Pagkatapos kong lisanin ang condo ni Theo ay mabilis kong tinawagan ang aking mga magulang. Upang ipaalam na papunta na ako kung nasaan sila.“Bakit ngayon ka lang nagparamdam anak? Kahapon pa kami nag-aalala ng Dad mo,” saad ni Mom sa kabilang linya.“M-ma pasensya na po, natagalan po kase akong nakaalis sa condo ni Theo,” mahinang sambit ko sa aking ina. “Ayos ka lang ba anak? Bakit natagalan ka sa pag-alis? Dahil ba kay Cade?” tanong ng aking ina na kinailing ko na lamang. Alam ko sa sarili kong ginusto ko ring manatili kagabi. Hindi man sapat iyon upang pagaanin ang aking dalamhati ay sapat na mayakap at mahagkan si Theo. “S-sobrang hirap po umalis Mom, y-you how much he means to me po,” nanginginig na saad ko sa kabilang linya. “I-im sorry anak, kase wala akong magawa. Mahal na mahal ko kayo ng Dad mo. A-alam kong hindi kakayanin ng Dad mo kung pati tayo ay tuluyang bibitawan siya,” malungkot na sambit ni Mom. “I-i know po Mom, k-kahit sobrang hirap magdesisyon. Sana lang po
“What are you trying to say again anak?” tanong ni Mom sa akin kaya napabalikwas ako sa aking iniisip. “W-wala Mom, nakalimutan ko din po,” kunyari’y natatawang saad ko pero kabado na ako sa para sa aking sarili at sa munting buhay na nasa aking sinapupunan. I am so so scared what will Dad do if ever he knew I am carrying Theo’s child. Kaya siguro hindi ko masabi sabi kahit kay Mom dahil baka malaman ng aking ama. “Mom, hindi pa ba tayo aalis? Nasaan ba ang bus na sasakyan natin?” pagtatanong ko sa aking ina sapagkat medyo matagal na rin kaming nakatayo at naghihintay rito. “Y-your Dad is still talking to someone, let’s wait for him okay?” saad naman ni Mom kaya napabuntong hininga ako. Kapag lalong tumatagal ang pananatili namin ay hindi ko maiwasang alalahanin si Theo na iniwan ko sa kanyang condo. Sa bawat minutong lumilipas ay mas nananaig ang kagustuhan kong manatili na lamang sa tabi ni Theo. Kahit puro galit pa ang matanggap ko sa lalaki ay ayos lang basta nakikita at naka
Habang sinusulyapan ang kapaligiran, mahahalatang ibang iba ito sa Manila. May nakikita pa akong mga kapunuan dito habang sa Manila ay kakaunti lang. Dito sigurado akong magsisimula talaga kami sa baba, tanging tiyahin ko lang naman ang kakilala namin dito. “Celestine, kamusta na kayo? “ wika ng aking tiyahin ng makababa kami sa tricycle na sinasakyan. Tinulungan pa kami ni Tita na magbaba ng mga gamit namin kaya nagpasalamat ako sa kanya. “Ayos lang ate, pasensya na ha, ikaw na lang talaga ang naiisip kong puntahan,” nahihiyang sambit ng aking ina habang yakap yakap ang kanyang kapatid. Nakita ko namang tumango si Dad sa tiyahin tsaka tiyuhin ko. Mabuti na lang ay mabait ang kapatid ni Mom kaya may matitirhan kami kahit pansamantala lang hanggang sa makakuha ako ng bahay na pwede naming lipatan. Kaya kailangan ko na ring magtrabaho upang may maibigay naman kami kina tita kahit papaano. “Ano ka ba Celestine, tayo tayo na nga lang ang magkakadugo hindi pa ba tayo magtutulungan?” na
“SINONG BUNTIS?!” galit na wika ni Dad. At mabilis itong pumasok sa silid na aking kinauupuan. Dahil sa matinding gulat ay nakatulala lamang ako sa aking amang galit na galit na nakatingin sa akin. “Sinong buntis Celeste? Ikaw ba?” sigaw na tanong ni Dad at hinawakan ang aking braso upang tumayo. Kahit nanghihina ay wala akong magawa kundi tumayo dahil sa nararamdamang sakit sapagkat mahigpit ang hawak ng aking ama sa aking braso. “Dad, masakit po please,” nagmamakaawa kong sabi kay Dad pero tinignan lang ako ng nanlilisik nitong mga mata. “Ikaw ang buntis? Sinong ama? Iyong Alejandro ba Celeste?” sunod sunod na tanong ni Dad sa akin at tuluyan na itong napasabunot sa kanyang buhok. “I-i can explain po Dad please,” umiiyak kong wika sa aking ama pero tinalikuran lang ako nito. “Bumaba ka Celeste Amethyst,” may pagbabantang sambit ng aking ama bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Dahlia. Tuluyan na rin akong napaupo sa sahig ng kwarto ni Dahlia dahil sa labis na panghihina. Simula
“Y-you were the one who pushed that arrange marriage Dad. I was against that pero para sa kapangyarihan kaya mong ipamigay ang nag-iisa mong anak,” masakit na sambit ko kay Dad kaya napatayo na ito sa kanyang kinauupuan. Mabilis itong lumapit sa akin at itinayo ako habang mahigpit ang pagkakahawak sa magkabila kong braso. Kahit anong pagmamakaawa ko ay tila walang naririnig ang aking ama. “That was for your future. So you won’t have to worry about your damn future kid. Connection. Connection ang magpapalawak ng pangalan mo, without Alejandro’s that time no one is high enough for you,” wika ni Dad kaya natawa na lang ako sa sinabi nito. Kahit nanghihina ay pinilit kong ipunin ang aking lakas upang makawala sa hawak ng aking ama. “Connection? You think I can’t do that Dad? You really think so lowly of me huh. All this time I was proving myself worthy but it doesn’t make sense to you at all. O-only Theo made me feel that,” masakit na saad ko sa aking ama. “I guess that child is from t
“A-anong sinabi mo Hon? A-ang mga A-alejandro? B-but they were nice hindi ba? T-tama ba ang narinig ko? Alejandro?” naguguluhang tanong ni Mom kay Dad. “A-akala ko mapagkakatiwalaan din sila ngunit nagkakamali pala ako, sila ang nasa likod kung bakit tuluyang nawala ang mga investors, maging ang patuloy na paninira sa mga produkto natin,” nanghihinang wika ni Dad at narinig ko pa sa loob ng kwarto ang pagkalansing ng baso hudyat na umiinom na naman si Dad.Napatingin ako sa aking kamay ng may tumulong luha mula sa aking mata. Akala ko masakit na yung pag-iwan ko kay Theo, at marinig sa mismong bibig ng lalaking mahal ko na awa lang ang lahat. Ngunit mas masakit palang malaman na pamilya nila ang may kagagawan kung bakit nawala sa amin ang kumpanya. “Y-you will never be like you Dad and Grandfather who are ruthless and cold hearted,” bulong ko sa aking tiyan habang hinihimas ito. Palalakihin ko ang batang ito na puno ng pagmamahal at may malasakit sa kapwa. Hinding hindi nito maiisip
“Ano ba ‘yan miss? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,” inis na saad ng babaeng nabangga ko sa kakamadali. “S-sorry po… pasensya na po talaga,” kinakabahang wika ko sa babaeng nabangga ko pero hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya. “May humahabol ba sa ‘yo? Bakit parang gulat na gulat ka? Walang mananakit sa ‘yo sa lugar na ‘to,” pagpapakalma sa ‘kin ng babaeng nabangga ko. “A-ah, wala po… pasensya na po ulit pero kailangan ko na pong umalis,” paalam ko sa babae at nagmadali ng umalis sa Resort de Salvadore’.“Fily! How are you? Pinapahirapan ka ba ng pinsan ko?” narinig kong sambit ni Matthew sa babaeng nabangga ko. Mabuti na lang talaga at nagmadali akong umalis duon kung hindi ay baka maabutan at makita ako ni Matthew. Sobrang loyal pa naman ng lalaking iyon kayy Theo. Habang naglalakad papunta sa sakayan ay tumawag si Nathalie sa akin kaya naghahanda ko na itong sigawan ng mauna na itong magpaliwanag sa’kin.“Hep, hep… sorry na Amy, ngayon ko lang din nalama
“Calamba! Huling destinasyon na po ito, miss pasensya na pero hanggang dito na lang ang jeep ko,” sambit ng driver. “Pasensya na po, ingat po kayo,” sabi ko naman sa driver at mabilis na bumaba ng jeep. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa jeep dahil sa labis na pagod. Mabuti na lang ay Calamba ang huling destinasyon kaya kung sakaling hindi ay lumampas na ako. “Nakauwi na po ako,” masayang bulalas ko pagbukas ng pinto pero suumalubong sa akin ang mangiyak ngiyak kong ina. At katabi nito ay ang may pasa at duguang mukha ng aking ama. “A-anak,”naluluhang tawag sa akin ni Mom kaya mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. “A-ano pong n-angyari dito? Bakit po dumudugo ang labi ni Dad?” nagtatakang wika ko sa kanila ngunit napailing na lamang ang aking Tito at Tita. “Y-yung pinagkakautangan ng Dad mo natunton tayo anak, nang walang maibigay ang ama mo ay iyan ang ginawa nila,” nahimigan ko ang galit sa boses ng aking ina. Kahit ako ay magagalit sa mga taong nakaka
CHAPTER 184:I took a nap sa airplane dahil 4 na oras pa naman ang biyahe. Binaba ko ang shades ko at umidlip kahit kakasakay pa lang sa eroplano. Sanay na sanay na ako sa turbulence kaya hindi na ako nabo-bother doon, instead tinutulugan ko na lang ang ingay. Sakto naman pag-unat at pagmulat ng mata ko ay malapit nang makadating sa airport ng Japan. Pero nagulat ako ng may tumikhim sa gilid ko. “Oh my….what the fuck are you doing here?......Love?” para akong nakakita ng multo. Nagtinginan pa ang iba samin dahil sa pagsigaw ko. Mabilis akong yumuko at tinago ang mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan. “Bakit hindi mo sinabing babalik ka ng Japan? Akala ko ba napag-usapan na natin ito, Celeste?” Muli ay napayuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. “I-im sorry…I just need to sign a paper and will come back later, love,” pagpapaliwanag ko pero napahilot na lang si Theo sa noo niya. “Hindi mo alam kung paano ako nagkumahog na pumunta ng airport at mag-book ng flight para m
CHAPTER 183: Hanggang sa mag-lunch break kami ay hindi pa rin ako makapaniwala sa katotohanang photographer din pala si Theo. “H-how come, love?” bulong ko. Wala namang nakakaalam na mag-asawa kami ni Theo kaya hininaan ko ang boses ko. Malakas siyang tumawa kaya nahampas ko siya ng malakas sa bibig. “What the?!” gulat na sambit niya. Natutop ko rin ang bibig ko dahil sa nagawa at humingi ng pasensya sa kanya. “Sorry na….but sagutin mo muna ang tanong ko, how did you became my photographer? Or nang-agaw ka lang ng camera?” tanong ko. Natawa na naman siya kaya pinigilan ko na ang kamay kong hampasin siya. “Of course not wife, I am a professional photographer. Hindi mo ba nakita kung gaano ako kaganda kumuha ng litrato?” pagyayabang niya. Pero kitang kita naman sa mga litrato kanina kung gaano siya kaganda kumuha. Maging ako ay namamangha na makita ang sarili kong ganun kaganda. Idagdag pa kung gaano siya kahusay pumili ng anggulo ko, kahit kinikilig ako ay kailangan kong maging p
CHAPTER 182: Hindi ako pinansin ni Theo simula pa kanina, hanggang ngayong nasa eroplano na kami. Pero nag-aalala naman siya sa ‘kin ng humingi ako ng kape at sinasadya kong kamuntikan ng matapon. “Mag-ingat ka, Celeste. Wala dito yung piloto para i-entertain ka,” sarkastikong saad ni Theo at binalot ng tissue ang kape ko para hindi gaanong mainit. “Are you mad ba?” tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. “Yeah, you are,” pagsagot ko sa sarili kong tanong. Nang lumipad na sa himpapawid ang sinasakyang eroplano ay biglang nagsalita ang piloto ng airplane. “I would like to acknowledge the presence of Miss Celeste Amethyst. Nice seeing and talking for a bit with you,” saad niya pagkatapos magsabi ng iilang reminder patungkol sa flight. “At nakipaglandian pa talaga ang pilotong iyon?” sarkastikong bulong ni Theo. Natawa na lang ako kaya tinignan niya ako ng masama, “I love only Theo. So wag ka ng magalit sa ‘kin please?” Kinulit kulit ko pa siya hanggang sa hinila niya ako
CHAPTER 181: Magkaharap kami ngayon ni Alec sa police station, katabi ko si Theo habang nasa likod naman sina Colton at Matthew. “You will pay for what you have done to me bitch!” inis na saad ni Alec. Pero hindi man lang ako makaramdaman ng kahit anong kaba o takot. Mas natakot pa ako ng tumayo si Theo, napasandal din si Alec sa kinauupuan niya at handa na ang kamay na pangsangga. “Yes? Hello! You already have the report?” “Okay, I’ll just take this call. Matt, ikaw na ang bahala may kakausapin lang ako,” saad ni Theo at umalis sa kanyang kinauupuan. “What’s the case all about officer?” seryosong tanong ni Matthew at umupo sa bakanteng upuan na iniwanan ni Theo. Pinaliwanag ng officer na kinasuhan daw ako ni Alec about serious damage and oral defamation. Nagtaka pa ako nung una dahil wala naman sa mga iyon ang totoo. “Serious damage and defamation? Really?” natatawang saad ko kay Alec. “You should apologize to me now, Amethyst. Or else-” “Or else what? Mr. Alec San Miguel? Yo
CHAPTER 180: “How about making our night a little spicy, Celeste?” bulong ni Theo. Napaigik naman ako dahil sobrang sexy ng boses niya, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at ibinaba ang baso ng warm milk ko. Mabilis akong lumapit sa kanya, hinawakan niya ako sa bewang at inalalayan paupo sa kandungan niya. Napalunok ako ng maramdaman ko ang pagkalalaki niya sa pagitan ng aking mga hita. Sinunggaban agad ni Theo ang aking labi kaya nag-eespadahan ang aming mga dila habang gumagalaw ang aming mga ulo. Naitaas ko rin ang kamay ko ng itaas ni Theo ang damit na suot ko, tumambad sa kanya ang dibdib kong namumutok sa laki pero may nakaharang pang bra. “Eyes here, Theo.” Tumawa na lang si Theo at pinalo ang aking pwetan bago himasin. Hindi ko alam na masarap pala iyong pinapalo ang pwet bago hihimasin. Mas idiniin ko rin ang may saplot kong pagkababae sa t****o niyang parang gusto ng sirain ang humaharang sa pagitan namin. “Ohhhh,” ungol ko ng maramdaman ko ang dila ni Theo
CHAPTER 179: “Ha? A-annulment?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Marahan namang tumango ang lalaki at yumuko sa aking harapan. “Sasabihin ko pa lang sana sa ‘yo, pero anong ginagawa mo? Celeste? M-masaya bang paglaruan ako?” masakit na sambit ni Theo. “Anong pinagsasabi mo diyan?” napatingin pa ako sa palagid. Madami ng tumitingin sa amin dahil sa ginagawa ni Theo. “Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito, Celeste? Akala ko wala na akong pag-asa kaya pina-process ko na yung gusto mong annulment.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya dahil iyon naman talaga ang una kong binaggit sa kanya. Gusto ko ng annulment, pero nagtataka lang ako sa isang bagay. “Wala akong pinirmahan na annulment, Theo.” “Ha? E ano yung sinabi sa ‘kin ni Matthew?! Sabi niya inayos na raw-” nakatitig lang ako sa kanya. Nang makitang tumatawa si Matthew sa gilid ay bigla na lamang siyang nawala sa harapan ko para habulin si Matthew. Napaka-childish talaga, naturingan pa namang cold at matigas na CEO pe
CHAPTER 178: “Wow, perfect family naman,” pang-aasar ni Nat. Pero inirapan ko lang siya at sinarado ang pintuan ng kotse. Nang okay na lahat ay sunod-sunod na ring nagsi-alisan ang mga kotse. At dahil maaga nga ang byahe namin ay wala masyadong prepared na foods pero may sandwich naman akong ni-ready in case. “Daan ka muna diyan sa Mcdo, bili muna tayo ng foods. Nasabihan ko na rin sina Nat at Fily,” wika ko kay Theo at tinuro ang madadaanang Mcdonald’s. Madami na akong inorder kagaya ng chicken, nuggets, burger, drinks and also fries kase request ng kids. Sila Nat at Fily naman ay nasa likod ng sasakyan namin at sila na lang daw ang bibili ng foods nila para hindi na raw hassle. “Can you give me the sandwich, please?” saad ni Theo. “Which one?” tanong ko at hinalungkat ang paper bag ng Mcdo pero iba pala ang gusto niya. “Not that one, yung sandwich na ginawa mo ang gusto ko,” saad nito kaya napatitig ako sa kanya. Naramdaman siguro niyang may nakatitig sa kanya kaya napa
CHAPTER 177: Gabi na ng matapos yung trabaho ko, nag-unat pa ako kase sumakit ang batok ko dahil sa dami ng natapos ko. Siguro bukod sa mga payoneer days ko habang tinatayo ang kumpanya ay isa na ito sa mga araw na sobrang productive ko. Nagsi-uwian na ang mga staff ko, maging si Rachel ay nagpaalam na ng 5 pm. Dahil yun naman talaga ang tamang awas nila, kaya mag-isa tuloy akong naglalakad papunta sa elevator. “Mommy, can we sleep in your house po?” voice message ni Cartier. Natawa ako habang pinapakinggan ang iba pa niyang mga recordings. Hindi ko ito napansin kanina kase naka-silent at para hindi talaga ako madistract habang ginagawa ko ng isang araw ang halos 3 linggo kong trabaho. Worth it naman lahat ng sakit at pagod ko ngayon dahil mga anak ko naman ang makikita at makakasama ko. “Please? I will behave, Mom.” “Can we sleep together again?” “Kuya, you should tell Mom, that you want to sleep here also.” Kinuntsaba niya pa talaga ang kuya niya kaya narinig ko
CHAPTER 176:Gulat na gulat ako ng bumungad sa ‘kin si Archer at Cartier habang may hawak na bulaklak. “Oh my god! D-diba sa vacation pa kayo pupunta rito?” “Daddy made it happen, Mom,” wika ni Archer. Hinalikan ko siya sa ulo ng iabot nito ang bulaklak na hawak-hawak. “Mom, I missed you so much,” sabi naman ni Cartier na yumakap sa binti ko kaya binuhat ko siya. At kinarga papasok ng apartment ko. Nag-uumapaw sa saya ang puso ko, dapat nga sila ang isu-surprise ko pero ako pa tuloy ang maagang na-surprise. Inayos ko na rin ang lamesa at mabuti na lang ay madami akong naluto. “Wait, may nakalimutan pa tayo. Masyadong na-excite si Amy ng makita ang mga anak kaya hindi napansin yung iba,” saad ni Nat. Nilakihan nito ang pintuan kaya nakita ko si Theo na napakamot sa kanyang ulo, pero pumasok din naman ng papasukin siya ni Nat. “W-wait, anong ginagawa mo rito?” pabulong na tanong ko. Nakita ko kasing nakatingin ang dalawang bata kaya hindi ko pwedeng away-awayin ang Daddy nila. “W