Janna's POV:
"Mommy, no!"
Kararating ko lang galing sa trabaho at boses kaagad ni Jia na umiiyak ang narinig ko. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay para tingnan kung ano ang nangyayari.
"Mom!" Tanging nasabi ko na lang pagkakita ko kay Mommy na may isang malaking maleta na bitbit pababa ng hagdanan.
"What's going on?" Bagsak ang balikat na tanong ko.
"I'm leaving, I'm sorry!" Namumula ang mga mata na sabi niya. Halata na kagagaling niya lang sa pag-iyak. Siguro nag-away na naman sila ni Daddy.
"Mommy, no! Please, don't leave us!" Todo iyak habang nagmamakaawa ang kapatid kong limang-taong gulang lang.
Marahas lang na tinanggal ni Mommy ang kamay ng kapatid ko pagkatapos ay walang lingon-lingon na naglakad palabas ng bahay. Bigla na lang bumagsak ang mga luha ko. Saka ko lang naisipan na habulin si Mommy para pigilan.
"Mom, where are you going?" Inis kong tanong kahit na umiiyak na rin ako.
"Please take care of your sister, Janna." She just said bago sumakay sa taxi na kanina pa pala naghihintay sa kanya sa labas ng bahay.
Tila gumuho ang mundo ko. Hindi dahil nasasaktan ako para sa sarili ko, kundi dahil sa nakikita kong sitwasyon ng kapatid ko. She's only five years old and I believe that she still needs a mother. Kailangan niya pa ng ina na masasandalan niya at aalalay palagi sa likuran niya hanggang sa lumaki siya, bagay na mukhang malabo ng mangyari.
Nilapitan ko ang kapatid ko at niyakap siya ng mahigpit. Kailangan kong magpakatatag hindi lang para sa sarili ko, para na rin sa kapatid ko.
"Dad!" Kakaalis lang ni Mommy at ngayon ay si Daddy naman ang may dala-dalang maleta. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Parang mababaliw ako na hindi ko maintindihan.
"Ano po ba ang nangyayari? Pwede bang magsabi naman kayo dahil pakiramdam ko mababaliw na ako sa sobrang gulo!" Frustrated kong sabi habang umiiyak pa rin.
"Hiwalay na kami ng Mommy niyo. Hindi na rin ako mananatili sa bahay na ’to. Janna, pakiusap, alaagaan mo ang kapatid mo." Lumapit si Daddy sa akin para yakapin ako pero umatras lang ako.
Sandaling nanatiling nakatayo si Daddy dahil sa ginawa ko. Nang naging kalmado na ako ay saka siya tuluyang tumalikod sa amin ng kapatid ko, bitbit ang kanyang maleta.
Pakiramdam ko, unti-unting nawasak ang mundo ko. Ang pamilyang kinalakihan ko ay hindi ko kailanman naisip na masisira ng ganito. Hindi ’to kailanman sumagi sa isip ko kahit kailan o ano pa d'yan, kaya siguro ganito ako ngayon kadurog at nasasaktan.
Way back into my high school years, naalala ko, madalas akong kainggitan ng mga kaklase ko. Bukod kasi sa may very supportive at mapagmahal akong mga magulang, ay kilala ring masipag at hardworking na businessman si Daddy. Samantalang hands-on mom and wife naman si Mommy.
Ngunit noong nag-college na ako, madalas na ang pag-aaway ni Mommy at Daddy sa hindi ko malamang dahilan. At ngayon nga, tuluyan na silang naghiwalay at pareho pa silang umalis ng bahay.
Kahit nanghihina ako at naguguluhan pa rin sa mga nangyayari ay pinilit ko pa ring magtapang-tapangan sa harapan ng kapatid ko. Pinunasan ko ang mga mata ko pagkatapos ay ngumiti ako sa kapatid ko.
Ayokong iparamdam sa kanya na may kulang na sa buhay niya, kahit na ganito ang nangyari sa pamilya namin ay gusto kong iparamdam sa kanya na walang nag bago
"Jia, it's okay. Nandito naman si ate, eh. Sigurado akong babalik din sila Mommy at Daddy, importante lang siguro ang kailangan nilang puntahan. Kaya ’wag ka nang umiyak, okay?" Pagpapatahan ko sa kanya habang pinipigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak.
Sobrang sakit lang kasi talaga ng mga nangyari ngayong araw. Pero dahil panganay ako at may nakababata pa akong kapatid kaya hindi ako pwedeng maging weak, kailangan kong maging malakas para sa kanya.
"Is that so? Okay, I'll stop crying na po, ate Janna." Tila dinudurog ng paunti-unti ang puso ko nang makita kong ngumiti si Jia. Naniwala siya sa sinabi ko, sa kasinungalingan ko. Masakit na kailangan ko pang paasahin at lokohin ang kapatid ko ng ganito dahil sa sitwasyon namin. But I don't have a choice.
"Thank you, baby. Promise, ate will always here for you. I won't leave you, no matter what happens." I told her. Lalong lumapad ang kanyang pag ngiti bago niya ako niyakap ng mahigpit.
Ito lang ang maipapangako ko sa kanya na sigurado akong kaya kong tuparin, ang hindi siya iiwan kahit anong mangyari.
After what happened, dala na rin ng sobrang pag-iyak ni Jia kaya nakatulog din kaagad siya. Sa kuwarto ko na siya pinatulog para tabi na lang kami.
It's already past ten now and here I am, still awake. Hindi ko pa rin lubos maisip na ang dating huwarang pamilya ay hahantong sa ganito.
Kringg-ring...
Napadako ang tingin ko sa telepono. Nag dalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba iyon o hahayaan na lang. Sa pag babakasakali kong isa kina Mommy at Daddy ang caller, kaya tumayo ako para sagutin ang telepono.
"Is this Guevarra's residence?" tanong ng caller sa kabilang linya.
"Ye-yes." Alanganin kong tugon.
"May I know who is this speaking?" he asked again. Yeah, it's a guy's voice.
"I'm the first born of Mr. & Mrs. Guevara." I answered.
"Can you please hand the phone to your Dad?" Pakiusap niya sa kabilang linya.
"He's not in the house. May I know who are you?" I asked him.
"Come on, ’wag mo ng itago ang Daddy mo, babae! Pakisabi kamo sa kanya na kung hindi pa rin siya magbabayad ng kanyang utang na mahigit sampung milyon ay magkita na lang kamo kami sa Korte!"
"I'm telling the truth, he's not—"
Tooot-toooot!
Marami pa akong gustong itanong at sabihin sa kung sino man na caller na iyon, subalit wala na akong pagkakataon dahil binabaan niya na ako ng telepono.
Muli akong napaiyak sa nalaman ko. Base sa tono ng boses ng caller ay mukhang totoo ang sinasabi nito na may utang si Daddy sa kanya.
Minsan ko na rin kasing narinig na nag-aaway sila Mommy at Daddy dahil sa mga utang ni Daddy. Ito ba ang dahilan kung bakit sila nag hiwalay at kung bakit nila kami iniwang magkapatid? Dahil sa utang? Grabe!
Nagising ako kinaumagahan dahil sa tama ng liwanag at sikat ng araw sa mga mata at mukha ko. Nakatulog pala akong naka-upo sa study table ng kuwarto nila Mommy at Daddy.
Kaagad kong inayos ang sarili ko at pagkatapos ay pinuntahan ko si Jia sa kuwarto ko para tingnan kung gising na rin ba siya. Mahimbing pa ang tulog niya pagpasok ko sa kuwarto ko kaya hindi ko na muna siya ginising. Hinayaan ko na lang muna siyang matulog pa dahil Sabado naman ngayon kaya wala siyang pasok.
Bumaba na lang ako sa hagdanan para mag luto ng almusal namin ng kapatid ko.
Ding-dong!
Ding-dong!
Sunod-sunod na pagtunog ng doorbell ang narinig ko habang busy ako sa kusina. Mukhang walang balak tumigil ang kung sino man na nasa labas kaya kahit hindi pa ako tapos sa ginagawa ko ay iniwan ko muna ito.
"Sandali! Sino po ba ’yan?" Pasigaw na tanong ko habang nagmamadaling makalapit sa pintuan para pag buksan ang kung sino man naming bisita.
"Delivery po!"
Pinahid ko muna ang kamay ko sa apron na suot ko bago ko kinuha ang puting sobre na galing sa delivery man.
"Salamat po." Nagpasalamat ako pagkatapos kong tanggapin ito at pirmahan ang papel na pinapapirmahan ng delivery man.
"Sige."
Pag-alis ng delivery man ay isinarado ko rin kaagad ang pintuan at naglakad papuntang living room para tingnan kung ano ang nilalaman ng sobre.
"House Demolition notice."
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa kong nilalaman ng buong sulat. Sinasabi rito na matagal na palang hindi nakapangalan sa amin ang bahay na ito. Na-ibenta ni Daddy ang bahay na ito isang taon na ang nakalilipas. Gustong magtayo ng business office ng bagong may-ari ng bahay na ito kaya naman isasagawa na ang demolition isang Linggo magmula ngayon.
Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Hindi ko lubos-akalain na magagawa kaming abandonahin ng ganito ng mismong mga magulang namin.
"Please, ’wag po ang bahay namin. Wala kaming matitirhan ng kapatid ko!" Umiiyak kong pagmamakaawa sa bagong owner ng bahay namin. Nandito ako ngayon sa opisina ng sinasabing new owner ng bahay.
"Pasensiya ka na, pero tapos na ang usapan namin d'yan ng Daddy mo. Kahit na lumuha ka pa ngayon ng dugo sa harapan ko ay hinding-hindi kita mapagbibigyan sa pakiusap mo." Sabi ng walang pusong matanda.
"Please, Mr. Smith!" I tried to beg for him again. But his heart is already closed. Wala siyang puso! Saan na kami ngayon pupulutin ng kapatid ko? Hindi ko na alam.
"Lira, please call the guard and tell him to put away this trash!"
Wala akong pakialam sa sinabi niyang basura ako. Hindi ko na hinintay pa na dumating ang guard na sinasabi niya. Tumayo na ako kaagad at mugto ang mga mata kong nilisan ang opisina ng h*******k na Johnson Smith na iyon. Wala siyang puso!
BOGSH!
Hindi na ako nag abala pang tingnan kung sino ang bumangga sa akin, hindi ko alam kung ako ang binangga o ako ang nakabangga basta diretso lang akong naglakad papuntang elevator para bumaba sa lintik na building na ito.
"Wait!"
Isang boses ng lalaki ang nagpa-angat ng nakayoko kong ulo. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses na iyon, galing iyon sa labas ng elevator ngayong nasa loob na ako.
"Janna, wait!" He calls me by my name, ibig sabihin kilala niya ako. Pero siya ay hindi ko mamukhaan dahil sa panlalabo ng mga mata ko.
Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng elevator ay doon ko lang siya tuluyang nakilala.
"Zyler Wade Williams?" Gulat na sabi ko. Anong ginagawa ng pisteng ito rito?
"The one and only!" Proud niyang sabi.
Naalala ko, mugto nga pala ang mga mata ko. Dali-dali akong yumuko para itago sa kanya ang mukha ko.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
"I'm here to help." Sabi niya na nagpatanga sa akin. Ano bang sinasabi ng lalaking ito? Kung umasta siya ay parang alam na alam niya ang nangyayari sa buhay ko.
"I don't need your help." Matapang na sabi ko.
"Or course, you do. Isa ako sa pinagkaka-utangan ng Daddy mo. Alam ko ang nangyayari sa pamilya mo, Janna."
Sabi niya na tuluyang nagpalambot sa mga tuhod ko. Muling bumuhos ang mga luha ko.
Sa totoo lang, ano ba ang nangyayari? Bakit nangyayari ito sa buhay ko, ng pamilya ko?
"Pakasalan mo ako, Janna."
Tila nabingi ako sa sinabi niya. Sinong mag-aakala na ang lalaking kinaiinisan ko noong college days ko ay aalukin ako ng kasal ngayon mismo sa loob ng elevator? Nababaliw na ba ang lalaking ito?
Ah!
Ewan!
Hindi ko na talaga alam!
Zyler Wade's POV:"Have you already convinced Ria to marry you, Wade?"Natigilan ako sa pag nguya ng kinakain ko dahil sa tanong na iyon ni Papa. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o nang-iinsulto sa tanong niya. Bahagya ko ring naikuyom ang aking kamao at sunod-sunod na pag lunok ang ginawa ko.Napatingin din si Mama kay Papa. Maging si Lolo ay natigilan sa pag kain niya pagkatapos ay nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Papa."Vincent, kumakain tayo."Mahinang sabi ni Mama kay Papa habang nakatingin sa akin."Oh, bakit? Anong problema? Masama ba ang tanong ko?"Lalong sumama ang pakiramdam ko sa pilosopong sagot ni Papa kay Mama.Dahan-dahan kong ibinagsak inilapag ang kutsara at tinidor na hawak ko bago ako tumayo at nagpaalam sa kanilang tatlo."Aalis na ako."
Janna's POV:"Ate Janna!" Masayang salubong sa akin ng kapatid ko. Iniwan ko muna kasi siya sa kaibigan kong si Kianna."Jia!" Niyakap ko ang kapatid ko. Nakatingin lang sa amin si Kianna."Anong balita? Pumayag ba?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Kianna. She's asking about Mr. Smith, ang bagong may-ari ng mansion namin. Umiling ako bilang tugon. Parang maiiyak na naman tuloy ako. Kaagad akong nilapitan ni Kianna at niyakap ng mahigpit."It's okay. Don't lose hope, okay? Kung sakaling hindi na talaga magawan ng paraan, pwede naman kayo doon sa condo ko." Pagpapagaan niya ng loob ko."Salamat. Pero si Wade, kilala mo ‘yon, ’di ba?" Sabi ko nang mag bitaw na kami sa pagyayakapan. Tumaas ang mga kilay niya dahil sa sinabi ko."Of course! How could I forget the man you hated the most?" Natatawang sabi niya. She's right. N
Janna's POV:Kakauwi ko lang sa mansion ngayon kasama ang kapatid ko. Kanina, pagkatapos kong makipagkita kay Wade ay dinaanan ko rin kaagad ang kapatid kong si Jia sa kaibigan ko, at ngayon nga ay nakauwi na kami sa bahay namin."Ate, I miss Mom and Dad." Nakasimangot na sabi ng kapatid ko dahilan para matigilan ako sa pagtanggal ko sana ng seatbelt niya."I understand you, baby. To be honest, miss ko na rin sila. Pero kagaya nga ng sinabi ni ate, may importante lang silang inaasikaso." Kung sa pagsisinungaling din lang, panalong-panalo na ako ro'n. Paano ko naman kasi ipapaliwanag sa kapatid kong five years old na hiwalay na ang mga magulang namin, ‘di ba? She's too
Janna's POV:"Wade, ano ’yon?" Inis kong tanong kay Wade nang makauwi na kami sa mansion niya.Hinubad niya muna ang coat niya pagkatapos ay itinapon niya lang iyon sa headboard ng kama niya. Ang kalat!"What?" Tanong niya. Nakaupo naman siya ngayon sa kama at nagtatanggal ng medyas niya."Bakit sobrang bilis? At sinong nag sabi sa ’yo na pwede mo akong halikan? It was my first kiss!" Inis na inis kong sabi.Natigilan siya sa ginagawa niya pagkatapos ay tumingin siya sa mga mata ko. Lalo akong nainis nang bigla siyang ngumisi, nakakalokong ngisi."I told you, mabilis akong kumilos na tao, Janna. Ano naman ngayon ang problema? Ayaw mo ’yon, asawa mo na ang pinaka-gwapong lalaki sa bansa? Hin
Janna's POV:Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa opisina ni Wade. Loko ang lalaking ‘yon, hindi man lang ako hinintay sa pagpasok kaya nag-drive pa tuloy ako papasok sa opisina niya ng sariling sasakyan ko. Hindi naman sa tinatamad akong magmaneho ng sasakyan, nanghihinayang lang kasi talaga ako sa Gas, ang mahal kaya ng Gasolina ngayon."Good morning!" Masayang bati ko sa iba pang mga empleyado ni Wade dito sa office niya. Natigilan ako dahil walang bumati sa akin pabalik, tiningnan lang nila ako na para bang nandidiri sila sa akin. Para itago ang sariling kahihiyan na ginawa ko ay tumawa na lang ako at nag lakad patungong opisina ni Wade. Bakit ba kasi bumati-bati pa ako sa kanila? Ito ‘yong napapala ko eh, masyado akong komportable at feeling close sa kanila."Good morning, Sir Wade!" Masigla kong bati kay Wade. Marahil nagtataka siguro kayo kung bakit bigla na lang akong
"Miss Janna, totoo bang ikaw ang rason kung bakit hindi itinuloy ni Zyler Wade Williams ang kasal nila ng modelong si Ms. Ria Cullins?"Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan ko mula America at ang tanong kaagad na iyan ang bumulaga sa akin dito sa airport. Hindi ko inaasahan na maraming reporters pala ang naka-abang sa akin, kung alam ko lang ay nagpasundo na lang sana ako sa bodyguards ni Kianna."Excuse me!" Halos pasigaw na sabi ko habang tinatakpan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. I'm glad that I didn't go with Jia, dahil kung nagkataon ay baka naipit rin dito ang kapatid ko.Wala akong alam sa tanong nila. Bukod sa isang taon na akong walang balita kay Wade, ay matagal na rin akong nawalan ng pakialam sa kanya. Hindi ko alam kung saan nila napulot ang ideyang iyan."Miss Janna, please a

Janna's POV:"Mommy, no!"Kararating ko lang galing sa trabaho at boses kaagad ni Jia na umiiyak ang narinig ko. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay para tingnan kung ano ang nangyayari."Mom!" Tanging nasabi ko na lang pagkakita ko kay Mommy na may isang malaking maleta na bitbit pababa ng hagdanan."What's going on?" Bagsak ang balikat na tanong ko."I'm leaving, I'm sorry!" Namumula ang mga mata na sabi niya. Halata na kagagaling niya lang sa pag-iyak. Siguro nag-away na naman sila ni Daddy."Mommy, no! Please, don't leave us!" Todo iyak habang nagmamakaawa ang kapatid kong limang-taong gulang lang.Marahas lang na tinanggal ni Mommy ang kamay ng kapatid ko pagkatapos ay walang lingon-lingon na naglakad palabas ng bahay. Bigla na lang bumagsak ang mga luha ko. S