CHAPTER THREE
Ziah's POV
"Ziah, anak. Darating ang mga pinsan mo galing Bulacan sa susunod na araw. Gusto ka raw nilang makita," sambit ni Mama habang kumakain kami.
"Sino? Sila Kuya Leo at Kuya Dave ba?" tanong ko.
"Oo, pero mukhang hindi lang si Leo ang bibisita sa iyo. Mukhang pati ang mga Kuya mo na si Edwin at Elvino ay bibisitahin ka rin."
Nginuya ko muna ang kinakain ko saka tumango, "Okay, Ma. Hindi na lang ako papasok ng araw na 'yon para maka-bonding ko sila."
Sa totoo lang ay miss ko rin naman na ang mga nakilala kong pinsan. Sabay sabay kami halos lumaki at tila prinsesa nila ako dahil nag iisa akong babae noong mga panahon na 'yon sa magpipinsan. They even protect me from mosquito, cockroach and frog dahil ang tatlong 'yan ang kinakatakutan ko.
"Mommy, ako ba? Gusto din nila makita?" tanong ni Zhen.
"Of course, sweetie! I'm sure they will love you and also you can play with them a basketball!"
"Yehey! Makakalaro na ako ng basketball! I'm too afraid kapag si Lolo kalaro ko baka masaktan siya."
Namayani ang tawanan sa hapagkainan ng mga oras na 'yon.
"Taga-cheer mo na lang kami, apo," tugon naman ni Papa at ginulo ang buhok ni Zhen.
Nang matapos kumain ay nag grocery kami ni Mama. Dahil linggo ngayon ay isinara ko muna ang flower shop para makapagpahinga din si Sarah at Xander.
Nag stock na rin kami ng maraming makakain lalo na't sigurado akong mananatili dito sa bahay ng ilang araw ang mga pinsan ko.
Mabilis natapos ang araw na 'yon sa simpleng pamimili at family bonding.
Kinabukasan ay binuksan kong muli ang flower shop. Nakatanggap kami ng ilang bookings. At ang ilan ay birthday celebration. Mabuti na nga lang dahil iba-iba ang date para hindi kami mahirapan.
"Ma'am, magpapaalam sana ako sa huwebes na magleleave dahil ipapasyal ko po ang pamangkin ko," paalam sa'kin ni Sarah.
Nang tingnan ko sa kalendaryo kung anong date iyon ay nakita kong a-bente-kwatro iyon ng July at may isang booking lamang kami ng araw na 'yon.
Napakagat ako sa labi, "Sige, ako na lang magte-take over ngayon. Have fun with your family that day," sambit ko.
"Thank you, Ma'am Ziah."
Agad kong ipinatawag si Xander upang i-confirmed dito kung aalis din ba ito ng huwebes. Ngunit hindi raw at maaaring siya muli ang makakasama ko sa booking namin sa Saturn Avenue, kung saan gaganapin ang birthday celebration.
Pag uwi ko sa bahay ay masayang sinalubong ako ng anak ko. Nagulat din ako ng biglang may malalaking tao ang sabay-sabay na sumalubong ng yakap sa'kin.
"Namiss ka namin, Ziah!"
"Ang ganda mo na, ah!"
"We miss you, Ziah!"
Nakangiti ko silang niyakap pabalik.
"Ang tatangkad niyo na grabe!" tugon ko.
"Hindi mo man lang kami binalitaan na may anak ka na pala!"
Katahimikan ang namayani sa'min at napatingin ako sa anak ko na nakangiti ngayon.
Hinawakan ko si Kuya Elvino sa braso at saka inilayo.
"Kuya, ang alam ng bata patay na ang tatay niya. So please, be careful sa words."
Napakunot ito ng noo. "Okay, sorry. I didn't know. Ako na ang bahalang magsabi din do'n sa tatlo."
Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay naiintindihan nila ako. Dumating ang kinagabihan at tulog na rin sila Mama pati si Zhen. Tanging kami lang na magpipinsan ang gising at narito kami malapit sa pool.
"So, where's Zhen's Father?" panimula ni Kuya Dave.
Sandali ko silang tiningnan saka bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang lahat ng nangyari. Pero hindi ko naman dapat itago 'yon habang buhay.
"Nagbayad ako ng sperm donor and we do sex," mabilis kong tugon.
"F*ck, that Zafhara!" medyo napalakas ang boses ni Kuya Leo sa naging sagot ko.
"Anong pumasok sa isip mo at gano'n ang ginawa mo?!" tanong ni Kuya Elvino.
Napapikit ako dahil sa mga naging reaction nila.
"Hey, just listen to her. Calm down, guys," sambit ni Kuya Edwin.
"Nagbayad ako, p-pero hindi ang sperm donor ko ang tatay ng anak ko. Nagkaroon ng aberya dahil nagpalit pala ng hotel number ang sperm donor ko at hindi ko nabasa ang text niyang 'yon. N-nakapasok ako doon sa unit d-dahil yung lalaking naroon ay may hinihintay rin pa lang babae, kaya hindi rin nagduda sa'kin ang tao sa lamesa nang hingin ko ang isa pang copy ng swipe card."
"At syempre nakita mo rin naman siguro yung mukha ng lalaking 'yon. At syempre tinanong mo rin kung anong pangalan niya?" tanong ni Kuya Leo.
Tiningnan ko silang apat. Lahat sila ay naghihintay sa sagot ko.
"Oo, kilala ko. A-at baka kilala niyo rin," kibit-balikat kong tugon.
Nakakunot silang nagkatinginan.
"Si Braxien Philip Saavedra."
Napasabunot sa buhok si Kuya Dave,"As in Braxien Philip Saavedra, the billionaire?"
Tumango ako.
Parang hindi makapaniwala ang tatlo sa nalaman nila at kaniya-kaniya sila nag iwas ng tingin.
"Ziah, walang hindi makakakilala sa kaniya. And I know him little dahil minsan ng nagtapo ang landas namin noong nasa kelehiyo ako," paliwanag ni Kuya Elvino.
"At hindi ka pinanagutan ng bilyonaryong 'yon? Bakla siya kung gano'n!" sambit ni Kuya Leo.
Kanina pa mainit ang ulo nito. Ang akala mo tuloy ay siya ang naagrabyado.
"No, hindi niya alam na nabuntis niya ako. Ayokong malaman niya dahil baka kunin niya si Zhen sa'kin."
Napabuntong hininga si Kuya Dave, "Hindi mo pwedeng itago 'yan habang buhay. Lumalaki na si Zhen at kaninong puntod ang ipapakita mo? Kaninong picture ang ipapakita mo?"
"Tama si Dave, isipin mo na lang na hindi habang buhay maaari mong itago kay Zhen. He deserves to know the truth dahil ipinagkakait mo sa kaniya ang makilala ang ama niya."
Napahilamos ako sa mukha at napatakip sa bibig ko upang pigilan ang hikbing lalabas. Gusto ko lang naman magkaroon ng anak na walang pinoproblemang iba. Nagkaroon nga ako ng anak ngunit heto at hindi madali ang sitwasyong ikinakaharap ko.
"Anong gagawin ko? Nagkita na ulit kami ni Braxien ngunit hindi naman ako nito muling hinanap pa."
"Just prepare yourself, kahit bilyonaryo pa ang lalaking 'yon lalabanan natin siya kung sakaling kunin niya si Zhen."
Napatango ako, "Okay, salamat sa inyo."
Kinabukasan ay namasyal kami buong pamilya kasama ang mga pinsan ko. Kitang-kita ko kung gaano kasaya ang anak ko sa bawat araw na kasama niya ang mga pinsan kong lalaki.
Siguro'y iniisip ng anak ko na para niya na itong mga ama at sinusulit na nito ang bawat sandali.
"Paano, aalis na kami. Bibisita na lamang kami kapag may mga free time ulit," paalam ni Edwin.
Isang mainit na yakapan ang nangyari sa bawat isa. Ngayong araw na rin sila aalis at babalik ng Bulacan. Malungkot ang anak ko na nakayakap sa bawat tiyuhin niya.
"Will you comeback?" tanong nito.
"Of course, we will. Bubuhayin namin ang Papa mo para hindi na kami ang hanap-hanapin mo," sagot ni Kuya Leo.
"Talaga? Pwede ba 'yon, Tito Leo?"
Tumingin si Kuya Leo sa'kin, "Oo naman, pwede 'yon. Kayang-kayang gawin 'yon ng Mommy mo."
Nakangiting bumaba sa pagkakabuhat ni Kuya Leo si Zhen. At tumakbo sa'kin at niyakap ako.
"Mommy, Did you hear Tito Leo said?"
"Yes, sweetie."
"And you do, right? Mabubuhay mo si Daddy hindi ba?"
Sa halip sa sumagot ay tumango na lamang ako dahil pakiramdam ko ay mababasag ang boses ko ng nagbabadyang luha. Kitang-kita ko kasi sa anak ko kung paano siya nangunguli sa ama.
"Yehey! You're the best mommy ever!" masiglang sambit nito at tumingin sa mga Tito niya. "Hindi na po ako malulungkot na aalis kayo, bubuhayin naman po pala ni Mommy si Daddy," dagdag nito na ikinatawa ng lahat.
Nakaalis na ang mga pinsan ko habang si Zhen naman ay nanunuod ng cartoon sa sala ay nilapitan ko sila Mama at Papa.
Noong una ay kinakabahan akong sabihin sa kanila ang totoo ngunit alam ko naman na hindi magtatagal ay malalaman din nila.
"Sinasabi ko na nga ba't may kamukha talaga ang batang 'yan, eh. Ang akala ko'y artista 'yon pala'y isang business tycoon," tugon ni Papa.
"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Mama.
"Sa ngayon wala pa, gusto ko munang ihanda ang sarili ko at kilalanin si Braxien dahil hindi ko rin naman lubos na kilala ang lalaking 'yon. Oo nga't sikat siya pero hindi ibig sabihin ay mapagkakatiwalaan na agad."
"Susuportahan ka namin sa kung anong desisyon mo, anak," at niyakap ako ni Mama.
××××
Someone's POV
"Bakit ba naman kasi ginto na pinakawalan mo pa? Kung hindi ka ba naman tanga," sambit ni Tita Margarette habang hawak nito ang isang kopita nag alak na may lamang wine.
"Hindi ko naman kasi alam na maghihirap si Saito," tukoy ko sa ex-boyfriend kong lulong sa droga.
And that night, Ako dapat ang nasa unit ni Braxien nang gabi na 'yon. Ang ipinagtataka ko ay may kumuha na raw ng copy swipe card.
And that woman ruined our plan. Bullsh*t!
"Kahit naghirap si Saito, kung maaga ka lang pumunta sa unit ni Braxien nang gabi na 'yon, ay hindi ka mauunahan ng kung sino."
I just rolled my eyes at iniwan na si Tita Margarette sa sala at nagtungo na ako sa kwarto. Paulit-ulit na senaryo ang nangyayari sa'kin araw-araw. Uutang ng malaki tapos ako ang mamomroblema para bayaran ang inutang niya.
Nakakainis na buhay!
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Matthew, "Where are you?"
Wala pang isang minuto ay nag reply na ito.
"Nasa tahimik na lugar, kaya huwag mo 'kong guluhin."
Hinagis ko ang cellphone na hawak ko.
Bwesit! Lahat na lang ayaw akong makausap! Parang mga wala kaming pinagsamahan. Kung maaari lang ibalik ang nakaraan ay gagawin ko ngayon din.
CHAPTER FOURZiah's POVMaaga akong umalis ng bahay dahil ngayon ang araw ng birthday celebration na nagpabook sa'min ng mga bulaklak. And since ito ang una kong client na mukhang engrande ay talagang pinaghandaan namin ng mabuti."Ilang taon na raw ang magbibirthday?" tanong ko kay Xander habang nasa byahe kami."Twenty-four na daw," sagot nito."Oh? Sana all, bongga ang birthday kahit twenty-four na."Natawa naman si Xander sa sinabi ko kaya hinampas ko ito sa braso."Huwag kang tumawa dahil totoo naman.""Baka naman kasi mayaman, Ma'am Ziah."Taman naman si Xander, kung mayaman ka talaga kahit araw-araw ka magpaparty ay okay lang.Bigla kong naalala si Zhen. Apat na buwan na lang ay darating na ang kaarawan nito. Wala sa sariling seryoso ak
CHAPTER FIVEZiah's POV"Sweetie, pag uwi ko mamayang gabi kasama ko na si Daddy mo. Kaya always be a good boy, okay?" pagkakausap ko sa anak ko."I'm so excited, Mom! I will be always a good boy to Lola and Lolo!" masiglang sambit nito at niyakap ako.Matapos kong kausapin ang anak ko ay nagpaalam na ako kila Mama para tagpuin na si Braxien kung saan nagsimula ang lahat. This would be hard for me but for my son's happiness I will do. Hanggang ngayon pa rin naman ay nasa akin ang copy ng swipe card ng unit 109 kaya madali na lang ako makakapasok sa loob.Pagtungtong ko pa lang ng Saludario Hotel ay agad kong tinawagan si Vivi to inform her na malapit na ulit kaming magkita. My best friend is support me to what decision I've made that's why lalong lumalakas ang loob ko. Sumakay na ako ng elevator at tinungo ko ang unit 109.&n
CHAPTER SIX Braxien's POV Nauubos na ang pasensya ko. Hindi ko na palalampasin pa na hindi malaman ang sasabihin nito dahil malakas ang kutob ko na mahalagang bagay 'yon. "Tell me right now." Tumayo si Ziah at tila hindi mapakali. Sa inaakto nito ay lalo akong kinakabahan. Hindi naman ako kinabahan ng ganito noon. Lalo pang nakapagpakaba sa akin ay ang presensya nito at isiping dalawa lang kami dito sa mansion. Huminto saglit si Ziah at nagulat ako nang bigla itong tumakbo. Mabuti na lamang at mabilis ako para pigilan agad ito. "Ano bang ginagawa mo, Ziah? Gusto mo bang maglaro?" "Bitawan mo ko, Braxien." Inihiga ko ito sa couch at saka pinakubabawan, "Ano ba kasing laro ang gusto mo? Tell me, I would love to play with you, especially with fire," at napangiti ako. Tila na hipnoti
CHAPTER SEVENZiah's POV"Ziah, wake up. You're dreaming," rinig kong boses ni Braxien habang niyuyugyog nito ang balikat ko.Pabalikwas akong bumangon at napahilamos sa mukha. It was all a dream! Hindi totoong may sakit ang anak ko. Tumingin ako kay Braxien."May history ba ng sakit ang pamilya niyo?" tanong ko.Biglang nag salubong ang makakapal na kilay ni Braxien, "Nothing, bakit mo naitanong?""Sigurado ka? Sakit sa puso? Cancer? Sakit sa dugo? Wala?"Niyakap ako nito, "Wala nga, ano bang napanahinipan mo't ganiyan ang mga itinatanong mo sa'kin?""Gusto ko ng umuwi, please?""Okay, before you go home, sagutin mo muna ang tumatawag sa'yo. Kanina pa 'yan, hindi ko lamang pinakialaman dahil I respect your privacy."Iniabot sa'kin nito ang ph
CHAPTER EIGHTZiah's POV"B-Baka gusto mong sumama sa bahay?" nauutal kong tanong kay Braxien na hanggang ngayon ay tulala at tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Zhen.Noong una ay nagulat rin ako na kilala ni Zhen kung anong itsura ng Daddy niya. Pero siguro'y tadhana na rin ang gumawa ng paraan upang magkita sila na mag-ama.Lumapit si Zhen sa kaniya at hinawakan ang kamay niya, "Daddy, sama ka na sa'min," sambit nito.Para akong maiiyak lalo sa tagpong nakikita ko. Hindi ko inakalang sa ganitong sitwasyon ko sila unang makikitang magkasama. Binuhat ni Braxien si Zhen at niyakap ng mahigpit tapos ay hinalikan ito sa noon."Ipaliwanag mo 'to ng maayos," bulong sa'kin ni Braxien na hindi ko maintindihan kung may halong galit.Tumango na lamang ako at sumunod kay Braxien na papalabas ngayon nga Mall. Ang ilang tao ay pinagtitinginan siya
CHAPTER NINEZiah's POV"Grabe naman yung tatay ng junakis mo, masyadong seloso," maarteng sambit ni France nang makaalis na si Matthew at Braxien.I just rolled my eyes, "Ikaw naman kasing bakla ka, umakto-akto ka pang lalaki, eh, girly ka rin naman."Naisip ko rin na talaga bang nagseselos si Braxien? Hindi ko naman naisip 'yon kanina dahil na rin sa pagkabusy."Nakakita kasi ako ng yummy!" kinikog na sabi nito.Napailing na lang ako. France is a gay! Isang babaeng isinilang sa lalaking katawan. Hindi ko lang alam kung bakit naging lalaki ito kanina at umaktong namimiss pa ako ng g*ga. Nakilala namin ito ni Vivi sa America nang minsang magpunta kami sa beach. Ayon dito ay si Vivi rin ang nagbigay ng address ko."Lokaret talaga ang baklang 'yan, sis!" singit ni Vivi sa video call."Tumahimik ka diyan na
CHAPTER TENZiah's POVDali-dali akong naglakad at pinigilan maglakad ang lalaki at saka ito kinintalan ng mabilis na halik."Zafhara?" gulat na tanong nito.Napatakip ako sa bibig, "Colton? Is that you?"Kaagad ko itong niyakap. Ngunit agad rin kaming naghiwalay ng may humila kay Colton at natagpuan ko na lang na nakabulagta ito at pinakubabawan ni Braxien. Mabilis ang lahat ng pangyayari at mabilis ko silang iniwat."Hey, stop it Braxien!"Dumating ang kaibigan ni Braxien na si Mike at hinawakan ito. Pinunasan naman ni Colton ang labi niya na ngayon ay may dugo."Oh my gosh, Colton. It's bleeding!"Tumingin si Colton kay Braxien, "What's wrong with you, Man?""F*ck you!" saka tumingin sa'kin at tumalikod.Hindi na ito nagawang habulin nino
CHAPTER ELEVEN Braxien's POV "Ziah! Come back here!" sigaw ko. Mabilis ako nitong tinalikuran kaya't nag-umpisa na din akong sundan ito. Ngunit mas binilisan pa ulit nito ang maglakad. "Nagseselos ka ba?!" pasigaw kong tanong dahilan para tumigil ito sa paglalakad. Nang mas makalapit pa ako ay hinawakan ko ito sa balikat at ipinaharap sa'kin, "Are you jealous?" ulit kong tanong. Napangisi ito, "Are you insane? Bakit ako magseselos, eh, wala namang tayo. You're just only the father of my son. And nothing will change, period!" at muli itong tumalikod. "Braxien!" kapwa kami napalingon sa babaeng tumawag sa'kin. Damn it, it's Lyndi. "Oh, 'ayan na pala ang babaeng linta, siguro naman tatantanan mo na ako," matapos ay inirapan ako. Napasipa ako sa mga buhangin ba
Chapter 119Mabilis na isinugod si Braxien sa hospital. Halos hindi na malaman ni Ziah ang gagawin niya. Natatakot aiyang baka tuluyan na itong mawala sa kaniya. Hindi niya kakayanin. Gusto niyang bumawi dito lalo pa't nagkamali siya na noon.Isinisi niya rito ang nangyaring ang Mommy naman pala nito ang may gawa. Dinala rin ang Mommy nito sa hospital ngunit dead on arrival na ito. Maraming mga pulis ang nagtamo ng sugat. At nalaman rin niya na wala na ring buhay sila Celline at Liyanna.Pumunta siya sa libing ng mga ito. Naisip niya na kahit anong kasamaan ang gawin ng isnag tao ay hindi maiaalis ang parteng may mabuting puso katulad na lamang ng magkaibigan na ito. Napatawad na niya ang mga ito at ayaw na niya na magtanim pa ng sama ng loob sa mga ito. Hindi na niya dadalhin pa sa future ang hatred sa puso niya. After all, ay kasama naman na niya ang mga anak niya.After
Chapter 118Beatrix.Tinipon lahat ni Beatrix ang tauhan niya dahil sooner or later ay tiyak na mahahanap sila ni Braxien. At hindi niya hahayaan iyon! Hindi sa ganito dapat matapos ang lahat.Nakaplano na lahat mula sa umpisa. Hindi sa wala lang mapupunta ang pinaghirapan niya. Sinakripisyo niya ang buhay ng asawa niya. Sinakripisyo niya ang buhay ng panganay niya na anak para maging perpekto at karapat dapat si Braxien sa lahat ng yaman nila.Sobrang layo na ng narating niya at hindi siya papayag na sa huli ay maging abo lang ang lahat ng ito. Titiyakin niyang mangyayari ang gusto niya. Ang sunod na mamamahala sa company ay si Zhen!Sigurado siya na nakuha na ito ng mga taong inutusan niya. Kahit mawala na sa buhay niya si Braxien ay ayos lang. Kung kapalit nito si Zhen. Napangisi siya saka ininom ang wine sa baso. Nakakamangha nga at buhay pa si Bra
Chapter 117Bahagya na lamang napangiti si Margie dahil kahit papaano bago pa lumalim ang nararamdaman niya jay Braxien ay lalayo na ito. Alam niya rin naman na sobrang mahal pa nito si Ziah. At isa pa, kung maaayos ang pamilya nito ay mas matutuwa siya dahil walang tao ang gugustuhin ang broken family. Mabuti na lang at naintindihan ni Kiko, at ito na lang ang iniimbitahan na lumuwas ng Manila para magkalaro pa ito ni Zhen.Hindi na rin napigilan pa ni Ziah ang pagsama sa kanila ni Braxien kahit naiilang ay nagawa niya pa rin matulog habang nasa byahe. Talagang napuyat ay napagod siya. Hindi nga niya alam kung kaya niya oang pumasok ngayon, baka tumawag na lanabg siya sa opisina.Nang makauwi sila ay nagpaalam na rin si Braxien na babalik ito sa sariling mansion. Doon ay napagkasunduan nilang mananatili si Zhen doon. Kahit hindi naman sabihin ni Braxien ay alam niyang gusto nitong panagutan ang nangyari sa
Chapter 116"Kamusta?"Nagulat si Ziah sa biglaang pag sulpot ni Braxien kaya mabilis siyang nah iwas ng tingin. Napakuyom siya ng kamao sa isipin na narito lamang siya para sa anak nila. Hanggat maaari ay ayaw niya itong makausap."I'm good, hopefully ikaw rin," tugon niya.Nahagip ng peripheral vision niya ang mga tattoo nito sa braso. Sa ilang beses niyang nakita ito ay ngayon niya lanang iyon napansin. Napatingin siya sa mukha nito at doon ay nakita niya ang peklat na nagmula sa hiwa, na siya ang may gawa.Tuluyan na siyang nailang dahil pakiramdam niya may possibility na magbalik ang masakit na alaala ng nakaraan."Pasensya ka na kung medyo nahuli ako ng dating, hindi ko naman alam na ako pala si Braxien nang gabing magkausap tayo. Nawalan ako ng alaala. Noong niligtas kita doon nagbalik lahat. At huwag kabg mag alala wala naman akong
Chapter 115Ngayong araw planong puntahan nila Ziah si Braxien but suddenly she received a text messages na magpunta siya sa coffee shop malapit sa building nila. Ito yung coffee shop na may unicorn ang theme. Sa isiping si Liyanna ang nag text no'n ay hindi siya nag alinlangan pumunta. It seems like may okasyon sa lugar na iyon dahil masyadong maraming bata.As she waiting for something or for someone, pinanuod niyang maglaro ang mga bata. Tuwang-tuwa si Ziah lalo pa't maraming mga bata ang naglalaro. Naokyupahan ng mga ito ang oras niya, at para bang gumaan ang pakiramdam niya."Miss, puwede mo po ba ako samahan sa cr? Nawiwi na po ako, ih. Wala pa si Yaya, kasama po si Kuya Jackson, ih."Nang tingnan ni Ziah ang batang babae ay kaagad siyang nagulat. Ang batang iyon ay tila pamilyar sa kaniya, ang itsura nito, ang mga mata nito ay may pagkakahawig sa isang taong kilala niya. Nakaramdam siya ng kab
Chapter 114Nang makaalis na sila Ziah sa mansion ay nisip niyang hindi hinahanap ni Tita Beatrix si Braxien. Nakakapagtaka lahat ng sinabi nito pati na ang ikinikilos. Bilang Ina ay dapat nag aalala ka para sa anak mo at gagawin mo ang lahat para makita mo ito. But seeing her like that, parang napaka chill nito at wala lang sa kaniya kung nawawala ito o kung namatay nga talaga.Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at humarap kay Zhen."Alam mo naman siguro na mali ang ginawa mong paglalayas hindi ba?" napatango naman si Zhen. "Nag aalala sayo ang Lolo at Lola mo at pati na rin ako. We can talk about it first naman 'di ba? It's just that you ignore me all the time kaya hindi ko masabi sabi sa'yo noon pa.""I'm sorry, Mommy. Akala ko kasi posible na ako ang makahanap kay Daddy."Napabuntong hininga si Ziah."I have to tell you a secret. It's a secret
Chapter 113Braxien."Ang akala namin ay nawala o naligaw ka na, ibinalita na lamang sa amin ni Fernan na hindi ka na nila nakita matapos mong tumugtog no'ng isang gabi," nag aalalang sambit ni Margie nang salubungin ako nito.Hindi ako makatingin ng maayos dito. Kailangan kong mapagpanggap na wala pa rin akong naaalala. After all, ayokong masira ang pangako ko sa kanila. Mabilis naman akong sinalubong ng yakap ni Kiko habang umiiyak ito."Mabuti Itay, at nakauwi ka na. Sobrang nag aalala kami ni Inay sa iyo," sambit naman nito.Sa sandaling iyon ay natulos ako sa kinatatayuan ko. He just called me like I'm his father. Nakakalambot ng puso at the same time ay ramdam na ramdam ko na napamahal na sa'kin ang batang ito.Mukhang kinakailangan ko ng matinding pagpapanggap. Bahagya akong ngumiti saka lumuhod upang magpantay kami ni Kiko. Kaya siguro kalmado at pami
Chapter 112Pabalik na sana si Severo sa kwartong tinutuluyan upang magpahinga dahil bukas ay uuwi na siya kila Margie, ngunit naantala ang paglalakad niya nang makita niya ang isang wallet mula sa lugar kung saan bumagsak ang babae. Pinulot niya iyon saka sandaling pinagmasdan bago buksan.Nakita niya ang litrato ng babaeng nahimatay kanina lang at katabi nito ang isang bata lalaki. Napakunot nang bahagya si Severo dahil ang batang nasa litrato ay tila kahawig niya. Hindi na lamang niya pinansin ito at sa halip ay naglakad patungo sa fromt desk ng kwartong tinutuluyan nito."Ah, may isasauli lang po sana ako, naiwan po ito ng babaeng nahimatay kanina," sambit niya.Kasabay ni Severo sa counter ang ilan pang mga tao. Narinig ni Dasha na binanggit nito na may nahimatay. Madali siyang kinutuban dahil kanina pa nila hinahanap si Ziah."Kuya, saan po banda
Chapter 111"Hey, are you alone? Nasaan na ang mga kaibigan mo?"Nawala sa paningin ni Ziah ang dalawang babae nang sumulpot sa harapan niya si Travis. Naiilang na tiningnan niya ito saka ngumiti. Hanggang sa huling sulyap ay hinabol niya pa ang dalawa ng tingin hanggang sa hindi na niya ito nakita."Sino yung tinitingnan mo? You looks so interested to them," sambit muli ni Travis.Napayuko ng bahagya si Ziah saka ininom ang alak na nasa baso niya."Wala iyon, akala ko ay kakilala ko, akala ko lang pala."She turned around trying to get away with Travis. Ayaw niya muna itong makasama lalo na't nagiging usapan ng mga katrabaho niya ang ugnayan nila. Ang iba ay hindi lang magkaibigan ang tingin sa kanilang dalawa kun'di mag jowa!At saan naman nila nakuha ang gano'ng pag iisip?"I'm sorry, ku