Home / Romance / Unlove Me Not / Kabanata 3 Injustice

Share

Kabanata 3 Injustice

Nagbabantay sa ospital si Noah. Kailangan niya ng pirma nito kaya pinuntahan niya sa ospital.

Papasok pa lang siya ng private room ni Nisha ay nadinig niya ang malakas na sigaw nito. Napasugod siya sa loob upang alamin ang nangyari. Kasunod niya si Noah na galing sa labas at may dalang pagkain.

Hindi makausap si Nisha. Niyakap ito ni Noah. Isang tagpo na ang sakit sa mata at damdamin niya.

Itinuro ni Nisha ang box sa higaan nito. Kinuha ito ni Noah at binuksan, may tumulong pulang likido mula sa box. Patay na manok at may gilit sa leeg ang nasa loob ng kahon.

Itinuturo siya ni Nisha. Hindi na nito kailangan magsalita. Kung nakakamatay lang ang tingin, bumulagta na siya sa titig ng asawa.

Hinila nito palabas. Halos bumaon ang daliri nito sa braso niya. Napatitig siya sa kulay dark brown na mga mata nito.

“Wala akong kasalanan. Hindi ako ang nagbigay ng box.”

“You know what, huling huli ka na nagsisinungaling ka pa. Don’t tell me na kusang pumasok ang manok sa box para mag-suicide sa loob at mag-isa itong lumakad papunta kay Nisha.”

“Hindi ko alam, basta hindi ako ang may dala ng box.”

Bingi ang binata sa mga sinasabi niya. “Get all your things sa mansion. Ayokong maabutan pa kita pag-uwi ko ngayong gabi. Get out of my house!”

Naghihintay siya kay Noah sa mansyon. Malakas ang ulan sa labas. May bagyong padating. Sana ay safe itong makauwi at hindi ma-stranded sa baha.

Dumating ang kotse nito. Nagmamadali siyang buksan ang pinto. Inabot niya ang towel sa binata. Basa ang buhok nito.

“Why you’re still here? Magkano ang kailangan mo? I will transfer into your bank account. Sampung milyon, bumili ka ng bahay mo,” sabi nito na para bang kendi lang sa sari-sari store ang pinapabili sa kanya. Well, he’s really wealthy, salamat sa negosyong ipinamana ng kanyang ina.

“Noah, mag-usap muna tayo. Huwag kang pabigla bigla ng desisyon. Asawa mo pa din ako.”

“Do not hurt, Nisha. Ako makakalaban mo. Grabe ang trauma na dinulot mo sa kanya.”

She’s speechless. It’s useless to explain to someone na ayaw makinig.

“You will still work as my assistant. Kung mangangako kang hindi lalapit kay Nisha.”

Iniyuko niya ang ulo upang hindi makita ni Noah ang pagtulo ng kanyang mga luha. Nisha was such a lucky girl. Mahal siya ng mahal niya.

Marahan siyang tumango bilang pagsang-ayon.

Umakyat siya sa kwarto at inilagay ang mga damit sa maleta. Makikituloy muna siya sa kaibigang si Kaye.

Susuko na ba siya? Hindi na ba siya aasa na mamahalin ni Noah?

Marahas na katok ang pumukaw sa kanyang diwa.

“What the hell is this?!” Pabalyang binuksan ni Noah ang pinto ng kwarto niya.

Leave or Die?

Ipinakita nito ang chat ni Nisha na may mensahe mula sa kanya. But she had never sent this message. Edited ito!

“Bakit mo ginugulo si Nisha? Ubos na ang pasensya ko sa’yo! Get out now!”

Kinaladkad siya ng asawa sa labas ng mansion. Inihagis nito ang maleta at sumabog ang mga damit niya.

“I don't want to see your face anymore!”

Basang basa na siya sa ulan. Nanginginig ang kanyang katawan sa ginaw. Walang laban ang balingkinitan niyang katawan sa lamig.

Magtutuos sila ni Nisha. Pinuntahan niya ito sa ospital upang sitahin sa mga palabas nito at pagmukhain siyang masama sa paningin ni Noah. Akala niya  ay sa mga pelikula lang may mga ganitong klase ng tao, pati pala sa tunay na buhay.

Madilim sa parking lot ng ospital. Bumaba siya ng sasakyan at marahas na ibinalibag ang pinto. Hindi na niya alintana ang ulan.

Nakakailang hakbang na siya ng biglang may dalawang nakaitim na lalaki ang humablot sa kanya papunta sa madilim na bahagi ng parking area. Pinagitnaan siya ng dalawang lalaki at mariing tinakpan ang kanyang bibig.

“Hmmmp!” Nagpupumiglas siya.

Nalanghap niya ang amoy sigarilyong hininga ng lalaki. Napatitig siya sa mata ng lalaking nakasuot ng mask at nakasumbrero. May pagka tsinito ito at halatang matangos ang ilong. May nunal ang lalaki sa ibabang bahagi ng kaliwang mata.

 May inilabas ito at itinurok sa kanyang braso na hindi niya alam kung ano. Unti-unti siyang nanghina at nawalan ng malay.

Nagising siya sa loob ng kanyang sasakyan. Napatingin siya sa relo, alas onse na ng umaga. Masakit ang katawan niya at pilit inaalala ang nangyari kagabi. Hinawakan niya ang brasong medyo maga.

Lumabas siya ng sasakyan upang puntahan si Nisha. Mamaya na niya aalamin kung ano ang pakay at sino ang nagtangka sa buhay niya.

Nakangisi si Nisha. Talagang hinihintay nito ang pagdating niya.

“Hayup ka! Alam mong wala akong kasalanan!”

Tumawa ito ng malakas na tila isang baliw. “Well, Noah believes me. How pathetic you are. Kawawa ka naman. I told you. He’s mine! Kailangan ko ang pera niya.”

Lalong sumiklab ang galit niya sa sinabi ng babae. Ang walanghiya! Hindi siya papayag na saktan nito si Noah.

Sinugod niya ito ngunit may dumating na security upang umawat.

Ngunit hindi siya titigil sa kagustuhang saktan ang babaeng kaharap.

Umiyak lamang si Nisha, muli na naman itong nagpapalabas at kumukuha ng simpatya.

“Mamang security, tumawag ka ng pulis, she is a drug user!”

Nagngangalit na ang kanyang mga ngipin sa tindi ng galit sa babae. Kahit ang security ay hindi na siya maawat. May dumating na pulis na bantay ng matandang may sakit sa kabilang kwarto.

“Miss, tama na!”

“Bitawan ninyo ako!”

Kinuha ng pulis ang kanyang bag na nasa sahig. Nalaglag ang laman nito dahil bukas ang zipper. At may nakitang ilang pakete ng ipinagbabawal na gamot sa kanyang bag. “Sa presinto na po kayo magpaliwanag.”

Nagulantang siya sa laman ng bag niya. “Anong sinasabi ninyo, hindi ako sasama sa inyo! Hindi ako gumagamit ng pinagbabawal na gamot!?

“Tumawag na po kayo ng lawyer ninyo.”

Ipinasok siya sa bilangguan. Nanginginig ang kanyang kalamnan. Hindi siya makahinga sa sikip at init ng kulungan. May ilang kababaihan din siyang kasama sa loob.  Masangsang ang amoy.

Sigurado siyang darating si Noah upang tulungan siya. This was the longest day of her life. Napakabagal ng oras. Madilim na ngunit wala pa din si Noah. With his money and power kaya siyang palayain nito. At isa pa, wala siyang kasalanan. Nakatulog na siya sa paghihintay. Noah will save her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status