WayneWalang pag lagyan ang aking tuwa ng pumayag si Sam sa gusto ko. Halos gusto kong magtatalon sa 'di maipaliwanag na masarap na pakiramdam na bigla na lang pumulupot sa puso ko. Na sa isang kisap mata biglang nabura ang lahat ng sakit, frustrations at lahat-lahat ng samot- saring emosyon na kinimkim ko sa mga nakalipas na araw at buwan na ayaw n'yang pakinggan ang mga gusto kong sabihin at ipaliwanag sa kanya.Matapos kong magpakasasa sa alak noon ng walang humpay sa bahay ko sa Tagaytay, humagulhol sa harapan ni Dad at payuhan n'ya tungkol sa problema ko kay Sam, kaagad akong nagplano kung paano makakabawi sa kanya at surprisahin sa birthday n'ya. Hindi ko man nagawa noong una, pero ngayon siniguro kong mapapasaya ko s'ya.Halos magkumahog pa ako no'n pauwi ng Condo ko. Ngunit kaagad din akong natigilan ng subrang katahimikan ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. Hindi ako sanay. Nagtataka ako bakit walang ingay. Walang malakas na tugtog na dati ko s'yan
Kasalukuyan kaming kumakain ng sabihin n'yang maglalaro kami ng truth and sequence. Pinagtawanan ko s'ya pero sadyang ang kulit-kulit n'ya at ayaw akong tigilan. Dinaan n'ya ako sa lambing at pangiti-ngiti n'ya sa akin kaya ayon, I'm in a hot seat now.I sighed. "Bakit ba kasi kailangan pang may ganito? Hindi ba pwedeng kumain na lang tayo?" tampo-tampuhan kong tanong sa kanya.Ngunit lumapad pa lalo ang ngiti n'ya sa akin. Animo'y nang-aasar na iwan. Pero imbes na mainis ako sa kakulitan n'ya lalo tuloy tumalbog ng pagkabilis-bilis ng puso ko habang nakatitig sa masaya n'yang mukha and I don't have a heart to spoil her day."Sige na, sagutin mo na ang tanong ko. Ang dami mo ng pass kanina pa e. Para kang umiiwas... may tinatago ka ba sa akin?" pinanliitan n'ya ako ng kanyang mga mata.Umiiling ako habang mahinang tumatawa sa sinabi n'ya. Though kinakabahan ako sa iba pang mga itatanong n'ya sa akin, still pilit pumapasok sa utak ko na maybe it's time to tell he
Samantha"Babe." mahinang tawag n'ya sa akin habang nilalaro-laro ang kaliwang kamay ko ng kanyang kamay at panaka-nakang hinahalik-halikan ng kanyang mainit na mga labi.Nakaunan ako sa ibabaw ng kanyang dibdib habang yakap-yakap ako ng mahigpit ng isa n'ya namang kamay. Animo'y gusto n'ya na akong ikadena sa kanyang katawan. Kung hindi ko nga pinigilan, halos gusto n'ya na akong patulugin sa ibabaw ng katawan n'ya. Parang sira na iwan. Ayaw akong pakawalan!Ang aga-aga nanggigising. Tuloy hindi na ako makatulog pa kahit quarter to five pa lang. Pero masaya ako. Masayang-masaya na halos hindi ko s'ya tinantanan kakatanong kung kailan n'ya ako minahal. Kung nagbibiro lang ba s'ya or ano. Ngunit paulit-ulit n'ya rin akong sinasagot na mahal n'ya nga ako at matagal na. Hindi n'ya daw alam kung kailan nagsimula basta na-realized n'ya na lang na mahal n'ya ako ng malaman n'yang may ibang lalaking pumuporma sa akin noong first day of school ko. Halos mabaliw daw s'ya sa
Salubong ang mga kilay na kaagad s'yang tumayo at lumapit sa akin. Malaki s'yang tao at mahahaba ang mga braso n'ya kaya talo n'ya ako. Kaagad n'yang kinuha ang pitsel na may lamang malamig na tubig sa kamay ko at doon na mismo uminom. Halos mangalahati n'ya ang laman niyon.Umiiling na binalingan ko na lang ang pagkain ko at sinimulang kumain. Napapitlag pa ako ng humalik s'ya sa pisngi ko. Nilingon ko s'ya habang ngumunguya.Magkapantay ang mga mukha namin. He smirked while staring at me. "Sa balcony lang ako. Will do some work. Puntahan mo na lang ako do'n pagkatapos mong kumain, hmmm.""Tapos ka na bang kumain?" nagtatakang tanong ko at kaagad nilingon ang plato n'yang ubos na pala ang laman.He nodded.Umayos s'ya ng tayo at lumabas ng kusina. Nasundan ko na lamang s'ya ng tingin. I just shrugged my shoulder at pinagpatuloy na ang pagkain.Pagkatapos kong kumain, niligpit ko ang mga pinagkainan.Hindi ako dumeritso ng balcony. Pumasok ako ng kwa
Samantha"S-Samantha?""Stacey?"Sabay pa naming bulalas sa isa't isa.Damn... anong ginagawa n'ya dito?Nakanganga at nanlalaki pa ang mga mata nitong pinapasadahan ang kabuuan ko. Nakasuot lang naman ako ng malaking plain t-shirt ni Wayne at itim na boxer shorts."Anong ginagawa mo dito?""Anong ginagawa mo dito?"Sabay ulit naming tanong sa isa't isa. Marahan s'yang napatawa at umiwas ng tingin sa akin.Hindi ako sigurado kung nakita kong tiningnan n'ya ako ng masama mula ulo hanggang paa kanina dahil kaagad naman s'yang ngumiti at tumitig sa aking mga mata. Iba-iba ang expression na nakita kong nagpapalit-palit na rumehistro sa mukha n'ya. Subrang pagkamangha, galit, selos habang nakangiting nakatitig sa akin.Selos..?Kaagad akong natigilan.Biglang may kabang bumundol sa aking dibdib. Ayaw kong e-acknowledged pero habang tumatagal na nakatitig kami sa isa't isa lalong lumalakas at bumibilis ang paghampas ng dibdib ko.Ta
Nakakabwesit, ang hirap magpigil ng galit. Gusto kong magwala pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagdidilim ang paningin ko sa kanya pero pinanatili ko ang sarili kong kalmado.Gusto kong marinig ang paliwanag n'ya. Pero sa nakikita ko sa kanya ayaw n'yang sabihin, tinatago n'ya pa. Hindi ko alam kung ano ang kinakatakutan n'ya. Kaya ko naman s'yang patawarin e, kung magugustuhan ko ang paliwanag n'ya. Ngunit parang ayaw n'ya pang umamin at sabihin sa akin ang lahat na lintik na mga lihim n'ya.Subrang daming araw na sinayang n'ya. Hindi n'ya pa kaagad inamin sa akin para nagkalinawan na kami. Ang kaso isa din ako. Nagpauto na naman at nagpadala sa bugso ng damdamin. Nasabihan lang ako ng I Love You, kinalimutan ko na ang lahat dahil mahal ko e, kaya ayon nagpakatanga. Hindi ko man lang inungkat ang lahat para natapos na. Pero baka ganun lang talaga ang buhay, hindi mawawalan ng problema hanggat nabubuhay dito sa mundo. Kakambal na siguro ng tao ang problema, kung ma
Wayne"Ano sa tuwing makikita kita lagi ka na lang umiinom? Ano na naman ba ang problema mo ngayon at alak na naman ang hawak mo?" nakakunot-noong bungad ni Dad sa akin pagkapasok sa loob ng opisina ko.Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pintuan at siya ang iniluwa niyon. Gusto ko pa sanang itago ang baso kong may lamang alak ngunit huli na. Nakita n'ya na.Ang bilis ng mga mata...!Ang galing pa mag-timing. Parang kabute, bigla na lang sumusulpot. Nakangiting napailing ako sa aking naisip.Pagkalabas ni Sam ng Unit ko kaagad akong nagbihis at sinundan s'ya. Nakita ko pa ang kanyang pagkagulat ng magtama ang paningin naming dalawa ng lingunin n'ya ako. Kaagad kong sinuot ang dark shades ko ng makita kong nakatulalang nakatitig sa akin ang kaibigan n'yang si Caitlin na nakaupo sa driver seat. Dumeritso ako sa aking kotse saka nagtungo dito sa opisina.Though hindi n'ya ako pinapakilala sa mga kaibigan n'ya, still, I have my own ways to know every perso
"Dapat lang... tarantado ka... nanggigigil ako sayo e..!" sigaw pa ni Miguel sa akin.Sinugod n'ya ako ulit at inundayan ng suntok. Ngunit daplis lang ang tumama sa gilid ng panga ko dahil kaagad s'yang nahatak ni James palayo sa akin. Mabilis n'ya namang piniksi ang kamay nitong nakahawak sa braso n'ya."Sabi sayo e, 'wag ngayon dahil hindi mo 'yan mabubugbog. After graduation, para kahit lumpuhin mo 'yan pwede." nakangisi pang sabi ni James kay Miguel at pailalim n'ya naman akong tinitigan.Samantalang tahimik lang na nanonood sa amin sina Kieth at Ryan habang nakangising umiiling sa akin.T'ngna... ano pa ba ang mga alam nila at ganun makangisi sa akin?Damn... Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ako makakatakas sa kanila sa ginawa ko kay Sam. Kilala ko sila. Kahit hindi ako magkwento, hahanap at hahanap sila ng butas sa akin. But, its fine, deserve ko naman. 'Wag lang nilang ilayo sa akin si Sam at magkamatayan talaga kami, kahit kaibigan ko pa sila."