Home / Romance / Unlove Me Not / Kabanata 2 Confession

Share

Kabanata 2 Confession

She went home. Sa malaking mansyon ng mga Natividad sila nakatira ni Noah but they never shared the same room. May naulinigan siyang tawanan sa garden. Himala at maaga umuwi si Noah. At ang masaklap kasama nito si Nisha. Pagpasok niya sa living area ay nakakalat ang tatlong malalaking maleta.

Huwag naman sanang tama ang hinala niyang dito titira ang babaeng ‘yon.

Nakaakbay si Noah sa balikat ni Nisha. Ni walang gulat o guilt pagkakita sa kanya. Habang siya ay nanggagalaiti sa galit. But she can’t be angry sa harap ni Noah. She learned to keep all her feelings inside.

“Oh, your secretary also lives here? Ang sipag mo naman, wala ka bang pamilya na naghihintay sa’yo? Dapat pala bigyan ka ng employee of the year award,” patuyang sabi nito.

“Yeah, I need her. So, para walang hassle, we need to live in the same house. But I think in the next few weeks, she will find a new place to live.”

Kitang kita niya ang pagtaas ng kilay ng babaeng kaharap. May maamong mukha ang babae ngunit alam niyang may itinatago itong masamang ugali.

Muling kumirot ang puso niya. Talagang itinataboy na siya sa bahay at buhay nito. That will never happen. Noah was the only man she ever wanted. He was her obsession!

Naunang umakyat si Noah sa itaas dala ang isang maleta habang katuwang ang dalawang boy. How gentleman para kay Nisha!

Bigla siyang hinila sa braso ni Nisha at bumulong. “Hey, I know you like Noah. Let me remind you that he’s mine.”

Bubuka pa lamang ang bibig niya upang sumagot ay nakapagsalita na ulit ito.

“Ah ah! Don’t deny! Babae ako, alam na alam ko ang mga galawan mo. Gusto mong umangat ang estado mo sa buhay kaya matindi ang kapit mo kay Noah. Gold digger!”

Lalong humigpit ang kamay nito sa braso niya. “I’m warning you. Akin si Noah.” Pinanlakihan siya ng mata nito.

Hindi na niya nakuhang sumagot dahil dumating na si Noah. At nagngingitngit ang kanyang kalooban.

Pumasok sa guest room ang dalawa.  Jealousy was slowly creeping in her heart. Kinakain siya ng matinding selos.

Hindi na siya nakatiis at kinatok ang dalawa.

Magkasalubong ang kilay ni Noah ng buksan ang pinto.

“Pwede ba tayong mag-usap? Importante lang.”

Tumango ang binata. Pumasok sila sa study room.

“Ilang araw titira dito si Nisha?”

“Are you questioning my decision? Akin ang bahay na ito. Ako ang masusunod kung sino ang gusto kong patirahin.” Mataas ang boses ng binata.

“Ipapaalala ko lang na kasal tayo at hindi ako komportable na may ibang babae dito.” Halos pabulong niyang sabi.

“Wait, mukhang nakakalimot kang sa papel lang ang kasal natin. Wala tayong relasyon.”

Natahimik siya.

“Kung wala ka ng sasabihin. Aalis na ako.”

“Wait!” Hinabol niya si Noah at niyakap ng mahigpit mula sa likod. She felt his warm and well-sculptured body. Ang tagal na niyang gustong gawin ito. Ang mayakap ang binata.

“I love you, Noah,” aniya. Nag-uunahang pumatak ang mga luha niya. She felt relief at nasabi na niya ang tinatagong damdamin.

Agad nitong inalis ang kanyang mga kamay. Kitang kita niya ang disgust sa mga mata nito.

“Hey, I don’t care about your feelings. Para sa trabaho, I will forget what you just said. Let’s pretend that this never happen.”

At mabilis itong lumabas. Naiwan siyang umiiyak. She waited for so long para masabi ang damdamin. She finally did. No regrets. Masakit man dahil walang tugon ng pag-ibig. Hindi siya galit sa binata. It’s not his fault why he didn’t love her. Hindi natuturuan ang puso kung sino ang dapat at hindi dapat nating mahalin. Kagaya ng hindi niya mapigilang mahalin ang lalaki kahit pa nasasaktan lamang siya.

Pinahid niya ang luha. Hindi ito ang tamang panahon para magmukmok. Kailangan niya ng plano upang mapaalis ang ex-girlfriend ni Noah. Lumabas na siya ng study room. To her surprise, inaabangan siya ni Nisha.

Hinila nito ang kanyang mahabang buhok. “I’ve heard everything. So, kasal pala kayo. Well, he doesn’t love you. Kaya lumayas ka na sa bahay na ito!”

Kinaladkad siya nito papunta sa hagdan. Halos mahubaran siya ng damit.

“Bitawan mo ako!”

Gumanti siya at sinabunutan din ito. Kinalmot ng babae ang mukha niya. Mabuti at nakaiwas siya sa mahabang mga kuko nito. Nakawala siya mula sa kamay ng babae at laking gulat niya ng kusa itong magpatihulog sa hagdan na may labindalawang baitang. Animo ito acrobat sa ginawang pagpapatihulog sa hagdan.

Dumating si Noah. Umaapoy ang mata nito habang nakatingin sa kanya. Dali-dali nitong binuhat si Nisha at dinala sa ospital.

“Maddison, you will pay for this! Ipanalangin mong walang masamang mangyari kay Nisha.”

Unang beses tinawag ni Noah ang kanyang buong pangalan. Puno nga lang ng galit. Wala siyang kasalanan sa nangyari. At hindi ito isang aksidente, kusang nagpatihulog sa hagdan si Nisha upang magalit sa kanya ng tuluyan si Noah at mapaalis siya sa bahay. At sigurado siyang hindi masama ang bagsak ni Nisha, dahan dahan ang paggulong nito mula sa itaas. Para nga itong artista sa galing ng akting.

Hinintay niyang makabalik si Noah mula sa ospital.

“Ano ang lagay ni Nisha?”

“Magpasalamat ka, she’s out of danger. If may masamang nangyari sa kanya, sa kulungan ang bagsak mo.”

“Hindi ko siya tinulak. Wala akong kasalanan. Kusa--”

“Stop! Sa tingin mo maniniwala ako sa’yo?” Halos nabingi siya sa lakas ng boses nito. He’s a hot-tempered person lalo pagdating sa kanya. But this time, ibang level ang galit nito. Para siyang gustong tirisin.

“Sinabi na ni Nisha ang totoo, na binantaan mo siya na umalis kung ayaw niyang may masamang mangyari sa kanya.”

“And do you believe her? My God, Noah, three years tayong kasal, kailan ako nagsinungaling sa’yo?”

Hindi nito pinansin ang kanyang paliwanag. “You have one week to look for a new house. You’re not welcome here anymore!”

Biglang naalarma ang utak niya. Hindi siya aalis ng mansion anuman ang mangyari.

“No, you can’t do that. Nangako ka kay Tita Debbie na aalagaan mo ako.”

“Kasama ng nabaon sa lupa ang pangakong iyon.”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thank you po sa pagbabasa at pagsama sa love story ni Maddie at Noah. We all want to love and be loved.
goodnovel comment avatar
Khayzee San Jee
parang na sad ako sa Una at pangalan kabanata Kasi sya Ang obsess na obsessed sa lalaki, kasal sila pero Hindi niya naramadaman kahit kunting respecto galing dito. sad Kasi Ang character niya parang hinahanap Lang niya Ang sarili niya na masaktan Ang magmukhang tanga dahil sa sobrang pagmamahal niy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status