Share

CHAPTER 30: Danger

---------------------------------------------------CELESTE----------------------------------------------------------

Habang pinupuntahan ni Nat si Tita Maricel ay kinakabahan akong naghihintay dito sa may kalayuan. Kino-compose ko na ang sarili ko dahil alam kong hindi lang galit ang kahaharapin ko, ito ay isang inang nawalan ng anak. Kaya pinapaalalahanan ko na ang sariling kong maging maintindihin at pasesyoso.

”Tita condolence po,” saad ko habang nakayuko ang ulo at sandali lamang itong tinignan pero hindi ko pala kaya kung gaano kabigat ang mga tingin ng ginang.

Wala itong sinabi matapos ang sinabi ko kaya itinaas ko ang ulo ko ngunit isang sampal ang natamo ko. Inintindi ko ito subalit alam kong sobra ang sakit at hinagpis na nararamdaman nito.

”Wala po kayong karapatan saktan ang kaibigan ko ma’am,” galit na saad ni Nat pero tinignan ko lang ito at nginitian ng maliit kaya napabuga ito ng hininga. Naiintindihang tumango naman ito sa akin.

”Ang kapal din ng mukha mong pumunta sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status