Tila hindi nag-si-sink in sa akin ang nangyayare, nakita ko na lamang ang sarili kong lumuluha habang tinitignan ng maayos kung ang nobyo ko ba ang nasa litrato. “Si Cade ‘to right?” text sa akin ni Debbie.Isang oras na din pala akong nakatitig sa litratong pinadala ng kaibigan. Ngayon ko lang din nakita ang ganyang ngiti mula kay Theo.“Nagloloko ba ito Amy? Tell me na hindi sasabunutan ko iyan dito,” galit na aniya ni Debbie ng tumawag na ito dahil hindi ko siya nirereplayan.“I wanna ask him first Deb,” mahinang saad ko sa kaibigan. Kahit papaano ay ikinakalma ko ang aking sarili. Baka nagkakamali lang kami ng intindi sa litrato. Gusto ko pa ring manggaling mismo sa lalaki kung totoo ba ito o hindi. “Fine, ask him now Amy,” wika ni Debbie sa kabilang linya kaya pinatay ko muna ang tawag ng kaibigan.Muli ay ikinalma ko muna ang sarili ko bago naglakas na tawagan ulit ang nobyo. Kring! Kring! Kring!Sa bawat ring ng cellphone ko ay rinig ko rin ang malakas na pintig ng aking pu
Mabilis din kaming nakadating ni Deb sa bar kung nasaan din sila Nat. Mukhang mas problemado pa si Deb kesa sa akin dahil panay ang tingin nito sa paligid.“Do you really wanna join us? You can talk and cry all you want, you have us Amy okay? Hindi ka namin pababayaan hm,” saad ni Deb na siyang nagpalambot ng puso ko. Lahat naman sila kahit puro asar at pamimikon ang ginagawa basta may problema, laging nakadamay at todo saklolo sa bawat isa.“This is how I want to cope up Deb, kung kaya niyang makipagkita ng iba without even bothering na makita ko or makita ng iba, can't I do the same?” mapaklang saad ko sa kaibigan.Kahit hindi ko maaatim na makipaglandian or makipag-flirt sa mga lalaki diyan sa loob ng bar. Life is just so unfair, paano nakakaya ng iba na makipagkita sa kalaguyo nila diba. “I wouldn't invalidate your feelings Amy, but is this right? Na gagawin mo rin yung ginawa niya sa ‘yo?” sincere na saad ni Deb na inilingan ko lang at iniyuko ang ulo. “I know you Amy, hinding
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay mas nag-focus ako sa pag-inom na kahit umiikot na ang paningin ko ay tanggap lang ako ng tanggap ng shots. ”Tara sa dance floor Amy,” wika ni Nat habang pasuray suray pang tumayo at isinama ako sa dancefloor.Tatanggi pa sana ako ng nahatak na ako nito sa braso at muntik pang matapilok ng mabuti na lang ay napahawak ako sa lalaking napadaan.”Careful miss,” bulong nito sa tainga ko habang hawak ako sa bewang kaya mabilis kong tinanggal iyon sabay sunod kay Nat sa dance floor.”Nat? Where are you?” sigaw ko habang nasa gitna ng dance floor dahil hindi ko makita ang kaibigan at nag-aalala ako na baka mapahamak lalo na at lasing na ito.Masyadong malakas ang tugtog malapit sa stage kaya mas lalong umiikot ang ulo ko. Habang hinahanap si Nat ay bigla na lamang may pumulupot na kamay sa bewang ko. ”Sorry but I have to find my friend,” maayos na saad ko sa lalaking nais makipagsayaw pero ayaw akong bitawan.”Let’s dance miss, I am a great dancer,” saad ng
”Kapag ako dapat magpaalam, samantalang mga kaibigan ko lang naman ang kasama ko. Nagpaalam ka ba na I-de-date mo yung kabit mo?” saad ko sa lalaki na nagpatahimik dito.”Mag-usap tayo sa condo Celeste,” mahinahon pang saad ni Theo.Pero dahil sa galit na nararamdaman ay mabilis ko lang itong nilagpasan. At tila walang narinig, mabilis akong naglakad pabalik na sana sa bar ng pigilan ako ng lalaki.”Celeste, let’s talk in the condo please,” wika ng lalaki habang nakahawak sa kamay ko.”Remove your fucking hands,” walang emosyon na wika ko sa lalaki habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mata.Nang hindi nito tinanggal ang kamay ay buong lakas ko ng winaksi ang braso ko upang mabitawan na nito ang aking kamay. ”We were fine before I left babe, may nangyari ba? Pag-usapan natin kung ganon,” pagmamakaawa ng lalaki at hinarangan ang dinaraanan ko.”I also know we were fine, hindi ko alam na iniiputan na pala ako sa ulo,” maanghang na saad ko sa lalaki na kinamaang nito.”I couldn’t do
Pagkatapos ng sinabi ko ay hindi agad naka-imik ang lalaki kaya itinuloy ko ang nais kong sabihin.“Ganun nalang ba kadali sa iyong saktan at palitan ako? May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan? I-I thought you were so kind enough to even make me feel the same pain you save me from. Pero sa cheating pa rin pala ako babagsak, and you know kung bakit mas masakit Theo?” sunod sunod na saad ko sa lalaki.”I love you so much, the kind of love I never felt in my past relationship.” Patuloy na bumabagsak ang luha ko at sinubukan iyong punasan ng lalaki. Hindi ko rin alam kung namamalikmata ba ako ng makita ko ang sakit at lungkot sa mukha nito.”I-I couldn’t do that to Celeste, kahit kailan hindi iyan pumasok sa isip ko,” aniya ng lalaki at susubukan sanang hawakan ang kamay ko ng tinabig ko iyon.”D-don’t you dare touch me with that filthy hands Theo, mga kamay na humawak sa babae mo,” mariing saad ko sa lalaki.”Hindi ko kaya Celeste, b-babe…,” pagmamakaawa nito pero umiling lamang ako.
—------------------------------------------------THEO—----------------------------------------------------------Simula nung gabing tumawag ang aking ina ay patuloy na ito sa pangungulit sa akin. Kahit patuloy ko itong tanggihan ay tila wala itong pinapakinggan.“I told you already, I considered my mom died a long time ago already,” inis na wika ko sa ina na tumawag na naman habang nasa kumpanya ako.“P-pero anak, gusto ko lang ipakilala ang kapatid mo bago ako mamaalam sa mundo,” nahimigan ko ang lungkot sa boses nito pero isinawalang bahala ko na lamang iyon. “Sa pagkakatanda ko ay wala akong nakababatang kapatid, I am an only child na anak ni Dad,” mahinahon na saad ko sa kabilang linya at pilit na pinapakalma ang aking sarili.Ngunit napapahilot na lamang ako sa aking noo dahil sa mga sumunod na pangyayari.“Anak, wala kaming matuluyan ng kapatid mo, pinalayas kami sa dati naming tinitirhan kaya kahit nakakahiya ay wala akong magawa dahil ikaw na lang ang tanging naiisip kong ma
“Magbabanyo lang ako Theo, Tori kausapin mo ang kuya mo para hindi mabagot,” wika ng aking ina na masayang tinaguan lang ng aking kapatid kuno. Mukhang sobrang lapit nila ng aking ina dahil hindi man lang makikitaan ng pait at lungkot sa kaniyang mata sa tuwing kausap ang aming ina.“Kuya?” tawag nito kaya napatingin ako sa kapatid.“Yes? You need anything?” tanong ko sa kapatid at tatawagin na sana ang waiter ng marahan lang itong umiling.“Gusto ko lang mag-thank you dahil tinulungan mo kami ni mama, actually matagal ka ng gustong tawagan at kausapin ni mama pero natatakot siya. Alam niya kasing galit at kinasusuklaman mo siya, palagi ko rin siyang nakikitang hawak ang picture mo nung baby ka pa,” kwento sa akin ng kapatid ko habang sumusubo ng pasta. “Ang sarap dito kuya no? Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na spaghetti,” magiliw na wika ng aking kapatid na ikinailing ko dahil italian style ang pasta na iyon kaya kakaiba talaga ang lasa.“Wala bang kumpanya o negosyo an
Narinig ko ang sunod sunod na paghingi ng sorry ng aking ina pero patuloy akong naglakad papunta kay Tori. Katulad nga ng sinabi ko sa kaniya, kay Tori lang ako may pakialam, kung hindi dahil kay Tori ay tiyak na hindi ko siya kikitain o kakausapin man lang. Pagkatapos mamili ni Tori at ng aming ina ng mga damit at kailangan nila ay ipapasundo ko na lamang sila sa aking tauhan. Dahil balak kong ipaghanda ng dinner si Celeste mamaya, mamimili muna ako ng groceries dahil baka kulang ang mga sangkap sa ref.”Ano pa bang kulang para sa sinigang?” tanong ko sa aking sarili habang tulak tulak ang pushcart na may lamang mga groceries.At ng matapos sa grocery ay balak ko na talagang umuwi ng bigla namang tumawag ang aking secretary na may kailangan daw akong pirmahang papeles ASAP daw. Kaya wala akong nagawa kundi iharurot ang kotse papunta sa kumpanya. ”Why is that so late Buck?” inis na saad ko sa aking secretary pagdating sa aking opisina. Mabilis kong hinubad ang aking coat at hinagis
“Calamba! Huling destinasyon na po ito, miss pasensya na pero hanggang dito na lang ang jeep ko,” sambit ng driver. “Pasensya na po, ingat po kayo,” sabi ko naman sa driver at mabilis na bumaba ng jeep. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa jeep dahil sa labis na pagod. Mabuti na lang ay Calamba ang huling destinasyon kaya kung sakaling hindi ay lumampas na ako. “Nakauwi na po ako,” masayang bulalas ko pagbukas ng pinto pero suumalubong sa akin ang mangiyak ngiyak kong ina. At katabi nito ay ang may pasa at duguang mukha ng aking ama. “A-anak,”naluluhang tawag sa akin ni Mom kaya mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. “A-ano pong n-angyari dito? Bakit po dumudugo ang labi ni Dad?” nagtatakang wika ko sa kanila ngunit napailing na lamang ang aking Tito at Tita. “Y-yung pinagkakautangan ng Dad mo natunton tayo anak, nang walang maibigay ang ama mo ay iyan ang ginawa nila,” nahimigan ko ang galit sa boses ng aking ina. Kahit ako ay magagalit sa mga taong nakaka
“Ano ba ‘yan miss? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,” inis na saad ng babaeng nabangga ko sa kakamadali. “S-sorry po… pasensya na po talaga,” kinakabahang wika ko sa babaeng nabangga ko pero hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya. “May humahabol ba sa ‘yo? Bakit parang gulat na gulat ka? Walang mananakit sa ‘yo sa lugar na ‘to,” pagpapakalma sa ‘kin ng babaeng nabangga ko. “A-ah, wala po… pasensya na po ulit pero kailangan ko na pong umalis,” paalam ko sa babae at nagmadali ng umalis sa Resort de Salvadore’.“Fily! How are you? Pinapahirapan ka ba ng pinsan ko?” narinig kong sambit ni Matthew sa babaeng nabangga ko. Mabuti na lang talaga at nagmadali akong umalis duon kung hindi ay baka maabutan at makita ako ni Matthew. Sobrang loyal pa naman ng lalaking iyon kayy Theo. Habang naglalakad papunta sa sakayan ay tumawag si Nathalie sa akin kaya naghahanda ko na itong sigawan ng mauna na itong magpaliwanag sa’kin.“Hep, hep… sorry na Amy, ngayon ko lang din nalama
“A-anong sinabi mo Hon? A-ang mga A-alejandro? B-but they were nice hindi ba? T-tama ba ang narinig ko? Alejandro?” naguguluhang tanong ni Mom kay Dad. “A-akala ko mapagkakatiwalaan din sila ngunit nagkakamali pala ako, sila ang nasa likod kung bakit tuluyang nawala ang mga investors, maging ang patuloy na paninira sa mga produkto natin,” nanghihinang wika ni Dad at narinig ko pa sa loob ng kwarto ang pagkalansing ng baso hudyat na umiinom na naman si Dad.Napatingin ako sa aking kamay ng may tumulong luha mula sa aking mata. Akala ko masakit na yung pag-iwan ko kay Theo, at marinig sa mismong bibig ng lalaking mahal ko na awa lang ang lahat. Ngunit mas masakit palang malaman na pamilya nila ang may kagagawan kung bakit nawala sa amin ang kumpanya. “Y-you will never be like you Dad and Grandfather who are ruthless and cold hearted,” bulong ko sa aking tiyan habang hinihimas ito. Palalakihin ko ang batang ito na puno ng pagmamahal at may malasakit sa kapwa. Hinding hindi nito maiisip
“Y-you were the one who pushed that arrange marriage Dad. I was against that pero para sa kapangyarihan kaya mong ipamigay ang nag-iisa mong anak,” masakit na sambit ko kay Dad kaya napatayo na ito sa kanyang kinauupuan. Mabilis itong lumapit sa akin at itinayo ako habang mahigpit ang pagkakahawak sa magkabila kong braso. Kahit anong pagmamakaawa ko ay tila walang naririnig ang aking ama. “That was for your future. So you won’t have to worry about your damn future kid. Connection. Connection ang magpapalawak ng pangalan mo, without Alejandro’s that time no one is high enough for you,” wika ni Dad kaya natawa na lang ako sa sinabi nito. Kahit nanghihina ay pinilit kong ipunin ang aking lakas upang makawala sa hawak ng aking ama. “Connection? You think I can’t do that Dad? You really think so lowly of me huh. All this time I was proving myself worthy but it doesn’t make sense to you at all. O-only Theo made me feel that,” masakit na saad ko sa aking ama. “I guess that child is from t
“SINONG BUNTIS?!” galit na wika ni Dad. At mabilis itong pumasok sa silid na aking kinauupuan. Dahil sa matinding gulat ay nakatulala lamang ako sa aking amang galit na galit na nakatingin sa akin. “Sinong buntis Celeste? Ikaw ba?” sigaw na tanong ni Dad at hinawakan ang aking braso upang tumayo. Kahit nanghihina ay wala akong magawa kundi tumayo dahil sa nararamdamang sakit sapagkat mahigpit ang hawak ng aking ama sa aking braso. “Dad, masakit po please,” nagmamakaawa kong sabi kay Dad pero tinignan lang ako ng nanlilisik nitong mga mata. “Ikaw ang buntis? Sinong ama? Iyong Alejandro ba Celeste?” sunod sunod na tanong ni Dad sa akin at tuluyan na itong napasabunot sa kanyang buhok. “I-i can explain po Dad please,” umiiyak kong wika sa aking ama pero tinalikuran lang ako nito. “Bumaba ka Celeste Amethyst,” may pagbabantang sambit ng aking ama bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Dahlia. Tuluyan na rin akong napaupo sa sahig ng kwarto ni Dahlia dahil sa labis na panghihina. Simula
Habang sinusulyapan ang kapaligiran, mahahalatang ibang iba ito sa Manila. May nakikita pa akong mga kapunuan dito habang sa Manila ay kakaunti lang. Dito sigurado akong magsisimula talaga kami sa baba, tanging tiyahin ko lang naman ang kakilala namin dito. “Celestine, kamusta na kayo? “ wika ng aking tiyahin ng makababa kami sa tricycle na sinasakyan. Tinulungan pa kami ni Tita na magbaba ng mga gamit namin kaya nagpasalamat ako sa kanya. “Ayos lang ate, pasensya na ha, ikaw na lang talaga ang naiisip kong puntahan,” nahihiyang sambit ng aking ina habang yakap yakap ang kanyang kapatid. Nakita ko namang tumango si Dad sa tiyahin tsaka tiyuhin ko. Mabuti na lang ay mabait ang kapatid ni Mom kaya may matitirhan kami kahit pansamantala lang hanggang sa makakuha ako ng bahay na pwede naming lipatan. Kaya kailangan ko na ring magtrabaho upang may maibigay naman kami kina tita kahit papaano. “Ano ka ba Celestine, tayo tayo na nga lang ang magkakadugo hindi pa ba tayo magtutulungan?” na
“What are you trying to say again anak?” tanong ni Mom sa akin kaya napabalikwas ako sa aking iniisip. “W-wala Mom, nakalimutan ko din po,” kunyari’y natatawang saad ko pero kabado na ako sa para sa aking sarili at sa munting buhay na nasa aking sinapupunan. I am so so scared what will Dad do if ever he knew I am carrying Theo’s child. Kaya siguro hindi ko masabi sabi kahit kay Mom dahil baka malaman ng aking ama. “Mom, hindi pa ba tayo aalis? Nasaan ba ang bus na sasakyan natin?” pagtatanong ko sa aking ina sapagkat medyo matagal na rin kaming nakatayo at naghihintay rito. “Y-your Dad is still talking to someone, let’s wait for him okay?” saad naman ni Mom kaya napabuntong hininga ako. Kapag lalong tumatagal ang pananatili namin ay hindi ko maiwasang alalahanin si Theo na iniwan ko sa kanyang condo. Sa bawat minutong lumilipas ay mas nananaig ang kagustuhan kong manatili na lamang sa tabi ni Theo. Kahit puro galit pa ang matanggap ko sa lalaki ay ayos lang basta nakikita at naka
Pagkatapos kong lisanin ang condo ni Theo ay mabilis kong tinawagan ang aking mga magulang. Upang ipaalam na papunta na ako kung nasaan sila.“Bakit ngayon ka lang nagparamdam anak? Kahapon pa kami nag-aalala ng Dad mo,” saad ni Mom sa kabilang linya.“M-ma pasensya na po, natagalan po kase akong nakaalis sa condo ni Theo,” mahinang sambit ko sa aking ina. “Ayos ka lang ba anak? Bakit natagalan ka sa pag-alis? Dahil ba kay Cade?” tanong ng aking ina na kinailing ko na lamang. Alam ko sa sarili kong ginusto ko ring manatili kagabi. Hindi man sapat iyon upang pagaanin ang aking dalamhati ay sapat na mayakap at mahagkan si Theo. “S-sobrang hirap po umalis Mom, y-you how much he means to me po,” nanginginig na saad ko sa kabilang linya. “I-im sorry anak, kase wala akong magawa. Mahal na mahal ko kayo ng Dad mo. A-alam kong hindi kakayanin ng Dad mo kung pati tayo ay tuluyang bibitawan siya,” malungkot na sambit ni Mom. “I-i know po Mom, k-kahit sobrang hirap magdesisyon. Sana lang po
“So ano ka? Hindi ba't mas masahol pa sa hayop ang ginawa mo? Para sa pera diba? Gusto mo ng pera Celeste? Sumagot ka! Gusto mo ng pera diba?!” galit na sambit ni Theo. Nakita ko ang litid sa leeg niya na parang sasabog na dahil sa galit. Kahit ako ay nanginginig na sa takot mula sa aking kinatatayuan. Pero iniisip ko ang mga magulang kong naghihintay sa ‘kin. Kaya kahit alam kong napakawalanghiya ko na sa mata niya wala akong magagawa kundi panindigan ang ginawa ko. “OO gustong gusto ko ng pera kaya nga ako nagtagal sa ‘yo diba? Baka nga nagpapakalantari na ako sa iba kung wala akong nahuhuthot na pera galing sa ‘yo,” walang emosyon kong saad sa lalaki. Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng dahan dahang lumapit sa akin si Theo. Hindi ko na makita sa mata nito ang lamlam at pagmamahal na palagi kong nakikita sa tuwing nakatingin ito sa akin. “Then strip Celeste, maghubad ka sa harapan ko. Sa huling pagkakataon, bigyan mo naman ako ng magandang performance,” bulong sa akin ni Theo ka