“Sign those documents for our annulment,” sabi ni Noah ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa mga kontratang dapat pirmahan bilang CEO ng Natividad Hotel Group.
Napatingin siya sa papeles na nasa mesa. She’s shocked. They were married for three years, nakakapagtaka na bigla na lamang itong nagdesisyon na tapusin ang kasal nila. Alam niyang darating ang pagkakataong ito pero bakit tila tinutusok ng tatlong libong karayom ang puso niya. Nalalamig ang kanyang buong katawan.
“Don’t worry. You will still be my personal assistant. No one does your work better than you do. I just want to end our useless marriage.”
Napakagat-labi siya upang pigilan ang anumang emosyon.
“I don’t think we need this annulment. We’re okay,” mahina niyang sabi.
“Magkano ang kailangan mo?”
“Ikaw ang kailangan ko. Mahal kita. Mahal na mahal. Noon at ngayon.”
Pero syempre wala siyang lakas ng loob sabihin ang mga salitang ito kay Noah.
“Dalawampung milyon, sapat na ba para sa pirma mo?” Kinuha nito ang checkbook na nasa drawer, pinirmahan at inilagay sa ibabaw ng mga dokumento.
Hindi niya pinansin ang tseke. “Bakit bigla naman yata ang annulment na ito?”
“Actually, two years lang nga ang hiningi ng Mommy na matali sa’yo. After that, we can move on. At para saan ang kasal natin that we never consummate?”
“We can consummate our ---”hindi niya matapos ang gustong sabihin.
They never had sex. Bakit nga ba hindi siya nag-attempt na akitin ang binata. Nanatili siyang naghihintay lamang. She’s beautiful. Madaming lalaking nagtatangkang manligaw sa kanya. She just ignored them dahil isa lamang ang lalaking gusto niya.
“Look, hindi kita mahal noon. Hindi kita mahal ngayon at sigurado ako na never kitang mamahalin. You’re just a very efficient assistant kaya ka nasa buhay ko pa hanggang ngayon.”
His words are like bullets going straight through her heart. Agad niyang inawat ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Bawal ang drama, she knew it. Kapag sakit sa ulo inaalis agad nito sa trabaho.
“Wait, don’t tell me, you’re in love with me?”
Nanlaki ang hugis almond niyang mga mata. Aminin na ba siya? Paano kung pati sa trabaho ay alisin din siya nito. Mawawalan na siya ng chance na makasama at makausap ito which was the last thing she wanted to happen.
“You don’t have to answer. I don’t care about what you feel. Anyway, free my schedule this afternoon.”
“Saan ka pupunta?”
Napatingin ang binata sa tono ng boses niyang parang asawang nag-iinterrogate.
“I mean, for sure may mga tatawag about business matters at maghahanap sa’yo,” dugtong niya.
Bumukas ang pinto ng opisina bago pa ito makasagot. Iniluwa ng malaking pintong narra ang isang babaeng gusto niyang ibaon sa lupa noon pa mang bago sila ikasal ni Noah. Si Nisha, his childhood sweetheart, his first love. So, ito ang dahilan ng annulment nila. Did they get back together? Iniwan nito ang binata para sa pangarap na maging international model. It seems that Noah was willing to wait. Kagaya niya na handa din maghintay sa walang kasiguraduhang pag-ibig.
He immediately got up upang salubungin ito. Napatitig siya sa binata. Iba ang ngiti nito, ngiting may pagmamahal at pagsuyo. Nakaramdam siya ng matinding panibugho. He never not even once smiled at her like that. Sana siya na lang si Nisha.
Yumakap ang babae sa kanyang asawa at hinalikan ito sa labi. The windows were open, kita sila mula sa labas. At maraming mga empleyado ang nakatingin. Bahagyang umiwas si Noah but he hugged her tightly.
Grabe, walang pang isang oras, tatlong beses na siyang namatay sa sakit. Kung bubuksan ang dibdib niya, pusong wasak at duguan ang makikita.
No one knew that they were married. Sa Natividad Hotel Group, siya ay isa lamang magaling na assistant ni Noah. Bukod sa stress absorber ng boss nila. Kaya niyang solusyunan ang lahat ng problem nito sa opisina. Siya ang takbuhan lalo na kung tungkol sa technology, kaya niyang talunin ang buong IT department ng kumpanya. She was a tech genius. Plus, she can persuade people with her brilliant ideas. Kaya kapag hopeless case sa pag-deal sa client or investor, siya ang tagasalba ng lahat.
Nanatili lamang siyang nakatitig sa dalawa habang palabas ang mga ito. That was cheating in a broad daylight.
Iniligtas niya ang buhay ng mommy ni Noah, si Debbie Natividad, apat na taon na ang nakakaraan. Muntik itong malunod sa dagat at sinagip niya. They became so close na itinuring siyang parang anak dahil wala daw itong anak na babae. Iniwan naman siya ng kanyang ina at sumama sa ibang lalaki noong isang taong gulang lamang siya. Aaminin niyang kulang siya sa pagmamahal ng isang ina kaya mas lalong nagkalapit ang loob nilang dalawa. Nag-aaral si Noah noon sa kilalang Universidad sa America. Umuwi ito ng ma-diagnose ng stage 4 cancer ang kanyang ina. At hiniling nga nito na makasal silang dalawa. Sa video call niya unang nakita ang binata habang kausap ang ina. He was breathtakingly handsome. Ang sarap din sa tenga ng malalim at baritonong boses nito. She worked as her assistant bago pa man sila makasal. Siya ang nagturo dito ng pasikot sikot ng hotel chain business ng ina nito. She fell in love sa mga lumilipas na araw na magkasama sila. She’s hoping that one day he will fall for her, too.
Hawak pa din niya ang papel na dapat pirmahan ng tumunog ang kayang smartphone. Agad niyang sinagot ang tawag mula kay Noah.
“Once you signed the papers, give them to Mr. Raymundo,” anang nasa kabilang linya.
“Could we talk about it again some other time?”
“No, my decision is final. Nothing can change it.”
Mahabang katahimikan. She didn’t know what to say.
Muli itong nagsalita. “Tell him to do it as fast as he can. I’m willing to pay how much it will cost.”
Ibinaba na nito ang telepono.
Of course, she will delay their annulment process. And she will make him fall in love with her bago pa man dumating ang araw ng kanilang paghihiwalay.
She went home. Sa malaking mansyon ng mga Natividad sila nakatira ni Noah but they never shared the same room. May naulinigan siyang tawanan sa garden. Himala at maaga umuwi si Noah. At ang masaklap kasama nito si Nisha. Pagpasok niya sa living area ay nakakalat ang tatlong malalaking maleta. Huwag naman sanang tama ang hinala niyang dito titira ang babaeng ‘yon. Nakaakbay si Noah sa balikat ni Nisha. Ni walang gulat o guilt pagkakita sa kanya. Habang siya ay nanggagalaiti sa galit. But she can’t be angry sa harap ni Noah. She learned to keep all her feelings inside. “Oh, your secretary also lives here? Ang sipag mo naman, wala ka bang pamilya na naghihintay sa’yo? Dapat pala bigyan ka ng employee of the year award,” patuyang sabi nito. “Yeah, I need her. So, para walang hassle, we need to live in the same house. But I think in the next few weeks, she will find a new place to live.” Kitang kita niya ang pagtaas ng kilay ng babaeng kaharap. May maamong mukha ang babae ngunit alam n
Nagbabantay sa ospital si Noah. Kailangan niya ng pirma nito kaya pinuntahan niya sa ospital. Papasok pa lang siya ng private room ni Nisha ay nadinig niya ang malakas na sigaw nito. Napasugod siya sa loob upang alamin ang nangyari. Kasunod niya si Noah na galing sa labas at may dalang pagkain. Hindi makausap si Nisha. Niyakap ito ni Noah. Isang tagpo na ang sakit sa mata at damdamin niya. Itinuro ni Nisha ang box sa higaan nito. Kinuha ito ni Noah at binuksan, may tumulong pulang likido mula sa box. Patay na manok at may gilit sa leeg ang nasa loob ng kahon. Itinuturo siya ni Nisha. Hindi na nito kailangan magsalita. Kung nakakamatay lang ang tingin, bumulagta na siya sa titig ng asawa. Hinila nito palabas. Halos bumaon ang daliri nito sa braso niya. Napatitig siya sa kulay dark brown na mga mata nito. “Wala akong kasalanan. Hindi ako ang nagbigay ng box.” “You know what, huling huli ka na nagsisinungaling ka pa. Don’t tell me na kusang pumasok ang manok sa box para mag-suicide
Umaga na. Tinawag niya ang pulis na nagbabantay. “Wala po bang dumalaw sa akin? Wala po akong kasalanan!” “Miss, wala talagang criminal na umaamin sa kasalanan. Eto, kakakadating lang ng drug test mo. Positive. At hindi din birong gramo ng shabu ang nasa bag mo.” “Hindi akin ‘yan! Kagabi, may dalawang lalaking lumapit sa akin at may tinurok sa braso ko. Baka iyon ang dahilan kung bakit ako nag positibo. Maniwala po kayo sa akin.” “Tinatawagan po namin ang number na binigay ninyo ngunit walang sumasagot.” Inabandona na ba siya ng tuluyan ni Noah? Pangalawang araw na niya sa bilangguan. Hindi na niya kayang tumagal pa sa loob. May dumating na tatlong babae pa kagabi. Para na silang sardinas na nagsisiksikan sa lata. Hinihintay niya si Noah. Naniniwala siyang tutulungan siya nito. Pangatlong gabi. May isang babaeng bagong dating. Pinagtripan siya nito. “Alis diyan. Kahapon ka pa nasa pwestong ‘yan. Gusto ko dyan.” Wala na siyang lakas na makipagtalo. Umalis na lamang siya. Ngu
She attended a party with Caleb. Kaarawan ng isang kilalang tao sa business world. She's dressed in a dark green cocktail dress that emphasizes her slim figure. Maikli din ito kaya kitang kita ang magandang hugis ng kanyang maputing legs. Nakalugay din ang kanyang tuwid at mahabang buhok. She forced herself to socialize dahil kailangan sa kanyang mundong ginagalawan. She’s really bored sa mga ganitong uri ng event. Nahagip ng mata niya si Noah. May kutob siyang hindi magiging maganda ang gabi. She decided to leave. Kaso nauna siyang mapansin ni Noah. Hinagod nito ng tingin ang kanyang katawan. He never seen her wearing something sexy. Palagi ding nakatali ang kanyang buhok. “Small world! How’s my assistant who just vanished into thin air?” “I’m so much better now than when I worked with you,” kalmado niyang sabi. Tumingin si Noah sa lalaking nakatayo sa kanyang likuran. “Aren’t you going to introduce me to your new boss or boyfriend?” “I’m Caleb. Nice to meet you.” Inabot ni Cal
“Bro, I have investigated E.M. Valencia or Maddison as we know her. She owns more than half of the company. At first, she bought 45% share before your mother died. She accumulated the remaining 17% just last week when Mr. Reyes sold his 7% and Mr. Chang Sold his 10% which will be presented in the meeting next week. Wala akong makitang butas, legal ang lahat ng papel na hawak niya.”Justin stopped speaking dahil anytime sasabog na tila bulkan si Noah which was understandable dahil ang mga magulang ni Noah ang nagsimula ng Natividad Hotel Group. Kilala niya ito. They were best of friends since high school. He was born with golden spoon while he needed to beg for scholarship para lamang makatapos ng pag-aaral.“Why the hell, we did’nt know who she was?!” tiimbagang sabi nito. Pinagmukha silang tanga ni Maddie.“His lawyer represents her sa mga meetings. How do we know? Plus, ang dali ng access niya sa mga private documents, she’s your assistant. Sa tingin ko may katulong siya sa mga gina
She came closer. “Sorry, I’m not interested.” “Honestly? You’re lying. Your beautiful eyes are telling me the opposite.” “My dear ex-husband, let’s stop this nonsense.” Muli siyang hinapit ng lalaki. “Playing hard to get, ah?” Nahuhulaan niya ang balak ng lalaki. Gusto siyang nakawan ulit ng halik. Pilit siyang kumawala sa mga bisig nito at lumapit sa kinaroonan ng kaibigan. She had her first kiss with him sa party, that’s enough for her. Baka mas mahirapan siyang makalimot kapag hinayaan niyang madagdagan pa ang magagandang alaala. *** Umuwi siya sa Villa. May mga kukuhanin siyang gamit at ililipat sa condong tinutuluyan. Nadatnan niya ang stepfather na nakaupo sa dining table at kumakain mag-isa. Malamang out of the country na naman ang mag-ina nito at nilulustay ang pera niya. “Kumain ka na.” “No, thanks. Alam nating parehas na ayaw nating kasabay kumain ang isa’t-isa.” Ibinaba ni Don Ricardo ang kurbyertos. “Maddie, I’m happy that you’re back.” “Tayong dalawa lang ang nan
Shareholder’s meeting. But she attended as Noah’s assistant. He won’t let the people in the company lose their trust to the CEO. Ayaw niyang mapahiya ang binata. Her lawyer represented her as E.M. Valencia.“Bakit hindi mo ipinakilala ang sarili mo kanina sa meeting? Literally, you own the company,” sabi ni Noah ng naiwan na lamang silang dalawa.“Technically, we’re still married. So conjugal property natin ‘tong kumpanya mo. Kaya kung ako sa’yo, stay married to me.” Napangiti siya sa binata.Biglang dumating si Nisha. Niyakap nito si Noah. Parang sawa kung makalingkis ang babae. Bakit masakit pa din ang ganitong eksena? Parang piniga ang puso niya sa selos.Pakiramdam niya ay may lumalabas ng sungay sa ulo niya. And anytime the beast inside her will come out and eat her alive. Hindi niya ito mapapatawad sa mga ginawang kawalanghiyaan sa kanya lalo kay Noah.“Nisha, we are busy, let’s talk later sa mansion.”“Hintayin na kitang umuwi.” Sobrang lambing ang boses nito. Sarap bigyan ng m
"Noah, we have to do something to get back the biggest share from Maddie," sabi ni Justin."I'm trying to get her trust. Of course, it will take time. Knowing her, she’s smart. Hindi ko siya basta basta mapapaikot sa palad ko.""I have a plan. You just have to bring her to a place. Ako na ang bahala. If hindi tayo magmamadali, baka mas malaking damage ang mangyari sa company. Baka magising ka na lang, wala na ang kumpanyang pinaghirapan ng mga magulang mo. We should not trust her."He nodded his head. They talked about their plan."I don't want her to get hurt. Babawiin lang natin ang para sa kumpanya.""Yes, of course. I carefully planned it. Don't worry."***Sinundo siya ni Noah sa kanyang condo. First time siyang niyaya nitong mag travel kaya naman super excited siya. Pupunta sila sa Palawan. Lulan na sila ng eroplano. Isa at kalahating oras ang byahe from Manila.Pagdating nila sa airport ay sinundo sila ng hotel na tutuluyan. Sakay na sila ng limousine. Mabango ang sasakyan. Mas