Chapter seventeenth Hindi ko akalaing wala pa akong one week sa mansion na ito ay marami nang nangyari sa pamamagitan namin ni gwapong driver. May halikan ng ganapan, lihim na pagtitigan at sikretong nag dinner date at kung makaasta kami sa isa't isa ay para kaming mag couple na tago ang relasyon. Isang araw pa nga lang ang nakalipas simula nong nandito ako pero ganon na ang mga ginagawa namin sa isa't isa? Mapipigilan ko pa ba ito? Hanggang kailan ba matatapos itong set up na meron kami? Hindi ko alam kung anong nagawa ko upang humantong kami sa ganitong set-up. May mali ba na nagkagusto ako sa sarili kong amo? May mali ba pinaboran ni tadhana ang pintig ng puso ko? Mabilis kung iniling ang ulo ko at nag fucos sa ginawa. Nasa kalagitnaan ako ng trabaho, di dapat ako nagiisip ng kahit ano. Kinuha ko ang pangpunas saka pinunasan ang basa kong kamay nong biglang pumasok si ate elma sa kusina. "Maggie." tawag nito. "Po?" "Paki templa mo naman iyong bisita ni sir at iyong pinsan
Chapter eighteen Nagpaiwan si Manang Nina sa tabi ko at nakipagkwentuhan. Tanghalian na rin naman kaya wala na kaming masyadong trabaho dahil ngayong araw daw ay sabay kakain ang pamilya. Kung ganon makikita ko na sa personal qng Ina at ama ni gwapong driver? Bigla kaming nahinto sa pag kuwentuhan ni Manang Nina ng may biglang humahangos na pumasok sa kusina. Halos kunin nya na ang lahat ng hangin dito sa kusina ng huminto na ito sa kakatakbo. Tagaktak ang pawis sa mukha ni gwapong driver lalo na sa noo habang mariing nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng kaunting kaba sa titig nya sa akin pero nilakasan ko ang aking loob ko at tumitig rin pabalik. Walang expression itong lumapit sa amin. "Oh, sir. Anong nangyari at ganyan ang mukha mo?" Hindi sumagot si gwapong driver sa tanong ni Manang Nina at patuloy lang itong tumitig sa akin. Kinakabahan ako sa kanyang tingin pero buti nalang at nakayanan pa ng bibig kong magsalita sa harap nyo. "Sir... M-May p-problema... po b-ba?"
Chapter nineteen Pagkatapos nang nangyari sa garden ay mabilis akong bumalik sa trabaho at hindi pinansin ang mga nagtatanong nilang tingin sa akin lalo na si Manang Nina pero kahit isa sa kanila ay walang naglakas loob na magtanong. Bigla akong napangiti sa isiping iyon. Buti nalang at hindi mga marites ang mga kasamahan ko dito sa mansion. Kakatapos lamang kumain ng pamilyang brooks kaya tambak ang platong hinuhugasan ko ngayon. Bigla akong nanlumo sa isiping hindi ko pala nakita sa personal ang parents ni gwapong driver kanina kahit silip lang ay hindi ko nagawa dahil bukod sa ayaw kong magtama ang tingin namin ni ma'am Eastelle at iyong babaeng kasama nya ay tumawag si Mayang at nangungumusta. Saan kaya nag mana si gwapong driver. Sa Ina nya o ama? Ilang taon na rin kaya qng Ina at ama nya. Matanda na ba? O nasa mids of 40 pa lang? Malakas na hangin ang pinakawala ko ng sa wakas ay tapos na rin ako. Hugas ng pinggan lang ata ang trabaho ko sa mansion'g ito. Bukod sa utusan
Chapter twenty "Your really a crazy low class bitch! Really? You laugh after the slap?" Wala sa sariling napahinto ako sa pagtawa at tumingin sa kanila na may pagmamalaki. "Kaya pala gusto ako ng pinsan mo kase maganda ako." Hindi ko na napigilan ang bibig ko at nasabi ang katotohanan. Ang katotohanang alam kong hindi nila paniniwalaan dahil sa expression nitong binigay sa akin. Tumawa jg mapakla ang babaeng kasama ni ma'am Eastelle habang wala namang expression si ma'am Eastelle sa akin. "She's not just a crazy bitch but also a delulu girl who lives in her imagination. Dream high, Ms. Maid cause Easton Haven Brooks will never yours. You know who owns him? Me. I own him and he own me, understand that?" Hindi pa sya na kontento at gamit ang kanyang hintuturo ay pinag tapik nya ito sa ulo ko ng malakas. Dahil sa kanyang sinabi ay halo-halo na ang nararamdaman ko, iba't ibang emosyon na ang lumukob sa akin na syang dahilan ng pagbiglang pag galaw ng kamay ko at wala sa sariling
Chapter twenty one "Maggie? Gising ka pa ba?" Bigla akong nahinto sa pakiki pagkuwentuhan ni mayang nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Sige na mayang, ba-bye na." "Oh Sige, babush na. Sleep well dzai!" Wala sa sariling napangiti ako sa biglang pag sigaw ni mayang bago ito ini-end call. Inayos ko muna ang sarili ko saka ibinulsa ang cellphone. "Oh, Manang." Nilakihan ko ang siwang ng pinto at pinapasok agad si Manang Nina sa loob. May ngiti akong humarap sa matanda na ngayon ay may pagalalang tumingin sa akin. "May... May problema po ba... m-manang?" Nagpakawala muna sya ng malakas na hangin bago hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Ija, alam kong bago ka lamang rito at gustong gusto mo itong trabahong 'to para sa pamilya mo." Panimula nya tunog pagaalala. Mag anggulo ang noong naghintay ako sa susunod na sasabihin ni Manang. Nagpakawala uli si manang ng mabigat na hangin at direktang pinagtitigan ang mata ko. "Kilala ko si ma'am Casey, malaput iyon pag m
Chapter twenty two Sinuklayan ko muna ang buhok ko bago naglakad palapit sa bintana upang isarado ito pero iyong Plano kong pagsarado sa bintana ay biglang nawala nang matamaan ng paningin ko ang isang bultong nakatayo sa malaki at malapad na farm. Nasa dulo ng mansion ang kwarto ko kaya malapit lamang sa kinaroroonan ko ang farm. Mula dito sa bintana ay malaya kong natanaw si gwapong driver na nakatayo at nasa tenga nito ang isang kamay. May katawagan sya. Hindi ko isinarado ang bintana at tahimik ko lamang pinapanood si gwapong driver dito sa pwesto ko. Hindi pa naman ako ina-antok kaya magpapadalaw na lang ako ng antok sa pamamagitan ng panonood ko ni gwapong driver. Kahit pala sa malayuan ay malaki at makisig pa rin ang ang katawan ni gwapong driver. Sa malapit man o hindi wala pa ring pagbabago ang perpektong katawan ni gwapong driver. Hindi ko talaga masisisi si ma'am Aldana. Gwapo at makisig ang kanyang anak kaya maliban sa gusto n'yang maikasal ang anak mula sa mayaman
Chapter One Maggie Petras POV Malansang amoy at maingay na lugar ang bumungad sa akin sa entrada ng palengke. Narito ako sa palengke ngayon at pilit hinanap ang babaeng baliw kung maituring ng iba. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtingin sa paligid nang may kumirot sa tagiliran ko. "Mayang!" ungot ko sa babaeng kumirot sa akin. Ngumiti ito sa akin at pumalakpak. "Taray, ang fresh mo ngayon ah," aniya at pinasadahan nang tingin ang kabuoan ko. "Saan lakad mo?" tanong nito sa 'kin bago hinawakan ang braso ko at pinaupo sa upuang malapit lamang sa pwesto namin. "Barangay. Kukuha sa requirements na sinabi mo,” saad ko bago tumingin sa isdaang pwesto namin. "Gusto mo samahan kita?" Umiling ako. "Wag na, Dumaan lang ako rito upang ipabantay sayo iyong dalawang anghel ko," sabi ko bago tumayo at handa nang umalis. "Sige, ingat ka sa lakad mo. Ako na bahala sa kapatid mo," paalam nito at inihatid ako sa tricycle na nakaparada sa gilid ng daan. "Ikaw rin," sabi ko bago pum
Chapter TwoSigurado akong namumula ang dalawang pisngi ko habang pabalik sa bahay namin. Hindi ako maka get over sa lalaki. Hay! Gusto kong sampalin nang paulit ulit ang utak na meron ako. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin nag re-replay ang mukha ng lalaki sa utak ko. Iyong matangos n'yang ilong, iyong panga n'yang may kurba, iyong makinis n'yang skin, iyong amoy n'yang kay bango sa ilong ko akala moy hindi driver dahil hindi man lang amoy pawis at ang panghuli ay ang mata n'yang kulay asul. Habang nag eye contact kami kanina ay para akong nakatitig sa karagatan sa sobrang linaw nito lalo na ang kulay na para bang inaakit ako, pati na rin ang kanyang mga maninipis na labi. Ang kanyang maninipis na labi na akala moy may lipstick nilagay dahil sa mapupula ito. Ano kaya ang lasa ng labi nya paghinahalikan?"Ate!" "Aray!" ungot ko ng maramdaman ko ang labis na sakit sa ulo ko. "Ang sakit!" saad ko habang hinihimas ang ulo kong binatukan ni Mayang.Kunot noong tumingin ako kay Manang. "