Samantha"Babe." mahinang tawag n'ya sa akin habang nilalaro-laro ang kaliwang kamay ko ng kanyang kamay at panaka-nakang hinahalik-halikan ng kanyang mainit na mga labi.Nakaunan ako sa ibabaw ng kanyang dibdib habang yakap-yakap ako ng mahigpit ng isa n'ya namang kamay. Animo'y gusto n'ya na akong ikadena sa kanyang katawan. Kung hindi ko nga pinigilan, halos gusto n'ya na akong patulugin sa ibabaw ng katawan n'ya. Parang sira na iwan. Ayaw akong pakawalan!Ang aga-aga nanggigising. Tuloy hindi na ako makatulog pa kahit quarter to five pa lang. Pero masaya ako. Masayang-masaya na halos hindi ko s'ya tinantanan kakatanong kung kailan n'ya ako minahal. Kung nagbibiro lang ba s'ya or ano. Ngunit paulit-ulit n'ya rin akong sinasagot na mahal n'ya nga ako at matagal na. Hindi n'ya daw alam kung kailan nagsimula basta na-realized n'ya na lang na mahal n'ya ako ng malaman n'yang may ibang lalaking pumuporma sa akin noong first day of school ko. Halos mabaliw daw s'ya sa
Salubong ang mga kilay na kaagad s'yang tumayo at lumapit sa akin. Malaki s'yang tao at mahahaba ang mga braso n'ya kaya talo n'ya ako. Kaagad n'yang kinuha ang pitsel na may lamang malamig na tubig sa kamay ko at doon na mismo uminom. Halos mangalahati n'ya ang laman niyon.Umiiling na binalingan ko na lang ang pagkain ko at sinimulang kumain. Napapitlag pa ako ng humalik s'ya sa pisngi ko. Nilingon ko s'ya habang ngumunguya.Magkapantay ang mga mukha namin. He smirked while staring at me. "Sa balcony lang ako. Will do some work. Puntahan mo na lang ako do'n pagkatapos mong kumain, hmmm.""Tapos ka na bang kumain?" nagtatakang tanong ko at kaagad nilingon ang plato n'yang ubos na pala ang laman.He nodded.Umayos s'ya ng tayo at lumabas ng kusina. Nasundan ko na lamang s'ya ng tingin. I just shrugged my shoulder at pinagpatuloy na ang pagkain.Pagkatapos kong kumain, niligpit ko ang mga pinagkainan.Hindi ako dumeritso ng balcony. Pumasok ako ng kwa
Samantha"S-Samantha?""Stacey?"Sabay pa naming bulalas sa isa't isa.Damn... anong ginagawa n'ya dito?Nakanganga at nanlalaki pa ang mga mata nitong pinapasadahan ang kabuuan ko. Nakasuot lang naman ako ng malaking plain t-shirt ni Wayne at itim na boxer shorts."Anong ginagawa mo dito?""Anong ginagawa mo dito?"Sabay ulit naming tanong sa isa't isa. Marahan s'yang napatawa at umiwas ng tingin sa akin.Hindi ako sigurado kung nakita kong tiningnan n'ya ako ng masama mula ulo hanggang paa kanina dahil kaagad naman s'yang ngumiti at tumitig sa aking mga mata. Iba-iba ang expression na nakita kong nagpapalit-palit na rumehistro sa mukha n'ya. Subrang pagkamangha, galit, selos habang nakangiting nakatitig sa akin.Selos..?Kaagad akong natigilan.Biglang may kabang bumundol sa aking dibdib. Ayaw kong e-acknowledged pero habang tumatagal na nakatitig kami sa isa't isa lalong lumalakas at bumibilis ang paghampas ng dibdib ko.Ta
Nakakabwesit, ang hirap magpigil ng galit. Gusto kong magwala pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagdidilim ang paningin ko sa kanya pero pinanatili ko ang sarili kong kalmado.Gusto kong marinig ang paliwanag n'ya. Pero sa nakikita ko sa kanya ayaw n'yang sabihin, tinatago n'ya pa. Hindi ko alam kung ano ang kinakatakutan n'ya. Kaya ko naman s'yang patawarin e, kung magugustuhan ko ang paliwanag n'ya. Ngunit parang ayaw n'ya pang umamin at sabihin sa akin ang lahat na lintik na mga lihim n'ya.Subrang daming araw na sinayang n'ya. Hindi n'ya pa kaagad inamin sa akin para nagkalinawan na kami. Ang kaso isa din ako. Nagpauto na naman at nagpadala sa bugso ng damdamin. Nasabihan lang ako ng I Love You, kinalimutan ko na ang lahat dahil mahal ko e, kaya ayon nagpakatanga. Hindi ko man lang inungkat ang lahat para natapos na. Pero baka ganun lang talaga ang buhay, hindi mawawalan ng problema hanggat nabubuhay dito sa mundo. Kakambal na siguro ng tao ang problema, kung ma
Wayne"Ano sa tuwing makikita kita lagi ka na lang umiinom? Ano na naman ba ang problema mo ngayon at alak na naman ang hawak mo?" nakakunot-noong bungad ni Dad sa akin pagkapasok sa loob ng opisina ko.Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pintuan at siya ang iniluwa niyon. Gusto ko pa sanang itago ang baso kong may lamang alak ngunit huli na. Nakita n'ya na.Ang bilis ng mga mata...!Ang galing pa mag-timing. Parang kabute, bigla na lang sumusulpot. Nakangiting napailing ako sa aking naisip.Pagkalabas ni Sam ng Unit ko kaagad akong nagbihis at sinundan s'ya. Nakita ko pa ang kanyang pagkagulat ng magtama ang paningin naming dalawa ng lingunin n'ya ako. Kaagad kong sinuot ang dark shades ko ng makita kong nakatulalang nakatitig sa akin ang kaibigan n'yang si Caitlin na nakaupo sa driver seat. Dumeritso ako sa aking kotse saka nagtungo dito sa opisina.Though hindi n'ya ako pinapakilala sa mga kaibigan n'ya, still, I have my own ways to know every perso
"Dapat lang... tarantado ka... nanggigigil ako sayo e..!" sigaw pa ni Miguel sa akin.Sinugod n'ya ako ulit at inundayan ng suntok. Ngunit daplis lang ang tumama sa gilid ng panga ko dahil kaagad s'yang nahatak ni James palayo sa akin. Mabilis n'ya namang piniksi ang kamay nitong nakahawak sa braso n'ya."Sabi sayo e, 'wag ngayon dahil hindi mo 'yan mabubugbog. After graduation, para kahit lumpuhin mo 'yan pwede." nakangisi pang sabi ni James kay Miguel at pailalim n'ya naman akong tinitigan.Samantalang tahimik lang na nanonood sa amin sina Kieth at Ryan habang nakangising umiiling sa akin.T'ngna... ano pa ba ang mga alam nila at ganun makangisi sa akin?Damn... Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ako makakatakas sa kanila sa ginawa ko kay Sam. Kilala ko sila. Kahit hindi ako magkwento, hahanap at hahanap sila ng butas sa akin. But, its fine, deserve ko naman. 'Wag lang nilang ilayo sa akin si Sam at magkamatayan talaga kami, kahit kaibigan ko pa sila."
SamanthaSENIORS NIGHT BALL."Ano ba kuya...! Sinisira mo ang hairdo ko." inis na bulyaw ni Cait kay Luigi pagkababa nila ng kotse. "Bakit ba kasi sumabay-sabay ka pa sa akin?"Kuya..? Ano... magkapatid ba sila?He chuckled. "Sira ang kotse ko kaya...""Sino ba kasing may sabi sayong magmaneho ka ng sasakyan na lasing?" nakapamaywang na asik n'ya pa rito.Naestatwa ako sa aking kinatatayuan sa aking nakikita. Gulong-gulo na nakatitig lang ako sa kanila habang pinapakinggan ang usapan nila. Kararating ko lang din.As usual hinatid ako ni Kuya Damian dahil may lakad rin ang magaling kong asawa. Hindi ko alam kung saan na naman pupunta. Ayaw ko din mag-usisa dahil magkaaway nga kami diba? Tapos hindi man lang nag-abalang sabihin sa akin kung saan din ang punta n'ya. Kaya nainis ako lalo sa kanya.Nagmamadali pa s'yang maligo kanina saka nagbihis ng plain white t-shirt n'ya at maong na pantalon. Nakangisi pa s'ya sa akin habang inaayos ko ang suot ko
Halos mahigit ko ang aking hininga sa subrang nerbiyos na naramdaman sa ginawa no'ng babae. Subrang lakas ng kalabog ng dibdib ko, sing lakas ng sigawan ng mga tao pagkatapos no'ng dance number."More! More! More!" sigaw ng mga tao.Tumatawang kaagad umakyat ng stage si Jade at muling nagsalita sa mic."Thank you WSU dance troupe for that breathtaking dance moves! Grabe..! Let's give them another round of applause!" malakas na nagpalakpakan ang mga tao, may kasama pang sipol. "Ano nag-enjoy ba kayo sa opening dance number ng WSUDT? Nakakahinga pa ba kayo? Ako muntik ng mahimatay sa nerbiyos!" nagtawanan ang mga tao sa sinabi n'ya. "Umpisa pa lang 'yan! Mas malala ang susunod kaya magsihanda kayo. Magpraktis na kung pa'no humingang malalim!" muling napuno ng malakas na tawanan and buong Stadium.Pambihira, hindi ko akalain na ganun ka-intense ng opening dance number. Pinagtawanan pa ako ng mga kaibigan ko sa naging reaksyon at itsura ko. Halos hindi ko na maintin
Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha
SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare
Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam
SamanthaNagtatawanan kaming magkakaibigan ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Miguel. Kaagad akong napatigil sa pagtawa at natutok sa kanya ang aking nanlalaking mga mata."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kaagad sa kanya.Nginisian n'ya ako saka tiningnan ang mga kaibigan ko."Ah, Sam, labas muna kami ha, baka hinahanap na kami ng mga tsikiting namin." sabi ni Cait na ikinakunot lalo ng aking noo.Sabay-sabay pa silang nagtungo papunta sa pinto."May mga anak na rin kayo?" excited na bulalas ko.Nakangiting nilingon nila ako saka tumango."Meron, nasa labas, makikita mo mamaya." nakangiting sabi ni Sheeva sabay talikod.Lalo akong nagtaka ng makita kong halos magkumahog pa sila sa pagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinusulyapan si Miguel na animoy hari na nakatayo sa harapan ko't makahulugan naman silang tinitingnan. Na para bang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng mga mata. Hindi ko maintindihan, ang weird pero sa na
Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako habang pinoproseso ng aking naguguluhang utak ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may malaking mali talaga e. Kanina bigla na lang sumulpot si Calderon sa bahay pagkatapos kong makausap si James. Tapos ngayon...Kanino s'ya anak? Bakit Daddy ang tawag n'ya sa akin? Kailan ba ako nagkaanak? Bakit hindi ko ata alam? Pero bakit kamukha ko s'ya?!Arrgh ang gulo..!"Baby..." tawag ko sa kanya.Kaagad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tiningnan.I smiled back at her. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?""Dahil ikaw po ang Daddy ko." sagot n'ya kaagad sa akin.Biglang pumitlag ang aking puso sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang ngiti n'ya si Sam ang pumapasok sa aking utak. Hindi ko ma-explain pero parang iba ang hatak sa akin ng batang itong nasa harapan ko."Sino nangsabi sayong ako ang D-Daddy mo?""Si Lola tsaka si Tito Miguel po. Kamukha mo 'y
WayneYesterday was the best ever advanced gift for our sixth years wedding anniversary..!At last I found her. She's with me now!Sa apat na taon na nakalipas ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing. Ang sarap sa pakiramdam. Sa subrang sarap parang ayaw ko ng magising. Nakangiting nag-inat ako ng aking mga kamay sabay kapa sa aking katabi. Unti-unting napalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa napakunot noo ako ng wala akong mahawakan na katawan ng tao. Kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko."Sam?" tawag ko sa kanya pero wala akong marinig na ano mang ingay maliban sa ugong na nagmumula sa aircon sa loob ng kwarto.Saan ba pumunta 'yon? Ang aga-aga bumabangon kaagad...Himutok ko pa sa aking sarili saka lumabas ng kwarto."Sam?" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring sumasagot.Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita ni isang tao. Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Na
Hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. Nagtaas baba pa ang aking mga dibdib sa biglang tensyon na naramdaman ko habang nakatitig sa mukha n'yang may pilyong mga ngising walang kurap-kurap na nakatitig din sa akin. Para na akong malalagutan ng hininga.Bumaling ako sa aking kaliwa para sana tumakbo ngunit malakas akong napatili sa gulat ng malalaking hakbang s'yang mabilis na nakalapit sa akin sabay tukod ng dalawang malaking braso n'ya sa aking gilid. Halos pangapusan ako lalo ng hininga sa ginawa n'ya.Hindi ko na alam kung saan na ba ako natatakot. Ang makita n'ya ba ang anak ko, ang abutan kami ng mga tao dito sa bahay or ang gagawin n'ya sa akin? Sa uri ng ngisi at titig n'ya pakiramdam ko gusto n'ya akong kainin na buo. Hindi ko alam kung bakit n'ya 'to ginagawa sa akin at mas lalong hindi ko alam kung pa'no n'ya ako natunton dito.Bakit nandito s'ya?"Did I heard you right? You called my Mom, Mama." amused
SamanthaDamn... what the hell he's doing here?!Ano 'to joke? Pinagtataguan ko s'ya, tinatakasan ko tapos ngayon nandito s'ya sa aking harapan?!Ang lupet magbiro ng tadhana grabe... Wala ng lulupit sa lahat ng malupit!Pagkatapos sabihin ni Ruth kanina na nasa likuran namin si Wayne mabilis pa sa alas kuwatrong kumaripas kaagad ako ng takbo palayo sa kanila. Dumeritso ako ng CR at nagkulong doon. Kahit nagsimula na ang graduation ceremony hindi ako lumabas. Pinagkakatok ako doon ng mga kaibigan ko pero hindi nila ako napilit lumabas. Nagdahilan na lang akong biglang sumama ang tiyan ko.Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili doon. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Wayne na nagsasalita na sa mic. Lumabas ako saka sumilip sa Stadium. Lalo akong kinabahan ng makita kong umiikot ang kanyang paningin na para bang may hinahanap s'ya na tao. Ayaw kong mag-assume pero subrang kaba ang bigla na lang bumundol sa aking dibdib.Pagkatapos ng graduation cer
WaynePagkatapos kong kumain bumalik ako sa kuwarto para sana umidlip ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nanatili akong nakadilat at nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin si Sam. Hindi na s'ya matanggal pa sa aking utak.Pero kailan nga ba s'ya nawaglit sa aking utak? Parang s'ya na lang ang bukod tanging laman at tumatakbo sa loob nito e. Walang kapaguran sa pagtakbo.Paulit-ulit pang nagre-replay sa aking harapan ang tagpong nakita ko kahapon. Although kinakain ng subrang selos at panibugho ang buong kamalayan ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng saya, ng pag-asa.Nandito s'ya sa San Andres. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong bayan para lang mahanap s'ya, gagawin ko.Babawiin ko s'ya sa lalaking 'yon!Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakahiga sa kama habang parang tangang kinakausap ng sarili ng tumunog ang alarm tone na nilagay ko sa phone ko.Kaagad akong bumangon at nagbihis saka lumabas ng kwarto