Binibilang ni Danica ang araw na hindi umuuwi si Jethro.. Limang araw! Ni walang pangungumusta kahit sa kanilang mga anak. Anong klaseng tatay ang ganoon? kayang tiisin ang mga bata, makasama lang ang kaibigan lang daw nito?Nababagabag siya kapag naiisip kung ano ang ginagawa ng mga iyon sa ospital.Ipinasa niya kay Vinz ang video ng kawalanghiyaan ng Lovely na iyon, at naaalala niya pa ang huli nilang usapan."Napakatanga talaga ni Jethro, abnormal! mas inuuna pa niya si Love kesa sa inyong mag iina niya? wag kang mag alala, ako ang bahala. Nagkataon lang na nasa out of town ako ngayon kaya hindi pa kita matulungan.." sagot nito sa kanya."Pasensiya ka na, at sayo ko nasasabi ang mga bagay na ito.. Alam kong kaibigan mo rin si Lovely, subalit hindi ko na alam kung kanino ako magsasabi ng problemang ito. Nahihirapan na ako, sa totoo lang." malungkot niyang sabi sa lalaki."Basta, hintayin mo lang ako. Ilang araw pa ako dito.. ako ang pupunta sa ospital upang kausapin ang lalaking iy
"Mo--mommy.. ya-yaya? a-ano pong ginagawa niyo dito?" ang mga mata ni Lovely ay may pagkagulat at pagkalungkot. Paano nakarating ang mommy niya dito gayong wala naman itong alam sa nangyari? Npatingin siya kay Vinz na nakasimangot sa tabi. Malamang, sinundo nito ang mommy niya."Anak.. bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na naaksidente ka? kahit ang yaya mo na kasama mo, hindi din alam. Kung hindi pa ako kinontak ni Vinz, hindi ko pa malalaman," mababakas sa tono ng kanyang ina ang lungkot. "Sana anak, nagsabi ka, para kami na ang nag alaga sayo."Mommy.. okay lang po ako.. inaalagaan ako ni.. ni Jeth," ang ngiting ipinakita ni Lovely ay isang ngiting aso, na parang na trap siya sa sarili niyang mantika, saka matalim na tiningnan si Vinz."Pero anak.. may asawa na si Jeth at mga anak. Nakakaawa naman sa pamilya niya, hindi ba? saka babae ka pa rin, dapat, kaming mga pamilya mo, ang mag aalaga sayo.." sagot ng kanyang ina, "Buti na lang, at nasabi sa amin ni Vinz ang lahat.""Oo ng
Bagsak ang mukha ni Jethro, habang papasok ng kanilang bahay. Nahihiya siya.Hindi niya akalaing maiisipan ni Lovely ang ganoong kalokohan, at ang sinisi pa niya ay si Danica. Wala siyang kwentang lalaki!Mas pinaniwalaan pa niya ang ibang babae, kesa sa ina ng kanyang mga anak.Nung ayain siya ni Vinz sa restaurant, doon nito ipinapanood sa kanya, ang video na nairecord ni Danica nung nagtatalo sila ni Lovely. At ang masama pa, pati pagpapaalis niya sa babae, ay kuhang kuha sa video.Hindi niya pinaniwalaan si Danica, bagkus, ipinagtabuyan pa niya ito, napakasama niya. Nakalimutan pa niya ang kaarawan nito noong nakaraan. Wala na talaga siyang mukhang maihaharap dito.Pagpasok niya ng bahay, naroroon sina Siren ,Vohn at Ian. Masaya nilang nilalaro ang mga bata.Nagulat ang mga ito, matapos siyang makita."Sir.." bati nila, saka sabay sabay na tumayo."Kanina pa kayo?" nakangiti niyang tanong sa mga ito."Ah.. apat na araw na kaming dito umuuwi, sir.." sagot ni Siren sa kanya. Kumun
“No!!” nanginginig ang kanyang kalamnan sa narinig sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwalang naisipan nitong ipagkasundo siya sa isang matandang halos kasing edad na nito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa labis na galit. Hindi niya maiwasang maghimagsik ang kanyang puso. Nagngingit ngit ang kanyang damdamin. “Danica, siya lang ang makakatulong sa atin. Si Amante na lang ang nais sumugal sa ating kumpanyang lubog na sa pagkakautang. Hindi na tayo makabawi magmula ng mamatay ang iyong mama,” paliwanag ng kanyang ama, “matitiis mo bang mawala ang kompanyang pinaghirapan namin sa matagal na panahon? Nasa kamay niya ang ating muling pagbangon.” “Papa,” nangingilid na ang kanyang luha dahil na rin sa labis na frustration, “matitiis niyong ako ang ibayad sa matandang iyon kapalit ng tulong na nais niyang ibigay sa atin? Kung totoo niyo siyang kaibigan, bakit hindi niya kayo tulungan ng walang kapalit?” Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na gagawin siyang collateral ng kanyang ama, “ma
PAGDATING niya sa bahay, walang tao sa salas. Ngunit naririnig niya ang tinig ng mga naroroon sa itaas. “Kailangang magantihan ko siya mommy!” umiiyak na sabi ni Ingrid, “ginupit niya ang maganda kong buhok!” Dahan dahan siyang umakyat ng hagdan. Nasilip niya sa masters bed room ang mga ito na parang may pinagmimitingan na hindi siya kasali. “Sumusobra na yang anak mo, Luke!” singhal ni Rodora sa kanyang papa, “tingnan mo naman kung ano ang ginawa niya sa anak ko.” “Baka naman inasar niyo na naman ang anak ko,” nakatayo ang kanyang ama. Mukhang walang sakit, naninigarilyo ito saka namintana, “mabait si Danica, hindi niya kayo sasaktan kung hindi kayo nauna.” “Kasalanan pa ni Ingrid ngayon ha?” lumapit si Rodora kay Luke, “masyado ng m*****a yang anak mo!” “Tigilan mo ako, Rodora,” asik ng kanyang papa sa kanyang madrasta. Bahagya pa siyang lumayo, upang hindi makita ng mga ito, “baka akala mo, isasakripisyo ko ang anak ko, dahil sa pagiging sugarol mo!” “Ako lang ba? Ako lang? E
DAHAN -dahan niyang inilapag sa kama ang walang malay na babae. Wala itong ginawa kundi ang umungol. “Ang init! ang init!” paulit ulit nitong sabi. Nilakasan niya ang buga ng aircon, ngunit nananatili pa rin itong pagulong gulong sa kama at patuloy pa rin ang pagsasabi na naiinitan ito. Hinubad niya ang suot nitong heels. Napansin niya ang pagpapawis ng katawan nito. Napailing na lang siya ng marahas. “Mga bwesit! nakainom ito ng libido pill!” inis niyang sambit, “mga wala talagang magawa sa buhay!” Kailangan niya itong ibabad sa bath tub upang maibsan ang init na nararamdaman nito. Kinarga niya ang babae sa banyo. Inilapag niya iyon sa bath tub at binuksan ang faucet. Iniwan niya ito saglit para makapaghubad siya ng suot niyang suit. Inihanger niya ang hinubad, saka binalikan ang babae. Nakalubog na ang buong katawan nito sa tubig. “Damn!” nagmamadali niyang pinatay ang tubig saka inahon ang babae. Agad niya itong inilapag sa carpet at pinakinggan ang hinga nito. Mahina iyon.
Danica ILANG bloke pa lang ang layo niya sa kanyang bahay, ay napansin niya ang mga sasakyang nakaparada sa harapan niyon. Nagtataka siya kung sino ang bibisita sa kanya ng ganoong araw, samantalang wala namang ibang nakakaalam kung nasaan siya. Bumaba siya ng kotse, at nagtago sa likod ng isang sasakyan. Baka natunton siya ng kanyang papa. Doon niya lang naalala ang kanyang cellphone, maaaring nalocate iyon gamit ang GPS! Pinanood niya ang mga taong pumasok sa kanyang bahay. Mabuti na lang at ang mga importante niyang gamit ay nasa kanya pa ring sasakyan. Narinig pa niya ang usapan ng naroroon. “Babalik dito yun, baka namasyal lang. Dapat may maiwan dito,” boses iyon ni Rodora, “malalagot tayo kay Amante kapag hindi natin naiharap sa kanya si Danica sa loob ng anim na buwan!” “Gaga din, mukhang nagpapahabol lang. Nakaopen ang GPS ,bakit hindi natin alam na may bahay siyang sarili?” si Jalen naman iyon, na kita niya sa kamay nito ang kanyang cellphone. “Dapat, makaganti ako sa ka
Two months later.. UMIIKOT ang kanyang paningin ng umagang iyon. Masakit na masakit ang kanyang ulo. Ilang araw na niyang nararamdaman ang kakatwang pakiramdam. Madalas na rin siyang nagsusuka, na kahit wala ng ilalabas, todo duwal pa rin siya. Kumabog ang kanyang dibdib. Mabilis iyon, biglaan lang siyang kinabahan. Napatingin siya sa kanyang mga napkin sa may vanity mirror. Sa pagiging abala niya, hindi na niya napagtuunan ang maliit na detalyeng iyon ng kanyang buhay. Bumalikwas siya ng bangon kahit masama ang kanyang pakiramdam. Walang kabawas bawas ang lagayang iyon. Sumigid ang kirot ng kanyang ulo.. “No!! No! This can’t be!” napapaluha niyang sabi sa sarili. Bawal sa kanilang opisina ang mabuntis ng walang asawa dahil iniingatan nila ang image ng kumpanya. Kahit ang pakikipagrelasyon sa may mga asawa na, ay sinasaklawan doon. Ayaw nila ng imoralidad. Kapag may asawa na, sila lang ang maaaring mabuntis under their company. Mahigpit sila pagdating sa core values. Sa loob ng d
Bagsak ang mukha ni Jethro, habang papasok ng kanilang bahay. Nahihiya siya.Hindi niya akalaing maiisipan ni Lovely ang ganoong kalokohan, at ang sinisi pa niya ay si Danica. Wala siyang kwentang lalaki!Mas pinaniwalaan pa niya ang ibang babae, kesa sa ina ng kanyang mga anak.Nung ayain siya ni Vinz sa restaurant, doon nito ipinapanood sa kanya, ang video na nairecord ni Danica nung nagtatalo sila ni Lovely. At ang masama pa, pati pagpapaalis niya sa babae, ay kuhang kuha sa video.Hindi niya pinaniwalaan si Danica, bagkus, ipinagtabuyan pa niya ito, napakasama niya. Nakalimutan pa niya ang kaarawan nito noong nakaraan. Wala na talaga siyang mukhang maihaharap dito.Pagpasok niya ng bahay, naroroon sina Siren ,Vohn at Ian. Masaya nilang nilalaro ang mga bata.Nagulat ang mga ito, matapos siyang makita."Sir.." bati nila, saka sabay sabay na tumayo."Kanina pa kayo?" nakangiti niyang tanong sa mga ito."Ah.. apat na araw na kaming dito umuuwi, sir.." sagot ni Siren sa kanya. Kumun
"Mo--mommy.. ya-yaya? a-ano pong ginagawa niyo dito?" ang mga mata ni Lovely ay may pagkagulat at pagkalungkot. Paano nakarating ang mommy niya dito gayong wala naman itong alam sa nangyari? Npatingin siya kay Vinz na nakasimangot sa tabi. Malamang, sinundo nito ang mommy niya."Anak.. bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na naaksidente ka? kahit ang yaya mo na kasama mo, hindi din alam. Kung hindi pa ako kinontak ni Vinz, hindi ko pa malalaman," mababakas sa tono ng kanyang ina ang lungkot. "Sana anak, nagsabi ka, para kami na ang nag alaga sayo."Mommy.. okay lang po ako.. inaalagaan ako ni.. ni Jeth," ang ngiting ipinakita ni Lovely ay isang ngiting aso, na parang na trap siya sa sarili niyang mantika, saka matalim na tiningnan si Vinz."Pero anak.. may asawa na si Jeth at mga anak. Nakakaawa naman sa pamilya niya, hindi ba? saka babae ka pa rin, dapat, kaming mga pamilya mo, ang mag aalaga sayo.." sagot ng kanyang ina, "Buti na lang, at nasabi sa amin ni Vinz ang lahat.""Oo ng
Binibilang ni Danica ang araw na hindi umuuwi si Jethro.. Limang araw! Ni walang pangungumusta kahit sa kanilang mga anak. Anong klaseng tatay ang ganoon? kayang tiisin ang mga bata, makasama lang ang kaibigan lang daw nito?Nababagabag siya kapag naiisip kung ano ang ginagawa ng mga iyon sa ospital.Ipinasa niya kay Vinz ang video ng kawalanghiyaan ng Lovely na iyon, at naaalala niya pa ang huli nilang usapan."Napakatanga talaga ni Jethro, abnormal! mas inuuna pa niya si Love kesa sa inyong mag iina niya? wag kang mag alala, ako ang bahala. Nagkataon lang na nasa out of town ako ngayon kaya hindi pa kita matulungan.." sagot nito sa kanya."Pasensiya ka na, at sayo ko nasasabi ang mga bagay na ito.. Alam kong kaibigan mo rin si Lovely, subalit hindi ko na alam kung kanino ako magsasabi ng problemang ito. Nahihirapan na ako, sa totoo lang." malungkot niyang sabi sa lalaki."Basta, hintayin mo lang ako. Ilang araw pa ako dito.. ako ang pupunta sa ospital upang kausapin ang lalaking iy
"Danica!" saway ni Jethro sa kanya, "anong pinagsasasabi mo? hindi ka naman dating ganyan?""Dati? anong alam mo sa dati? ah.." napangisi siya, "dati kasi, wala pang haliparut na umaaligid sayo at ipinapamukhang ako ang mang aagaw kahit hindi naman naging kayo. Hindi ako nagbago, kailangan kong ipaglaban ang sarili ko.""Danica, please.. wag ka ng mag eskandalo dito," bait baitan na saway ni Lovely sa kanya habang nakapulupot ito sa braso ni Jethro."Oooow? parang hindi naman ganyan ang tono mo kanina girl.. napakaplastic mo pala talaga.." napapailing si Danica sa kanyang nakikita. Ang babaeng kaharap niya ay isang balimbing. Maraming mukha!"Danica, humingi ka na lang ng tawad kay Lovely ng maayos, dahil binuhusan mo siya ng tubig.." mahinahon ang boses ni Jethro.'Hindi ko nga ginawa!" asik niya. "Ikaw Lovely, aamin ka ba na ikaw ang nagbuhos ng tubig sa sarili mo, o ipapanood ko ang video kay Jethro?""A-anong video?" napamaang si Lovely, at doon pa lang nito napansin ang kanyang c
"Danica! anong ginawa mo?" agad lumapit si Jethro kay Lovely at kumuha ng towel upang punasan ang mukha nito, "anong nangyayari sayo? pumunta ka ba dito para manakit?" tanong pa niya."Anong ginawa ko?" kalmadong nakaupo si Danica sa tabi at parang walang pakialam, "nananahimik ako dito oh.""Binuhusan mo siya ng tubig!" naiinis na singhal ni Jethro, "nakaratay pa siya, sana, nagpasensiya ka na lang kung may nasabi siyang hindi maganda..""Sinasabi ko lang naman sa kanya Jeth, na magkakilala tayo, matagal na, kaya mas komportable ako na kasama ka.. nagalit siya sakin," umiiyak si Lovely habang nakasiksik sa mga bisig ni Jethro."Totoo naman ang sinasabi niya, Danica, bakit ka nagagalit?" itinuloy ni Jethro ang pagpupunas sa mukha ni Lovely."Huh.. talaga bang maniniwala ka sa babaeng yan, kumpara sakin? Jethro, ina ako ng mga anak mo, at malaking insulto ata para sakin, na nakayakap ka sa babaeng iyan habang naririto ako," hindi na siya nakatiis na magreklamo."Hindi iyon ang pinag uu
"Ako na lang ang magbibigay sa kanya, mahal, mabuti pa, magpalit ka na lang ng damit pagkatapos mong maligo, okay? mahirap yung wala kang malinis na hygiene habang nag aalala sa KAIBIGAN mong nadisgrasya," diniinan talaga ni Danica ang salitang kaibigan upang ipaalam sa lalaki na naiinis na siya sa ganitong klase ng set up."Ah-- tama.. tama mahal, sige, ikaw na muna ang bahala kay Lovely, maliligo muna ko," iniabot niy Jethro ang baso ng tubig sa kanya, saka ito kumuha ng gamit at nagtungo sa banyo. Pinanood ni Danica ang lalaki ng nakangiti, at pagpasok nito sa banyo, nakangisi niyang hinarap si Lovely, saka iniabot ang tubig, "ito oh.. kape, ayaw mo?""Aanhin ko naman ang kape?" napasimangot si Lovely ng abutin ang tubig mula sa kanya."Wala lang, mukha kasing wala kang kaba sa katawan, kaya naisip ko lang na baka nais mo ng kape, para magkaroon ka naman ng kaunting gulat.""Ano bang problema mo?" tanong nito sa kanya."Ako? wala! ikaw ba, naghahanap ka ba ng problema?" nakangiti p
"Asan na ba ang cellphone ko.." nahihilo na kakahanap si Jethro sa kwarto. Binalikan niya din ito sa kotse habang nasa xray room si Lovely, ngunit hindi niya ito makita.Alam niyang dala niya ang kanyang telepono, pero bakit wala iyon sa kanya ngayon? Baka mamaya, nag aalala na si Danica sa kanya dahil hindi pa siya nakakauwi, hapon na naman.. Umaga pa lang, hinahanap na niya iyon, subalit maraming nurses at doctor ang kumakausap sa kanya kaya nawala ito sa kanyang isipan.Muli siyang umikot sa mga pinuntahan niya, hanggang ang ilaw sa xray room ay mamatay na, hudyat na tapos na si Lovely. "Ano bang nangyayari sayo?" tanong ng babae sa kanya na nakakunot ang noo, "parang pinagsakluban ka ng langit at lupa ah.""Maaari ba akong manghiram ng telepono mo? hindi ko kasi makita ang cellphone ko, tatawagan ko sana si Danica at baka nag aalala na siya sa akin dahil hindi pa ako umuuwi.." pakiusap niya sa kaibigan. "Baka magalit yun.""Kung mahal ka niya, hindi siya magagalit sayo, besides,
Hindi niya akalain, na ngayon nga pala ang kaarawan ni Danica. Ilang beses na siyang nagplano para sorpresahin ito subalit laging nawawala iyon sa kanyang isipan.Ang totoong kaarawan ng babae ay kahapon, at ngayon, hindi na niya ito nabati, wala pa siya sa tabi nito.Anong klase siyang partner at hindi man lang niya naisip ang mga bagay na iyon. Si Danica ay isang mabait na tao, at marahil, nahihiya ito na sabihin sa kanya na kaarawan nito ng araw na iyon.Bigla ang paglukob ng lungkot sa kanyang puso. Ang kanyang mga ugat sa noo ay biglang naging visible, na tila ba pumipintig ang mga iyon."Wag mong sabihing nakalimutan mo talaga?" paniniguro ni Vinz sa kanya. Nang hindi siya magsalita, nahulaan na ng kanyang kaibigan ang nangyari, "ano ka ba naman? Bakit hindi mo man lang naalala? ganyan na ba kalutang ang isipan mo?""Par--me--medyo may iba akong naiisip nitong nakaraan kaya hindi ko naalala.." malungkot niyang sagot dito, "uuwi muna ako, para makapagsorry sa kanya.."Naulinigan
Pasado alas dose na, ng dumating siya sa ospital. Nakahiga si Lovely sa kama noong pumasok siya, at nagliwanag ang mga mata nito pagkakita sa kanya."Jeth.. dumating ka.." mahinang sabi nito."Oh.. ang bilis mo naman makarating.. " bati sa kanya ni Vinz."Oo nga eh, kumusta na siya?" tanong ni Jethro kay Vinz."Ayan, sabi ni doc, after 1 week daw, makakalabas na siya.." sagot ng kaibigan niya."Kumusta na ang pakiramdam mo?" naupo siya sa kama, katabi ni Lovely, "okay ka na ba?""Okay lang ako, salamat.." maluha luhang sagot nito sa kanya, "akala ko, hindi mo ako maaalalang puntahan..""Maaari ko ba namang gawin sa iyo yun? ang mahalaga, andito na ako, at okay ka na," nakangiti si Jethro habang hinahawakan ang buhok ni Lovely."Please, wag mo akong iiwan.." pakiusap ng babae sa kanya. Nalulungkot ang mukha nito at halatang may nararamdamang sakit."Oo, andito lang ako.. magpahinga ka na.." malumanay niyang sabi dito.Nag umpisa ng matulog ulit ang babae, habang siya naman ay nakahawak