Chapter fifteen "You okay?" Nagalalang mukha agad ni gwapong driver ang bumungad sa mukha ko. Mabilis n'yang hinawakan ang mukha ko bago pinagtitigan at kalaunan ay niyakap. "God, I'm worried." Sinukulian ko ang mainit n'yang yakap at mas inilapit ko ito. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto nong babaeng iyon pero para sa akin ay mas papaniwalaan ko ang kilos ni gwapong driver bago ang kanyang mga salita. Walang kahit sino mang taong paniniwalaan ko kung hindi si sya lamang, si Easton Haven Brooks, ang taong tinitibok ng puso ko sa di malamang dahilan. "Okay lang po ako sir." Pinagtitigan nya muna ang mukha ko muli bago napunta ang kanyang paningin sa mga mata ko. "Maybe I'm just getting paranoid that she might do something to you." Umakto akong walang alam at ngumiti na parang wala lang. "She? Sir, okay lang naman po ako sa loob, wala pong nangyari." Kinagat nya muna ang kanyang sariling labi bago tumango at iginaya ako para umalis na. Bumalik kami sa lamesa namin kanina at h
Chapter sixteen Inilahad ni gwapong driver ang kamay nya sa akin at ginaya nya uli ako. Tapos na kami sa pagkain kaya ngayon ay paalis na kami sa restaurant. Malambot kamay n'yang nasa bewang at kamay ko ito nakahawak. Hindi talaga tama ang labis na tuwa sa puso ko pero wala akong choice kung hindi lubos-lubosin 'to. Dahil alam kong pagdating namin sa mansion sasapak naman sa akin ang katotohanang isa lamang akong katulong at sya ay aking amo. Pero wala na akong magawa kung mas pumapangibabaw sa akin ang naramdaman ko ngayon. Puso laban sa isip na ang usapan eh. May the best choice win nalang talaga. Pero never ko pa ring iwawala sa isip ko ang goal ba't ako nandito at nagtatrabaho. Para sa pamilya. Akma na sana akong papasok sa kotse ni gwapong driver ng may biglang tumawag kay gwapong driver. Pareho kaming napatingin sa babaeng parang modelo kung maglakad palapit sa pwesto namin. Sobrang ganda nya talaga,pero sure akong kasalungat nito ang ugali nya base sa pinakita nya sa aki
Chapter seventeenth Hindi ko akalaing wala pa akong one week sa mansion na ito ay marami nang nangyari sa pamamagitan namin ni gwapong driver. May halikan ng ganapan, lihim na pagtitigan at sikretong nag dinner date at kung makaasta kami sa isa't isa ay para kaming mag couple na tago ang relasyon. Isang araw pa nga lang ang nakalipas simula nong nandito ako pero ganon na ang mga ginagawa namin sa isa't isa? Mapipigilan ko pa ba ito? Hanggang kailan ba matatapos itong set up na meron kami? Hindi ko alam kung anong nagawa ko upang humantong kami sa ganitong set-up. May mali ba na nagkagusto ako sa sarili kong amo? May mali ba pinaboran ni tadhana ang pintig ng puso ko? Mabilis kung iniling ang ulo ko at nag fucos sa ginawa. Nasa kalagitnaan ako ng trabaho, di dapat ako nagiisip ng kahit ano. Kinuha ko ang pangpunas saka pinunasan ang basa kong kamay nong biglang pumasok si ate elma sa kusina. "Maggie." tawag nito. "Po?" "Paki templa mo naman iyong bisita ni sir at iyong pinsan
Chapter eighteen Nagpaiwan si Manang Nina sa tabi ko at nakipagkwentuhan. Tanghalian na rin naman kaya wala na kaming masyadong trabaho dahil ngayong araw daw ay sabay kakain ang pamilya. Kung ganon makikita ko na sa personal qng Ina at ama ni gwapong driver? Bigla kaming nahinto sa pag kuwentuhan ni Manang Nina ng may biglang humahangos na pumasok sa kusina. Halos kunin nya na ang lahat ng hangin dito sa kusina ng huminto na ito sa kakatakbo. Tagaktak ang pawis sa mukha ni gwapong driver lalo na sa noo habang mariing nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng kaunting kaba sa titig nya sa akin pero nilakasan ko ang aking loob ko at tumitig rin pabalik. Walang expression itong lumapit sa amin. "Oh, sir. Anong nangyari at ganyan ang mukha mo?" Hindi sumagot si gwapong driver sa tanong ni Manang Nina at patuloy lang itong tumitig sa akin. Kinakabahan ako sa kanyang tingin pero buti nalang at nakayanan pa ng bibig kong magsalita sa harap nyo. "Sir... M-May p-problema... po b-ba?"
Chapter One Maggie Petras POV Malansang amoy at maingay na lugar ang bumungad sa akin sa entrada ng palengke. Narito ako sa palengke ngayon at pilit hinanap ang babaeng baliw kung maituring ng iba. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtingin sa paligid nang may kumirot sa tagiliran ko. "Mayang!" ungot ko sa babaeng kumirot sa akin. Ngumiti ito sa akin at pumalakpak. "Taray, ang fresh mo ngayon ah," aniya at pinasadahan nang tingin ang kabuoan ko. "Saan lakad mo?" tanong nito sa 'kin bago hinawakan ang braso ko at pinaupo sa upuang malapit lamang sa pwesto namin. "Barangay. Kukuha sa requirements na sinabi mo,” saad ko bago tumingin sa isdaang pwesto namin. "Gusto mo samahan kita?" Umiling ako. "Wag na, Dumaan lang ako rito upang ipabantay sayo iyong dalawang anghel ko," sabi ko bago tumayo at handa nang umalis. "Sige, ingat ka sa lakad mo. Ako na bahala sa kapatid mo," paalam nito at inihatid ako sa tricycle na nakaparada sa gilid ng daan. "Ikaw rin," sabi ko bago pum
Chapter TwoSigurado akong namumula ang dalawang pisngi ko habang pabalik sa bahay namin. Hindi ako maka get over sa lalaki. Hay! Gusto kong sampalin nang paulit ulit ang utak na meron ako. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin nag re-replay ang mukha ng lalaki sa utak ko. Iyong matangos n'yang ilong, iyong panga n'yang may kurba, iyong makinis n'yang skin, iyong amoy n'yang kay bango sa ilong ko akala moy hindi driver dahil hindi man lang amoy pawis at ang panghuli ay ang mata n'yang kulay asul. Habang nag eye contact kami kanina ay para akong nakatitig sa karagatan sa sobrang linaw nito lalo na ang kulay na para bang inaakit ako, pati na rin ang kanyang mga maninipis na labi. Ang kanyang maninipis na labi na akala moy may lipstick nilagay dahil sa mapupula ito. Ano kaya ang lasa ng labi nya paghinahalikan?"Ate!" "Aray!" ungot ko ng maramdaman ko ang labis na sakit sa ulo ko. "Ang sakit!" saad ko habang hinihimas ang ulo kong binatukan ni Mayang.Kunot noong tumingin ako kay Manang. "
Chapter Three Kailangan ko ang trabahong ito para sa kanila. Matatag at buo ang loob ko na humarap kay Mayang. Kailangan kong maging matatag para sa pamilya ko. "Asan na?" Binigay nya sakin ang limang t-shirt, tatlong pajama at dalawang short. "Tanggapin mo iyan, hindin ko rin naman magagamit ang mga iyan." Nanlaki ang mata kong tumingin sa hawak ko ngayon. Ang bago pa nito. "S-Sigurado ka? Eh, mayang ang bago pa nito oh." Pinakita ko sa kanya ang tag. "At may tag pa." Akma kong ibabalik sakanya ng inunahan nya akong itago ang mga kamay nya mula sa akin. "Hindi mo pwedeng ibalik sa 'kin ang mga iyan, nahawakan mo na kaya sayo na." finale nitong sabi bago tumalikod at binuksan ang pinto. "Nandito na rin pala ang pogi mong driver," aniya pagkatapos binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa taong nakatayo malapit sa 'kin. May ngiti ito sa labi at mukhang friendly kung tignan dahil kumaway pa ito sa akin. Sya? Sya ang driver ko ngayon? Sya ang maghahatid
Chapter Four Feeling ko nakita ko na 'to o nararamdaman pero hindi ko maalala. Baka iyong ganyang eksena ay nakita ko lamang sa television sa palengke kaya familiar sa akin. "A forgettable memory is an unforgettable experience. They are so perfect right?" Bigla akong napalingon sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Nakaharang ng malaking sombrero ang mukha nito kaya hindi ko ito makita ng masinsinan. "A perfect scene is a tearful page." Kasabay nang pagsabi ng mga katagang iyon ay ang pag angat ng kanyang ulo sa akin. Ngayon ay malinaw kong nakikita ang mukha nya, iyong kulay ng mata nya, kurba ng panga, ang matangos nitong ilong at ang panghuli ay ang maninipis nitong labi na alam kong nakaka addict pag ito ay maramdaman. "Gwapong driver..." aniya ko ng makilala ko na ito. "Finally to see you here in my home, Gia." Halos hindi ko masagap ang tamang salita sa bibig ko dahil sa nakita. My home? Ibig sabihin... "Oh, nagkita na pala kayo ng amo mo Maggie." nakangiting sabi