I’m interested with the business she’s offering. Alam mo kung gaano ka-importante ang koneksyon sa negosyo natin kaya ako makikipagpartner sa kanya.”“Siguraduhin mo lang Derrick. Akin ka.”“Wala sa kasunduan natin ang ganyang usapan. Parehas nating alam na naggagamitan lamang tayo.”“Sabi ko naman sa’yo, gusto kita! Gustuhin mo din ako!”“Tatapatin na kita. Ma