"Danica! Danica!" sumisigaw sa sala si Jethro habang hinahanap sa lahat ng sulok ng bahay ang babae.Nagmamadali siyang umakyat ng kwarto, marami pa ring gamit na naroroon. Pati mga trolley bags at gamit ng mga bata ay nananatili pa rin doon. Nakahinga siya ng maluwag, na hindi naman pala siya iniwan nito, baka nagpapahinga lang ito.Naupo siya sa kama at naghintay. Umahon ang inis niya kay Lovely, ang babaeng tusong iyon, napakawalanghiya!Itinuring niyang kaibigan, subalit tinarantado lang siya. Galit na galit siya, at pinagsasampal niya ito, bago siya umalis ng tahanan nito. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman.Subalit ngayon, na nalaman niyang hindi naman pala umalis ang kanyang mag iina, nakahinga siya ng maluwag.Nahiga siya sa kama at naghintay.. hanggang makatulog na siya.Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa ibaba. Akala niya, ang mag iina niya iyon, kaya nagmamadali siyang nagtungo sa salas upang salubungin ang kanilang pagdating. Subalit nadismaya siya ng makita
Nagulantang si Jethro sa rebelasyong iyon. Hindi niya inakalang magagawa ni Danica na talikuran siya nang tuluyan. Sa kabila ng mga pagkukulang niya, umaasa siyang mapapatawad pa rin siya nito. Ngunit ngayon, ang katotohanang iniwan na siya ni Danica ay parang isang matalim na kutsilyong bumaon sa kanyang puso.Walang sabi-sabing tumalikod siya at muling umakyat sa kanilang kwarto. Binuksan niya ang kanilang aparador at tinignan ang mga damit ni Danica. Naroon pa rin ang ilan sa mga ito—mga pang-araw-araw na kasuotan na tila iniwang walang pag-aalinlangan. Ngunit sa kabilang bahagi, wala na ang mahahalagang gamit nito—ang kanyang mga paboritong damit, bag, at maging ang mga alahas na palagi niyang suot.Napaupo siya sa kama, parang wala sa sarili. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang pagkawala ng kanyang asawa at mga anak. Tulala niyang pinagmasdan ang kanilang lumang larawan sa ibabaw ng bedside table. Doon, kitang-kita ang masayang pamilya na minsan ay pinangarap niyang buuin
PAGKALIPAS NG LIMANG TAON..."Anong kalokohan ito? bakit ganito ito? sino ang gumawa nito?" sita ni Jethro sa mga empleyado, sabay bagsak sa lamesa ang isang folder, "wala man lang nagcheck kung tama ba ito o ano? anong mga problema niyo!"Nagbago ng ugali si Jethro magmula ng layasan siya ni Danica at hindi niya ito makita kahit saan man niya hanapin. Isang taon niyang hinahalughog ang mundo, at tila ba si Danica ay naging isang karayom sa gitna ng dayami. Mahirap matagpuan.Hindi niya malaman, kung paano ito mawawala ng ganoon na lang, samantalang marami siyang connections at ni isa man sa mga iyon ay hindi nakita ang babae."Ah.. sir.. mali po atang folder ang nabasa niyo.. yan po ay yung pang shred na.. nasaan po yung isang folder na nasa lamesa niyo?" nagtatakang tanong ni Siren sa kanya.Kaibigan ito ni Danica at pinasundan niya ito, kaya sigurado siyang wala itong nalalaman sa kinaroroonan ng kanyang mag iina."Aling folder?" napakunot ang noo niya ng malamang iba ang folder na
"Wala p rin bang balita tungkol sa mag iina ko?" inis na sabi ni Jethro sa detective na kausap niya, "ang laki na ng nagagastos ko ah, hanggang ngayon, wala pa ring balita?""Sir," napakamot ang detective na nasa harapan niya, "lahat po ng posibleng makapagturo kung nasaan ang asawa niyo, ay talagang hindi namin makuhanan ng lead. Parang wala naman silang mga alam.."Hindi siya makapaniwala na kahit ang detective ay hindi malalaman ang kinaroroonan ng mga ito. Sa loob ng limang taon, parang nabura ang lahat ng traces ng babae at ng kanyang mga anak."Jeth!" tawag ng isang babaeng pakendeng kendeng palapit sa kanilang lamesa. Ang magandang ngiti ay nakaplaster sa kanyang magandang mukha."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Lovely. Ang babaeng ito ay walang ginawa kundi suyuin siya sa loob ng limang taon. Naiinis siya noong una dito, pero kalaunan ay pinagbigyan na lang niya at hindi na lang ito pinagsusungitan."Kakain sana ako, galing ako sa opisina niyo, kaso wala kadaw don kay
Abala si Danica sa paglalaba, habang ang kanyang mga anak ay pinapanood iyang nagtatakbuhan."Mam, ako na po ang maglalaba, magpahinga na po kayo," sabi sa kanya ni Lea. "Kaya ko na pong kumilos.""Hindi na, magpahinga ka na. May sakit ka, kaya ko naman ang gawaing ito.." tanggi niya. May sakit si Lea ilang araw na, kaya siya ang gumagawa ng mga gawain nito. Ayaw naman niyang abalahin ang kanyang tagalinis ng bahay at tagaluto. Pagkatapos ng kanyang mga kasambahay ng gawain, aalagaan pa nila ang kanyang mga anak. Kaya nauunawaan niya ang kalagayan ng mga ito."Mommy! mommy!" tumatakbo si Juls papalait sa kanya habang may hawak na bulaklak," for you, mommy..""Uuhh, thank you anak," nakangiti niyang kinuha ang gumamela na pinitas nito sa kanilang halamanan. Maya maya pa, si Julia naman ang nagmamadaling lumapit sa kanya."Mommy, tingnan niyo po," ibinuka nito ang kamay, na may nakalagay na catterpilar, "base sa nabasa ko sa book ng biology, nagiging butterfly daw ito kapag nagtagal, to
"Naku, tigilan mo na ko sa mga ka kornihan mo.. Limang taon mo ng sinasabi yan, gasgas na gasgas na masyado ang mga linyahan mo. Wala bang bago?" hindi siya galit, subalit may seryoso siyang ekspresyon.Alam ni Vinz, na ayaw ng babae ng ganoong biro. Kahit pa ang pagsasabi niya dito na gusto niya ito, ay hindi niya maisingit, dahil masyadong takot si Danica sa mga bagay bagay.Ayaw niya itong pilitin, isa pa, mukhang okay naman sila sa ganitong set up. Masaya siyang makita ang mag iina na nasa mabuting kalagayan.Napangiti na lang siya sa isiping iyon, may konting pait, pero mas lamang ang tamis. Ganito ang pagmamahal.. hayaang maging malaya ang pinakamamahal, upang maiwasan ang kumplikasyon.Baka talagang para sa babae, isa na lang siyang dakilang ninong ng mga anak nito."Bakit para kang tanag sa hitsura mo.. nakakatakot ah, baliw ka ba?" sita sa kanya ni Danica."Hindi ah, may naisip lang ako bigla," napakamot siya sa ulo saka kinuha ang mga plastic sa likog ng sasakyan."Naku, mal
"Talaga bang.. talaga bang ayos ka lang?" hindi talaga kumbinsido si Danica, lalo pa at ang lalaki ay may namumutlang mga labi. Ang gwapong mukha nito ay parang nabahiran ng isang malubhang karamdaman."Wala ito, wag ka ngang masyadong mag alala sa akin," nakangiting tugon nito, saka inalalayan ng mga bata sa sofa.Ang isang bata ay nagmamasahe sa mga kamay ni Vinz at ang isa naman ay sa mga binti. Talagang alam na ng mga bata ang kanilang gagawin sa mga ganitong sitwasyon."Alam mo ninong, kailangan mo na sigurong magpacheck up," sabi ni Julia habang minamasahe ang mga kamay nito."At bakit naman po kailangan ko ng magpacheck up, doktora?" nakangiting tanong niya sa bata. Napapaligaya siya ng mga ito, at kahit kailan, hindi siya itinuring na iba. Ang pakiramdam niya tuloy, mga anak na niya ang mga ito."Kasi po," itinaas ng bata ang kanyang kamay, "medyo iba ang kulay ng iyong mga kuko. Masamang sign daw ito, na kapag pangit ang kulay ng kuko, may sakit ang isang tao," sabi ng bata,
"Hay naku, tigilan mo na nga ako sa mga paandar mo, at baka masagasaan ka pa," umirap si Daica kay Vinz, "ang mabuti pa mga anak, samahan niyo na ang ninong niyo sa kwarto, at nanggigigil na naman ako diyan!""Wow, sana all, pinanggigigilan," nakangiting sagot ng lalaki.Lalo ng nagkagulo ang mga tao sa bahay na iyon.Kahit kailan talaga, puro kaharutan ang naiisipan ng lalaking ito.Umikot ang kanyang mga mata, malapit na niyang hambalusin ng tray si Vinz dahil sa hayagan na namang paglalandi nito sa kanya."Napakaharut mo na naman.. sasaksakin na kita diyan," bulong niya sa lalaki."Kung ikaw lang ang papatay sa akin, tatanggapin ko, siguraduhin mo lang na sa sarap yan," ganting bulong nito sa kanya.Naloko na! nag uumpisa na namang magsalita si Vinz ng mga walang katuturang bagay!Alam na alam ni Vinz kung ano ang makakapagpatahimik sa kanya.Akala ng mga tao sa paligid nila ay naglalambingan silang dalawa.Namula siya sa labis na hiya dahil sa huling sinabi nito. Kaya agad siyang
Hindi siya makapaniwala, saka siya bumaba..Nanginginig ang kanyang laman, habang binabaybay ang patungo sa likod ng sasakyan..Doon.. may umaagos na mapulang likido.. subalit mukhang hindi naman iyon dugo.."A--ano yan?" tanong niya sa mga pulis."Ma'am, mabuti pang buksan niyo yan, para makita niyo kung ano ang nasa loob.." sagot ng isang pulis.Nanginginig ang kanyang mga daliri.. saka itinaas ang likod na bahagi ng sasakyan.Unti unti, tumambad sa kanya, ang bahaging iyon ng sasakyan..May mga larawan nila doon nina Jethro at ng mga anak nila.Nakaayos ang bulaklak doon, at parang ibinuhos ang wine sa parteng iyon upang umagos.Natutop niya ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa sorpresang nakita. Ngunit.. nasaan na ang lalaki? Bakit gamit lang iyon? totoo bang mag aabroad na si Jethro?Dumaan ang isang van, at saglit na tumigil. Pag alis muli ng van, naroon si Jethro sa kabilang kalsada. Nakangiti, habang may dalang bulaklak.Nakasuot ito ng isang suit, na bagay na bagay sa
Nanatili siyang nakatayo sa harap nina Siren, Ian, at Vohn, habang ang kanyang puso ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Umalis na si Jethro? Papunta na ito sa Amerika?Bakit hindi niya alam?Hindi man lang nito nais na magpaalam sa kanya? Tuluyan na lang itong aalis?Paano ang kanilang mga anak?Nakita niya ang saglit na palitan ng tingin ng tatlo, tila nag-aalangan kung dapat pa bang ipagpatuloy ang usapan. Pero si Vohn, na palaging prangka, ang hindi nakatiis."Danica, matagal na niyang plano iyon. Matapos ang lahat ng nangyari, siguro naisip niyang mas mabuting lumayo na lang muna. Hindi ka na rin naman niya makausap nang maayos, di ba? Ayaw mo rin naman ata siyang makita, kaya nakapagdisisyon siya ng ganoon."Gusto niyang magprotesta, gusto niyang sabihin na hindi totoo, pero paano? Hindi niya rin naman tinangka ang makipag-usap kay Jethro nitong mga nakaraang buwan. Sa tuwing susubukan niyang isipin ang gagawin, lagi na lang siyang nauunahan ng sama ng loob, hiya, o kaya nama'
Eksaktong anim na buwan, simula nong mawala si Vinz, unti unti na si Danica na nakakabangon.Ang kanyang katawan ay nakakabawi na, at maganda na ang takbo ng kanyang negosyo.Ang pagiexport ng mga damit ang kanyang ginawang negosyo. Hindi siya umasa sa mga pamana nina Vinz at Lovely, bagkus, kumilos siya para sa kanila.Walang bakas ni Jethro sa kanyang bahay, ngunit nalalaman niya sa kanilang mga anak at sa yaya, na pumupunta ang lalaki doon, kapag wala siya.Minsan, nalulungkot siya, dahil naiisip niyang tama si Vinz.. kailangang buuin nila ang kanilang pamilya ni Jethro, ngunit siya naman ay inaatake ng hiya.Hindi na kailanman kumontak sa kanya si Jethro..Mukhang sumuko na ang lalaki, panunuyo at pakikipag usap sa isang gaya niyang kasing lamig ng yelo makitungo.Mahalaga naman sa lalaki ang kanyang mga anak, subalit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Ano ang hungkag na damdamin na pilit lumalabas sa kanyang damdamin? bakit tila ba, ang alaala ng lalaki ay palaging nasa
May isang susi sa bag ni Vinz, para sa closet nito sa kanilang bahay.Kinuha niya iyon. At binasa ang isa, na naka date, noong panahong nakita niya ito sa isang bar...Mahal kong Danica..Ang una kong pagkakita sa iyo, marahil ay hindi sinasadya, kundi isang tadhana.. Ang puso ko ay tumibok ng mabilis, na parang isang barena.Wala akong ibang tinitigan ngayong gabi, kundi ikaw lamang. Sayang, at may nauna na pala sa akin.Kung nauna lang sana ako, ng kahit ilang buwan na makalapit saiyo, ginawa ko na..Nagkakilala na tayo, sa Manila. At dahil sa ganda mo, at pinalibutan ka ng mga tao, hindi ko na nakuhang lumapit. Nginitian mo ako, ng minsang magtama ang ating mga mata.. subalit mukhang hindi mo ako natandaan..Naalala ni Danica ang lalaking iyon, na nakatitig sa kanya buong gabi, at binigyan niya ng isang ngiti. Ngunit dahil hindi siya interesado dito, hindi na niya natandaan ang mukhang iyon. Bumuntunghininga siya, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng liham ni Vinz..Hindi na kita ma
"IWANAN mo na ko, Jethro.." sabi ni Danica sa lalaki, "hayaan mo muna akong mag isa.."Umalis ito, kasama ang mga bata. Halos dalawang linggo itong nananatili sa kanilang tahanan. Hindi ito umaalis at inaasikaso ang mga bata.Nakita niya, na gustong gusto ito nina Juls at Julia. Kaya hinayaan na lang niya ito.Lumalapit lang ito sa kanya kapag aayain siyang kumain, o kukumustahin. Kapag hindi siya nagsalita, umaalis na ito.Si Jethro din ang kumuha ng vault sa bahay ni Lovely, pati ang bag sa bahay ni Vinz.Nasa harapan niya ngayon, ang mga bagay na sinasabi ng mga ito sa kanyang panaginip, at ayun din sa naiwang will ng dalawa, kailangang ibigay sa kanya ang mga gamit na iyon.Una niyang kinuha ang susi ng vault ni Lovely. Customize iyon. Kaya ang btanging susi para mabuksan ito ay nag iisa lang.Tumambad sa kanyang mga mata, ang punong pera na nasa vault ay may nakasulat na Juls at Julia, sa bandang secret case naman, may isang telepono, saka isang sulat.Una niyang binuksan ang so
"DANICA...." hinawakan ni Jethro ang kanyang balikat, "halika na, naghihintay na ang mga bata.."Hindi niya alam, kung paano mabubuhay ngayon. Si Vinz ang nagsilbing best friend niya, sa mga panahong down na down siya.Hindi ito nag take advantage sa kanya kahit minsan.Isang beses lang siya nahalikan nito, at sa noo pa iyon.Ang pagsasakripisyo nito sa kanilang mag iina, ay walang katumbas. Kaya hindi niya alam kung paano magsisimula muli, ng wala ito sa paligid.Sa loob ng isang linggo na pagdadalamhati, wala siyang ginawa, kundi umiyak. Mag dalamhati. Magmukmok.Ni hindi na niya alam ang nangyayari sa kanyang mga anak, na lumalapit sa kanya para i-comfort siya.Nakikita niya ang mga itong kumakain. Bagong ligo, bagong bihis.May mga yaya naman ang mga bata, kaya tiwala siya sa mga iyon.Sa harap ng puntod ni Vinz, tila bumabalik ang lahat ng alaala nilang magkakasama.Walang dull moment kapag kasama niya ito. Laging nagpapatawa, laging may sense kausap. Hindi nauuubusan ng jokes.M
Ang damdaming iyon na pilit niyang kinakalimutan, ay muling nabuhay.'Bakit? bakit akala ko ay wala na? bakit akala ko ay tapos na?'Ang mga katanungan ni Danica ay kusang lumabas at pilit na kumakawala sa kanyang isipan.Hindi pala nawala ang pagmamahal niya kay Jethro, ito ay natakpan lamang ng poot, at sakit.Mas nanaig sa kanya ang matinding galit na dulot ng nakaraan. At ngayon, ng aminin na ni Lovely ang lahat ,parang mas gumaan na ang pagdadala niya ng kasalanan ni Jethro.Ang kanyang pagmumuni muni, ay nagbalik ng kanyang mga lumang alaala na tila ba kumakatok sa kanyang puso. Yung panahong sila ay masaya pa, at panahong wala pa silang pinag aawayan.Ang buhay nila noon ay talagang matatawag na ideal, lalo na, ng iopen ng lalaki sa kanya ang tungkol sa kasal.Isa iyon sa pinakamagandang bahagi ng kanyang buhay. Lahat naman ng babae ay nangangarap na maikasal. Nais niyang bumuo sana ng pamilyang mapayapa at masaya, na ipinagkait noon sa kanya.Subalit bakit ba napakadamot ng ta
Subalit ang kaligayahang iyon, ay hindi nagtagal.Hindi dumating ang puso sa tamang panahon.At hindi na iyon makukuha kailan man.Bumagsak ang helicopter na pinagkargahan nito, at nasunog iyon na parang barbecue.Nang malaman nina Danica ang nangyari, nagpanic sila, lalo na ang mga doctor.Mahinang mahina na si Vinz. Mukhang hindi na nito kayang magsurvive sa loob ng 24 oras."Anong gagawin natin," lumuluhang sabi ni Danica kay Lovely.."Maghahanap ako ng paraan, maghintay ka dito!" paalam nito sa kanya.Lutang na lutang ang pakiramdam ni Danica.Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid.Biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Ang tinig na iyon!"Jethro?" bulong niya."Okay lang ba si Vinz?" agad hinawakan ni Jethro ang wala sa sariling si Danica, "magsalita ka..""Jethro.." hilam ng luha ang mga mata ng babae, habang nakatingin sa kanya.Hindi ito makapagsalita ng maayos ,na parang takut na takot.Agad niyang niyakap ito at pinakalma. Si Santi naman ay nagpaalam sa kan
Danica, na nakikipaglaro pa sa mga bata sa labas, ay napalingon nang marinig ang hysterical na sigaw ni Lovely. Agad niyang binitiwan ang mga laruan at mabilis na tumakbo papasok sa bahay. Pagkarating niya sa loob, bumungad sa kanya ang walang malay na si Vinz, nakasandal sa sofa habang nanginginig ang mga kamay ni Lovely sa paghawak sa kanya."D-Danica! Tumawag ka ng ambulansya! Bilis!" nanginginig na utos ni Lovely, habang pinipilit niyang alalayan si Vinz.Hindi na nag-aksaya ng oras si Danica. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tumawag sa emergency hotline. Nanginginig ang boses niya habang ibinibigay ang address nila at sinasabing may emergency—may taong nangangailangan ng agarang atensyong medikal."Vinz! Vinz! Kaya mo 'to!" halos maiyak si Danica habang hinahaplos ang mukha ng lalaking mahal niya. "Huwag kang bibitiw, ha? Please, andito ako..."Mahina na ang paghinga ni Vinz, at kitang-kita ang panghihina sa kanyang katawan. Walang malay ngunit may bahagyang paggalaw sa k